Chapter 5 - Chapter Four

"Elizabeth!" Inalis niya ang tingin sa singsing nang may tumawag sa kaniya. Nilingon niya ito. Ito ang lalaking nakita niya sa jeep kanina. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. "Elizabeth," ulit nito pero sa pagkakataong 'yon ay nasa harap na niya ito.

Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap. It felt so good to be welcomed like this. Sana lahat. "Bruce?" Kumalas siya sa pagkakayakap dito at sinapo ang magkabilang pisngi ng binata. "Bruce Willis or Bruce Lee?" Nagpanggap siyang nalilito kung sino ito.

"Silly." Malapad ang ngiti nito. "Hindi ka pa rin nagbabago, Taba."

"Sinong 'di nagbago?" Kunwari ay nagalit siya rito. "Ang laki nga nang ipinagbago ko. Tingnan mo, ang laki ng nabawas sa timbang ko. Sexy na ako ngayon kaya 'di mo na ako puwedeng tawaging 'taba'."

Totoong malaki ang ipinayat niya dahil mataba siya noon. Dinaraan niya kasi sa kain ang lahat; kapag stress siya, malumgkot, o masaya. 'Food is life' kasi ang motto niya. Noong tumira siya sa France ay nagbago ang kaniyang lifestyle kaya ang sexy figure niya ang naging resulta.

Tumawa ito. "Tatawagin pa rin kitang taba." Sinimangutan niya ito pero agad din siyang ngumiti. "Don't worry, ikaw ang nag-iisang matabang sexy sa paningin ko. Ipagsisigawan ko 'yon sa buong mundo para maniwala ka."

"Tse! Madaldal ka pa rin." Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. "By the way, paano mo ako nakilala?"

"You made a scene earlier." Abot-tainga ang ngiti nito. "Ikaw lang ang kilala kong gagawa nang ganoong klaseng eksena." Mukhang tuwang-tuwa ito sa ginawa niya. "And besides, I know you. Kahit ano pang itsura mo, makikilala pa kita."

"Tama na nga 'yang pambobola mo, Bruce." Umangkala siya sa braso nito. "Pumunta na tayo sa reception dahil nagugutom na ako." Laking pasasalamat niya dahil naroon ang binata. May iba na siyang makakausap maliban sa pamilya niya. "Tita Gina, kay Bruce po ako sasabay," paalam niya sa tiyahin. Kilala nito ang binata dahil tuwing may meeting noon sa school ay naiiwan ang guardian nila para kausapin ang kanilang adviser.

"Sige, mag-iingat kayo sa biyahe."

"Opo," sabay nilang tugon.

"Wala akong dalang sasakyan," bulong ni Bruce sa kaniyang tainga. Ganoon din sila noong high school. Trip nilang magbulungan kahit 'di naman sekreto ang kanilang pinag-uusapan. "Nakita kita kanina sa jeep. Paano 'yan?" bumubulong pa rin ito. "Gusto mo bang sumabay tayo kay Daddy o magko-commute na lang tayo?"

"Mag-commute na lang tayo."

Na-miss niyang sumakay sa pampublikong sasakyan. Noong dumating kasi siya sa France ten years ago ay hatid-sundo siya ng kanilang family driver. Noong nag-debut siya'y niregaluhan naman siya ng step father niya ng kotse kaya 'di siya nagko-commute maliban na lang kung may sira ang sasakyan niya at hindi available ang driver nila.

"Okay."

"Bruce, anong pinagbubulungan niyo?" istriktong tanong ni Tito Benjie. 'Di pa sila nakakaalis doon. "Dumiretso kayong dalawa sa reception. Huwag kayong liliko kung saan-saan." Para silang mga paslit na pinapangaralan nito.

Nagkatinginan sila ni Bruce. Nakita niyang nagkamot ito ng ulo sabay iling. Ibang klaseng liko kasi ang tinutukoy ng kaniyang tiyuhin pero malabo naman nilang gawin 'yon.

"Tito, huwag po kayong mag-alala. Si Elizabeth po ang tipo ng babae na matatag ang paninindigan. Hindi niya ipagpapalit ang pagkain sa 'kin kahit na mala-Adonis ang mukha at katawan ko," biro nito.

Kinurot niya sa tagiliran ang binata. "Tumahimik ka nga."

"Mabuti naman kung ganoon. Sige na, umalis na kayo at baka magwala ang dragon na alaga sa tiyan ng sexy kong pamangkin."

"Tito, bakit mo sinabi ang sekreto ko?"

Nagtawanan sila. Lahat yata nang nakarinig sa usapan nila ay tumatawa maliban kay Thad. Hindi maipinta ang mukha nito nang masulyapan niya.

HE WAS BUSY taking photographs. Kahit may official photographer ay 'di niya mapigilan ang sariling kumuha ng litrato. Iyon ang pinaka-espesyal na araw para sa kaniyang kapatid kaya kung posibleng makuhanan niya ng larawan ang lahat ng kaganapan ay gagawin niya. Good thing because Nathalie was with some of the celebrity guest. Hindi ito magseselos na camera ang hawak niya imbes na ito.

Film producer ang napangasawa ni Leina kaya may mangilan-ngilang celebrity at press na imbitado sa kasal. Idagdag pa na wedding planner ang kaniyang kapatid na may naging kliyenteng mga artista. Sa katunayan, sa isang wedding ng celebrity nagkakilala si Leina at Dave. Nagkakilala rin sila ni Nathalie nang minsang sumama siya sa isang wedding event na in-organize ni Leina.

Walang patid ang pagkuha niya ng mga larawan hanggang sa may nahagip ang kaniyang paningin. The woman wore a turquoise halter dress. Nakalugay ang tuwid nitong buhok na lampas balikat ang haba. Walang itong kolorete sa mukha pero natural na kulay rosas ang pisngi ng dalaga. Lip gloss lang ang pinahid nito sa labi. Ang sapin nito sa paa ay flat shoes imbes na high heels.

She looked simple but dazzling. Bawat maraanan nito ay napapalingon dito. Nakaukit sa mga mukha ng tao ang paghanga habang sinusundan ito ng tingin. He can't blame them because he felt the same. Ang sarap nitong pagmasdan habang naglalakad na hawak ang bouquet. Hindi niya mapigilan ang sarili na kuhanan ito ng larawan kahit pa may kasama itong iba.