Chapter 3 - V-03 (Part 1)

Kapag sinabing mental hospital, tahanan ito ng mga taong may sakit sa pag-i-isip. Mga taong hindi na kinaya ang sobrang bigat na mga problema sa buhay o hindi naman kaya ay naka-ukit na sa kanilang DNA ang magkaroon ng ganoong sakit. It makes you wonder what the limitation of one's brain is or how strong a person is to endure traumas, hearteaches and depression.

Kaya naman pagpasok ni Lesley sa silid na may pulang pinto ang unang tanong na pumasok sa isip niya ay kung ano ang pinagdaanan ng taong ito para makarating sa ganitong sitwasyon? Because in front of her, is the boy behind the red door, quietly sitting on the floor with his back against the white wall and in chains.

Pinasadahan ng kaniyang mga mata ang kabuoan nito. Nakakadena ang mga paa at kamay ng lalaki. Kutis labanos ang balat nito sa sobrang puti at putla na halos kasing kulay na ng suot nitong puting sando. Mahaba ang itim nitong buhok na tumatakip sa misteryoso nitong mukha ngunit naaaninag niya ang mga mata nitong kasing itim ng gabi at kasing bangis ng tigre.

He is like a predator eyeing on his prey. His eyes... they were wild, and full of mysteries. Tahimik itong nagmamasid sa kanila sa isang sulok.

Napalunok siya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Sa loob ng malamig na silid na ito ay isang taong nakakadena na parang isang mabangis na hayop.

What did he do to deserve this kind of treatment? Oo nga baliw ito at marahil mapanganib sa ibang tao o sa sarili nito mismo, pero parang sobra naman ito? At ligal pa ba ito? Naninikip ang dibdib niya sa awa para sa lalaki.

Halos pigil niya ang hininga habang dahan-dahan silang lumalapit dito. Mahigpit siyang napakapit sa strap ng kaniyang sling bag nang tumigil sila sa gitna ng kwarto. Pabigat ng pabigat naman ang dibdib niya sa bawat segundong nakatitig siya sa lalaki. Tapos ay heto na naman iyong pakiramdam na hindi niya mawari.

Ever since she stood in front of this room, she felt uneasy. She felt heavy and uncomfortable.

Hindi niya maunawaan kung bakit ramdam ng bawat parte ng katawan niya ang presensya nito. Para bang may pising nakakonekta sa kanilang dalawa.

"Don't look him in the eye. You don't want to get yourself killed, do you?" narinig niyang sabi ni Mrs. Dapit habang ang mga mata niya ay nakapako sa nakaka-awang lalaki.

Bumalik siya sa sarili mula sa pagkatulala at napakurap-kurap na tumingin kay Mrs. Dapit. "A-ano po?"

"Ang sabi ko, huwag kang makipagtitigan ng mata sa kaniya. He can hypnotize you then he'll tear your limbs apart. And those chains won't stop him if you cross the yellow line," anito saka tumuro sa sahig.

She looked down to see what Mrs. Dapit was pointing at. She saw a straight yellow line dividing the room into two.

"Hanggang d'yan lang ang abot ng kadena. Kaya kapag lumagpas ka, you're dead! He's an extremely violent patient kaya siya nakakadena."

Hindi niya napigilang lingonin ulit ang lalaki sa kabila ng babala ni Mrs. Dapit na huwag makipagtitigan dito. Muli niyang minasdan ang mga kadena nito sa paa at kamay.

Mapanganib daw ito kaya nakagapos. Pero sapat ba iyon para sa ganitong trato? He is sick. He needs help, not this. Baka nga mas pinapalala pa nito ang sakit nito sa pag-i-isip.

Humarap na ulit siya kay Mrs. Dapit na puno ng pagtataka sa sinabi nito.

"Sabi ninyo, he can hypnotize me?"

"Yes, and I'm not bluffing."

Kumunot ang noo niya sa pagdududa. "Paano po?"

Tila nagpanting ang tenga ng matanda sa tanong niya dahil naningkit ang mga mata nito at nakita na naman niya ang mga ugat nito sa leeg.

"Stop asking too many questions Miss Madrigal," mariin nitong sabi. "Ang kailangan mo lang tandaan ay huwag tumitig sa mga mata niya, huwag lumagpas sa dilaw na linya at linisin mo itong ward isang oras bago ka umuwi!"

Sumimangot siya at yumuko. Nang-ga-galaiti na naman kasi ito sa kaniya. Masyado na ba siyang pakialamera?

"Sorry po," nakanguso niyang sabi. Lumunok siya bago nagsalitang muli. "Pa-paano po pala yung mga oras bago ako maglinis? Ano po ang gagawin ko?" tanong niya nang maiba ang usapan. Para kasing sasakmalin na siya nito kapag nagtanong pa siya tungkol sa lalaki.

Hindi ito makapaniwalang napatitig sa mukha niya na parang may mali sa tanong niya.

"Are you kidding me?!"

Mabagal itong umiling tapos ay malalim na huminga at pumamewang.

"You got to be kidding me! You really don't know?! You applied without checking the job description?!"

Natikom niya ang bibig sa gulat sa reaksyon nito. Bakit ito nagagalit? Wala namang masama sa tanong niya. Pero tama ito sa parte na hindi niya inalam ang talagang gagawin niya rito. Basta sabi lang ng ina niya ay janitress daw. Ano pa ba ang gagawin niya rito maliban sa paglilinis? Janitress nga hindi ba?

"Uhm, ang sabi po kasi sa akin, part-time janitress lang," kinakabahan niyang sagot.

Humalukipkip ang matanda at umatras ng isang hakbang. "Unbelievable!" gigil nitong sabi tapos ay nanunuya siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa. Siya naman ay napatingin din sa sarili.

"How about this. I'll tell you what you're going to do here then you can think if you still want to do this or not," Mrs. Dapit said then sighed again. "I want you to carefully think about it. This is going to be your last and only chance of getting out of here."

Hindi niya alam ang sasabihin kaya tinanguan na lang niya ito. Pero kinakabahan siya sa maririnig. Hindi maganda ang kutob niya rito.

Tumuro ito sa lalaking nakakadena habang ang ulo nito ay nakaharap pa rin sa kaniya.

"You're going to be his nanny."

Nagpaulit-ulit sa utak niya ang narinig. You're going to be his nanny...

Tumaas ang pareho niyang kilay at umawang ang kaniyang mga labi. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa lalaki tapos ay sa seryosong mukha na ulit ni Mrs. Dapit. She can tell by her serious face, she is not joking.

Iniling niya ang ulo. May gustong sabihin ang bibig niya pero hindi lumalabas ang mga salitang gustong sambitin nito. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ay tumuro ito sa kaniyang likuran.

"See that kitchen over there?"

Liningon niya ang tinuturo nito. Isang maliit na kusina. May maliit na lababo, may electric stove, may mga kubyertos pangkain at may mga gamit pangluto. Hindi niya ito napansin kanina pagpasok nila dahil nakapako ang mga mata niya sa lalaki.

"He does not eat the food unless he sees you cooking it," ani Mrs. Dapit. "Kaya ipagluluto mo siya ng hapunan sa harap niya. That's because he does not trust anyone nor anything."

Napanganga na lang siya. Wow! I will also be a cook! This guy's personal cook! Kaya pala ang laki ng sahod na alok.

Tumuro naman ito sa kanan niya na agad niyang liningon. There's a water hose hanging on the wall, some soaps and shampoos too.

Lalong tumaas ang dalawa niyang kilay at tinuro ang sarili. Namimilog ang mga mata niyang humarap na ulit sa matanda.

"Ako rin ang magpapaligo?"

"No," mabilis nitong sagot tapos ay tumuro ito sa maliit na kabinet katabi ng mga lalagyan ng panligo. "But his clothes are there, in case he makes a mess on your watch."

Nakahinga siya ng maluwag. She does not want to stain her virgin eyes.

"The nurses and the doctors take care of him in the morning. They bathe him, feed him, give him his medications but they don't clean this room. You see, we are understaffed. And that's because we don't just hire people here Miss Madrigal. We meticulously pick our employees under specific conditions. So it really baffles me why you're here. Ano ang mayroon sa iyo at kinuha ka ni Jacoben? Ha? Tell me."

Nag-iwas siya ng tingin at malamya na yumuko. "Hindi ko po alam."

Pareho sila ng tanong. Bakit ba siya nandito at bakit ganun-ganon na lang siyang tinanggap ni Mr. Alonzo? Higit sa lahat, itutuloy pa ba niya ito?