Chapter 2 - Red Door (Part 2)

"Mr. Alonzo, I'm here."

Naputol ang malalim niyang pag-iisip at liningon ang nagbukas ng pinto sa likuran. Isang matandang babae na may pula at pixie cut na buhok at may malaking bilog na salamin sa mata ang pumasok.

Matingkad ang pula at mahabang palda na suot nito at walang kagusut-gusot ang naka-tuck-in nitong puting polo. Nangingibabaw din ang katangkaran ng matanda dahil sa itim nitong sapatos na may apat na pulgada ang taas at kapansin-pansin ang kwintas at hikaw nitong perlas.

Tumaas ang isa sa maninipis nitong kilay pagkakita sa kaniya at nanunuyang tinignan siya mula ulo hanggang paa. Gumuhit ang mga linya nito sa noo at naglabasan ang mga ugat sa leeg.

Napalunok siya sa kaba. The woman is intimidating from head to toe and it seems like she does not like her. Wala pa siyang ginagawa pero parang may kasalanan na agad siya sa sama ng tingin nito.

"You're scaring her, Kali," ani Mr. Alonzo dahilan para maawat ang nakamamatay nitong titig sa kaniya.

"This is a joke, right?" mataray na sagot ng matanda saka muling binaling ang nanlalaking mga mata sa kaniya. "I asked for a healthy, strong, masculine man! Not a skinny teenager in a skirt!" gigil nitong sabi.

Mabilis itong lumakad papuntang lamesa ni Jacoben at dumukwang upang magkalapit ang mukha nila.

"Anong pakulo na naman ito?! How can she defend herself when he gets out of control again? Huh?! With her boobs? I asked for a soldier and you gave me a girl? Are you out of your mind?!"

Napanganga si Lesley sa sinabi ng matanda. Nagtaasan ang dalawa niyang kilay at parang mabibilaukang napatitig sa dalawa.

A-a-ano raw?

Tumawa lamang si Jacoben. "You know what? That's a good idea. Baka boobs nga ng isang magandang dalaga ang magpapakalma sa kaniya," anito na lalong nagpanganga sa kaniya.

Bakit nila pinag-u-usapan ang boobs ko? Ano'ng kinalaman noon sa trabaho ko? she thought to herself.

"Besides, our precious boy is now a man," dugtong pa ni Jacoben dahilan para mas lalong maningkit ang mata ng matanda.

"I don't need your humor today Jacoben! This is serious!"

"Hey, relax, naglalabasan na yung mga wrinkles mo o!" pabirong sabi ni Jacoben habang tinuturo ang mga guhit sa noo ng matanda.

Ngunit hindi nito natinag ang matalas na tingin ni Mrs. Dapit sa kanilang dalawa. Mas lalo pa ngang nalukot ang mukha nito.

Jacoben sighed. "Heto naman, ang aga-aga, highblood," dugtong pa nito bago umupo.

"I'm tired of dead bodies Jacoben! Replace her! She will only last a day!" sigaw ni Mrs. Dapit na nagparalisa sa katawan niya.

Parang may kung anong malamig na hangin ang biglang bumalot sa buong katawan niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung tama ang narinig. Puno ng pagtataka ang mga mata niyang napatitig sa mukha ng matanda. Ano'ng ibig sabihin nito roon?

"See? You're scaring her," kalmadong saad ni Jacoben habang nakaturo sa kaniya. "Please, orient her now and stop being paranoid. I know what I'm doing, Kali. Ako pa ba? Believe me, she's just the right person for the job."

Hindi niya alam ang tinutukoy ng dalawa pero masama ang kutob niya rito. Parang gusto na niyang magback-out. Pwede pa ba?

Mabigat ang buntong-hiningang pinakawalan ng masungit na si Mrs. Dapit.

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo Jacoben. Bahala ka! I'll do what you ask but her blood is in your hands. Kasalanan mo kapag may nangyari sa babaeng iyan!" Umiiling itong bumaling na ulit sa kaniya. "Follow me."

Parang nasemento sa lupa ang mga paa niya at hindi siya makahakbang o makagalaw. The two just talked about her dying.

She's tired of dead bodies? My blood is in his hands? What does she mean? As far as I know, I'm applying for a part-time janitress, but, it sounds like this job is going to kill me? Kailan pa naging nakamamatay ang maging janitress? O baka masyado lang akong nag-iisip. Baka iba ang ibig sabihin nila roon. She hopes.

Mga ilang segundo siyang na-estatwa bago niya naiangat ang ulo at liningon si Jacoben. She showed him her worried look and hesitation. She needs him to say it is not what she thinks, and what they said was just a joke to make her nervous or to tease her because she is a newbie.

He fortunately noticed her frozen face so he smiled at her. "Don't worry Miss Madrigal, I promise you'll come out here in one piece and unscratched," anito para pakalmahin siya. Nakita nito ang takot sa madilim na ekspresyon sa mukha niya.

"Nagbibiro lang 'yan si Mrs. Dapit. Ayaw kasi niyan sa mga magaganda at batang babae," biro pa nito na tinirikan lang ng mata ng matanda.

It calmed her a little but the scary thought is still in her head. Hindi naman iyon sasabihin ni Mrs. Dapit kung wala lang iyon. Something else is going on in this hospital. Something scary, creepy... deadly...

Pinilit niyang ngumiti saka tumango. "So-sorry po, medyo kinakabahan lang ako. This is my first job."

"Don't we all?" nakangiti nitong sagot. "Trust me, you'll be fine." Somehow, this man's smile is calming her.

"Can we go now? Marami pa akong gagawin," mataray na sabat ni Mrs. Dapit.

Tumuro si Mr. Alonzo sa pinto. "Go on Ms. Madrigal. Mrs. Dapit will take care of you."

Tumango siya. Malalim siyang huminga bago tuluyang lumakad at sumunod sa nagmamadaling mga hakbang ni Mrs. Dapit. The atmosphere was awkward as they walk. Tahimik lang siyang nakabuntot sa likod nito hanggang sa makarating sila sa isang malaking kwarto na puno ng lockers.

Itinuro nito ang magiging locker niya at kung saan niya makukuha iyong mga gagamitin niyang panglinis. Binigyan rin siya ng employee handbook. Nakapaloob dito ang mga rules and regulations ng ospital. She stared at it for a couple of seconds.

Maridona Nobles Asylum Handbook.

Pagkatapos nitong ituro kung saan ang opisina nito, sumakay naman sila ng elevator. Itinapat ni Mrs. Dapit ang ID nito sa maliit na scanner katabi ng mga buton ng palapag.

Nang umilaw ang scanner ng berde ay pinindot ng matanda ang buton na B1. Ilang segundo lang ay bumukas na rin ang elevator at nagpatuloy na silang lumakad hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang pulang pinto.

"We're here," anito saka humarap sa kaniya. "Don't get lost down here Miss Madrigal. This is the only room you are allowed to enter here in Basement One. We have CCTV everywhere. Our security will drag you out if you wander elsewhere."

Mabilis siyang tumango. "Naiintindihan ko po."

"Good." Itinapat nitong muli ang ID nito sa scanner sa gilid ng pinto.

While waiting for the scanner to light green, she suddenly felt scared standing in front of the crimson colored door. There is something in this room that makes her heart beat faster.

Kung ano mang bagay ang nasa likod nito, nararamdaman niya ito. She can feel someone's presence and it's the person behind the red door.

Hindi niya maipaliwanag pero ramdam ng buong pagkatao niya ang napakabigat sa dibdib nitong presensya.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya habang minamasdan ang nakaukit sa itaas ng pinto.

"V-03..."