Chapter 6 - Chapter 5

Enxi Damian's Point Of View.

SINUNDAN ko si Azhi nung umalis sya para habulin si Yin, I don't know what I should do.

Sa ipanapakita ni Azhi ay parang may pakealam pa sya dito, samantalang ang sabi nya sa akin ay mas mahal nya ako kay Yin at ako ang pipiliin nya. Kung ganon ay bakit nya hinahabol ito ngayon.

"Azhi..." tawag ko dito ng makita ko sya sa gilid ng kotse ni Yin, nakasandal sya don at napasuklay pa ng buhok gamit ang kanyang daliri.

Hindi naman ito lumingon sa akin at panay lang ang tingin nya sa paligid at patuloy ang paghanap kay Yin.

My heart pins because of that, "A-azhi" my voice crack.

He finally look at me now. Napalitan ang natataranta nyang itsura ng makita ako. Lumapit sya sa akin at inangat ang mukha ko para magkapantay kami. "Why are you crying baby?" malambing na ani nito.

I feel relieve when I heard what he said. "Why do you still have to chase her, if I'm here?"

Nakita ko ang pagdaan ng guilty sa kanyang mukha. "I was just surprise on here presence earlier." Napahinga naman sya ng maluwag. "I'm sorry." Niyakap nya ako at tsaka hinaplos ang buhok ko.

Niyakap ko naman sya pabalik.

"LYSANDER JAVIER LOZANO!" Agad kong naitulak si Azhi nang marinig ko ang napakalakas na sigaw. "How dare you to hurt her" mabilisan itong tumakbo at pinaharap sa kanya si Azhi.

Sinuntok nya ito ng pagkalakas lakas dahilan para pumutok ang kabilang gilid ng labi nya. "Wag..." Pagmamakaawa ko dito.

Tumingin ito sa akin. "Isa ka pang gaga ka!" Masungit na pagkasabi nito, nagulat nalang ako ng hilain nya ang buhok ko at pilit na ipinupunta sa lupa.

"It's hurt!" Reklamo ko.

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya pero masyado syang malakas. "What do you think are you doing?!" Galit na tanong ni Azhi at tumulong nadin para patigilin ang kaibigan ni Yin.

"Nanabunot ng impakta!" Saad nito at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sa buhok ko.

"Aray!"

"Let her go or I'll kill you, Sirui Chan!"

Doon napatigil si Sirui at hindi makapaniwalang tinignan si Azhi. "Ang kapal naman ng mukha mo. Lysander Javier. Harap-harapan mong ginagago ang kaibigan ko!" Galit na sabi nito, binitawan nya na ang buhok ko. Napahawak naman ako dito. Sobrang sakit parang matatanggal na ang anit ko.

"Hindi naman ikaw ang ginagago ko kaya pwede ba huwag kang umakto na akala mo naman ikaw ang nasaktan." Kinwelyuhan nya si Sirui na ngayon ay mangiyak-ngiyak na.

"Kaibigan ko yon!" Sigaw nito sa mukha nya.

Mas diniinan pa ni Azhi ang pagkahawak nya sa kwelyo ni Sirui. "Azhi tama na yan." Awat ko dito, pero hindi man lang nya ito ibinaba.

"Wala kang pakealam, daig mo pa si Yin na asawa ko kung makapag react eh hindi naman ikaw sya."

"Tama na Azhi..."

"Woah" manghang pagkasabi ni Sirui. "Grabe, wala akong masabi sayo Lysander Javier. Papakasalan mo si Yin tas ganyan din ang gagawin mo!" Binitawan sya ni Azhi sa pagkakakwelyo kaya huminga ito ng malalim. "Sana balang araw maramdaman mo rin lahat ng sakit na ipinaparanas mo kay Yin ngayon" Tumalikod na sya.

Naglakad na sya papaalis pero napahinto din. "May nakalimutan ako." Saad nito.

Sinampal nya ng pagkalakas lakas si Azhi. "Para yan sayo... Kulang pa yan, hintayin mo yung kang Yin." Ani nito. Tumingin sya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko.

Nginitian nya ako, pero parang may pahiwatig ang ngiti nyang iyon.

Nabalik na lang ako sa ulirat when someone hug me in my back. "Forgive me,If not because of me you will not experience it." naramdaman ko na lang ang labi nya na nasa aking leeg.

Mali toh lahat. Mali ang mahalin sya. Maling-mali pero handa akong maging makasalanan para sa kanya.

"It will always be okay as long as you're here" hinarap nya ako sa kanya at tsaka hinalikan.

"I love you." he mouthed.

"I love you too." i replied.

He kissed me hardly and he leaned me in Yin's car. His kiss came down to my chest. His hand creeps down on my pants. He entered his hand from my dress.

Binuksan nya ang kotse ni Yin without breaking our kiss.

When he finally opened it. He pushed me inside the car and placed me.

"A-azhi..." i moan weakly.

He undress me.

NAGISING nalang ako na masakit ang katawan ko, inilibot ko ang mata ko at inalala kung ano ang huling nangyari.

May nangyari sa amin kagabi ni Azhi sa kotse ni Yin at nakatulog kami ni Azhi, tapos pagkagising ko nandito na ako? Saang lugar ba ito.

Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang naka boxer na si Azhi. May hawak syang tray. "Asan tayo?" tanong ko dito.

Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki at tsaka ibinaba ang hawak nyang tray. "Andito tayo sa bahay ko." Taas noong pagkasabi nito.

"Bahay mo?"

"Bahay namin ni Yin."

Natahimik naman kami ng dahil don. "Hindi ba magagalit si Yin na pinapasok mo ako dito?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi, wala naman sya." Kinuha nya ang kutsara at tumabi sa akin sinubuan nya pa ako at tsaka pinisil pisil ang aking pisngi.

"Edi asan siya?"

"Sino?"

"Si Yin?"

"Wag na muna nating pag-usapan yon" Anas nito.

Pinunasan nito ang gilid nang aking labi, seryoso lang syang nakatingin don.

Napatigil sya sa ginagawa nya nang may marinig kaming kalabog mula sa pinto. "Yin!" napapikit pa sa inis si Azhi ng marinig nya ang boses ni Sirui.

Padabog syang lumabas at hinarap ito. Hindi na ako lumabas at baka masabunutan nanaman ako nito kapag nalaman nyang dito ako natulog sa bahay ng kaibigan nya.

"Asan si Yin!" Rinig kong sigaw ni Sirui mula rito.

"Hindi ko nga alam!"

"Kasalanan mo yon demonyo kang hayop ka!"

Napapikit naman ako ng marinig ko ang napakalakas na tunog mula sa pagitan nila, alam kong sinampal nya nanaman ito. "Namumuro ka na ah!"

"Ano sasapakin mo ako?!" Mayabang na pagkatanong nito.

"Umalis ka nalang at wag ka nang manggulo!"

Isa nanamang napakalakas na tunog ang namayani sa kanilang pagitan. "Putanginamo!!!" Huling sigaw nito at tsaka umalis.

Narinig kong isinarado nya na ang pinto at pumunta sa akin, umupo sya sa tabi ng kama at problemadong sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

Pinagdikit nya ang dalawa nyang kamay na para bang nananalangin.

Third Person Point Of View.

"So, Erika hanggang kailan mo balak mag stay dito?" Taas kilay na pagkatanong ni Ellaine sa kanyang kaibigan.

"1 week." Sagot nito at nakapikit pa rin.

"Bawal ang tatamad tamad dito. Alas dies na at bumangon ka diyan. Magtrabaho kana!"

"Kahit naman hindi na ako magtrabahao sinasahudan parin nila ako." Pinipilit nyang imulat ang mata.

"Aba! Wag kang masanay ng ganyan." nakapamewang na saad ni Ellaine, hinawakan nya ang dalawang paa ni Yin at hinila ito pababa sa kama.

Nahulog naman si Yin doon pero nakapikit parin sya kahit nakahiga na sa sahig. "Jusko, Erika basbasan ka nawa nang katamaran."

"Inaantok ako Ellaine"

"Di ko tinanong!" Pambabara nito. "At tsaka bukas na yung birthday ng kaibigan ni Doc Rios aatend daw tayo lahat, lalo na ikaw"

Nakapikit na tumango tango naman ito. Napailing iling nalang ang kanyang kaibigan dahil sa katigasan ng ulo ni Yin.

Pumunta na ito sa kanyang kabilang kwarto para maligo at pumasok sa trabaho. Nang matapos nang maligo nito ay nagbihis na rin.

"Sigurado kabang hindi ka papasok?" tanong nito sa kaibigan habang nagsusuot sya ng medyas.

Hindi naman umimik si Yin. "Hoy!" sigaw nito dito pero hindi parin sya iniimik nito.

Lumapit sya dito at tsaka kiniliti sa kanyang tagiliran dahilan para mapahalakhak ng malakas si Yin. "Lakas ng kiliti mo mare" biro nito.

Nakamulat na ang mata ni Yin at nagising na din sa ulirat. Kiniliti lamang sya ng kanyang kaibigan ay nagising na ang kanyang buong diwa.

"Sabihin mo kila Doc Rios, masakit ang ulo ko" utos sa kanya nito.

"Aba, gagawin mo pa akong sinungaling."

"Masakit talaga ang ulo ko." napahawak pa sya sa kanyang ulo at mahinang tinapik tapik ito para matanggal ang sakit sa kanyang ulo.

Napabuntong hininga naman si Ellaine at tsaka tinanguan ito. Napangiti naman ang kanyang kaibigan dahil don. "Salamat." Saad nito.

"Aalis na ako, alagaan mo muna si Alaxan diyan ah!" Pahabol nito bago sinarado ang pinto.

Nang makaalis na si Ellaine ay nahiga itong muli sa kama. Mahaba-habang araw nanaman ito para sa kanya.

Napatayo sya nang maalala nyang naiwan nya pala ang kotse nya malapit sa Restaurant na pag kakainan sana nila Sirui.

Kinapa nya ang kanyang bulsa at hinanap ang Cellphone nya. Natampal nya naman ang kanyang noo ng mapagtanto nyang naiwan nya ang kanyang Cellphone sa kotse.

Lumabas sya at nag-para ng Taxi.

Mabuti na lamang ay hindi nya naiwan ang kanyang wallet sa kotse.

Pag ka baba nya banda sa Restaurant ay hindi nya na matanaw ang kanyang kotse sa pinag park-an nya kahapon.

Napalingon pa sya sa kabila at kanan ngunit hindi nya talaga mahanap ang kanyang kotse.

Bakit ba kasi iniwan ko sa loob ang susi, Anas nito sa kanyang sarili.

Tumingin sya sa restaurant at naalala nanaman ang nangyari kagabi, tumingala sya at tsaka pilit na ngumiti.

Bigong bumalik ito sa apartment ni Ellaine, Isinubsob nya ang kanyang mukha sa kama.

Pilit na iwinawaksi ang kanyang iniisip.

Umayos sya ng upo at tsaka tumingala.

"Malungkot ka nanaman."

Napatayo sya dahil sa gulat ng may magsalita mula sa pintuan. Tumingin sya don at nakita nya si Sirui na nakasandal sa pintuan at nakatingin sa kanya nang malungkot ang mga mata. "I know how it hurts Yin, you can cry beside me." saad nito at lumapit kay Yin. "Tsaka ko lang kasi nalalaman na malungkot ka kapag tumitingala ka. Ayaw kong nakikitang malungkot ka Yin, p-pero wala akong magawa. Nung makita ko kung paano maghalikan sila Lysander at Enxi gustong-gusto ko silang saktan. Gusto ko silang makitang umiyak. Ayaw ko ng sinasaktan ka Yin. Ayaw ko yun, k-kaya kung hindi mo na kaya i-iyak mo lang Yin andito lang ako" Niyakap nya si Yin.

"It's fine, don't worry."

"Lagi naman e! Lagi na lang ayos pero hindi naman. Bakit ba wala kang gawin? Bakit ba hindi mo sila saktan? Bakit hindi ka gumaganti? Yin. Ginagago ka patalikod. Yung asawa mo hinalikan yung Ex nya sa harapan mismo ng mga magulang nila tapos Fine? Ganon ganon nalang yon? Yin naman." Humagulhol na si Sirui sa harapan nya.

"Kaya ko ang sarili ko Sirui, gusto kong alagaan mo ang sarili mo at ang anak mo. Yun ang gusto kong gawin mo, hindi ko gustong kaawaan mo ako." Seryosong ani nito at tinapik-tapik ang likuran nito para pakalmahin. "Ayos lang ang lahat dahil ayos lang naman kayo, as long as walang nasasaktan sa inyong mahahalaga sa buhay ko, ayos lang." ngumiti ito kay Sirui at tsaka sya hinalikan sa noo. "Sa lahat ng taong nasa paligid ko, ikaw ang pinakapaborito ko."

Parang batang napangiti naman si Sirui dahil don, pinunasan nya pa ang kanyang mata. "Binobola mo naman ako e!" Anas nito.

"Bat naman kita bobolahin? Bola kaba?"

Sabay silang nagtawanan dahil don.