Chapter 5 - Chapter 4

Third Person Point Of View.

PATULOY lang sa pag jogging si Yin kasama ang kanyang aso na si Chin-Chin. Naka head set ito at hawak nya ang tali ng aso na sumasabay rin sa kanyang pag-takbo.

Tumigil sya ng mapagod sya at naupo sa Bench. Hindi nanaman sya pinapasok sa kanyang trabaho pero patuloy parin syang sinasahudan.

Sa isip-isip nya ay baka lahat sila ay ganon din. Kinuha nya ang Cellphone nya at tinawagan si Sirui.

Hinahaplos-haplosan nya pa ang ulo ng kanyang aso. ["Hello"]

"Susunduin kita mamayang 4 pm samahan mo akong mamasyal" Sagot nito.

"Susubukan kong agahang matapos dito sa trabaho ko" Masayang ani nito.

"Basta mamayang 4 nakabihis ka na, wag mo na akong paghintayin."

Hindi nya na hinintay ang sasabihin nito dahil inend call nya na.

SAMANTALANG abala naman sa pag-aayos ng kwarto si Azhi, pinagpagan nya ito at nakangiting pinunasan ang mga table.

Magkaiba parin sila ng kwarto ng kanyang asawa.

"You gave me a reason for my being and I love what I'm feeling..." Sabay nito sa tugtog. Habang ginagawang mic ang suklay.

May pagiling-giling pa ito dahil sa tuwa. "You gave me a meaning to my life~"

Patuloy lang sya sa pagkanta hanggang mapagod ito sa paglilinis.

Napahiga sya sa kanyang kama.

"Excited na ako" Kinikilig na ani nito.

Nag ring ang cellphone nito at masayang sinagot ito. "Good Morning Baby Javier" 

Napabusangot naman sya ng marinig ang sinabi sa kanya nang kanyang nanay. "Mom, i'm not  your baby anymore"

["Mamayang 6 pm baby hah?"]

Umaliwalas ang itsura nito dahil don, "ofcourse mom."

Masaya sya dahil mamayang 6 pm ay makikita nya na ang babaeng kagabi nya pa iniisip.

["Bakit parang ang saya-saya mo ngayon baby?"] Mapanuksong tanong ng kanyang nanay.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito kahit wala namang nakakakita. "Mommy naman e, Bahala ka diyan."

Pinatay nya na ang tawag pero hindi parin maalis ang ngiti sa kanyang labi

Hindi nya namamalayang nakatulog na pala sya.

Umuwi na si Yin para magpalit ng damit at magbasa ng libro, akmang papasok na sana sya sa kanyang kwarto ng mapansin nyang nakabukas ang kwarto ng kanyang asawa.

Pumunta sya doon at patagong napangiti ng makitang nakahiga ito at nakanganga habang tulog.

Pumasok sya sa loob at tinignan ang kabuuan ng kwarto nito. Mas lalong lumaki ang ngiti nya ng mapansing luminis ito.

Ngayon lang ata ito naglinis, sabi nya sa kanyang isip.

Napatitig pa sya sa kanyang asawa na natutulog, bumaba ang tingin nito at tsaka sya napalunok ng makita ang bakat sa boxer nito.

Agad syang tumingin sa ibang direksyon at iiling-iling na lumabas doon. Sinarado nya ang kwarto nito at hindi na inistorbo ang pagtulog ng kanyang asawa.

Pumunta sya sa kusina at naghanda ng mga putahe para sa kanyang lulutuin. Nanghinayang pa sya sa pagkain kahapon na hindi man lang nabawasan dahil hindi man lang ito kinain ni Azhi kahapon.

Matapos nyang magluto ay nakangiti nyang hinanda ang lahat, pinagsandukan nya narin ng kanin ang kanyang asawa.

Saktong tanghalian na rin.

Nakaupo nalang sya sa upuan at hinihintay ang pagbaba ni Azhi, nagbasa nalang sya ng libro para hindi mabored.

Nang may marinig syang kaluskos mula sa hagdan ay tumingin sya don, nakita nya ang bagong gising na Azhi at kinukusot kusot pa ang mata habang bumababa.

"Good Afternoon" ani ni Yin dito.

Pinasadahan lang sya ng tingin nito at nadako ang tingin nya sa mga nakahain sa lamesa. "Hindi ako kakain magpapagutom ako." tanging saad nito at tsaka pumunta sa ref para uminom.

"Bakit?" kunot noong pagkatanong nito.

"Don't ask." Yan lang ang nasabi nito at kinuha ang tuwalya mula sa taas at naligo.

Umupo nalang si Yin at binalewala iyon, Nanghihinayang nanaman sya sa mga pagkaing nakahanda ngayon.

Kaya kahit na para kay Azhi lang iyon ay kinain nya na ang iba dahil alam nyang hindi naman na rin kakain ang asawa nito.

Lumipas ang apat na oras ay nasa sala lang silang dalawa walang kibuan. Abala silang dalawa sa pagbabasa ng libro, minsan ay pinapasadahan sya ni Yin ng patagong tingin at agad ding ibabalik ang tingin sa libro.

Samantalang ang kanyang asawa naman ay nagbabasa lang at hindi man lang sya nilingon kahit na isang beses.

Pansin din ni Yin ang pagngiti ni Azhi sa tuwing tumitingin ito sa kanyang Cellphone.

Tsaka lang umingay sa pagitan nila ng tumunog ang Cellphone ni Yin. Nanlaki ang mata nito ng maalala na may usapan pala sila ni Sirui. ["Hoy! Kanina pa akong 3;30 nandito ang sabi mo agahan ko!"] Nailayo nya pa ng konti ang kanyang cellphone sa tenga nya dahil sa lakas at tinis ng boses ni Sirui.

"Ang sabi ko 4" Sagot naman nito.

["Alas kwatro na!"]

Agad namang napatayo si Yin. "Sige hintayin mo ako saglit lang"

Tumayos sya kaagad at nagbihis na, Buti na lamang at maaga itong naliligo.

Pagkababa nya ay may nakaharang na sa pintuan. Nakatayo ito at nakacross arm. Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa. Kumunot naman ang noo nito. "Saan ka pupunta?"

"Kay Sirui" Sagot nito.

Nawala naman ang pagkunot ng noo nito at tsaka umalis sa pagkakaharang sa pinto. "Siguraduhin mo lang na nakauwi ka na ng 9 pm" Tinanguhan na lang sya nito at tsaka sya hinalikan sa pisngi.

Nagmamadali syang tumakbo papalabas at binuksan ang kanyang kotse.

Habang napatulala naman si Azhi dahil sa ginawa nya. At napailing iling pa na parang pinipilit na huwag na lamang yong isipin.

Ilang minuto lang ay nakapunta na si Yin sa bahay ng kanyang kaibigan. Pagkababa na pagkababa nya ay pingot na kaagad ang kanyang natamo. "A-aray" anas nito at pilit na tinatanggal ang pagkahawak ni Sirui dito.

"Ang sabi mo ayaw mo ng pinaghihintay." masungit na pagkasabi nito. "Saan ba tayo pupunta?" tinanggal nya na ang pagkapingot dito samantalang hinimas himas naman iyon ni Yin dahil mahapdi parin.

"Manood tayong Cine, yung horror."

Agad na lumiwanag ang itsura ni Sirui at nanlaki ang mga mata.

"Talaga?" tumango tango naman si Yin dito bilang tugon.

"Ano pang ginagawa mo tara na!" Masayang ani nito sabay hawak sa kamay ni Yin at hinila papasok sa kotse nito. "Bilisan mong mag drive ah."

Nang makarating sila ay parang batang tumatalon talon si Sirui habang bumibili sila ng ticket.

PAGKATAPOS nilang manood at nakalabas na sila roon ay halos mamutla ang itsura ni Sirui habang nakahawak sa braso ni Yin.

Binalingan sya ni Yin at natawa sya nang makita nya ang itsura ni Sirui na parang lantang gulay, natakot siguro sa kanilang pinanood.

"Saan mo gusto mag dinner?" Tanong nito sa kaibigan nyang namumutla pa rin.

"Kahit saan basta walang madre." Wala sa sariling pagkasabi nito.

Napailing iling nalang si Yin dahil don, Namasyal pa sila sa labas at kung ano-ano ang binili nilang mga damit na para kay Sheanna.

Hanggang sa nagutom na si Sirui. "Kain muna kaya tayo bago sumakay dun Ferris Wheel" ani nito.

Tumango naman si Yin at tsaka nila nilagay lahat ng buhat-buhat nilang mga paper bag sa backseat. Naglakad na sila papunta sa malapit na restaurant dito.

Isa rin ito sa pinakasikat na restaurant sa pilipinas.

NAKANGITING nagkwekwentuhan ang magulang ni Enxi at magulang ni Azhi, samantalang silang dalawa ay palihim naman na nagtititigan at nagngingitian.

Ilang minuto nang nagkwekwentuhan ang mga magulang nila habang tahimik lang sila na nagnanakaw nang tingin sa bawat isa.

Nagulat naman si Enxi ng sikuhin sya ng mahina ng tatay nya at may ibinulong. "Is that Lysander's wife?" Tanong nito sabay nguso sa gilid nito.

Napatingin sya doon at halos matuod sya ng makita nyang nakaupo don si Yin at ang kaibigan nito at tila namimili pa ng kanilang oorderin.

Binalik nya ang tingin sa kanilang mga magulang para hindi mahalata ni Azhi na narito si Yin.

Siningkitan pa sya ng mata ng kanyang tatay. "Gawin mo ang lahat para mapag hiwalay sila" Mahinang bulong ng kanyang tatay pero sapat na para marinig nya.

Halatang suportado ang mga magulang ni Azhi kay Enxi dahil tinutukso pa nila silang dalawa na bagay sila.

Inikot ulit ni Enxi ang kanyang mata at nagulat sya ng makita nyang napatingin sa kanya si Sirui.

Nanlaki ang mata ni Sirui ng makita nya ang mga pamilya ni Enxi at ni Azhi. "Hey, I'm asking you." Nabalik sya sa ulirat at nanginginig na tumingin kay Yin. "Don't tell me na natatakot ka pa rin sa pinanood natin?" Umiling ito. "Tsk, halata naman sayo eh" pang-aasar nito.

Pero sa halip ay tumayo lang ito. "Yin, sa iba nalang tayo kumain ayoko dito." anas nya sabay hila kay Yin para tumayo ito pero hindi nya mahila.

"Dito na, diba dito naman tayo mahilig kumain." Dumating na ang kanilang mga order, napasapo naman ng noo si Sirui at problemadong tumingin kila Enxi.

Galit na galit na sya kay Azhi, gustong-gusto nya na itong sabunutan at tadyakan.

Hindi alam ni Enxi ang kanyang gagawin, nginingitian nya na lang si Azhi na kanina pa ngiti ng ngiti sa kanya.

"Can I kiss Enxi Damian, pwede ko ba syang halikan sa harapan nyo?" Napanganga naman ang mga magulang nila dahil sa tanong ni Azhi sa kanila. "Just once." He said.

Palihim pang napangiti ang tatay ni Enxi at ang kanyang nanay sa sinabi niro.

Wala pang sabi-sabi ay tumayo na ito at hinalikan si Enxi. Napako na sya sa kinauupuan nya habang nakatingin sa mata ni Azhi na ngayon ay nakapikit habang hinahalikan sya sa harapan ng mga magulang nya.

"Yin..." napamulat ng mata si Azhi ng marinig nya ang Nanay nya na sinabi ang lintanyang iyon.

Umalis sya sa pagkakahalik dito at tinignan ang kanyang nanay, kinakabahan ito maging ang tatay nya na nakatingin sa kanyang likuran.

Napakunot naman ang noo nya dahil doon. "Anong meron?" tanong nya.

Maging ang mga magulang ni Enxi ay nakatingin na rin sa kanyang likuran maging si Enxi.

Pagkatalikod na pagkatalikod nya ay nakita nya ang isang babaeng titig na titig sa kanya ngayon.

Naistatwa sya sa kinatatayuan nya, kitang kita nya kung paano kumuyom ang kamao nito at kitang kita nya kung paano umigting ang panga nito.

Tinignan nya si Enxi at binaling ulit ang tingin kay Azhi. Napatayo si Yin sa kanyang kinauupuan at ibinulsa ang kanyang dalawang kamay.

Tumingin sya ulit kila Azhi at tumalikod na, parang wala lang nangyari.

"YIN!!" habol ni Sirui dito.

Napahinto naman siya at nilingon si Sirui. Wala na itong emosyon at walang mababasang kahit ano.

Tumalikod na lang sya pero hindi pa sya nakakalayo ay nanlalambot na ang tuhod nya. Parang kahit anong oras ay mapapaupo nalamang sya sa sahig.

Kaya ang ginawa nya ay parang batang tumakbo ito, hinabol pa sya ni Sirui. "YIN!!!"

Maski ang asawa nito ay sinusundan na rin sya.

Samantalang hindi nya naman alam kung saan sya pupunta, patuloy lang sya sa pagtakbo basta ang gusto nya lang ay ang makalayo sa lugar na ito at maibsan ang nararamdaman nya.

Nakalayo-layo na rin sya at hindi nya pa alam kung nasaan na sya.

Hanggang sa napagod sya at napahawak sya sa gilid para pang suporta.

Duon na sya napaluhod. Duon nya na isinuko ang tuhod nyang kanina pang nanghihina.

Umupo na lamang sya at tsaka nilock ang dalawa nyang tuhod, isiniksik nya ang kanyang mukha ron. At tumingala din nang parang bata.

Madaming bituin ang nasa kalangitan ngayon at kahit alam nyang walang katapusang bilang ang mga bituin ay sinusubukan nya paring bilangin ito.

Nakangiti sya habang nakatingala.

Kumislap ang mata nito ng makita nya kung paano sumabog ang Fireworks.

Wala namang okasyon pero meron nang gumagamit ng Fireworks.

Sa pagsunod-sunod ng pagsabog ng Fireworks ay ipinikit nya ang kanyang mata at humiling. "I hope he's happy, s-sana masaya sya sa pinili nyang landas." Nakatingala parin sya at nakapikit. "At kapag natupad yan. Handa akong tanggapin na hindi na ako. Na hindi na ako ang babae nya. At hinding-hindi na magiging ako. Tatanggapin ko ang magiging desisyon nya, k-kahit na divorce pa ang kapalit. Basta maging masaya lang sya" Halos mapaos sya ng sabihin nya ang lintanyang iyon.

.