Chapter 4 - Chapter 3

Lysander Javier Lozano's POV

(Azhi)

"I already did it. I already say it. Would you still leaving?" Tanong ko rito.

Tumitig ako sa kanya kahit pa nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata.

Tulala lang sya sa aking likuran. Tumingin ako sa aking likuran para tignan kung sino ang tinitignan nya don ngunit wala naman.

"Enxi..." Saad kong muli.

Natauhan naman sya at tsaka sya tumingin sa akin. Halo-halong emosyon ang ipinapakita nya. "Mahal kita Azhi, A-at handa akong agawin kita sa kanya."

Hindi pwede ito. Kahapon ko pa iniisip kung pupunta ba ako sa alok nya. Buo na ang desisyon ko kahapon na hindi ako pupunta. Buo na. Pero nung dumating na yung oras na napag-usapan namin hindi ko na maitanggi na gusto ko syang makita.

Gustong gusto ko.

Hindi pwede ang ganto lalo na't may asawa ako pero bakit ganto? Bakit?

Alam kong pwedeng pwede ko naman na lang syang iwasan at iwanan pero bakit hindi ko magawa? Alam kong mali pero bakit hindi ko kayang pigilan?

Mahal ko pa rin sya. Mahal ko pa rin sya tulad ng dati. "Let's Start again Lysander Javier Lozano." Dagdag nito.

Napako ako sa kinatatayuan ko, Tumingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko na namalayan ang sarili ko na nahalikan ko na pala sya.

Dahan-dahan.

Hanggang sa ipinunta ko na ang kamay ko sa bewang nya. I miss this.

I miss her.

I miss all about her.

I love her.

At mas lalong dumagdag ang init na nararamdaman ko ng marahan nyang inilagay ang dalawa nyang kamay sa aking batok.

She's hot. Damn.

I found myself, massaging her breast and kissing like there's no tommorow.

Nakangiti akong umuwi sa bahay ngayon, I can't believe that we made love in my Car.

Damn this. I'm shy.

Ngunit bubuksan ko palang ang pinto ay napatigil na ako. I made a mistake. No, it's not literally a mistake. Na gustuhan ko naman iyon and i don't regret it.

Aakto nalang ako sa harapan nya nang walang nangyari. Isang linggo ko ring hindi nakita si Yin dahil may kailangan kaming tapusin.

Bumuntong hininga ako bago pumasok. Tinanggal ko na ang sapatos at medyas ko bago maupo sa Sofa.

Sumandal ako sa Sofa at tsaka tinanggal ang Neck tie ko. Napahinga pa ako ng maluwag.

Tinanggal ko na rin ang polo ko pati ang pants ko, Sando nalang at Boxer ang natitira sa akin.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng Tubig sa Ref, Naibuga ko ang iniinom ko ng makita ko si Yin sa lamesa na nagbabasa.

"Bat ka ba nanggugulat?" Inis na singhal ko dito.

Tumingin lang ito sa akin. Wala nanaman itong emosyon. As always. Nakasanayan ko naman na rin.

Pero parang may mali sa titig nya ngayon.

"Kanina pa ako nandito" She said Coldly.

Well, Panlalaki naman talaga ang boses nito kaya anong mali?

"Tss."

Tumunog naman ang tiyan ko kaya lumapit ako sa lamesa at binuksan ang nakatakip. "Ano ba naman yan, wala ka bang nalutong iba!" Anas ko dito.

Nakakapikon wala man lang niluto at mukhang kahapon pa ang ulam na iyan. Iresponsableng asawa.

"You can cook though" She said while not looking at me. Patuloy lang sya sa pagbabasa ng libro.

"Look, You're the wife here. Why can't you fucking do your work as a wife here!" Sigaw ko dito.

"I have a work." she said calmly.

"You're just reading a book!"

"Don't scream."

"You're annoying!" Sabad ko.

Napatigil sya sa pagbabasa at tsaka tumingin sa akin. "Really?" Tanong nya.

"Yeah, No need to ask that. You're annoying as always."

Pagkasabi ko nyan ay umalis na ako at pumasok sa kwarto. Padabog ko pang sinara ang pinto dahil nabwibwisit ako sa kanya.

Ngayon ko tuloy naiisip lahat ng mga tanong nila Caspian dati, Ano nga ba nagustuhan ko kay Yin. At ang mas nakakainis nagkatotoo ang sinabi nila na tsaka ko lang marerealiza ang lahat kapag nagtagal na.

Tss.

Patuloy lang sa pagkalam ang sikmura ko. Nakakabanas.

Ilang minuto pa akong nakahiga ng biglang bumukas ang pinto.

Nilagay nya lang sa gilid ang Pizza na hawak nya at ang hawak nyang gatas sa gilid. At umalis na.

Naguilty naman ako ng dahil don. Naguilty ako sa mga nasabi ko.

Lumapit na ako don at nilantakan ang Pizza. At matapos kumain ay natulog na ako.

Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang Pag vibrate ng cellphone ko sa aking tagiliran. Sinagot ko pa rin ang tumawag habang nakapikit.

"Hello." Inaantok na pagkasabi ko.

["Hey Lysander, We need you here. May problema"] Ramdam ko ang pagkakaba nito.

"Hmm?" Tanong ko. Inaantok pa rin ako. Napagod ako kagabi.

["We need a justice!!!"] Agad akong napatayo ng marinig ko ang sigawan sa kabilang linya.

"What the fuck is happening Caspian?"

["Yung mga nag rarally hindi nanamin kayang pigilan."]

Nasapo ko naman ang noo ko, kay aga-agang bungad naman.

Mabilisan akong naghubad at naligo. Mabilisan din akong nagbihis.

Pagkababa ko ay naaubutan ko na si Yin na nagkakape habang nagbabasa. Mabilisan akong pumunta sa kusina at nagutom ako ng makita ang mga nakahapag sa lamesa. Ang dami nya namang niluto.

Tumawag nanaman si Caspian.

["Fucking Faster Lozano!"]

Napakagat nalang ako ng labi, Kakain ba ako oh hindi? Sayang naman ang niluto nya.

["Lozano? can you fucking here me?"]Galit na saad nito.

"I'm going."

Sa huli ay umalis nalang din ako don. Dun nalang siguro ako kakain sa office.

Nang makapunta na ako sa loob ng kotse ko ay pinaharurot ko na ito, Bahala na.

Nakapunta na ako sa paroroonan ko ay halos hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang kotse ko, Andaming tao ang nagsisigawan at andaming pulis na bumabawal sa kanila para hindi makapasok sa Company.

Inumpog ko nang kaonti ang ulo ko sa manibela para magising ako. Ano nanaman ba itong kamalasan.

Bumaba na lang ako sa kotse ko at kinuha ang salamin at mask para hindi ako masyadong makilala ng mga tao. Dumaan ako sa Exit.

"Anong nangyayari?" Hingal na pagkatanong ko, Pinunasan ko na rin ang noo kong puno ng pawis ngayon.

"Late ka na!" Sigaw agad ni Caspian.

"Wag mo kong sigawan."

"Ngayon lang namin nalaman na ang Kape na produkto natin ay may lason." Nagpapanic na pagkasabi nito.

Napasuklay pa ako ng buhok. "Paano nangyari yon?" Napapikit pa ako ng dahil sa sobrang banas.

"Kinakasuhan nila tayo, And the worst is..." Tumingin ito sa akin nang may pag-aalala. "May taong sinadya ito, Meron kaming isang trabahador na kinausap kanina. Tinakot namin ito na kung hindi nya sasabihin kung sino ang nasa likod nito ay idadamay namin ang pamilya nya. And she gave this." Nanginginig ang kamay nyang inabot sa akin ang isang papel.

Kunot noo ko itong tinanggap. 'A cheater will always be a cheater' ayan ang nakasulat.

Alam ko na kaagad kung sino ang may gawa nito, Bullshit.

You'll pay for this you fucking bastard Erika Millario. How could she do this.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at pilit na ikinakalma ang aking sarili. Tinawagan ko si Yin.

Wala pang ilang ring ay nasagot nya na ito. ["Hell--"]

"Did you do that?" Putol ko sa sasabihin nya.

["Do what?"]

"Drop the act you freaking bitch, you did that right?" i said trying not to lose my temper.

["Do what?"]

"Stop playing around, can you? I'm trying my best not to lose my temper here, and I'm trying my best not to shout at you, so now. Can you tell me did you do that?!" Nasigawan ko sya sa dulo.

["How can I tell it when you keep asking me did I do that?, i don't even know what are you talking about." Her voice still calm. Para bang pinipigilan nyang huwag mainis.

"Ikaw ba ang nag-utos sa mga trabahador namin dito na lagyan ng lason ang produkto namin? At naglagay ka pa talaga ng A cheater is always a cheater" Halos maiyak pa ako sa sobrang inis.

["What? I did'nt"]

"You did."

["I didn't."]

Napapikit nanaman ako sa sobrang inis. Gustong gusto ko na syang masakal.

Nagulat na lamang kami ng marahas na nabuksan ang pinto at tumambad sa amin ang ilang pulis. "Meron po kaming warrant arrest para ipunta kayo sa presinto. Sa presinto na kayo mag-paliwanag."

"Teka. Tatawagan ko lang ang Lawyer namin." tarantang saad ni Caspian.

Tinawagan nya kaagad ang lawyer namin. ["Anong nangyayari diyan Azhi?"]

Hindi ko na sya sinagot dahil baka masigawan ko na lang ulit sya. Sana lang ay huwag na huwag syang magpapakita sa akin dahil baka masaktan ko sya.

Akmang poposasan na sana kami ngmga pulis ng titigan ko sila ng matalim. "Huwag nyo na kaming posasan dahil sasama kami mismo." Maawtoridad na utos ko sa mga ito.

Napakamot pa ng batok ang isa at tumingin sa mga kasama nya. Tumango naman iyon. "Kung ganon ay sumama na kayo sa amin."

Andito na kami ngayon sa presinto at kanina pa namin pilit na ipinapaliwanag ang mga nangyari na hindi kami ang may gawa non at may taong nanadya non.

Nakumbinsi din namin sila sa huli at sinabi nila na kailangan naming mahuli sa lalong madaling panahon ang kung sino man ang may pakana non.

Pinapasarado nya pa muna sa amin ang Kumpanya para hindi dumami ang mga taong mabibiktima.

Pinasarado lahat.

At ang sinisisi ko sa lahat ng ito ay si Yin. Sya lang ang may motibong gawin ito.

"Azhi..." napatingala ako sa nagsalita.

Agad na dumaloy lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Agad akong tumayo at sinakal sya.

"Ikaw ba ang may gawa nito?" Galit na saad ko dito.

Pero imbis na sagutin ay seryoso lang syang nakatingin at parang wala lang sakanya ang lahat.

Sa sobrang inis ko ay nasuntok ko na sya sa mukha.

Napaupo sya sa sahig at pinunasan ang labi nyang may bahid na ng dugo ngayon.

"Sa lahat talaga ng malalapit sayo ako ang sisisihin mo? Ano namang mapapala ko diyan?" walang ganang pagkasabi nito bago tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Ikaw lang naman! Dahil ikaw lang naman ang may rason para gawin to dahil nag cheat--" napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ko ang nasabi ko.

Ngumisi ito at tsaka tumingin sa akin ng nakakaloko. "Cheat?"

Umiling iling ako at tsaka sya kinwelyuhan. "Kung may galit ka sa akin dahil niloloko kita. Sa akin mo nalang ilabas at huwag mong idamay ang kumpanya ko dahil madami ang nabiktima sa ginawa mo!!" Pasigaw na pagkasabi ko dito.

Pansin kong pinanonood din kami nila Caspian sa gilid. "Wala akong pakealam sa kumpanya mo at hindi ko gawain ang mangdamay ng mga inosenteng tao, alam mo yan." She said Coldly.

Pumunta sya sa isang pulis at kinausap ito. Hindi ko na narinig ang mga pinag-uusapan nila dahil pilit kong inaalam kung hindi sya ang gumawa non, sino?

"Sumama ka sa akin..." Tumingin ako sa kanya at tsaka sya binigyan ng masamang tingin. "Aalamin natin kung sino ang may gawa non." She said Calmly.

"If I found out that you're the reason behind this. Erika Millario. I kill you." Umalis na ako don at hinila sya papunta sa kotse ko.

Nag-yaya si Caspian na mag Bar daw ngayon para mawala ang Stress namin. At punong puno parin ng tanong ang isip ko.

Wala talagang kasalanan si Yin sa lahat. At ang mas pinagkakataka ko kung bakit iniwanan ako ng sulat na.

'A cheater will always be a cheater'

At hindi rin alam ni Yin ang tungkol sa amin ni Enxi. May nagmamanman ba sa amin?

Nang tanungin namin kanina ang mga trabahador sinabi nilang napag-utusan lang silang lahat at binayaran ng malaking halaga.

Nung tinanong naman namin kung sino ang sabi nila hindi daw nila kilala lalo na't naka takip daw ito ng mukha.

Kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko sa trabaho ang mga iyon, nagmamakaawa pa sila na huwag daw dahil dito nalang daw sila nabubuhay.

Pero hindi man lang nila naisip na yung mga lason na nilagay nila ilang buhay ang nawala.

Andito na kami ngayon nila Caspian at Kleo nag-iinuman para ibsan ang pinoproblema. "Hindi ka ba nakokonsenysa sa ginawa mo kanina kay Erika?" Naibaba ko ang iniinom ko nang magsalita si Kleo.

"We see how you punch her." Nagsasalita sila ngunit hindi man lang sila tumingin sa akin. "Wala ka ba talagang balak humingi ng tawad sa kanya, azhi?"

I didn't answer.

Should I say sorry?

Ayoko.

Hindi ako mag-sosorry balewala lang din naman sa kanya yon. "Hayaan mo yun, mas matibay pa yon kay superman." napatawa namana ko ng dahil don pero agad ding nagseryoso ng makita kong hindi man lang sila natawa.

"She's your wife but you don't know how to read her" Saad ni Caspian.

"How can I read her? She's not a book." Pabirong pagkasabi ko at tsaka uminom ulit.

"You really don't know her." Napailing-iling pa sya dahil don.

Nagsalubong naman ang kilay ko at tsaka tumingin sa kanilang dalawa. "Anong gusto mong ipalabas?"

"You know... Yin is unique. Madami syang pinagkaiba sa mga babaeng nakilala ko." Tumigil ito at tsaka uminom ulit. "Una, hindi nya kailangan ng tulong mo sa sa t'wing may magtatangka sa kanya. Pangalawa, hindi sya mahilig mag share ng nararamdaman nya." Tumingin sya sa akin ngayon na nakangisi. "Sa ilang taong pagsasama nyo Lysander naranasan mo na bang makita syang umiiyak?" Nakangising aso lang sya at binabasa ang bawat reaksyon ko.

Umiling lang ako at tsaka tinuloy ang pag-iinom. Narinig ko pa ang tawa nila ni Kleo dahil don.

"At pangatlo, patago syang tumutulong ng hindi nahahalata ng iba."

May kung anong kirot naman ang naramdaman ko sa dibdib ko.

Hindi ko nalang pinansin yun at tuloy-tuloy ang pag-iinom ko.

Sa buong buhay ko hindi ko pa nakitang umiyak si Yin. At ni minsan ay hindi ko pa sya narinig na nagsabing pagod na sya. Sa bagay, bat naman yon iiyak eh wala namang pakealam sa mundo yon at bakit rin naman yon mapapagod eh daig pa non ang katawan ng kalabaw.

Napatigil ako pag tungga nang alak ng maalala ko si Enxi.

Napangiti naman ako dahil don, bukas magaganap ang sinasabi nyang Family Dinner namin ng mga magulang nya. Nasabi ko na rin kay Mommy yon at pumayag naman sya. Ang saya-saya pa nga nya dahil na miss nya daw si Enxi.

Napailing-iling naman ako at hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Enxi Damian never failed to make me smile.

Hindi ko din pala nahingi ang number nya kagabi nakalimutan ko.

Kaya kailangan ko pang maghintay hanggang bukas para makita sya ulit.

Nagka-ayusan na rin kami dahil kinausap nya ako kagabi. Naguilty pa nga ako nung makita kong hingal na hingal sya mula sa pagtakbo para habulin ako.

Naawa ako sa kanya non kaya bumaba na ako sa kotse ko at kinausap nya ng masinsinan. At don namin naipaliwanag lahat ng mga gusto naming ipaliwanag at mga gusto naming sabihin na hindi namin masabi sabi noon.

Maayos na ang lahat sa amin.