Erika Millario's Point Of View.
(Yin)
Napatigil ako sa pag-tatype ng may magsalita sa aking likuran."Have you heard the news, Bitch?" I look at her sharply and then back to my work.
Ang ingay ingay nya daig nya pa ang nagbebenta sa palengke.
"Oy, Tinatanong kita" Kinalabit kalabit nya pa ako.
"Not yet" I answered.
I look at my watch, It's already 5 am I didn't sleep yet. And Kaye keep distracting me. Kanina pa sya pabalik balik dito.
"Tss, So do you want me to tell you?" Tanong nito ulit.
Kainina pa sya nag-iingay diyan wala man lang ibang ginawa kundi ang guluhin ako.
"Sige lang." Sagot ko.
"Enxi Damian is back..."
Napatigil ako sa pagtitipa sa Laptop, I look back at Kaye, She's now looking at me with a curious face. "Are you kidding?" I asked then roll my eyes.
"Why would I?" She ask playfully.
I didn't answer. Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa aking Laptop. Should I believe on her?
May kung anong nagsasabi sa akin na paniwalaan ko ang sinasabi nya at merong hindi. Ano naman kung bumalik na si Enxi? Siguro naman ay naka move-on na si Azhi don.
Wala namang dapat pagselosan don.
But I can't stop myself.
Narinig ko sa aking likuran ang pagring ng Cellphone ni Kaye. "Sige pupunta na ako diyan." I hear her saying that. "Yin, I need to go na. Just text me If you need a back up with Enxi" Kumindat pa ito sa akin bago umalis.
Hindi naman ako nakaramdam ng pagod kanina sa pagta-type ng files pero bat ngayon ko lang naramdaman yung pagod.
Tsk.
Nag-unat unat pa ako, Then I stop again when I remembered something. Oh. I promise on Sheanna that we will go on park today.
Pero maaga pa pala.
Tsk.
Pumunta muna ako sa Sofa at nahiga, gusto ko munang magpahinga. Magdamag na akong nakababad sa Laptop.
Hinilot hilot ko pa ang daliri ko. Nang biglang mag ring ang Cellphone ko.
Mabilisan kong kinuha ang Cellphone ko sa pag-aakalang si Azhi ang tatawag, But my smile faded when I see Sirui's name on the screen.
Kahit napipilitan ay sinagot ko na lamang ito. "Hello."
["Y-yin"] Utal na pagkasabi nito. Napakunot naman ang noo ko. I feel something wrong the way she say my nickname.
"Yeah?"
["N-nakita mo na ba?"]
Like what I've said there's something wrong in her voice. "Not yet. What's with your voice?"
["Sure ka bang hindi m-mo pa nakita?"] Tanong nito ulit.
"Why are you stuttering? What's wrong?" Tanong ko dito na puno ng kuryusidad.
["H-hah? Anong stuttering b-bat naman ako mauutal?"] I can feel the kaba on her voice.
"Sirui." Seryosong pagkatanong ko dito.
Napabuntong hininga pa sya bago umamin. ["May isesend ako sayo mag online ka pero wag kang magagalit ah?"]. She ask with a childish tone.
"Ofcourse.".
Pinatay ko na ang linya at nag-online. Hinihintay ang isesend ni Sirui. Nang tumunong na ang Cellphone ko ay tinignan ko iyon.
Nang mabuksan ko na at makita ang sinend nito ay unti-unting nanglambot ang mga tuhod ko.
Enxi hugging my Husband.
And it's in...a bar?
What the fudge?
Tinitigan ko pa nang mabuti ang larawan kung totoo ba ito oh hindi pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maipagkailang si Azhi nga ang lalaking yakap ni Enxi diyan.
Kung susuriin nakatingala si Azhi habang yakap-yakap sya patalikod ni Enxi. I look at Azhi's eyes on the photo at para akong sinaksak ng ilang karayom nang makita ko ang lungkot sa mga mata nya.
Is Lysander Javier Lozano still loves Enxi Damian?
Patuloy na nag-riring ang Cellphone ko pero hindi ko na sinasagot. Patuloy din ang pagtunong nang Cellphone ko galing sa mga Chat ni Sirui pero hindi ko na ito nireplyan.
Hindi ko alam ang una kong gagawin. Kaya tumingala nalang ako at tinignan ang kisame.
Hindi ko dapat pag suspetsyahan si Azhi, Asawa ko sya at dapat ko syang pagkatiwalaan. Hindi nya naman siguro ako pakakasalan kung hindi nya ako mahal diba?
Ngunit sunod-sunod na ang lumabas na katanungan sa isip ko.
What if hindi nya talaga ako mahal at ginamit nya lang ako para makalimutan si Enxi.
What the fudge why would he do that? Lysander Javier isn't like that. Damn you Erika.
Ramdam ko ang pagiging sincere ni Azhi noon sa akin kaya hindi nya lang siguro ako ginamit.
"What if..." Napatigil ako sa pagsasalita at kinuha ang cellphone ko. Tinignan ko muli ang litrato nila ni Enxi. "Ako ang pinakasalan at minahal nya dahil wala na syang choice?" Wala sa sariling saad ko habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Enxi.
Bakit ba ako nag-iisip ng ganto. Ako lang naman ang nag-iisip ng malisya.
Hinagis ko ng mahina ang cellphone ko sa sahig, tsaka tumingala ulit sa kisame.
Bakit di ko sya tawagan?.
Umaliwalas ang mukha ko at kinuha ang cellphone ko.
Agad akong napasimangot nang makitang basag basag na ito at hindi ko na mapindot.
Mahina lang naman ang pagkahagis ko ah bakit ganon. Masyado naba yong malakas?
Kaasar bibili nanaman ng bago sayang budget. Iniipunan ko pa naman si Azhi ng kwintas na sinasabi nyang maganda.
Kumatok ako sa bahay nila Sirui at wala pang ilang katok ng buksan ako kaagad. "Sinasabi ko naman sayo Raver hindi ako interasado sayong pakening shit ka." Mabilisang pagkasabi ni Sirui na agad nanglaki ang mata nang mapagtantong hindi ako si Raver.
Napa cross arm ako. "Hindi interesado pero mukhang hinahantay mo ang pagdating."
Mas lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. "H-hoy hindi ah" depensa nito.
I shrugged my shoulder. "Sabi mo eh" Sumilip ako sa loob at tinignan kong nakaayos naba si Sheanna. "Are you going to ask me to let me in?" I ask sarcastically.
"Ano ba gagawin?" Masayang pagkasabi nito.
"Pupunta kami ni Sheanna sa Zoo." Lumiwanag ang mukha ni Sirui ng sabihin ko iyon.
"Sama ko..." Pumasok na sya sa loob nila para sana magbihis pero pinigilan ko sya.
"Nah-uh, Hindi ka sasama." Sumibangot sya at tinignan ako ng masama.
"Hindi ako papayag na isama mo ang anak ko kapag hindi mo ako sinama" Parang batang pagkasabi nito.
"Baka di ka kampihan" Pang-aasar ko dito. Napikon naman ito kaagad at tsaka masama akong tinignan.
Pero agad ding nawala ang pagkasimangot nya nang may maalala sya. "Pasok na." Iginabay nya pa ang kamay nya.
Nang makapasok ako ay agad nagliwanag ang mukha ni Sheanna, pinatay nya agad ang T.v at yumakap sa akin. "I miss you Ate..." Niyakap ko naman ito pabalik sabay tingin kay Sirui.
May kung anong umaabala sa isipan nya.
"Mag bihis ka na pupunta na tayo sa Zoo!" Nginitian ko ito at tsaka ginulo ang buhok nya.
"Hintayin mo ako dito Ate! Wag kang aalis ah?!" Hyper na pagkatanong nito.
Ngumiti lang ako ng kaonti bago tumango. Nang makaalis na ito ay tumingin ako kay Sirui.
"Yin..." Panimula nito, parang hindi pa sya kumportable. "Tungkol nga pala sa pic na sinend ko" Napayuko sya at kinagat ang kuko nya.
"Wag ka mag-alala wala lang naman yun" Sagot ko.
Tinaas nya ang tingin nya at tumingin sa akin. "Ayos lang sayo yon?" May halong inis na pagkatanong nito.
"Oo naman..."
"Walang ayos don Yin, Alam ni Lysander na may asawa na sya pero hinayaan nya lang na yakap-yakapin sya ng Ex nya?" Natawa pa sya ng peke.
"Hindi naman si Azhi ang yumakap."
"Kahit na! Mali pa rin yun. Sino ba namang asawa ang magiging ayos lang kapag nakita mo yung asawa mo na magkasama ng Ex nila tas may payakap yakap pa... Ikaw lang ata." Hindi makapaniwalang tugon nito.
"Well, Just don't judge easily. Chan Sirui. We don't know the truth why they hug yet" I answered
Nawala lang ang akward ng lumabas na si Sheanna. "Ate I'm excited na po!" Tiling pagkasabi nito.
Pinagpaalam ko naman na si Sheanne kay Sirui na ngayon ay nakabusangot na dahil hindi sinama. "Don't worry, I treat you on Saturday." Agad na lumiwanag ang mata nito at parang malambing na asong tumango.
Pinasakay ko na sa passenger seat si Sheanna at kinabitan ko na rin ng seatbelt. Kumakain sya ngayon ng Ice Cream.
"Pupunta na kami! Yehey!"
Napailing iling na lang ako at tsaka tinuloy ang pagdridrive. Buti nalang at maaga kong natapos ang ginagawa kong Files para sa kumpanya ni Kris.
Na send ko na rin ito sa kanya. Wala pa din akong tulog.
Ilang minuto pa ay nakapunta na rin kami sa Zoo. Hawak-hawak ko na ang kamay ngayon ni Sheanna na ngayon ay manghang-mangha na sa nakikita nya.
"Wahh!!" Napatili sya at napakapit ng mabuti sa kamay ko nang makita nya ang isang unggoy. "Ate kamukha po yon ni Daddy." Sabay turo sa unggoy.
Tumango naman ako bilang tugon dito.
Pinanood ko lang ang bawat reakyson nya sa mga hayop na nakikita nya. Meron pa nga ay bigla bigla nalang sya magtatago sa likuran ko dahil natatakot daw sya sa ibang hayop.
Pinakain pa namin yung kabayo. Tuwang-tuwa pa sya.
Kabata bata ang hilig nang magpicture. Alam kong pinipicturan pa ako nito ng patago.
Padilim na, at pagod na din si Sheanna. "Inaantok na po ako Ate..." Papikit pikit na pagkasabi nito.
"Sakay ka sa likod ni Ate." Saad ko dito.
Kinusot nya pa ang mata nya at tsaka sumallabay sa likuran ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay at hita nito para hindi sya mahulog.
Naglalakad na ako papuntang kotse at pinasok sya don. Pinunta ko sya sa Passenger Seat at Nilagay abg seat belt.
Inopen ko ang aircon. Nilock ko ang kotse at tsaka lumabas para bumili muna nang pinapabili ni Sirui na Hawaiian Pizza.
Napatigil ako sa paglalakad ng may pamilyar akong nakita. Si Azhi.
Nakasumbrero sya at parang nagmamadali, Kaya naman dala ng kuryusidad ko ay sinundan ko ito.
Minsan pa akong napapatago sa likuran ng puno kapag tumitingin sya sa likuran.
Napahinto ako ng huminto na sya. Napahinto sya doon sa Park. At palinga-linga na para bang may hinahanap.
Napangiti naman ako. Baka may gagawin nanaman tong katarantaduhan, napailing iling pa ako dahil sa isipin na iyon.
Pero agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ko ang isang babaeng papalapit sa asawa ko.
Ang babaeng napakaganda ng mukha, matangos ang ilong, matangkad, maputi at higit sa lahat mabait. Sino nga ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sa babaeng tulad nya? Kung magiging lalaki nga rin siguro ako ay niligawan ko na sya.
Lumapit ako sa kanila para pakinggan kung ano pa ang pag-uusapan nila. Nakatago parin ako at alam ko namang hindi nila ako makikita dito.
"Ano bang kailangan mo?" Rinig kong tanong ni Azhi, May bahid na inis sa pananalita nito.
"Desperada na ako Azhi." Rinig ko namang seryoso na tono nito.
Kahit nangangatog na ang mga binti ko ay pinipilit ko paring wag matumba, Hindi ko na din alintana ang mga kagat ng lamok.
"Desperada na akong bawiin ka sa Asawa mo."
Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nakatalikod sa akin si Azhi at si Enxi ang nakikita ko, Lahat ng pagod ko simula kagabi ay umpisa ng nagsisilabasan sa katawan ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko at pilit ko iyong itinitigil.
Hinihiling ko na sana ay huwag humarap sa akin si Azhi at ng hindi nya ako makita.
"Ano?" Halos di makapaniwalang tanong nito. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"
Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. Wala akong magawa.
Ano nga bang magagawa ko? Kung mahal nya pa si Enxi? Kung si Enxi ang pipiliin nya.
At mas lalo akong napako ng makita kong napatingin sa gawi ko si Enxi. Pero parang wala lang sa kanya iyon dahil binalik nya ang seryoso nyang tingin kay Azhi.
"Alam kong mahal mo pa din ako Azhi wag mong lokohin ang sarili mo" Lumapit si Enxi kay Azhi at hinawakan ang pisngi nito.
Nahihirapan na akong huminga.
"Aalis ulit ako rito at hinding-hindi na ako babalik" Dagdag nito. "Sabihin mo lang na mahal mo ako Azhi. Mag s..stay ako... Sabihin mo lang" Seryoso lang ito.
Azhi Wag.
Wag mong sabihin please.
Wag dahil hindi ko kaya.
"B-balik ka tapos aalis ka ulit?"
Unti-unti ng dumaloy ang sakit sa puso ko.
Double kill.
Pumikit ako at tsaka dumilat muli.
Tumingin ako kay Enxi ng walang makikitang emosyon.
Gusto kong ipakita sa kanya na ayos lang ang lahat.
Tumingin pa sa akin si Enxi at bahagyang napaatras nang makita ang emosyon ko. "P-pero pag s-sinabi ko bang mahal kita h-hindi ka aalis?" Parang batang pagkatanong ni Azhi habang umiiyak.
Nakatingin lang sa akin si Enxi halata ang takot sa kanyang mga itsura pero wala na akong pakealam.
Gusto kong marinig ang sasabihin ni Azhi. Gusto kong malaman kung ano ang masasabi nya.
"Oo." sagot ni nya ng hindi man lang binabasag ang titigan naming dalawa.
"Mahal kita Enxi... M-mahal pa rin kita." lumakas ang hikbi nito. "Kung ayan lang ang makakapag stay sayo dito. Dito kalang Enxi m-madami akong problema g-gusto kong tulungan mo ako." Yumakap sya kay Enxi na ngayon ay umiiyak na rin habang nakatingin sa akin.
Tumalikod na ako sa kanila. Sapat na ang narinig ko.
Sapat na.