Third Person Point of View
"Huy, pahinga ka na daw sabi ni Doctor Rios." mataray na pagkasabi nung babaeng naka lipstick ng itim maging ang pang-ibaba nitong damit ay itim, blacklover nga kuno, tumango-tango na lang ang kaniyang kinakausap.
Hanggang ngayon ay hindi parin maliwanag sa kanya ang lahat kung bakit lagi nalang silang may pupuntahan ng mga Doctor, Pyschiatrist at Nurse na katulad nya. Kung hindi naman ay kahit umabsent sya ng ilang linggo buwan oh kahit nga na hindi na sya pumasok ay parang balewala lang sa nakakataas at hindi man lang pinapansin, ni hindi nga man lang sya tinatanggal sa trabaho nya at patuloy pa rin syang sinasahudan kahit naman hindi sya masyadong nakakapag-trabaho dala na rin sa napakarami nitong ginagawa.
Nararapat lamang na matanggal oh maparusahan sya sa kanyang ginagawang pagliban sa pagpasok sa trabaho ngunit pagpumapasok sya ay parang wala lang nangyari at para bang hindi man lang iyon napapansin ng karamihan.
Minsan pa nga'y imbis na sya ang gagamot sa pasyenteng may ASTD ngunit sinabi ng isang Psychiatrist na sya na lamang daw ang gagamot rito at mamahinga na lang daw sya baka pagod na sya. Gulong-gulo sya sa naiisip nya ngayon. Palaging ganito ang nangyayari sa kaniya, hindi naman sya makatanggi dahil masyadong mapilit ang mga ito.
Iwinaksi nya nalang nasa kanyang isipan at nagpatuloy sa pag-pindot ng kanyang Laptop.
Lumapit ang isa nyang kaibigan sa kaniya. "Ano iyang ginagawa mo Erika?" Tanong ni Ellaine sabay silip sa Laptop nito. Hindi naman sya tinugon nito at patuloy lang sa pagpipindot ng kung ano sa laptop nito.
Kinalabit-kalabit nya ito sa likuran. "Huy tinatanog kita..." Pangungulit nito.
"Para ito sa Alejo's Company, isinisulat ko rito ang hakbang na gagawin nila para hindi tuluyang bumagsak ang kumpanya." Napanguso naman si Ellaine tsaka bumalik sa kinauupuan nya.
Nang may naisip ito ay muli itong bumalik sa pwesto ng kaibigan nyang kanina pa nagtitipa at tsaka muli itong kinalabit.
"Bakit?" Tanong naman nito nang hindi man lang nililingon.
"Malapit na pala ang Birthday ng kaibigan ni Doctor Rios. Ang sabi imbitado daw tayong lahat na mga Doctor pati mga Pyschiatrist at Nurse." Masayang pagkasabi nya ngunit wala man lang sinabi ang kanyang kausap. "Para lang tuloy akong nakikipag-usap sa patay." Nakabusangot na pagkasabi nito at tsaka muling bumalik sa upuan nya.
Mag-Aalas Dose na nang gabi kaya naman napainat inat sya ng katawan nya matapos mag tipa sa kanyang laptop tumingin din sya sa gawi ng kanyang kaibigan na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa Sofa.
Naisipan nya namang tawagan ang kanyang asawa. Nakangiti nya itong tinawagan.
["Hello."] Sagot nang nasa kabilang linya.
Unti-unting napawi ang ngiti nito nang mahimigan nya ang tono nang pananalita nang kanyang tinawagan.
"Anong ginagawa mo?" Kalmadong pagkatanong nito.
["Wala."]
"May problema ba?"
["Wala"]
"Baki--" Hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya ng patayan na sya ng linya nito.
Binaba nya na ang Cellphone nya at hindi parin nagsisink in sa kanyang utak ang inasta nang lalaki sa kanya. Naguguluhan naman syang tumingin muli sa kanyang Cellphone na para bang tinatanong nya ito, kung bakit ganon ang ugali ni Lysander ngayon.
Tumingala naman sya sa itaas at nakita nya ang kisame. "Ano nanaman bang nagawa ko don?...Tsk" Kunot noong ani nito.
Tumayo nalang sya at kumuha ng extrang kumot sa lalagyan nya at kinumutan si Ellaine. "Goodnight" Hinalikan nya sa noo si Ellaine at tsaka diretsong pumunta sa Cr para mag-shower.
Ng matapos na syang mag shower ay muli syang bumalik sa kanyang table at tinuloy ang pagtitipa ng mahahalagang impormasyon. Ngunit di rin nagtagal ng may tumawag sa kanya. Kinuha nya naman ang Cellphone at tsaka ito sinagot.
["Ate Yin..."] Panimula nang nasa kabilang linya.
"Napatawag ka Sheanna..." Sagot nito. "May nangyari ba?"
"Wala Ate Yin, I want to see you po" Malambing na boses nito. Napangiti naman si sya nang dahil sa sinabi nito.
"Sige bukas ba gusto mo?"
"Opo Ate!!" Masayang sagot ng bata.
At dahil don ay nagbago ang mood nya, Hindi nya na muna inisip ang biglaang pag-iba ng trato sa kanya nang kanyang asawa.
Sa kabilang dako naman ay busy ang asawa nito sa pag-inom ng alak, Nagkakatuwaan silang magtrotropa.
Tumayo naman si Lysander para kausapin ang tumatawag sa kanya ng may makabungguan syang babae, Natapon ang laman ng baso na hawak ng babae at saktong naitama ito sa mukha ni Azhi.
Inis naman nyang pinunasan ang mukha nyang basang basa na dahil sa alak. " Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo hah?" Inis na pagkatanong nito na hindi man lang nililingon ang babaeng nakabangga sa kanya, Kinuha nya ang kanyang panyo sa bulsa at pinagpatuloy ang pagpunas sa mukha nya.
Samantalang ang babaeng nakabangga nya ay nakatayo lamang at hindi alam ang gagawin. Tulala sya sa itsura ng lalaki na para bang hindi makapaniwala na nakita nya ito.
"L-lysander" Utal na ani nito.
Napatigil naman sa pagpupunas nang mukha si Lysander at tumitig sa kanya. Kumunot ang noo nya ng tignan nya ito. Pinasadahan nya pa ito mula ulo hanggang paa, Inaalam kung saan nya ito nakilala. "Do I know you?" Hindi pa rin matanggal ang pagkakunot ng noo nito.
"A-ako si Enxi" Tulala parin sya sa itsura ng lalaki.
"Okay" Walang ganang saad nito at naglakad na.
Ngunit wala pang ilang segundo nang mapahinto sya sa paglalakad, Nang may mapagtanto sya.
Agad syang humarap sa babaeng muli, Muli nya itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. May kung ano sa mata nang babae ang nababasa nya, pangungulila, saya at lungkot.
Nakatitig lang ito at tinignan ang pinagbago nya.
Samantalang makikita naman sa mukha ni Enxi ang buong pagsisisi sa kaniyang sarili.
Hindi nya naman masisisi ang lalaki at wala syang dapat sisihin kundi ang sarili nya dahil kahit saang anggulo tignan sya ang unang umalis at sya ang unang sumuko sa relasyong mayroon sila noon.
"Lysander..." Sunod sunod ng nagsipatakan ang luha nya.
Hanggang ngayon hanggang noon ay ang lalaking kaharap nya pa rin ang mahal nya. Iniisip nya ngayon na kung hindi nya ba ito pinakawalan dati ay may pamilya na sila ngayon at masaya ng naririrahan sa iisang bubong.
Nakatingin lang naman sa kanya si Lysander, nakatulala ito at hindi maalis ang tingin sa babae ang kanyang atensyon. "Kamusta ka?" Pagbabasag ni Enxi ng katahimikan. Ngunit hindi man lang sya nakatanggap ng tugon sa lalaki. Nakatitig lang sa kanya ang ito.
"Kamusta kayo ng..." Napatigil sya sa pagsasalita at tumingin sa ibang direksyon. Napakagat labi pa ito at pilit na pinipigilang huwag maiyak sa harapan ng lalaki. "Asawa mo?" Mapaklang tugon nito at tsaka tumawa ng kaonti.
"Why are you here?"
Napatingin sya sa lalaki, Hindi man lang sinagot ni Lysander ang kanyang mga tanong.
Ngumiti ito bago sumagot. "We're celebrating Jamie's birthday here"
"Why are you here?" Tanong nitong muli.
"I told you, We're celebra-"
"Bakit ka pa bumalik?" Umiba ang itsura nito. Sa kaninang tulala at gulat ay napalitan ng walang emosyon. "Akala ko ba ay hindi ka na babalik at dun ka na mamamalagi?"
Napalunok naman ng laway si Enxi bago tumingin sa ibang direksyon. "Because of you..."
Agad na namuo ang luha sa mata ng lalaki ngunit bago pa iyon tumulo ay agad nya itong pinunasan bago pa tumingin sa kaniya si Enxi. "After all this years Exi? Ngayon mo pa talaga naisipang bumalik? Ngayon pang alam mong may asawa na ako?" punong puno ng sarkastikong pagkatanong nito.
"Y-yes, But I didn't expect na dito pa pala kita makikita. Actually, I told Mom to have a dinner with your family on saturday. She agreed with it" Saad nito, Pilit nyang tinatanggal ang akward na nararamdaman.
"So?" Ani nito gamit ang malamig na tono.
"I'm sorry" Napayuko sya at doon na nagsipatakan ang mga luha nya. "Hindi ko rin ginusto ang ginawa ko."
Binulsa na ni Lysander ang kanyang dalawang kamay at tsaka tinalikuran ang babae. Hindi pa sya nakakalayo ng maramdaman nyang may yumakap sa kanyang likuran.
Napatingala naman si Lysander at pilit na huwag ituloy ang kanyang luha. Hinawakan nito ang kamay ni Enxi na nakayakap sa kanya at pilit na tinatanggal.
"Enxi ano ba." Angal nito at patuloy parin sa pagtatanggal sa kamay nito. Ngunit dahil narin sa panghihina ng kanyang katawan ay hindi nya matanggal tanggal. "Baka may kakilala dito ang asawa ko at malaman nya ito." Nang sabihin nya yon ay kusa nang bumitaw si Enxi sa pagkakahawak.
"Tell me Lysander, Do you love Erika Millario more than you love me before?" Buong tapang nyang ipinaharap sa kanya si Lysander at tinitigan sa mata. "Tell me."
Tinititigan lang sya ni Lysander pero wala itong sinasabing kahit ano. "Tell it Lysander Sabihin mo ring mahal mo pa ako at hindi mo ako kayang mawala." Napatakip sya ng kanyang mukha at tuluyan ng napahagulhol.
Mapaklang naman itong natawa na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Enxi ngayon. "Seriously? Nakaya ko ngang wala ka diba? Sa ilang taon na yon. Nakayanan ko. At kahit mawala ka pa ngayon ay wala na akong pakealam" Garalgal na pagkasabi nito.
"Nasasabi mo lang yan dahil nasaktan ka sa ginawa ko, Alam kong mahal mo pa rin ako, Nakikita ko yon sa mga mata mo."
"Hindi ka dapat sa mata ko tumitingin, Wala kang ibang titignan, Makiramdam ka. At doon mo malalaman ang kasagutan." Tuloyan na syang tumalikod at mabilisang umalis sa lugar na iyon.
Hinabol pa sya ni Enxi pero nilakihan nya na ang hakbang nya para hindi na sya nito maabutan. Nang makapasok na sya sa kanyang kotse ay dun na sya tuluyang napahagulhol. Ipinatong nya ang kanyang ulo at ang kamay nya ay nakahawak din sa manibela.
Umiiyak lang sya ng tahimik.
"B-bakit mo pa ako kailangang guluhin ngayong maayos na ang lahat." reklamo nito at napasabunot ng sarili. "Fvck!" ani nito sabay pinaghahampas sa manibela.
****************************************
re•set