Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Pursuit of True Love

🇵🇭TRIXIESAS_29
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.5k
Views
Synopsis
Axei Deimon Vonguard, a male transferee at iAcademy, Chef is his dream, and he always want to maintain his high grades for the better. He was always quiet and he always bring his cold expression, until he met Karliah Reecey Carter, and they made a deal on her 18th birthday. "So, dahil si Karcey ang may birthday, siya ang gagawa ng deal natin!" Shin said. "Anong ako?" Karcey asked in astonishment. "Mag-isip ka na lang, ano ba?" _ "Okay, so ito na ang new deal natin. You must choose your partner, girl and boy. Then, we must meet 10 random persons in different places every weekend. And, you will introduce that person you met to your partner. Depende na sa inyo kung babae or lalake ang gusto mong lapitan at kilalanin pero dapat ipapakilala mo siya sa partner mo. Gets niyo ba?" "Yeah!" "Then, pag nakilala na siya ng partner mo, dapat makikipagdate or makikipag hang out yung partner mo dun sa stranger for 1 day! Every weekend dapat may imi-meet tayong stranger ha! Tapos in different places!" "Deal!" _______ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents, are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM: is the representation of another author's language, thoughts, ideas, or expressions as one's own original work. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. PLAGIARISM IS A CRIME AND PUNISHABLE BY LAW! WARNING: This story might have typographical and grammatical errors! And not suitable for young readers. R(16). ©All Rights Reserved. ~Trixiesas29
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

"Ms. Carter, Stand up!", sigaw ni Ms. Helen. Sabay kaming tumayo ni Shin, pinsan ko. Kumunot ang noo ni Ms. Helen at tumingin kay Shin, pagkatapos ay sa'kin. My brow furrowed at her. "Are you two siblings?" She asked, still confused.

Siya daw ang Terror teacher sa SHS eh, Social Science teacher namin siya, kaya ang mga kaklase namin ngayon ay parang mga nakuhanan ng dila at ang tatahimik. First week of school palang nga recitation agad?

"We are cousins." Sabay na tugon namin ni Shin.

"Oh, okay then, give me 5 major branches of Social Science, Ms. Dashin." She asked to Shin.

"The major Social Sciences are Anthropology, Archaeology, Economics, Geography, History, L--" hindi napatapos ni Shin ang sagot niya dahil nagsalita ulit si Ms. Helen. Sinabing lima lang eh.

"That's enough! I said only five, right?!" Sigaw ni Ms. Helen.

Shin bowed her head in shame, at 'eto ako nagpipigil ng ngisi habang nakatingin sa kawalan.

"I'm sorry, Miss." Shin apologized.

"Ms. Karliah! Give me another five major branches of Social Science!" Pasigaw na tanong ni Ms. Helen sa'kin. 'Yan tuloy, ako pa ang nasigawan.

"The other five major Social Sciences are Law, Linguistics, Politics, Psychology and Sociology." Nakangiti at taas noo'ng sagot ko.

"Good! Sitdown!" Aniya kaya umupo na kaming dalawa ni Shin. Tumalikod siya sa'min at kumuha ng chalk sa chalkboard at nagsimulang sumulat doon. "You have a recitation again tomorrow! So study about those major branches of Social Science! Dismiss!" Pasigaw pa din na ani Ms. Helen.

Pagkaalis niya ay nagsitayuan na ang mga kaklase namin at naglakad palabas, tumayo na din kami ni Shin, isinabit ko sa balikat ko ang cute na backpack ko. Since kakaumpisa pa lang naman ng klase, maliit na bag muna ang gamit ko.

"Ano? Pabibo ka kasi, sinabing lima lang, uubusin mo pa?" Salubong ko agad kay Shin nang natatawa paglapit niya sa'kin. Nakasimangot pa 'rin siya at masama ang tingin sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Hayaan mo na nga 'yon!" Pikon na sabi niya at nauna nang lumabas.

"Ano ka ba, Kar! 'Wag mo na ngang awayin yung pinsan mo, badtrip na nga eh." Saway sa'kin ni Lily habang naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria, may malapit kasi na cafeteria dito sa 3rd floor, meron din sa baba.

Best friend namin ni Shin si Lily since high school.

"Hayaan mo na yun, ililibre ko nalang." Sabi ko naman habang natatawa pa'din. "Si Shin lang ang ililibre ko ngayon ah! Mag-order ka ng sayo!" Dugtong ko bago pa siya magrequest.

"Okay lang." Nakangiting aniya. Pinaningkitan ko siya ng mata pero hindi na ako umimik. I guess marami naman siyang allowance ngayon.

Sa cafeteria na namin naabutan si Shin, nakapila na siya at hindi na nga kami hinintay. Nilapitan ko siya sa pila niya at bahagyang tinulak.

"Alis na diyan, ililibre na kita para naman mabawasan init nang ulo mo." Sabi ko sa kaniya, hindi pa din ako matigil sa kakatawa, paano ba naman hanggang dito nakabusangot ang mukha niya at ang sama-sama nang tingin sa mga tao.

Inirapan niya ako bago nagmartsya paalis. May pairap-irap pang nalalaman pero gusto din naman magpalibre.

"2 bulgogi burgers, 2 french fries and 2 milktea, please." Order ko sa Cashier nang turn ko na sa line.

"Will the service crew bring it to your table or will you pick it up, ma'am?" Tanong niya, 'eto talaga ang gusto ko dito eh, feel ko ang professional ko, maka-ma'am ba naman ang mga cashier.

"Bring it to our table nalang, thank you." Nakangiting tugon ko, ngumisi at kinawayan ko pa si Lily bago tumungo sa table na inupuan ni Shin. "Huwag mo nang problemahin yung pagkapahiya mo kanina, tapos na yun, past is past." Pagsusuyo ko sa kaniya kahit natatawa pa din ako.

"Babawi talaga ako sa Hell na yun." Masungit na aniya.

"Hell?" Naguguluhang tanong ko.

"Hell, as in Hell-en." May tunog na sarkasmong sagot niya. Mas lalo pa akong natawa, at nakisabay pa si Lily sa pagtawa.

"Ikaw naman ang nagkamali eh." Kunwaring bulong ko pero sinigurado kong marinig niya ang sinabi ko. Narinig niya nga kaya inirapan niya ulit ako. "I mean, ikain mo nalang yan! Fries at burger ang inorder ko! Favorite mo yun diba?" Biro ko ulit dahil mukhang sasabog na talaga ang bulkan sa loob-loob niya.

Inirapan niya lang ulit ako at nag-iwas na ng tingin.

Pumunta na din si Lily sa table namin nang natapos na siya sa pag-order ng pagkain niya, sinuyo niya din si Shin pero tango at irap lang ang tugon niya.

Kinuha ko nalang ang pocket book, ang phone, at ang headset na dala ko sa bag ko, nagpamusic ako habang nagbabasa.

Nag-antay pa kami ng ilang minutes bago dumating ang orders namin. Pagkalapag ng crew sa table namin ang orders namin ay binalik ko na sa bag ko ang gamit ko at nagsimula na kaming kumain.

"Hoy, Kar. Walang tubig?" Tanong ni Shin sa'kin habang ngumunguya ng burger. Nilibre na nga, magrerequest pa.

"Ayan milktea mo oh." Turo ko sa gilid ng plato niya kung nasaan ang milktea.

"Gusto ko tubig."

"E'di bumili ka dun." Masungit na sabi ko.

"Ikaw bumili." Seryosong aniya. Galing nga pala sa bad mood to, baka mapatay pako nito.

"Bilhan mo din ako, Kar. Thank you!" Request din ni Lily.

"Fine." Tumayo na ako at tumungo ulit sa Cashier. Ngunit bago pa ako makalapit, may nakabunggo pa sa akin na lalaki dahil mukhang nagmamadali ata ito.

"Shit." Bulong ng kung sino mang nakabunggo sa akin nang nahulog ang mga librong dala niya.

Yumuko siya para kunin ang mga libro niyang nahulog. Hindi ko na siya natulungan dahil mabilis niya din namang napulot ang mga ito.

"Sorry." Sabay kaming nagsalita noon bago siya tumayo ng matuwid. Nang umangat na ang ulo niya ay nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko.

"Omg, Axel?!" Gulat na tanong ko. As I rember, he is our classmate when we were junior high school.

"Oh, ikaw pala yan, Karcey." Nakangiting aniya. "Pasensiya na, medyo nagmamadali kasi ako eh. Kamusta?"

"Still me," Natatawang sabi ko. "Anyway, kasama ko sina Shin at Lily. Ayun sila oh," Turo ko sa dulo kung nasaan ang table namin. "Bibili lang ako ng tubig tapos babalik na ulit ako do'n."

"Samahan na kita?" Tanong ni Axel.

"Ah, no, thanks, kaya ko naman na. At mukhang nagmamadali ka pa."

"Okay lang naman. Pero kung 'yan ang gusto mo, sige. Dadaanan ko nalang sina Lily sa table nyo."

"Sige!" Nakangiting tugon ko at hinintay ko munang makaalis siya sa harapan ko.

Nang makaalis na siya at tumungo na sa table namin ay dumiretso na ako ulit sa cashier. Bumili ako ng 3 bottled waters at bumalik na sa table namin.

Nagulat pa ako dahil pagbalik ko may kasama nang isang lalake si Axel. Magkahawig sila ni Axel, maybe they're siblings or blood related.

Binigay ko ang 2 bottled waters kina Shin at Lily, umupo na din ako sa tabi ni Lily pagkatapos.

Magkatabi na kami nina Lily at Shin sa left side ng table, si Axel at yung guy na kasama ni Axel ang nakaupo sa right side.

Nagkatinginan kami noong lalaking kasama ni Axel pero umiwas naman ako kaagad ng tingin.

"By the way, this is my brother or should I say kakambal." Nakangiting pagpapakilala ni Axel. Wala kaming alam na may kapatid o kakambal pala 'tong Axel na 'to kaya sabay-sabay na nagtaas ang kilay naming tatlo nina Shin at Lily.

Hindi din agad namin napansin na magkakambal sila dahil moreno si Axel samantalang itong kambal niya ay mestizo.

Siniko ni Axel yung lalaking kasama niya at may binulong siya dito dahilan kung bakit bumalik ang tingin 'nong lalaki sa amin.

Tahimik lang kaming tatlo nina Shin at Lily na pinagmamasdan ang dalawa.

"Axei." Maikling pagpapakilala niya.

"Lily." Naunang nagpakilala si Lily, ngiting-ngiti pa siya habang nakatingin dito.

"Shin." Sunod naman na nagpakilala si Shin. Mukhang bad mood na naman, nakabusangot na naman ang mukha niya.

"Karcey." At ako ang huling nagpakilala sa kaniya. Tumagilid nang kaunti ang ulo ni Axei, kaya nagtaka din ako kung anong problema.

"Axei Deimon Vonguard." Kumunot ang noo ko dahil kinumpleto niya pa talaga ang pangalan niya!

"Karliah Reecey Carter." Nakangisi at wala sa sariling sabi ko dahil titig na titig kaming pareho sa isa't isa.

Lily coughed fakely. "The Axe Brothers," she then awkwardly laughed.

"Grabe ang OOTWAK nang mukha, girl." Bulong ni Shin na narinig naman naming lahat na dito sa table namin.

"OOTWAK?" Natatawang tanong ni Axel.

"Out Of This World Ang Kagwapuhan, bakit?" Taas kilay na sabi ni Shin, masama pa ang tingin kay Axel.

"Oh, okay," Kumamot siya sa batok niya, at medyo napawi din nang kaunti ang tawa niya.

Tumayo siya bigla kaya napaangat kami ng tingin sa kaniya.

"Uh, we need to go, may next class pa kami. Napadaan lang naman kami dito. See you around." Sabi ni Axel at tumayo na din si Axei. Pero may pahabol pang tanong si Lily kaya hindi muna sila umalis.

"Ano bang section niyo, bakit hindi tayo magkaklase?"

"Gaga, College na 'yan, remember?!" Singit ni Shin sa usapan.

"Cutting pamore." Natatawang sagot ni Axel, tumalikod naman si Axei at nagsimulang maglakad paalis.

"Saang floor kayo?" Tanong ulit ni Lily. Nagpatuloy naman kaming dalawa ni Shin kumain pero nakikinig pa'din kami sa kanila.

"4th and 5th floor. Ampucha, iniwan na ako ni Axei. Bye!" Aniya at tumakbo na paalis para habulin yung kakambal niya.

I guess that Axei guy is an opposite attitude of Axel.