Chereads / Pursuit of True Love / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

"What?" Axei asked, wondering, and he looks a bit annoyed because of my shocked question.

"You bought this kneaded eraser?" tanong ko ulit kay Axei.

Medyo kumalma na ako dahil noong sumigaw ako kanina, biglang napabaling ang atensiyon ng lahat na nakarinig sa sigaw ko kaya bigla naman akong nahiya.

Binalik ko na yung paper bag ni Axei pero hawak ko pa din yung kneaded eraser, okay naman yung ibang eraser, gusto ko lang talaga nitong kneaded eraser.

Kneaded eraser can be shaped by hand for precision erasing, creating highlights, or performing, and detailing work that's why I love it.

"Yes, so?" maikling sagot ni Axei, hindi niya manlang ako tinitingnan o hinaharap, dire-diretso lang siyang naglalakad.

"Bibilhin ko, please," pagmamakaawa ko. "Kahit mahal pa yan! 1000? 2000? 3-"

"You can have it," sabi niya na parang walang pakealam.

"Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ko, hinigit ko pa ang sleeves ng hoodie jacket niya at hinila-hila.

"Stop it," iritang sabi niya kaya binitawan ko na siya, baka bawiin pa 'tong eraser.

"Akin na to? Sure ka?" tanong ko ulit.

"Yeah."

Linagay ko na sa loob ng paper bag ko ang eraser, baka mamaya bawiin niya pa, alam niyo naman ang mga hangin sa ulo natin, minsan lumiliko.

Palabas na kami ng mall, nang napansin kong umuulan sa labas.

"Luh, umuulan?" wala akong dalang payong. "Do you have an umbrella?" Tanong ko kay Axei.

"Nah." Maikli na namang sagot niya, sa pagkakaalam ko hindi nakakamatay ang pagsagot ng mahaba.

"Then, let's go inside the mall again, let's wait for the rain to stop na lang," hindi ko na siya hinintay na sumagot, basta ko nalang siya hinila papasok sa loob. I looked at my watch, 6:30 pm palang naman, sa pagkakaalam ko, 9:00pm or 10:00pm ang closed ng mall na 'to.

Hinayaan lang ako ni Axei na hilahin siya papasok sa loob ng mall. Nang makapasok na ulit kami sa loob, dun ko lang napansin na sa kamay ko siya hinihila. Ibig sabihin, holding hands while walking ang peg namin! Binitawan ko agad ang kamay niya, at pasimpleng tumikhim. Nang tumingin ako sa kaniya, hindi ko alam kung guni-guni ko lang but there's a ghost of a smile on his face!

Sanay naman akong may kaholding hands in public. I have my past exes, at lahat sila nakaholding hands ko na in public. Eh ang kaso, hindi ko naman jowa 'tong si Axei! At isa pa, kanina ko lang siya nakilala kaya ang awkward naman na feeling close na agad ako sa kaniya.

"Have you eaten dinner?" I asked Axei whose walking quietly, hindi naman sa pandak ako, pero sobrang taas niya talaga. Hanggang balikat niya lang ako kaya dapat inaangat ko pa ang ulo ko para magkalebel kami ng tingin.

"No."

"Kain tayo! Dun tayo sa RJU Ramen and Curry! Japanese food," turo ko sa may tapat ng Watson's.

Hinila ko siya ulit pero this time sa sleeves na ng hoodie jacket niya ako humawak.Nagpatianod naman siya sa hila ko at sumunod na lang.

"Good evening, ma'am, sir." Bati nung waiter pagpasok namin, nginitian ko lang siya, si Axei naman, as always dala 'yong walang reaksyon niyang mukha, kanina ko lang siya nakitang ngumisi, hindi pa ako sure kung totoo ba 'iyong nakita ko.

Table for two ang kinuha naming table, alangan namang table for one.

Fried rice, Wafu Pasta with Shrimp and Asparagus, and Oyakudon(Chicken and egg bowl) ang inorder ko. Stir Fry Vegetables lang ang kay Axei, mas diet pa siya ata kaysa sa'kin. Well, hindi naman ako nagda-diet, hindi din naman kasi ako tumataba.

Royal Milk Tea naman ang drinks ko. Royal Milk Tea is different from the milk tea found in other parts of Asia as far as I know. Genmaicha naman ang kay Axei, Genmaicha is a very popular drink in Japan, comprising green tea leaves mixed with roasted browned rice as far as I know din.

Pagkatapos namin kumain, lumabas na kami nang mall para tingnan kung umuulan pa ba. 7:30 pm na pagtingin ko sa relo ko.

Nang nakalabas na ulit kami, hindi pa din tumitigil ang ulan kaya wala kaming magawa kundi ang mag-stay na lang muna sa tapat ng entrance ng mall. Nakatayo lang kaming dalawa ni Axei at sumisilong. Walang nagsasalita sa amin kaya ang awkward tuloy.

Uupo na sana ako sa sahig dahil tiles naman ito nang biglang tumakbo si Axei! Namilog ang mga mata ko, ilang segundo pa bago nagfunction uli ang utak ko.

"Hoy, Axei! Anong gagawin mo?! Tatakbo ka pauwi?! Hoy 'wag mo akong iwan dito! Sama ako!" Sigaw ko sa kaniya, kahit medyo napapalayo na siya, sumigaw pa din ako ng sumigaw, tatakbo na sana ako pasunod sa kaniya nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at humarap sa'kin.

"Just stay there! I'll be back!" sigaw niya pabalik at nagsimula na naman siyang tumakbo. Nag-isip pa muna ako kung susunod ba ako sa kaniya o sundin ang utos niya na dito lang ako. Sa huli I sighed. Tiningnan ko na lang ang mga paper bags namin sa sahig, iniwan niya ang kaniya.

Uupo na naman sana ulit ako sa sahig nang nakita kong patawid na si Axei sa kabilang daan at may paparating na sasakyan!

"Axei!" sigaw ko.

My heart skipped a beat, napatakip ako sa bibig ko, natatakot sa susunod na mangyayari.

Mabilis tumakbo si Axei kaya hindi siya nasagasaan. Hiningal pa ako dahil sa sobrang kaba, feeling ko ako 'yong muntik nang masagasaan. Tumigil si Axei sa pagtakbo, tumigil din ang sasakyan at bahagyang umatras para malapitan si Axei.

Hindi ko na napigilang lumapit at tumakbo na lang ako basta-basta palapit sa kanila, hindi ko na inalintana ang ulan. Pagkalapit ko, narinig ko agad ang galit na pagsigaw nang driver.

"Hoy! Ikaw ba may ari nang daan ha!? Bakit tumatawid ka nalang basta-basta?! Kita mo namang gabi na at umuulan pa!" Galit na ani ng lalaking driver.

Lumapit na ako nang tuluyan sa kanila at agad naman na tumingin si Axei sa akin gamit ang gulat na mata.

"Tanga mo naman! Hindi ka nag-iingat!" bungad ko sa kaniya at bahagya pa siyang hinampas.

"Why are you here?! Didn't I tell you not to follow me and stay there?!" si Axei. Siya pa ang galit.

Bumaling ako sa driver at ako na ang humingi ng paumanhin sa kaniya dahil sa katangahan ni Axei.

"Naku, kayong mga bata kayo! Umuwi na nga kayo, gabing-gabi na at umuulan pa oh!" nasermonan pa tuloy.

Binalingan ko si Axei at bahagyang siniko. I glared at him para makuha niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya. He looks confused while looking at me, hindi ata naiintindihan kung bakit ko siya siniko.

Instead he pulled me closer to him, bahagya akong natalisod kaya nabangga ako sa dibdib niya. He put his hand on my head para hindi mabasa ang ulo ko kahit na basa na naman ito. Agad naman akong umayos ng tayo at binulungan siya.

"Magsorry ka," mahina pero may diin kong sabi tama lang para marinig niya. He looked at me again and sighed. Bumaling siya sa driver sa harap namin na nakakunot ang noo sa amin.

"Sorry," si Axei sa driver. Ewan ko kung narinig ba ng lalaki 'yon pero tumango na lang siya at pinaandar na ulit ang sasakyan niya.

"Umuwi na kayo!" sigaw pa muna ng lalaki bago siya tuluyang umalis.

Nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ni Axei patakbo.

"Hoy, sa'n mo'ko dadalhin?!" tanong ko at gulat pa din.

"Ihahatid kita pauwi," si Axei. Wala na akong nagawa dahil basa na din naman kami kaya sumunod na lang ako sa kaniya.

Nang nakapasok na kami sa sasakyan niya linagay ko muna ang mga paper bags naming dalawa sa backseat at binara ko siya agad ng mga salita.

"Gagong 'to, kala mo naman hindi mamamatay 'pag nasagasaan. Sa katawang mong yan? Maawa ka naman, ang payat payat mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Enough of your sermon. Hindi naman ako sobrang payat at baka gusto mong ipakita ko 'yong abs ko sayo," si Axei sa iritado at sarkasmong boses.

"Aba! Paano ka magkaka abs sa payat mong yan!"

"Tss," hindi na siya ulit nagsalita kaya umirap na lang din ako sa kaniya.

Napatingin ako sa blouse ko, kita na ang black brassiere ko dahil sa ulan. Ni hindi ko man lang napansin kanina ang lamig dulot ng ulan, pero dahil nandito na kami sa loob ng kotse niya, ngayon ko pa lang naramdaman ito.

"I told you to stay there and wait for me, diba?" madiing salita niya ulit, tila iritado. Umirap lang ako at hindi na siya pinansin. Ngunit lumipas ang ilang minuto, hindi niya pa din pinapaandar ang sasakyan niya.

Bumaling ako sa kaniya dahil nakita ko sa peripheral vision ko na naghuhubad siya ng jacket niya, kumunot ang noo ko at magrereklamo na sana nang bigla niya itong nilahad sa akin.

"Put the jacket on," he commanded. Inirapan ko ulit siya. Hindi na lang ako nagreklamo at tinanggap ko na lang ang jacket niya, pagkatapos ay sinuot ko ito. The jacket is wet but the inside is still warm kaya okay lang din naman.

Tumingin ulit ako sa kaniya pagkatapos kong masuot ang jacket niya. I caught him staring at me, my brow furrowed at him.

"Ano?"

Umiling lang siya, kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin. Pinaandar na niya ang sasakyan niya at bumiyahe na kami. Bumaling na lang ulit ako sa bintana at doon ko na lang ibinigay ang sama ng loob ko. I rolled my eyes several times at the window.

Ugh! Lintek na ulan!