Chereads / Pursuit of True Love / Chapter 6 - Kabanata 5

Chapter 6 - Kabanata 5

Pomeranian puppy ang pinili ko because it is playful, obedient and capable of competing in agility, love being trained to do different tricks and think it's bigger than it is.

5:40pm na at hindi pa nakakauwi sina Shin at Lily pagkadating ko sa condo ko, wala pa kasing tao sa room ni Lily pagtingin ko sa monitor.

Naligo ako, pagkatapos ay nagbihis ako ng high waisted shorts at oversized shirt, tinuck-in ko pa sa short ko ang shirt ko. Kinuha ko ang hoodie jacket at uniform na nabasa kahapon, ipapalaundry ko na ngayon. Hindi kami nagkita ni Axei kanina kaya okay lang na ngayon ko pa lang palalabhan.

Lumabas ako ng hotel dala-dala ang paper bag laman ang jacket at uniform, meron namang laundry shop dito sa loob ng condo, kaso mas gusto ko sa labas, sa kaliwang kamay ko hawak-hawak ko si baby Karell, may tali naman siya kaya naglalakad lang din siya, nauuna siya sa'kin sa paglalakad. Ang cute niyang maglakad!

Nasa may Fuentivilla's na part na kami ng biglang nakawala si baby Karell sa kamay ko, nanlaki ang mga mata ko, at dali-dali ko siyang hinabol, nakita kong lumapit siya doon sa may nagtitinda ng barbecue, nakita ko pang binuhat siya noong lalaki na nagbabantay doon. Mas binilisan ko ang takbo ko at lumapit sa lalaki, may kausap pa siyang babae kaya nag-alinlangan pa akong kausapin ito.

Ang cute ni kuya! Kinalma ko ang sarili ko dahil hinihingal ako sa pagtakbo bago nagsalita.

"Uh, sorry po sa istorbo. Aso ko po 'yan. Tinakbuhan kasi ako ni Karell while we're strolling around." Sabi ko. Matangkad yung boy tapos yung girl mas mataas siya sa'kin ng ilang inch.

"Oh, no worries," nakangiting ani ng lalaki, nakatingin lang yung babae sa'kin, binigay ni boy si Karell sa'kin kaya kinuha ko naman at linagay siya sa sahig at hinawakan ko ulit yung leash niya, mahigpit na ang hawak ko dahil baka makawala pa ulit. "You have a cute dog, miss." Nakangiting anang lalaki.

"Ikaw rin, kuya, you're so cute din po." Kunting landi lang.

Tumalikod na ako dahil nakangiwi na 'yong babae sa'kin, baka girlfriend niya 'yon. Umalis na ako at tumungo sa laundry shop dahil baka mapatay ako nung babae.

Nandito na ako sa loob ng condo ko ngayon dahil sabi ni Manang Aye, ang nagbabantay doon sa may laudry shop, siya nalang daw ang magdadala dito bukas ng umaga ng mga damit na pinalaundry ko.

Naglalaro kami ni baby Karell ng maliit na bola, nakita ko lang sa loob ng closet ko kaya naisipan kong ibigay nalang kay baby Karell para maging laruan niya.

Tumatahol tahol pa si baby Karell, ang cute niyang tumahol. At ako naman ay natatawa dahil nadapa siya pagkaagaw niya ng bola sa'kin.

May biglang nagdoorbell kaya tumayo ako at tumungo sa pintuan para tingnan sa peephole kung sino ang nagdoorbell, sumunod naman si baby Karell sa likod ko.

Si Shin at Lily! Hindi ko pa nasasabi sa kanila na bumili ako ng aso dahil pagkabalik ko ay wala pa rin sila sa room nila kanina. Siguro ay nakita ni Shin sa monitor ng camera dito na may kasama akong aso.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at babatukan na sana ako ni Shin nang biglang tumahol si baby Karell sa likuran ko kaya hindi niya natuloy, nanlaki ang mga mata nila ni Lily at sabay na tumagilid ang ulo nilang dalawa, dali-dali namang nagtago si baby Karell sa likuran ng paa ko kaya binuhat ko nalang siya.

"Ano yan?!" Sigaw nilang dalawa.

Ngumiwi ako saka sumagot. "Baka aso?" Sarkastikong sagot ko.

"Anong ginagawa niyan dito?!" Sigaw ulit nilang dalawa.

"Pumasok nga muna kayo, ang ingay niyo, sigaw kayo ng sigaw diyan, magkaharap lang naman tayo." Iritang sabi ko at linakihan ang bukas ng pintuan ko para makapasok silang dalawa.

"Pahawak," nakangusong ani Lily pagkapasok nila. Pet lover yan e'.

"Hawak lang!" Reklamo ko at tinampal ang kaniyang palad ng umamba siyang kukunin mula sa kamay ko si baby Karell. Ngumuso nalang siya at pinisil pisil ang baba ni baby Karell.

"Kanino nga yan?" Tanong ulit ni Shin pagkaupo niya sa sofa.

"Binili ko." Sabi ko, hindi pa din tumitigil si Lily sa pagpisil ng baba ni baby Karell kaya tinalikuran ko siya at tumungo ako sa may kwarto ko at nilagay na sa dog cage si baby Karell, sumunod naman si Lily, baka idog nap niya pa to mamaya. "Diyan ka nalang muna, baby, dahil may nang do-dog nap dito ha." Bulong ko kay baby Karell kahit alam kong narinig naman yun ni Lily.

Kaya nang humarap ako sa kaniya ay nakasimangot na siya, ngumisi lang ako sa kaniya at hindi na siya pinansin, nilagpasan ko siya at bumalik na sa living room.

Pagbalik ko, ngumunguya na si Shin ng cookies na sa tingin ko ay galing sa ref ko kaya pinaningkitan ko siya nang mata.

"Kanino ngang aso 'yon?" Tanong na naman niya.

"Akin nga." Inirapan ko siya at umupo sa tabi niya, kumuha ako ng cookies at kumain na din.

"Anong ginagawa no'n dito?"

"Baka makikikain?" Sarkastikong sagot ko ulit.

"Saan galing yun?"

"Binili namin ni mommy."

"Bakit?

"Ano ba to? Q and A?" Iritang tanong ko.

"Sagutin mo nalang." Sinamaan niya ako ng tingin kaya ngumuso nalang ako, hindi ko alam kung sino ang under sa aming dalawa eh.

"Bored ako dito eh."

"Sinong mag-aalaga 'pag walang tao dito? Hindi naman pwedeng dalhin yan sa school, timang kaba?"

"Multo, multo mag-aalaga." Walang kwentang sagot ko. She glared at me kaya nagpeace sign ako. "Charot lang, may ipapadala daw si mommy na mag-aalaga dito kay baby Karell, tagaluto ko na din. Kaya dito nalang din tayo kumain bago pumuntang school."

"Okay." In-on niya ang TV at sakto namang bumalik si Lily.

"Ni-dog nap mo yun no'." Pag-aakusa sa'kin ni Lily pagkaupo niya sa may single sofa ko.

"Gaga, binili namin yun ni mommy no'." Inirapan ko siya at kumuha ulit ako ng cookies.

"Ang cute! Anong pangalan?" Ngayon tuwang-tuwa na naman siya.

"Baby Karell."

"Saan mo naman kinuha yang pangalan na yan?" Reklamo ni Shin.

"Sa name ko, yung Kar sa Karcey tapos yung ell, extra na." Sagot ko, ngumiwi naman si Shin, si Lily naman mas lumapad ang ngiti, kaya ngumiwi ako sa kaniya.

"Change topic," ani Lily kaya napatingin kami ni Shin sa kaniya. "Birthday mo na next next week, girl!" Masayang sabi niya, pumalakpak pa siya.

"Oo nga noh," Sabi naman ni Shin. "Ilang taon kana nga?" Tanong pa niya.

"Mag-eeighteen," sagot ko. Si Shin eighteen na, si Lily naman, eighteen na din. Ako ang pinakamaganda, charot, ako ang pinakabata, pero dalaga na ko noh! Ewan ko. Nagka-ex na nga ako e. Hindi ako nagkaroon ng flings kase seryoso ako pagdating sa relasyon, ako nga yung nagiging fling nila eh, pero ex turing ko sa kanila kasi napasaya naman nila ako kahit papano.

"Ewan ko nga kung magpapaparty sina mommy eh," kumuha ulit ako ng cookies at itinuon ang atensiyon sa TV.

"Kelan ka hindi nagkaroon ng party kapag birthday mo, girl? Eh taon-taon parang nagdedebut ka, eto pa kayang eighteenth birthday mo," inirapan ako ni Shin.

Nagkibit balikat lang ako sa kaniya, kumuha ulit ako ng cookies, hindi inaalis ang tingin sa TV.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa mini table nang wala akong makapa na cookie, ubos na pala. "Ubos na? Walangya, sino umubos?" Reklamo ko.

"Last na yung kinuha mo kanina ah?" Ani Shin, sumimangot ako at binalik na lang ang tingin sa TV.

"Girl, anong gusto mong gift?" Napalingon ako kay Lily nang bigla siyang magtanong, kaya pala tumahimik siya! Nag-iisip pala nang regalo!

Simple lang naman ang gusto ko, ngumisi ako sa kaniya, nagtaas naman siya nang kilay, "Eighteen pocket books." Sabi ko, namilog naman ang mga mata niya na hindi makapaniwala sa gusto kong gifts.

"Grabe naman! Ang mahal mahal ng isang libro eh!" Reklamo niya.

Ngumuso ako. "Sale naman ngayon ah." Kunwari malungkot na sabi ko.

"Sige na nga, six wattpad books sa'kin, six din sayo Shin, para hati tayo." Humagikhik si Lily dahil sa naisip niya.

"Anong six? Six plus six, twelve lang yung, gaga." Inirapan ko siya.

"Ayy akala ko, magtetlweve ka palang eh, pang twelve kasi height mo." Sarkastikong aniya, aba!.

"Anong twelve? Mataas kaya ako, same heights lang tayo uy! Pero hindi same ang age natin, kaya parang ikaw yung nagiging kulang sa heights." Inirapan ko ulit siya.

"Bahala ka diyan, Lily, ikaw nagtanong kung anong gustong gift ni Karcey diba? Kaya ikaw ang bumili niyan lahat," Singit ni Shin, sumimangot naman si Lily kaya binelatan ko siya.

"Bakit, may naisip ka na bang regalo?" Nakangusong ani Lily kay Shin.

"Wala."

"Oh, ano pang gusto mong gift, Kar?"

"Eighteen pocket books ulit." Ngumisi ako kay Shin.

"Fine, 9 wattpad books akin, 9 din sayo, Lily! Walang labis, walang kulang ha!" Pagpayag ni Shin. Pumalakpak ako dahil sa tuwa.

"Yey! Thanks!" Sabi ko at nagflying kiss sa kanilang dalawa. Ngumiwi si Lily at sumimangot naman ang mukha ni Shin kaya tinawanan ko silang dalawa.

"Nakadinner kana ba?" Biglang tanong ni Lily kaya ngayon ko lang din natandaan na hindi pa ako nakapagdinner.

"Hindi pa eh."

"Kami din."

"Share mo lang?" Pang-aasar ko.

"Gaga. Tara, kain tayo sa baba." Singit ni Shin, at tumayo na silang dalawa.

"Wait lang, si baby Karell, titimplahan ko lang ng gatas, bawal aso doon, diba?" Sabi ko at tumayo na din.

"Bawal nga, pero diba, bawal din yung aso dito?"

"Alam niyo naman si mommy at daddy," nagkibit balikat ako at tumungo na sa kitchen. Bawal naman talaga ang mga aso dito, pero dahil ang parents ko ang may ari nitong building ay exempted ang aso ko, basta wag ko lang daw pagalain sa buong condominium.

Anong akala nila? Tour guide ako? Vlogger? Para itour ko si baby Karell sa buong condominium?

Pagkatapos kong timplahan ng gatas si baby Karell, I fixed his bed too beside his cage, pinakawalan ko nalang siya at sinarado ang kwarto ko para doon nalang siya maglakad-lakad. Chineck ko muna ulit si baby Karell sa kwarto kung iiyak ba ito kapag umalis ako pero hindi naman kaya umalis na ako.

Bumaba kami at pumasok sa isang Mexican restaurant, dito pa din sa loob ng building na 'to. Nag-order kami at kumain na.

Tofu Coconut Curry ang order ni Lily, sweet, nutty and just a tad spicy, its meatless meal is hearty and satisfying for her sabi niya. Slow-Cooker Beef and Potato Stew ang kay Shin, a sprinkling of parsley keeps this comforting meal bright and fresh. Teriyaki Chicken and Pineapple Rice naman ang akin, this dinner deal is sweet and tangy! Sa pagkakaalam ko, the secret ingredient is lemonade concentrate.

Akin ang may pinakamalaking size na pagkain kaya panay ang pagpapaalala ni Shin sa'kin.

"Hoy, Karcey, magdiet ka naman! Ba't ba hindi ka nagda-diet?" Giit niya.

"Bakit ako magdadiet kung wala naman akong jowa na nagbabawal sa'kin kumain nang marami? Tsaka isa pa, sexy pa din naman ako dahil nagji-gym naman ako tuwing weekends." Sagot ko at kumain na ulit. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy na din siyang kumain.

Si Lily, kanina ko pa to napapansin na tulala at tahimik, ano kayang problema nito? Nag-iisip pa din ba 'to ng regalo para sa birthday ko? Libro lang naman eh.

"Hoy Lily, ba't antahimik mo?" Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na siya. Parang bumalik yung kaluluwa niya at bigla na lang siyang pumikit at umiling, my forehead twitched and Shin also looked at her.

"Wala," she answered quickly and avoided looking at us. "Nag-iisip lang ako ng mga libro na ibibili ko para sa'yo." Rason pa niya, sabay na pinaningkitan namin siya ni Shin ng tingin, sabay din kaming umiling at hindi na umimik.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa mga room namin. Nakapag-half bath na ako at naka pantulog na din ako. Nakahiga na ako sa higaan ko dito sa kwarto at sa tabi ko ay si baby Karell. Hinihimas himas ko ang ulo niya, nakapikit na din ang mga mata niya pero nakalabas pa ang dila nito.

Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-eeighteen na ako next week, dalaga na talaga ako!

Ibig sabihin nito na kapag eighteen na ako ay pwede na akong pumunta sa mga bars, ano kayang feeling na magparty sa isang bar?

Mag-eeighteen na talaga ako, grabe!

Excited na ako!