Kinaumagahan ay bumangon na ako, at wala na si baby Karell sa tabi ko pagkatayo ko, pero dumungaw ang ulo niya galing sa ilalim ng kama ko kaya napangiti ako at nagsquat sa harap niya, binuhat ko siya at linagay sa may binti ko.
Hindi naman sobrang mataas ang kama ko kaya siguro ay nakaya niyang tumalon dito.
I patted his head and greeted him good morning, he just barked, so cute!
Tumayo ako ulit at binaba ko na si baby Karell. Kinuha ko ang bottled water sa may bed side table ko at ininuman ko 'yon hanggang sa makalahati ito. Pagkatapos ay nag stretching ako at tumalon-talon para mabuhay ang diwa ko.
Pagkatapos ay tumungo na ako sa bathroom para maligo, at nagtoothbrush na din ako. Lumabas ako sa banyo na naka bathrobe at tumungo sa may sliding door kung nasaan ang walk in closet ko.
Nagsuot ako ng uniform ko at naglagay ng powder sa mukha, hindi ako naglalagay ng mga kung ano sa mukha ko, except powder 'pag sa school lang naman ang pupuntahan ko.
I go to school to study, not to flirt!
Nang tapos na ako, lumabas ako sa walk in closet ko at nakita ko si baby Karell na nakaupo sa may gilid ng cage niya kung nasaan ang tulugan niya. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya, binuhat ko siya at tumungo na sa labas ng kwarto ko.
"Oh my god!" Napatalon ako at halos matapon ko si baby Karell nang may madatnan akong isang mid thirties na babae na nagluluto sa kitchen. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito? At anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Magandang umaga po, ma'am. Si Mrs. Carter po ang nagpadala sa'kin dito para maging maid niyo po at nang aso niyo. Ako po si Heri Rose Buelo, ma'am. Nagluluto na po ako nang agahan niyo." Sunod-sunod din na sagot nito at bahagya pang nakayuko.
"Paano ka po nakapasok dito?" Nagtatakang tanong ko, 'yon lang 'yong hindi niya nasagot na tanong ko.
"Binigyan po ako ng extra'ng susi ni Mrs. Carter, ma'am. Kanina pa po kasi ako doorbell nang doorbell, wala pong bumubukas, ma'am eh. Pasensiya na po." Paliwanag nito.
Nang kumalma na ako ay lumapit ako sa may counter at umupo sa high chair. Pinatong ko naman si baby Karell sa counter. Nasa harap ko si Manang Heri, nagluluto siya nang egg, fried rice, fried chicken, tocino, at hotdog. Looks delicious!
"Saan mo po kinuha yang mga yan, Manang Heri? Eh wala naman akong stocks ng mga yan ah?" Nagtatakang tanong ko kay Manang Heri na abala pa din sa pagluluto.
Bahagya siyang natawa kaya medyo kumunot din ang noo ko. "Nagtungo ako diyan sa grocery store sa baba kanina dahil pagtingin ko sa ref mo, ay mga gatas, tsokolate at mga tinapay lang ang laman." Aniya.
"Hindi po ako marunong magluto eh." Nahihiyang sabi ko. Natawa naman siya nang bahagya.
"Tawagin mo nalang ang pinsan at kaibigan mo sa mga room nila, at sabi ng mommy mo ay kasama mo daw sila."
"Sige po, Manang." Nakangiting sabi ko at tumayo na ulit, binaba ko si baby Karell at linagay sa sahig, tumakbo naman siya papuntang living room kaya hinayaan ko na lang siya doon, at lumabas na.
Una akong nagdoorbell sa room ni Lily. Binuksan niya naman agad 'yon, ready na siya at dala niya na din ang backpack niya. Lumabas siya at nilock ang room niya, tsaka humarap ulit sa'kin. Hindi manlang siya ngumingiti!
"Punta ka sa room ko." Utos ko.
"Bakit? Anong meron dun?" Nagtatakang tanong niya.
"Baka multo?"
"Gaga, si Shin saan?"
"Nasa langit." Kumunot ang noo niya sa'kin, mukhang bad mood to ah. "Joke lang, nandun pa siguro sa room niya."
Tumagilid ang ulo niya at may tiningnan sa likod ko. Nakasarado naman ang pinto kaya nagtaka ako kung ano ang sinisilip niya sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap patalikod.
"Ay, mabahong palaka!" Napasigaw ako dahil sa gulat nang nakita kong nakatayo si Shin sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko at kinalma ang sarili ko.
Hinampas ko silang dalawa ni Lily sa balikat dahil sobrang natatawa talaga sila. Ewan ko kung bad mood ba talaga 'to si Lily, mas grabe pa ang tawa niya kesa kay Shin eh.
Nakauniform na din si Shin, may headphone pa siya na nakasabit sa leeg niya.
"Anyways, may yaya kana, Kar?" Tanong ni Lily nang tumigil na sila sa kakatawa.
"Yup." Nagmamalaking tugon ko.
"So? Senyorita ka na niyan?" Pang-iinsulto ni Shin.
"Oo." Pang-iinsulto ko pabalik at nginisihan siya.
Mahilig sa music si Shin. Mahilig din siyang maglaro ng mga online games. May pagkaboyish 'yan minsan pagtinotopak, pero model yan sa school namin. Akalain mo 'yon? Boyish? Tapos Model? Saan kapa? Kay Shin kana.
Si Lily naman, pareho kaming taste and food buddy. Pareho din kaming member ng dance troupe, actually kaming tatlo. Tapos, sporty din 'yan, pero volleyball player talaga siya. Mahilig din siyang magbasa ng mga libro kagaya ko. At siya ang pinakamabait sa'ming tatlo. Pinakamabait pero hindi talaga yung as in sobrang bait sa lahat ng tao sa balat nang lupa.
Si Shin ang pinakamatangkad, tapos ako ang pinakamatalino! Matalino din naman silang dalawa ni Lily pero sa aming tatlo ay ako ang nangunguna sa mga academic awards. Actually, nagkasundo lang talaga kaming tatlo dahil sa school, pareho kami ng gustong pangarap, ang maging Doctor.
Shin and I has a longhair while Lily has a shorthair, nagpagupit siya two months ago.
"Hali na kayo! Ipapakilala ko kaya sa bago kong yaya!" Excited na sabi ko at hinila na sila papasok sa room ko.
Pagkapasok namin sa room ko, tumakbo agad si baby Karell sa amin at tumahol-tahol kaya yumuko ako at binuhat siya.
"Hi, baby Karell." Ani Lily sa maliit na tono.
Umismid lang si Shin at umupo sa may sofa. Hindi kasi siya mahilig sa mga aso, she's more into cats.
"Magandang umaga!" Bati ni manang nang lumapit siya sa amin galing sa kusina, tapos na siguro siyang magluto.
"Good morning, manang...?" Sabay na sabi ni Lily at Shin, hindi pa alam kong ano ang idudugtong sa sasabihin.
"Ah, ako nga pala si Heri Rose Buelo, tawagin niyo nalang akong Manang Heri." Nakangiting pagpapakilala ni Manang.
Binitawan ko si baby Karell at nilapag siya sa sahig, tumakbo-takbo naman siya patungo sa kay manang. Binuhat siya ni manang, tuwang-tuwa naman si baby Karell dahil nakalabas ang dila niya.
"Shin po." Nakangiting pagpapakilala ni Shin, naglahad pa siya ng kamay, tinanggap naman iyon ni Manang.
"Ghirly po." Sobrang lapad ng ngiti ni Lily kay manang, napangiwi kami ni Shin sa paraan nang pagpapakilala niya. Naglahad siya ng kamay kay Manang. "Charot lang po, Lily po talaga 'yong name ko." Bawi niya pagkatapos makipagkamayan kay Manang. "Pero Ghirly po talaga ang name ko." Dugtong niya na naman, napakunot na kami nang noo ni Shin dahil ang gulo niya kausap, si Manang naman, nagtataka na din. "Pero Lily po nickname ko, so tawagin niyo na lang po akong Ghirly." Mas lumapad pa ang ngiti nito. Tila pinapalito talaga kami kaya binatukan na siya ni Shin.
"Ang gulo mo!" Reklamo ni Shin.
"Ang gulo gulo, ang gulo gulo~" kanta ni Lily kaya binatukan ko na din siya. "Aray! Joke lang po, manang. Lily na lang po ang itawag niyo sa akin." Baling niya kay Manang Heri na natatawang nakatayo sa harap namin.
"O siya, kumain na kayo at handa na ang pagkain niyo." Anyaya niya sa amin.
Tumayo kaming tatlo at tumungo sa dining table. Humingi ng permiso si manang sa akin na ilalagay niya lang daw si baby Karell sa kwarto ko, at tumungo na siya sa may kwarto ko. Hindi na niya buhat si baby Karell pagbalik niya.
Umupo kami at nag-umpisa nang kumuha ng kanin. Tumungo si Manang sa may ref at may kinuha doon. Bumalik siya sa amin dala ang tatlong baso at gatas.
"Sabay na kayo sa amin, Manang." Anyaya ko kay Manang, umiling lang siya at ngumiti.
"Nakakain na ako bago pumunta dito, hija."
"May asawa kana, Manang?" Tanong ni Shin habang kumakain na kami. Si manang naman ay nilalagyan ang baso namin ng gatas.
"Bakit? Liligawan mo si Manang?" Mapang-asar na tanong ko.
"Gaga."
"Wala na akong asawa pero may anak akong lalaki." Natatawang sinabi ni Manang at tsaka ibinalik ang karton ng gatas sa ref. Bumalik siya at nanatiling nakatayo sa harap naming tatlo.
"Asan na po ang asawa niyo?" Tanong naman ni Lily. Here comes the tsismosa!
"Patay na." Nakangiting ani Manang pero may bahid ng lungkot ang mga mata niya.
"Tama ng tanong, malelate na tayo." Singit ko at binilisan na ang kain dahil 7:30am na pagkatingin ko sa relo ko.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kay manang at binilin ko na sa kaniya si baby Karell.
Lumarga na kami patungo sa school namin. Habang naglalakad papasok, pinag-uusapan na naman nilang dalawa ang debut ko. Pinagtitinginan kami ng ibang students but we don't mind, sanay na kami.
"Dapat ako 'yong last sa eighteenth candles." Sabi ni Shin. Tahimik lang ako sa gilid nila at nangingiti dahil iniisip ko na naman ang magiging regalo kong eighteen pocket books galing sa kanila.
"Hindi! Dapat ako." Pakikipagtalo ni Lily.
"Best friend ka lang, cousin ako." Tinaasan siya nang kilay ni Shin, ngumuso si Lily at umiwas ng tingin. Tumahimik ito kaya tinawanan siya ni Shin. "Pero change topic, nakapagpili ka na ba ng last dance mo, Kar?"
"Change topic? Debut pa din naman ni Karcey 'yong topic ah?" Pang-iinsulto ni Lily kay Shin pero hindi siya nito pinansin.
"Si Kuya Shil?" Patanong na sagot ko.
"Kuya ko na naman?" Inirapan ako ni Shin.
"Eh, si kuya Shil naman din 'yong kay Lily ah." Reklamo ko. Sumulyap ako kay Lily, umiwas lang ulit siya ng tingin.
"Kasi deal natin yun!" Sigaw ni Shin sa tainga ko kaya napangiwi ako.
"Edi si Axel!" Sabi ko nang nakaisip, boy best friend ko naman si Axel eh.
"Diba si Axel din yung last dance sa debut ni Shin? At tsaka isa pa, deal din natin yun eh!" Reklamo naman ni Lily kaya sumama ang mukha ko.
"Magdeal nalang ulit tayo para fair naman sa'min!" Singit naman ni Shin.
Suminghap ako pero hindi na ako nagreklamo para maging fair kaming tatlo about sa deal namin. Baka kung sinong chokoy ang piliin nila sa classmates namin ah! "Eh sino?" Tanong ko.
"Pag-iisipan namin ni Lily." Ani Shin at hinila si Lily. Tumakbo sila at iniwan nila ako!
We're eating lunch again here in cafeteria on the 3rd floor. Lily and Shin? They're whispering at each other in front of me, ignoring my presence here. Hindi ko marinig ang pinagbubulongan nila, tingin ko wala naman silang balak na kausapin ako. I know naman that they are already talking about who they will choose for my last dance.
Hindi ko na lang din sila pinansin, nagsuot ako ng headphone at nagpamusic habang nagbabasa ng libro, kumakain din ako ng bulgogi burger and salad.
After a few minutes, kinalabit ako ni Lily, hindi ko manlang namalayan na lumipat siya dito sa tabi ko.
"Ano?" Tanong ko. Niligpit ko ang libro ko at nilagay sa backpack ko, pati na din ang headphone ko.
"May naisip na kaming magiging last dance mo." She chuckled, ngumiwi ako at nagtaas ng kilay tsaka bumaling kay Shin na ngingisi-ngisi sa harap namin.
"Sino?" Baling ko kay Lily at tsaka pinandilatan siya nang mata.
"Si Galbi!"
Galbi? Sino yun?
"Sino ba yan?" Kumunot ang noo ko at bumaling ulit kay Shin na malapad na ang ngiti sa akin.
"Classmate natin-" Sabay na sagot nilang dalawa, naputol lang dahil inunahan ko ulit silang magsalita.
"Hindi ko naman kilala 'yan eh."
"Gaga! Si Galbi! Galbertin Yuri!" Sigaw ni Shin, napatingin ako sa kisame, nag-iisip, familiar yung name, classmate daw namin pero hindi ko matandaan.
"Galbi?" Wala sa sariling sambit ko, nag-iisip pa din. Nakita ko sa pheriperal vision ko na sabay na umiling si Shin at Lily kaya bumalik ang tingin ko sa kanilang dalawa nang nakasimangot. "Sino ba?"
"Galbi. Galberto." Bulong ni Lily at nagpatuloy na siya sa pagkain niya, pero narinig ko naman, ewan ko lang kung narinig ni Shin pero nanlaki talaga ang mga mata ko at napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.
Natatandaan ko na! Si Galberto pala! Kaklase namin siya noong grade seven kami kaso nagtransfer siya nung nag-grade eight na kami, ewan ko kung saan basta sa ibang bansa daw. Galbertin ang name niya pero nasanay kaming tatlo na Galberto ang tawag namin sa kaniya, best friend yun ni Axel dati kaya naging close din kami. Pero hindi naman namin siya kaklase ngayon.
"Natatandaan ko na! Pero paanong naging kaklase? Kaklase ba natin yun ngayon? Eh hindi nga natin nakita yun simula nung nagtransfer siya eh." Nakangiwing tanong ko.
May itsura din naman si Galbi, moreno, matalino, matangkad, tsaka ano, may ano, may abs. Naging crush naming tatlo yun! Ang galing magbasketball eh.
"Tanga! Hindi mo kami pinatapos sa sasabihin namin diba? Kaklase natin noong grade seven!" Ani Shin, pagkatapos ay nilagay niya ang headphone sa tenga niya, magsa-soundtrip na naman.
"Eh diba sa ibang bansa yun?"
"Nagkasalubong kami ni Axel kahapon, sinabi niya sa'kin na babalik na daw dito sa Pilipinas si Galbi." Parang walang pakealam na ani Shin, nakakunot pa ang noo habang may kinakalikot sa cellphone niya.
"Makakaabot ba yun sa birthday ko?"
"Siguro, this June din naman daw siya uuwi eh."
Pero speaking of Axel, ibibigay ko pa pala kay Axei yung jacket niya! Nung sa may baba ng building ng condominium na kasi kami kanina, sakto namang nakasalubong namin si Manang Aye dala-dala ang paper bag na naglalaman ng uniform ko at jacket ni Axei, kaya kinuha ko na lang sa kaniya yung jacket at sinabi ko din na ihatid niya na lang sa room ko ang uniform ko dahil nandoon naman si Manang Heri.
"Wait, may kailangan pa pala akong gawin, sama kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa, inayos ko ang mga gamit ko at tsaka tumayo, tapos na din ako sa kinakain ko.
"Oh, saan punta mo?" Si Shin. Hindi niya ata narinig ang sinabi ko dahil nakasalpak pa din sa tenga niya ang headphone niya.
"Anong gagawin mo?" Tanong naman ni Lily habang ngumunguya ng fries.
"Ibabalik ko lang yung ano...jacket ni Axei." Sabi ko, nagliwanag naman ang mukha ni Lily, si Shin naman nagtaas ng kilay at kinuha ang headphone niya sa tenga niya.
"Huh?" Nagtatakang tanong na naman ni Shin. Nagkibit-balikat na lang ako sa kaniya at bumaling ulit kay Lily.
"Sama ka?" Tanong ko.
"Of course!" Masayang aniya at tumayo dala-dala ang backpack niya at hawak niya sa kaliwang kamay ang cup ng French fries niya.
"Ikaw Shin?" Baling ko naman kay Shin, her eyebrows rose and she's still confused, after a few seconds she took a deep breath and stood up.
Naglalakad na kami paakyat sa hagdanan papuntang 4th floor nang bigla kaming hinatak ni Shin pabalik sa tapat ng cafeteria.
"Aray naman! Ano ba?!"
"Saan kayo pupunta?! Sa 2nd floor next subject natin, tanga!" Ani Shin, nakakunot ang noo.
"Gaga, hahanapin ko nga si Axei, ibabalik ko yung jacket niya." Natatawang pagpapaliwanag ko sa kaniya, si Lily naman, malapad ang ngisi kay Shin.
"Ayoko." Pagmamatigas niya. Alam ko namang ayaw niya sumunod dahil malaki ang possibility na makasalubong din namin si Axel.
"Edi 'wag." Sabi ko naman at tumalikod na sa kaniya.
"Sama ako kay Karcey, ayaw mong sumama? Okay, hintayin mo na lang kami diyan, bye!" Paalam ni Lily kay Shin, malapad pa din ang ngisi niya.
Naglakad na kami paalis ni Lily, nang nakarating na kami ng 4th floor, dada naman nang dada si Lily about kay Shin.
"Bitter talaga ni Shin, porket naging crush niya lang noon si Kuya Axel eh. Tapos may nagawang mali lang si Kuya Axel kasi sinumbong tayo sa mga parents natin dati, grabe na agad yung galit niya. Hanggang ngayon ba naman? Which is tama naman na magsabi ng totoo si Kuya Axel, kung ako sa lagay ni Kuya Axel, magsasabi din ako ng totoo." Aniya. Umirap lang ako sa kawalan.
"Bakit ba Kuya Axel ang tawag mo dun kay Axel ha? Matanda lang yun nang ilang months sayo ah. Samantalang kay Kuya Shil, 'Shil panget' tawag mo ha? Eh matanda yun nang two years sayo!"
Tumahimik siya at ngumuso nalang.
Kanina pa kami ikot nang ikot dito sa mga classroom pero hindi pa din namin nakikita si Axei or di kaya si Axel. Kung may klase man siya ngayon, hindi namin alam kung saan, kaya daldal na lang nang daldal si Lily sa tabi ko dahil napapagod na daw siya, gusto niya din sigurong pagudin ang bibig niya.
Crush talaga noon ni Shin si Axel nung first and second year high school namin, nawala lang nung grade 9 dahil nga sinumbong kami ni Axel sa mga magulang namin about sa pagka-cutting classes namin.
"Tapos na kayo magtsismis?"
Napatalon kaming dalawa ni Lily nang may biglang nagsalita sa likuran namin habang naglalakad kami. Sabay kaming humarap sa nagsalita. Si Shin lang pala, binatukan ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ba't ka sumunod?" Nakakunot noo'ng tanong ni Lily kay Shin.
"Antagal niyo, halos 30 minutes na akong naghihintay sa inyo sa baba, tapos malalaman kong nagtsi-tsismis lang kayo dito?" Nakapamewang na panenermon niya sa'min, badtrip na naman 'to.
"Hindi namin mahanap kung nasaan siya eh." Tugon ko.
"Paano niyo mahahanap kung nagtsi-tsismis kayo?"
"Si Lily lang naman yung dada nang dada."
"Talaga?" Sarkastikong aniya.
"Talaga." I said mockingly para insultuhin siya. Inirapan niya naman ako.
"Nakasalubong ko si Axel, may klase pa daw yun," humalukipkip siya sa harap namin. Ngumisi naman kaming dalawa ni Lily. Sinamaan niya kami ng tingin at tumalikod na siya sa'min at naglakad na paalis, parang nagmomodel ang gaga, nakapamewang ba naman habang naglalakad!
Tumakbo nalang kami ni Lily pasunod sa kaniya dahil malelate na kami sa next class namin, 10:50 am na, 11:00 am ang next class namin.
Natandaan ko din na sabi pala ni Axei, ibigay ko na lang yung jacket niya kapag nagkita kami, hindi niya naman sinabi na hanapin ko siya para isauli ang jacket niya, antanga ko talaga!
Pagdating namin sa room kung nasaan ang next class namin, nandiyan na ang teacher namin. Mabait naman si ma'am, kaya wala naman kaming naging punisment at pinaupo niya lang kami sa upuan namin after namin magsorry dahil late kami.
Buong klase namin ay 'yong magiging last dance ko lang ang iniisip ko which is Galbi. Baka pangit na 'yon, charot, pero panigurado, hindi ko na 'yon type. Siguro nga pangit na talaga 'yon ngayon eh, pero joke lang. Pero kung pogi pa din siya ngayon, baka tumaba na siya tapos naging pangit na talaga, 'di joke lang talaga.