Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Bumangon ako at kinuha ang phone ko, it's already 6:30 am, first class namin is 8:00 am kaya marami pa akong time.
Tumungo akong bathroom and I did my morning routine. I have 3 uniforms so dahil basa ang isang uniform ko kahapon, ipapalaundry ko na lang mamaya pagkauwi ko, isasama ko na din 'yong jacket ni Axei.
Inayos ko na ang backpack ko. At tiningnan ko sa monitor ng camera ni Lily sa room niya kung nandoon pa ba siya, nakita ko siyang nag-aayos ng sapatos niya kaya lumabas na ako at kumatok sa pintuan niya dahil magkaharap ang room namin, at magkatabi naman ang room namin ni Shin. 015 ang room number ni Shin, 016 ang akin, at 021 naman ang kay Lily.
"Sandali!" Rinig kong sigaw ni Lily mula sa loob nang nagdoorbell ako. Well, may spare key naman ako ng kwarto niya, ayaw ko lang gamitin kasi tinatamad akong kumuha noon sa bag ko. Bumukas ang pintuan at nginitian niya ako. "Good morning," nginitian ko din siya pabalik.
"Good morning, tapos kana?" Tanong ko.
"Yeah, I'm ready." Pumasok siya ulit sa loob ng room niya, naghintay lang ako sa labas, pagkabalik niya, dala na niya ang mga gamit niya. "Let's go," masayang aniya, nginiwian ko siya dahil sa sobrang pagkahyper niya ngayon.
"Si Shin?" Tanong ko kay Lily.
"Ayun, naliligo pa kanina pagcheck ko, nakita ko siyang pumasok sa bathroom niya," nakangusong sagot ni Lily.
Umirap ako sa kawalan at tumalikod na at tumungo sa harap ng room ni Shin, sumunod naman si Lily na parang tuta.
Magdo-doorbell palang ako ng bumukas na ang pintuan kaya sabay kaming napatalon ni Lily.
"Bulaga!" Panggugulat ni Shin sa'min.
"Ano ba?" Iritang sabi namin ni Lily.
"Pagkacheck ko sa monitor, sa bathroom ka palang ah?" Nagtatakang tanong ni Lily. Nagngising aso si Shin at lumabas na sa room niya, pumagilid naman kami ni Lily para malock niya ang room niya. "Ang speed mo talaga kumilos!" Proud na ani Lily pagkaharap ni Shin sa'min. Parang tanga.
"Torpe naman pagdating sa crush niya," bulong ko, humarap silang dalawa sa'kin, Lily raised her eyebrows while Shin's forehead grinned at me.
"Huh?" si Lily.
"Ano?" si Shin.
Sabay pa silang nagtanong, ngumisi ako sa kanilang dalawa, nag-iwas na lang ako nang tingin at nauna nang maglakad papuntang elevator. Sumunod naman sila sa'kin.
"Saan tayo magbi-breakfast?" Tanong ko na lang sa kanilang dalawa habang nag-aantay kami na bumukas ang elevator. Hindi kami marunong magluto kaya Café everyday ang peg naming tatlo. Nang makasakay kami, si Shin ang pumindot ng ground floor.
"Doon tayo sa Cabanàs Cafe!" Excited na sagot ni Lily, mabuti na lang hindi na siya nagtanong kung anong sinabi ko kanina, tsismosa pa naman 'to.
"G!" Ako.
"Game!" si Shin.
"Yey! Masarap daw dun e. Hindi pa ko nakakapunta. 'Pag nilakad natin, 6 minutes ang masasayang, 'pag nagtaxi naman tayo, 3 minutes ang byahe, tapos pera ang masasayang, so ano?" Tanong ni Lily.
"Lakad nalang tayo, para makapag-exercise na din noh," suggest ni Shin.
"Anong oras na ba?" Tanong ko, hindi ko nasuot yung wrist watch ko, nakalimutan ko. 'Yong cellphone ko naman nasa loob ng bag ko.
"7:00 am," sagot ni Lily.
"Hindi tayo mali-late niyan?" Lumabas na kami sa elevator nang nasa ground floor na, at naglalakad kami palabas ng condominium.
"Hindi naman siguro. Pagdating natin don mga 7:10 am palang naman."
"Sige."
Nang nakalabas na kami, may tumawag sa phone ni Lily kaya nanahimik muna kaming dalawa ni Shin habang nagpapatuloy pa din sa paglalakad.
"I-loud speaker mo," bulong ni Shin kay Lily bago niya sinagot ang tawag. 'Tong tuta naman, sinunod si Shin kaya rinig na rinig namin ang usapan nila ni Kuya Jeferson, ang kuya ni Lily.
"Hi kuya, good morning," bati ni Lily.
"Hello, morning," rinig kong sagot ng kuya niya, husky voice, kakagising lang siguro, sa pagkakaalam ko sa ibang bansa siya ngayon.
"What do you need?" si Lily.
"I sent your allowance on your account na."
"Oh, okay! Thank you, kuya."
"Have you eaten breakfast?"
"Not yet."
"Why? Anong oras na ah," nahimigan ko ng kaunting iritasyon ang boses ni Kuya Jef sa kabilang linya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa café na tinutukoy ni Lily. Pumasok kami sa loob at umupo sa table for four kahit tatlo lang kami. Hindi muna kami nag-order dahil busy pa si Lily. Magpapalibre kami sa kaniya, siya ang nagsuggest nitong place eh.
"Kakain pa lang kami, andito kami sa isang café, alam mo naman, hindi kami marunong magluto." Sagot ni Lily, at humagikhik pa siya.
"May kasama ka?"
"Yup, Shin and Karcey, as always."
"Hi kuya Jef!" Sabay naming bati ni Shin kay kuya Jef.
"Oh hi. Sige na, bye! May gagawin pa ako. Enjoy your breakfast. "
"Okay, bye kuya." Ani Lily at pinatay na ang tawag. Nagtatakang tumingin si Lily sa'min dahil nakatingin lang kami sa kaniya. "Oh? Bakit wala pa kayong order?"
"Treat us, you suggested this café noh," sabi ko.
"Yeah, fine," ani Lily.
"Yey!" si Shin.
Tumawag ng waitress si Lily at umorder na kami ng pagkain namin.
Tomato Toast with Macadamia "Ricotta" ang inorder ni Shin, it is an open-faced sandwich with ribbons of basil or shiso, kosher salt, and fresh cracked black pepper. Savory Otmeal with an Egg naman ang akin, it is quick-cooking steel-cut oats (or regular rolled oats), cooked in the microwave, mixed with white cheddar cheese, sprinkled with diced red pepper and onion, and topped with an over-easy egg. Quinoa and Chia Porridge ang kay Lily, it is cooking quinoa in milk (dairy, soy, or almond) with healthy spices like cinnamon, cardamom, and turmeric infuses flavor into this great substitute for a classic hot breakfast cereal. Halatang masasarap nga ang mga pagkain sa cafe na ito.
Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kaming tatlo sa taxi para hindi kami malate, 7:40 am na kasi nang natapos kami sa pagkain. Medyo malayo din ang school namin galing dito sa café papunta sa school.
"What will you do later?" Tanong ni Shin habang nag-aantay kami sa loob ng elevator na makarating sa 3rd floor kung saan ang classroom namin.
"Magkikita kami ni Mommy sa A.Venue mall mamaya." I lied.
Sa Bark Petshop talaga kami magkikita ni Mommy, kukunin ko doon si Karell, yan yung naisip kung name para sa bibilhin kong aso mamaya. Kar from KARcey, tapos yung ell, extra na. Wala pa akong balak na sabihin sa kanila at gusto ko silang surpresahin.
"May surprise ako sa inyo." I winked at them.
"Sama ako!" Sabi na naman ni Lily.
"May surprise nga ako eh," nakangiwing sabi ko.
"Babalik pa tayo dun sa college campus mamaya, sama ka ulit sa'kin," si Shin. Lily sighed, defeated.
"Sige na nga," nakangusong ani Lily.
Pagdating namin sa tapat ng room namin, pumasok na kami at wala pa ang teacher namin. Pagdating naman nito ay naglecture na kami agad.
Nang uwian na, dumiretso ako sa Bark Petshop at nandoon na si mommy sa tapat ng shop, naghihintay sa akin. Siya yung magbabayad mamaya, bukas ipapadala niya na din yung magiging yaya ni baby Karell.
"Hi mommy," humalik ako sa pisngi niya at ngumiti ng matamis sa kaniya.
"Bakit ba naisipan mo na bumili ng aso?" tanong agad ni mommy.
"Ang boring kasi sa condo ko eh."
"Kasama mo naman sa kabilang room sina Shin at Lily ah?"
"Hindi naman sa lahat ng oras magkasama kaming tatlo. At tsaka pumayag na din naman si daddy eh,"
"Okay," she sighed. "Let's go inside, your puppy is there na, nakaready na 'yon." Umaliwalas ang mukha ko at mabilis na tumango kay mommy.
Pumasok kami sa loob at nakaready na nga ang magiging puppy ko, nasa loob siya ng dog cage. Tumakbo ako palapit sa kaniya at ngumiti ng malapad dito. Umikot-ikot naman ito sa cage niya habang lumalabas ang dila at gumagalaw ang buntot niya.
"Hi ma'am, are you the buyer of that Pomeranian Teacup puppy?" Tanong nung sa tingin ko ay owner nang shop na 'to.
"Ah yes, is this a boy?" I asked.
"Yes po, ma'am." Sagot niya. Bumaling ako kay mommy at malapad na ngumiti. Nginiwian niya lang ako. "Ma'am, please sign this po." Sabi niya kay mommy since si mommy ang magbabayad.
"Your name now is baby Karell," sabi ko sa puppy, ang cute talaga! He barked kaya napangiti ako, "You like it?" Tanong ko na parang timang, tumahol siya ulit at mas lalong lumapad ang ngiti ko.
Pagkatapos magsign ni mommy, umalis na kami, nagthank you ako kay mommy at nauna na siyang umalis, may pupuntahan pa daw kasi siya. Kaya mag-isa lang akong umuwi dala-dala si baby Karell, hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil ang cute cute niya!