Chereads / Pursuit of True Love / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Buti na lang hindi naman nabasa ang looban ng bag ko, pero yung paper bag namin ni Axei, basang-basa na. Buti na lang may mga plastic naman ang mga art materials na binili ko, kaya hindi nabasa ang laman.

"Where should I drop you off?" tanong ni Axei nang nakalabas na kami sa parking nang mall. Sa daan lang siya nakatingin.

"Picar Place...sa may crossing," sagot ko habang linalagay isa-isa sa cute na backpack ko ang mga gamit sa paper bag.

"Okay," aniya at nagpatuloy sa pagdadrive.

Malapit lang din naman ang condominium namin nina Shin kaya siguradong hindi na magtatagal ang biyahe namin.

Speaking of Shin, siguradong nag-aalala na yun sila ni Lily!

Meron kaming tatlong secret camera sa condo namin, si Lily ang nakakakita ng secret camera sa room ni Shin, si Shin naman ang nakakakita ng camera sa room ko, at ako naman ang nakakakita ng camera ni Lily. But we have our own remote control para sa camera, we can turn it off if we need privacy naman.

After 5 minutes, tumigil na si Axei sa pagmamaneho at napagtanto kung nasa harap na kami ng building ng condo namin, hindi ko napansin dahil nalibang ako sa pagtatanaw ng ulan galing sa labas ng bintana.

May kinuha sa backrest ng upuan ko si Axei kaya nang bumaling ako sa kaniya, ang lapit-lapit na ng mukha niya sa'kin! Sa gulat ko ay agad akong umatras ng kaunti kahit wala na namang space sa gilid ko.

Nang napansin niya na ang lapit namin sa isa't isa nang napabaling siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Bigla na naman tuloy naging awkward. Kulang nalang magkasound ng kruu~kruu~.

Umayos siya ng upo at binigay niya sa akin ang isang payong. Kumunot ang noo ko ngunit tinanggap ko pa din 'yong payong. Ipapahiram niya ata sa akin.

"Thank you for the ride," I said and I was about to open the door when I remembered that I am wearing his jacket. Agad akong bumaling sa kaniya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin at tila bored na hinihintay akong lumabas. "Uh how about your jacket?" I awkwardly asked, I suddenly feel nervous about the way he stare at me.

Kapag binalik ko sa kaniya ang jacket niya ngayon, maglalakad akong parang tangang basang sisiw sa loob ng building, kita na nga yung black bra ko kaya nakakahiya kapag naglakad ako doon na basang-basa.

"Take it back to me at school when we meet," si Axei sa malamig na tono.

"Okay," I said awkwardly again. Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang tumango.

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan niya at binuksan ko na din ang payong na pinahiram niya sa akin.

Bago lumabas, bumaling ulit ako kay Axei. Magpapaalam pa sana ulit ako kaso naisip kong baka nagmamadali na siyang umalis.

Napansin ko pang basa na 'yong front seat na inupuan ko kaya medyo namula ako sa hiya. I just closed the door of his car and turned around.

Tumakbo ako papunta sa loob ng building yakap-yakap ang bag ko para hindi mabasa. Medyo tuyo na yung palda ko, dahil siguro sa aircon sa loob ng sports car ni Axei, at dahil may jacket din ako na suot, kaya hindi naman halata na sobrang basa ako.

Nang nakapunta na ako sa may tapat ng building, tumigil muna ako kung nasaan ang may bubong na part. Lumingon ako ulit kay Axei at kumaway sa kaniya kahit na hindi ko siya nakikita sa loob dahil tinted ang windows ng sasakyan niya, nang makaalis na siya, pumasok na din ako sa loob ng building.

Nang nakadaan ako sa frontdesk, nginitian ako nang crew dahil kilala na kaming tatlo dito nina Shin at Lily kasi nga kami ang may ari nito.

Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang 4th floor. Nang bumukas na ang elevator ay nagsimula na akong maglakad sa hallway. 407 ang number ng room ko.

Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa tumigil na ako sa harap ng room ko. I let out a heavy sigh before putting my card on the door. Bumukas ito at hindi na ako nagulat na isang walis tambo at dustpan ang bumati sa'kin.

Deal din namin yan, pagginabi kang umuwi, aasahan mong isang dustpan at walis tambo ang sasalubong sa'yo pagkabukas ng pinto. May key card din kami sa kwarto ng isa't isa kaya pwede kaming pumasok kahit na walang paalam.

"Aray! Masakit, ano ba?!" sigaw ko sa kanila at nagkunwaring galit.

"Saan ka galing?!" sabay na tanong ni Shin at Lily.

"Sa mall nga diba?" sarkastikong sagot ko.

"Bakit ginabi ka?!"

"Baka hindi umulan noh?" Dumiretso ako sa living room at nilapag ko 'don ang bag ko.

"Anong ginawa mo? Tinakbo mo galing mall pauwi rito?" Sarkastikong tanong ni Shin.

"Baka may naghatid sa'kin?" Sarkastikong sagot ko ulit. Tumungo ako sa kwarto ko at hinubad ko ang jacket na suot ko.

"Sino na man at kaninong jacket yan?" Tanong naman ni Lily, sinundan pa talaga nila akong dalawa dito sa kwarto. Kumuha ako ng towel at pinantakip sa katawan ko kahit nakauniform pa ako.

"Sinasabi ko na nga ba, nagbar ka noh?!" Sigaw na naman ni Shin. I just smirked to teased them. "Sinong ngang naghatid sayo? Isusumbong kita kay Tita at Tito!" Aniya at kinuha ang phone ko sa bag ko.

"Hoy mga gaga! Sa mall nga ako galing! Kasama ko si Axei! Yung OOTWAK guy!" Kinwento ko sa kanila ang nangyari kaya kumalma naman sila.

"Hala! Dapat sayo nalang ako sumama, Kar! Ikaw kasi Shin eh!" Reklamo ni Lily. Inirapan ko lang siya.

"Crush mo ata 'yon eh." Sabi ni Shin kay Lily. Humagikhik lang si Lily. Umirap ulit ako at tumungo na sa bathroom at hindi na sila pinansin.

Nagwarm bath ako para mahimasmasan ang katawan ko galing sa ulan, hindi naman ako nilalagnat 'pag nauulanan ako. Pagkatapos kung magshower, nagblower ako ng buhok ko at lumabas ako ng naka bathrobe lang, wala na sa loob ng kwarto ko si Shin at Lily. Pumasok ako sa walk in closet ko at nagbihis ng pantulog. I'm now wearing a pajama and partnered buttoned shirt.

Hinanap ko ang bag ko sa sofa, bed, study table, bed side table, pero wala!

"ShiLy!" Sigaw ko para tawagin sina Shin at Lily.

Combination 'yan ng pangalan ni Shin at Lily. KarShi ang sa'min ni Shin, at LiCey ang sa'min ni Lily. Deal din namin 'yan.

Lumabas ako sa kwarto ko at tumungo sa living room.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa phone ko?" Iritadong tanong ko sa kanila nang naabutan kong tutok na tutok sila sa phone ko na tila may hinahanap.

"Hindi mo kinuha ang number ni OOTWAK guy?" Tanong ni Shin. Umiling ako at umirap kaya nakapout na binalik ni Lily ang phone ko.

"Hindi naman kami close no'n eh, sabihin pa no'n ang fc fc ko," reklamo ko. Tumungo akong kitchen at nagtimpla ng gatas. "Magsibalik na nga kayo sa room niyo at gusto ko nang magpahinga," I said while glaring at them pagkabalik ko sa living room dala-dala ang isang baso ng gatas.

Umupo ako sa tabi ni Shin na hinahalungkat na naman ang bag ko. Pasimple kong kinuha sa kaniya 'yon. Hawak na niya yung isang set ng drawing paper ko, nag-angat siya ng tingin sa'kin at pilit na ngumiti.

"Ano na namang binabalak mo ha?" Plastic din akong ngumiti sa kaniya.

"Hingi akong drawing paper." Aniya at nagpuppy eyes.

"Kumuha ka na diyan," pinayagan ko na lang dahil baka magsumbong pa siya kay mommy at daddy na gabi akong nakauwi ngayon, may rason naman ako kaso hindi ko maipaliwanag sa kanila na may naghatid sa akin, ayokong magrounded ulit! Lumingon ako kay Lily na bigla-bigla nalang akong kinalabit. "Oh? Anong kailangan mo?" Iritang tanong ko, manghihingi din 'to for sure!

"Pahiram ako ng pocket book mo," hindi nga manghihingi, manghihiram naman. Pinaningkitan ko siya ng mata, nagpuppy eyes din siya tulad nang ginawa ni Shin.

"Kuha ka 'don sa mini library ko, 'wag lang itong bagong bili ko," tumayo ako dala-dala ang bag at isang basong gatas na hindi ko pa ininuman at tumungo sa harap ng kwarto ko, "Umalis na kayo pagkatapos ha!" Sigaw ko sa kanila bago pumasok sa kwarto ko.

"Okay!" Sigaw nila pabalik.

Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at nilagay ko ang dala kong bag at gatas sa bed side table. Humiga ako saglit sa may higaan ko para makapagpahinga ng kaunti.

There's a TV in my room, there's a TV in the living room also. White, dark chocolate, and caramel are the theme of my room. I love galaxies so the comforter of my bed are galaxy color, it's so relaxing in my eyes. Isa lang ang kwarto ko, gano'n din naman kina Shin at Lily. Living room, kitchen, mini library, bedroom, dining area, bathroom, walk in closet, and veranda. That's the contents of my condo. It's just a small condo, and I have a lot of things, but it doesn't seem tight naman dahil mag-isa lang ako dito sa room ko.

After a while, tumayo ulit ako at kinuha ang gatas ko sa bed side table, umupo ako sa may study table at nagsimulang mag-aral dahil may recitation kami bukas.

It's so boring here in my condo, studying and reading stories are my hobbies to kill the boredom but it seems so not enough joy to stay here alone.

What if I'll buy a pet? Nag-isip muna akong mabuti kung gusto ko nga ba 'yon. A dog? Cat? I prefer puppies instead of cats, so I thought about buying a puppy. I'm excited!

Inubos ko muna ang gatas ko at nag-aral na. Pagkatapos kong mag-aral nagsearch ako ng mga cute dog breeds. After a few minutes, I decided to buy a Pomeranian puppy, mahal pero ayos lang naman siguro iyon.

I called my mom. Hindi siya sumang-ayon noong una, but when daddy agreed, wala nang nagawa si mommy. Kaya naman ay nakatulog ako nang mahimbing dahil sa excitement.