"Class, dismiss!"
Nagsitayuan na kaming lahat. Mas nauna pang lumabas ang ibang students kaysa sa teacher namin, mabait naman si sir, at hinayaan niya na lang ang mga ito.
Last subject na namin 'to sa afternoon class kaya uwian na namin.
"May pupuntahan ka pa, Kar?" Tanong ni Shin sa'kin habang naglalakad kaming tatlo kasama si Lily sa hallway.
"Oo, dadaan pa ako d'yan sa malapit na mall, bibili ako ng mga Art Materials. Kayo ba?" Tugon ko.
"Dadaan pa'ko sa college campus," si Shin.
"Eh ikaw, Lily?" Baling ko kay Lily.
"Sama ako sa'yo," si Lily.
"Sino?"
"Sa'yo, sama ako sa mall."
"Kausap mo?" Dugtong ko.
"Ay, walang ganon! Hindi ako papayag. Siyempre sasama ka sa'kin sa College Campus! Hayaan mo na 'yan si Karcey lumarga!" Singit ni Shin.
"Ayaw ko sumama sa'yo," nakangusong pag-iinarte ni Lily.
"Whether you like it or not, sasama ka sa'kin kaya halika na!" Kinaladkad na ni Shin si Lily palapit sa kaniya para hindi na siya makawala kaya wala nang nagawa si Lily.
Malapit na kami sa ground floor. Sa kabilang building pa ang College Campus kaya iba ang way nila nang dadaanan.
"Bye! Kitakits sa condo!" Paalam ko sa kanila.
"Bye!" Sigaw nilang dalawa at umalis na.
Noong grade Nine kaming tatlo, 'yon yung time na pinayagan na kaming dalawa ni Shin na magmall or gumala nang walang nagbabantay na bodyguards. Classmate din namin si Axel nun. At si Lily naman, sanay na 'yon gumala nang walang bantay.
Ilang beses kaming nagcutting ni Shin, at si Lily naman ang palagi naming kasama para lang gumala sa mall. Umabot na sa inaraw-araw na namin ang pagcutting. Kaya ang resulta noon ay ang pagkakabagsak namin sa pag-aaral. Hindi kaming tatlo nakapasa sa grade Ten dahil puro mababa ang grades naming tatlo, kaya bumalik kami sa grade Nine.
Nalaman din namin noon na si Axel pala ang unang nagsumbong sa amin sa mga parents namin na palagi kaming nagka-cutting, kaya grabe yung galit ni Shin kay Axel. Okay lang din naman sa amin ni Lily dahil pareho kaming pinagalitan lang at nagrounded. Pero si Shin ay pinabinakasyon sa bukid kung nasaan ang lola at lolo niya, hindi siya sanay na tumira sa probinsiya kaya ganon.
Ngayong grade Twelve na kami, ay pinayagan na kami ni Shin na tumira sa sariling condominium na ari-arian ng mga magulang ko. Maliit lang naman ang condo na binigay sa amin, at isa o dalawang tao lang ang kasya.
Tig-iisa kami ng condo ni Shin. Ayaw ko kasi na may kasama ako sa iisang room, at hindi ako sanay. Ayaw din naman ni Shin kaya napagkasunduan naman namin iyon. Magkatabi lang din ang room namin.
At si Lily? Hindi naman yun pinapaalis sa bahay nila, pero siya ang nagpumilit sa parents niya na gusto niya na ding tumira na mag-isa para makasama kami, kaya pinayagan nalang din siyang magka condo katabi sa room namin ni Shin.
Nagbook na ako ng cab kanina, kaya paglabas ko sa Campus, sumakay na ako dito. Malapit lang naman ang daan galing dito sa campus namin papunta sa mall na pupuntahan ko kaya ilang minuto lang ay nandito na kami sa mall.
Nang nakababa na ako sa cab, pumasok na ako sa loob nang mall. Dumaan muna ako sa isang café, 4:30pm palang naman kaya madami pa akong oras para sa bibilhin kong mga materials.
"Good afternoon, ma'am. Table for one, ma'am?" Tanong nang waitress pagkapasok ko sa loob. Nginitian ko siya bago sumagot.
"Yes, please," ako.
"This way, ma'am," then she entertained me at the vacant table.
"Thank you," I said pagkaupo ko.
"You're welcome, ma'am. May I take your order?" Tanong niya ulit.
Feel na feel ko na parang ang professional ko na dahil sa pagtawag niya ng ma'am sa akin.
Sinabi ko ang order ko sa kaniya. Pagkatpos ay umalis na siya sa harapan ko.
Nag-antay ako nang ilang minuto, at dumating na nga ang order ko, habang umiinom nang kape, inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nang café.
It is an industrial styled coffee shop with metal furniture and dark metal shelves. There's also a hanging bike in the roof. It is a cool hipster touch to their coffee shop's interior.
Napabaling ako sa kaharap kong table. A man was sitting there. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko makita ang itsura niya. He was wearing a hoodie jacket. And he was busy with his laptop.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay nagbayad na ako at lumabas doon sa café. Tumungo na ako sa bookstore at naghanap ng mga art materials.
Graphite pencil, kneaded eraser, drawing paper, painting paper pads, palette, 6 brushes, and paint ang kailangan kong bilhin. Dagdag ko na din yung dalawang pocket books, sale naman eh, kaya okay lang. That's on my list.
Pagkatapos ng kalahating oras nahanap ko na ang mga kailangan kong bilhin at yung kneaded eraser nalang ang hinahanap ko. Naglibot-libot din muna ako kanina sa book section.
Nang hindi ko talaga mahanap ang eraser na gusto ko, nagtanong na ako sa saleslady.
"Uh, excuse me? Do you still have a kneaded eraser?" Tanong ko sa napadaang saleslady.
"Ah, I'm not sure, ma'am. Isang piraso nalang po yung natitira pagcheck ko kanina," sagot niya kaya parang kumislap ang mga mata ko dahil sa tuwa.
"Oh yes yes, I'll buy it," atat na sabi ko habang nakangiti.
"This way po, ma'am," itinuro niya ang daan.
nanggaling na'ko dun kanina, magkasama lang naman kasi ang mga pencils at erasers, wala naman akong nakita na kneaded eraser, pero hindi nalang ako umimik at sumunod na lang sa kaniya.
Naghahanap na siya sa mga eraser section, at napakamot siya sa ulo niya nang siguro ay wala na ngang stocks, wala na talaga kasi akong nahanap kanina.
"A-ah ma'am, baka ubos na po ang stocks. Nay nakabili na po siguro," sabi niya at bahagyang napakamot ulit sa ulo niya. "But we still have a vinyl eraser, gum eraser, and rubber eraser po," dugtong niya.
I sighed, "It's okay. 2 rubber erasers nalang po. Thank you."
"Here you go, ma'am," binigay niya sa akin ang dalawang piraso ng rubber eraser. Tinulungan niya pa ako sa mga dala ko at sinamahan niya akong pumunta sa cashier.
Nagbayad ako sa cashier gamit ang card na binigay ni daddy sa akin. Pagkatapos ay naghintay nalang akong i-wrap nila ang mga binili ko.
Nang binalik na niya ang card ko, nagtingin-tingin nalang muna ako sa paligid nang nakita ko ang familiar na itsura na palabas na nang bookstore.
Pagkabigay nang paper bag sa'kin ay dali-dali na akong lumabas at hinanap si Axei.
Luminga-linga ako sa paligid pero wala na siya! Ang bilis niya namang maglakad. Hindi ko na talaga siya mahanap kaya dumiretso nalang din ako palabas ng mall.
"It's almost dark outside and you're still here in mall?"
Napatalon ako sa gulat dahil bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. Lilingon na sana ako pero nandito na siya agad sa gilid ko. Hindi ko alam kung may lahi ba 'tong Jaguar o ano.
"Pake mo?" Tugon ko. Umiling lang siya at sumabay sa'kin sa paglakad. Napansin ko na may dala din siyang paper bag na may tatak nang bookstore, kaya nacurious ako kung ano ito, "anong binili mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Nothing," maikling sagot ni Axei. Nothing daw, eh ano yan? Design lang sa kamay? Walang laman ang loob, ganon?
At ngayon ko lang narealize na siya pala yung naka hoodie kanina sa café!
"Patingin!" Sabi ko at inagaw sa kaniya ang paper bag.
Kukunin niya pa sana sa kamay ko pero nailayo ko na sa kaniya kaya hinayaan niya nalang ako.
Binuksan ko ang paper bag at tiningnan kung anong laman. Mga art materials din. May libro din siyang binili kaya inangat ko 'yon. Kukunin ko na sana sa loob nang may napansin ako.
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko 'yon. No way!
"Ikaw ang bumili ng kneaded eraser?!" Pasigaw na tanong ko sa kaniya.
Hindi ako makapaniwala na sa lahat pa nang tao sa mundo. Ang kakambal pa talaga ni Axel na si Axei ang bumili ng natitirang kneaded eraser na available sa bookstore.