Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 16 - CHAPTER 16: PICTURE

Chapter 16 - CHAPTER 16: PICTURE

Dear Diary,

Gabi na at nakahiga na ko sa kama. Tulog na ang kapatid kong si Brenda na nasa kabilang side ng higaan. Hindi pa ko inaantok. Tatlong araw na lang kasi ay outing na namin. Excited na ko.

Ka chat ko ngayon si Jenny. Gumawa ako kahapon ng fb account. Sinali nila ako sa group chat nila sa classroom na may group name na third year Saturn 2008 at sa simbahan na ang name ay IYPC Immaculate youth parish church. Nakaka sabog pala ito ng inbox. Hahaha.

Jenny: ano na gawa mo Maya?

Iyan ang nabasa ko ng buksan ko ang mensahe ni Jenny. Nakaka tuwa naman ito. Kiti kitext. Si Robby tulog na ata. Hindi naka online eh. Sabagay, alas diyes na ng gabi.

Ako: nakahiga lang.

Jenny: nareceive mo na ba iyong mga sinend ko sayong picture?

Ako: oo nakita ko na. Natatawa nga ako sa mga itsura natin. Mga dugyot pa tayo dahil sa pawis 😂

Jenny: wait pala! May ise send ako sayong photo Hahaha..sayo ko lang isesend ito.

Ako: ano naman ang ise send mo?

Hindi na nagreply si Jenny. Baka hinahanap pa ang ise send daw sa akin. Bumaba muna ako para uminom ng tubig. Iniwan ko ang cellphone sa ibabaw ng unan ko at nagtungo na sa kusina.

Pagkainom ko ay bumalik na ko sa kwarto at nahiga ulit. Tumunog na ang messenger alert tone ng cellphone ko.

Ganun na lang ang panglalaki ng mata ko dahil sa nakita kong sinend ni Jenny sa akin. Picture namin iyon ni Van. It was a stolen shot! .Ito iyong Saturday night. Pagkatapos ng pagtatanghal namin. Sabi mag uusap lang daw kami pero ang ending sabay kaming kumain ni Vander.

Sa picture, magana akong kumakain habang nakatingin sa plato ko. Tapos si Van naman nakangiting nakatitig sa akin. Hindi ko alam na nakatitig pala sa akin si Vander. Sa malayo para kaming magkasintahan na dalawa! Na parang nagde date.

Namula ako sa naisip ko. Bakit naman kami pinicture-ran ni Jenny? Nakakahiya ito kapag nakita ng iba. Tukso abot ko nito. Nagsend ulit si Jenny ng mensahe.

Jenny: cute niyo tignan diyan. hahaha

Aba naman ito! Nagiging bully na din sa akin. Friends ko ba talaga ito? Nag type ako ng reply sa kanya.

Ako: baliw ka Jenny! Bakit mo kami kinunan ng picture?

Jenny: hahaha. Sabi nina Seph kunan ko daw kayo. Alam mo naman basta si Seph nag utos nasunod ako. Crush ko iyon eh...

Ako: baka ipinost mo pa yan. Masasakal kita Jenny pag nagkita tayo sa School bukas.

Jenny: dont worry Maya. Sayo ko lang sinend yan. Para sayo lang talaga yan. Hahahaha

Ako: sige! Tawa pa. Sasabihin ko kay Seph na crush mo siya

Jenny: matagal ng alam ni Seph. Elementary days pa namin.

Hala! Ang tagal na palang crush ni Jenny si Seph. Tapos parang wala man lang progress sa pag sintang purorot nito. Sabagay. Bata pa naman sila. Study first muna.

Rereply-an ko na sana si Jenny ng may nag pop up sa notification ko.

*You have a friend request

Sino na naman ito? Pinindot ko ang notification. Si Vander pala!

Dugdug dug

Hayan na naman ang puso ko. Nag iiba kapag nakikita si Van. Ia-accept ko ba? Or ignore ko na lang?

I decided to press the accept button. Huminga ako ng malalim. You are now friends to Vander Vin Perez. Nagtungo ako sa profile niya. Nakatalikod siya sa picture. Kaharap ang dalampasigan. Nag aagaw ang liwanag at dilim. Parang ang dramatic ng profile picture nito.

Bumaba ako sa timeline niya. Puro bible verses. May mga picture din naman siya dun pero karamihan ay sa simbahan. Mga event sa school at occasion.

Natigil ako sa pag scroll. May picture silang dalawa ni Isabella! last year pa itong picture nila.

His smile. Iyan ang nakalagay na caption. Anong his smile? Smile niya para kay Isabella? Pwe! Ngiting ngiti pa ang loko dito. Sarap suntukin.

Teka? Bat ba ako nagagalit? Friends lang kami ni Vander. O friends ba ang dapat na itawag ko?

May nagpa pop up na message sa notification ko.

It's Vander message!

Vander: gising ka pa?

Ano sasabihin ko? Na tulog na ko? Ay! Tanga. May tulog bang magrereply pa? Wag na lang kaya ako magreply? Nakaka konsensiya naman.

I typed 'oo gising pa ko. Hindi pa ko dinadalaw ng antok' and hit send. Mabilis naman nagreply si Vander.

Vander: anong ginagawa mo ngayon?

Ano ba ginagawa ko? Alangan naman sabihin kong ini stalk ko siya at naiinis ako sa picture nilang dalawa ni Isabella! Na may caption pang his smile. Hmp!

Ako: ka chat lang si Jenny

Vander: si Jenny lang?

Ako: oo. May iba pa ba akong dapat ka chat?

Vander: nagtatanong lang.

I rolled my eyes. Nakita kong nag online si Robby. Kaya chinat ko siya. Baka may alam pa itong si Robby sa picture.

To Robby: Robby! May alam ka ba sa sinend sa aking picture ni Jenny? Kung oo. Lagot ka sa akin. Kayong dalawa ni Jenny.

Robby: anong picture?

Hinanap ko ang picture na sinend ni Jenny. Ise share ko sana kay Robby pero nagkamali ako ng click. Na isend ko kay Vander!

Mabilis sa alas kwatro na na binura ko iyon. Pero ayaw ma remove. Bakit ayaw?! Natataranta na ko sa pagclick kung paano matatanggal ang sinend kong picture ng makita kong nag sent na iyon at sinundan ng delivered. The next thing I knew..seen na ang nakalagay doon.

Namilog ang mata ko! Ne nerbyos na ko sa gulat. Omg! Omg! Nakita na ni Vander ang picture! It's too late.

Vander: sino kumuha nito?

Naku! Galit pa ata si Van. Napakagat labi na lang ako sa nararamdamang kaba.

Ako: hindi ako kumuha niyan! Pinasa lang sa akin iyang picture! Tunog defensive pa ko. Hindi naman kasi talaga ako.

Vander: talaga?

Ako: oo! Kaya wag ka sa akin magalit! Hindi naman talaga ako kumuha ng picture na iyan.

Vander: sino naman nagsabi sayong galit ako?

Ako: alam kong galit ka! O kaya aasarin mo na naman ako. Baka isipin mo para tayong nagde date diyan sa picture. Pero hindi no! Wala akong alam diyan! mahaba kong type. May diin bawat pagtipa ko sa keyboard ng cellphone. Ipapalapa ko talaga si Van sa mga ipis!

Vander: hindi naman ako galit.

Hindi galit si Vander? O baka naman kunwari lang ito na hindi galit sa picture.

Vander: I like it. Magaling ang kumuha ng picture. Kung sino man ang kumuha niyan gusto kong pasalamatan.

Ako: ha?

Vander: tameme? *with smirk emoji.

Nang aasar na naman ito. May pang ngisi pa! Pwede naman wala ng emoji na ganoon.

Ako: tameme your face! Alam ko naman tumatawa ka mag isa diyan. Ang pangit ko sa picture. Para akong patay gutom diyan.

Vander: saan banda? Saka hindi ako natawa. Natutuwa ako.

Ako: ewan ko sayo. Matulog ka na nga! istorbo!

Vander: ok. Gudnyt:-)

Aba! Nagpaalam nga! Ang lokong ito binibiro ko lang naman. Hmp! Bahala na nga siya. Hindi ko siya ime mesaage. Nireply-an ko si Jenny sa mensahe niya.

To jenny: jenny! Na wrong sent ako ng picture. Iyong pinasa mo sa akin. kay vander ko na send imbes kay Robby!

Jenny: omg! Anong sabi?

Ako: nagustuhan daw niya iyong picture. Thank you daw sa kumuha nun.

Jenny: oh myyyy! Sasabunutan kita Maya.. ang haba ng buhok mo hahahaha

Ako: baliw! Pang aasar lang ni Vander iyon. Naniwala ka naman.

Lumipas ang ilang minuto. Hindi na nagreply si Jenny sa akin. Pero naging sunod sunod naman ang messages na galing sa group chat naming saturn2008 at IYPC. Hindi ko na tinignan iyon. At pinindot ko ang mute button. Tunog ng tunog ang message alert tone ng fb ko. Biglang nagchat ulit si Jenny sa akin paglipas ng thirty minutes.

Jenny: omg! Omg!

Akala mo may sunog kung maka omg ito. Ang OA minsan ng reaction ni Jenny. Pero natutuwa naman ako sa expression ng mukha niya.

Ako: maka omg ka. Anyare?

Jenny: Mayaaaaa!

Ako: bakit?

Jenny: I hate you na talaga! Hahaha. Sasampalin talaga kita bukas.

Luh. Ano daw?

Ako: ano bang sinasabi mo diyan?

Lumitaw ang message sa akin ni Robby.

Robby: Maya! Hahaha ikaw na!

Mga na aabnoy na naman itong mga kaibigan ko. Pangit talaga magpuyat sa gabi. Nakakabaliw. Napapailing ako. Hindi ko na sila nireplyan.

Matutulog na sana ako ng nag message ulit sa akin si Jenny. May kasamang screenshot photo iyon. Binuksan ko ito.

Waaaaaa(⑉⊙ȏ⊙) ano ito?

Profile picture ni Vander iyong picture na hindi ko sinasadyang ma wrong sent sa kanya! Omg nga! Baliw talaga ang lalaking iyon.

Pinamulahan ako ng pisngi nang makita ko kung gaano karami ang likes niyon. Madami din nag comment. Binasa ko ang iba.

Romeo Dacera: sino iyan bro?

Nikki Sorriano: aba Vander! Sino yan huh?

Akosiiboggiie: luma lovelife Van?

Nera John: makatitig bro. Baka matunaw naman iyan.

Seph timber: naiinggit ata sa pagkain. Sana daw siya na lang tignan ni Maya hahaha

Vanessa Leigh Perez: kuya, siya si Maya?

Napa face palm na lang ako sa mga nabasa ko. Nakakahiya. Buti na lang wala pang nirereplyan ni isa si Van sa mga ito. Saka Vanessa? Kapatid pa ata nito ang babae. Gosh!

Nagpadala ng private message sa akin si Van.

Vander: ang ganda ng picture talaga.

Ako: baliw ka! Burahin mo iyon!

Vander: ikaw magbura.

Ako: pano ko naman gagawin iyon? Di ko naman account yan!

Vander: kahit naman burahin mo iyan. Ibabalik ko din naman iyang picture.

Ako: binu bully mo na naman ako! Wala ka talaga magawa sa buhay mo!

Vander: hindi kita binu bully. Nagustuhan ko ang picture natin. Bihira lang ako magkagusto.

Ano daw? Bumilis ang tahip ng dibdib ko.

Vander: bihira lang ako magkagusto ng picture. Maya maya'y dugtong ni Van.

Nakahinga ako ng maluwag. Badtrip tong lalaking ito. Baka ang ika matay ko pa ay atake sa puso dahil sa sobrang kilig. Letse!

Ako: bahala ka na nga! Goodnyt!

Vander: good na talaga ang night ko.

Ako: joke iyon? Tatawa na ba ko? Ha-ha-ha

Vander: *heart emoji*

Waaaaaa. Bakit may pa heart?

Mayanne Lorenza