Dear Diary,
Well, Im very happy. No words can express my feelings at this moment. Pakiramdam ko napakalaki ng achievement ko.
Today is our program!
Napakadaming umattend. Sold out ang ticket. Madami ang umiyak, tumawa, pumalakpak at namangha sa mga audience. Na inspired siguro sila. About kay God ang topic at sa faithfulness.
Nangiti ako habang nakatingin sa huling nagpe perform sa stage. The Imaskara band,
Ang ganda ng boses ni Isabella. Naiiyak pa nga ako kanina. Tagos sa puso ko bawat nota. Ramdam ko talaga. Nakakamangha din ang ibang ka banda ni Isabella.
Si Seph ang nagpa piano, Si John sa gitara, at si Vander ang drummer nila.
Hindi ko alam kung anong title ang kinakanta ni Isabella. Ang tatandaan ko lang sa lyrics ay
Kung mayroon akong tinig
Kung mayroon
Mayroon akong tinig
Aawitan ka
Pupurihin ka
Pagkat mahal kita
Hayss. Nakaka lss naman iyon. Pumalakpak ako ng bongga ng matapos magperform ang banda.
Nagsalita si Father Bong sa unahan para magbigay ng dedication at pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumali. Kasama na ang mga nagpuyat. Inspiring din ang sinabi ni Father Bong. Na kahit nahihirapan ka na sa buhay basta may tiwala ka sa panginoon malalampasan mo ang bawat pagsubok na kanyang binibigay.
Masayang nagsialisan ang mga nanood. Natira na lang kaming mga kabataan. May meeting na gaganapin kaya kami mga nagpaiwan.
May picture taking pa habang nag aantay mag umpisa ang meeting. Ang saya talaga.
"Wacky naman!" Ani ate Ruth. Natatawa kaming sumunod.
Sa sumunod na pose. Inakbayan ko sina Jenny at Robby. At todong ngumiti sa camera. Nag peace sign naman ang dalawa kong kaibigan.
"Ang saya!" Bulalas ni Jenny
"Oo nga. Buti pala pinasali mo kami ni Maya dito" baling ni Robby kay Jenny.
"Happy din ako dahil naging kaibigan ko kayo" anito
"Mag iiyakan pa ata tayo dito" biro niya sa dalawa. Sabay sabay kaming tumawang tatlo.
"Oh quiet na. Andiyan na si kuya Micheal" sabi ni Robby.
Nagpunta si Kuya Micheal sa unahan. Tumahimik na kaming lahat. Umupo ako sa pagitan nina Jenny at Robby. Ang tig isa niyang kamay ay nanlalambing na pumulupot sa tig isang braso ng mga ito.
"Alam niyo na kung bakit tayo nagme meeting. Gaya ng pinangako ni Father Bong. Magkakaroon tayo ng-" naghiyawan na agad silang lahat di pa natagapos ni kuya Micheal ang announcement. "Teka! quite muna! Magkakaroon tayo ng two days na outing sa Taal Batangas"
"Sa batangas daw. Excited na ko" bulong ni Robby sa akin. Napapangiti din ako at sinabi kong ako rin excited na.
"Saturday ngayon. Kaya next Saturday ang outing natin hanggang sunday ng hapon. Gabi ng friday tayo magba byahe. By six pm dapat andito na kayo lahat. Magpa alam kayo sa mga magulang niyo okey? Naiindihan niyo ba?" mahabang paliwanag ni Kuya Micheal.
"Opo!" Sabay sabay naming saad.
"Saka meron pa pala! Wag muna kayo uuwi. Kakain pa tayo. May hinandang foods si Father Bong" pahabol pa nito. Lalo tuloy kaming nag ingay. Food is life! Hahaha.
"Tara na" hila ko kina Jenny at Robby sa hinandang pagkain. Mayroong kaldereta, menudo, lumpiang shanghai, afritada. May Fruit salad pang panghimagas! Ang sarap!
Bibitawan na sana ako nina Jenny para kumuha ng sariling plato nang may kumalabit sa akin. Lumingon ako kung sino ang kumalabit.
Si Van! Dug dug dug
Ayan na naman ang tunog ng puso ko. Kakaiba na naman ang pagtibok. Tinaasan ko siya ng kilay bilang pagtatanong. Baka kapag nagsalita ako'y mautal pa.
"Pwede ba tayong mag usap?" marahan nitong tanong sa akin. Sa akin lang talaga nakatingin.
"Ano ba pag uusapan natin?" pasimple akong tumingin sa pagkain. Dyahe naman ito. Ano ba pag uusapan naming dalawa? Simula ng nangyari sa clinic. Medyo hindi na kami nag aaway. Kung nag uusap man. Bihira lang din. So what now?
"Doon sana" turo ni Van sa may dulong upuan. Kung saan konti lang ang tao. Nagdalawang isip akong sumama. Baka ma tsismis pa ko nito. Tapos sabunutan pa ko ki Isabella.
Napahakbang ako ng isa nang itulak ako ng marahan ni Jenny papunta kay Van. Sumimangot ako. Nagka amnesia ba si Jenny? Nakalimutan ata nitong hindi ko close si Vander.
"Jenny!" Irita kong saad.
"Dadalhan na lang kitang pagkain. Sumama ka na kay Van. Mag uusap lang naman daw kayo" Jenny winked at me. Omg! Nakakahiya itong babaeng ito. Grabe. Binubugaw ba siya sa bully?
Sumabat naman si Van " No need. Ako na ang bahala sa pagkain ni Maya"
Ano daw? Ano ako embalido? Walang kamay para hindi maka kuha ng sariling pagkain?
"Alis na" taboy sa akin ni Jenny. Wala akong magawang naglakad papunta doon sa tinuro ni Van kanina. Nauuna akong maglakad. Si Van naman ay tahimik lang na nakasunod sa akin.
Umupo ako nang makarating doon. Nilinga ko si Van na umupo sa harapan ko.
"Ano na pag uusapan natin?" inip kong tanong. Bago pa makasagot si Van sa akin. Dumating sina Seph at John na may bitbit ng mga pagkain.
"Van, ito na pagkain niyo. Enjoy" ani John. Sabay alis na sa harapan nila nang mailapag na nila ang mga bitbit. Shanghai at menudo iyon saka kanin at fruit salad. Yay! Nagutom tuloy ako.
"Kain muna tayo. Nagugutom na talaga ako" sabi ko sa kanya. Sabay kuha ng pagkain at nilantakan iyon. Sarap!
Galit galit muna to. Hahaha. Ang sarap ng pagkakaluto. Tataba ata ako sa simbahan. Tapos iyong fruits salad hindi tinipid sa cream. Napabuntong hininga ako sa lasa. Sarap! Sarap! ( ꈍᴗꈍ)
" Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Van sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Hmm?" Puno pa bibig ko ng pagkain.
"Nag enjoy ka ba kanina?" Anito.
Dug dug dug
Kinakabahan na naman ako. Hindi ko keri kapag seryoso si Van. Mas gugustuhin ko pang inaasar niya ko. Para tatarayan ko na lang siya. Di tulad ngayon na seryoso siya. Hindi ko alam kung paano ba magre react dito kapag ganitong seryoso.
"Hmm.." ano ba dapat kong sabihin? Jusko naman!
"Masaya sumali sa mga ganitong uri ng activity sa simbahan. Madami kang matutunan. Bukod sa mga religious belief. Madedevelop pa ang talent mo at social skills. Nagagamit mo pa ang mga skills mo para maglingkod sa panginoon" kwento nito sa akin. Gumawa na ata ng topic. Nakikita sigurong hindi ako komportable dito.
Sa mga narinig ko tuloy na lumabas sa bibig ni Van. Akala ko hindi si Vander ang kausap ko. Seryoso na nga. May sense pa kausap.
"Ilang years ka na dito?" Naitanong ko. Mema lang! Memasabi.
"Simula grade two andito na ko. Dati nag su sunday school ako."
Grade two? Seryoso ba ito? Ako nga eh nag tsa Chinese garter pa no'on. Tapos uhugin pa habang naglalaro ng piko, tumbang preso saka teks.
"Hindi mo na nasagot ang tanong ko"
"Alin ba tanong mo? Saka diba sabi mo mag uusap tayo? Ano ba pag uusapan natin?" usisa ko.
"Nag uusap na nga tayo" nakangiting sabi ni Van sa akin.
Tignan mo itong taong to. Pilosopo. Sarap sniper-in. Sinamaan ko ito ng tingin. Nakaka distract nga lang tignan ang mga pilik mata nito. Mas mahaba pa sa akin. Ano ba iyan. Ang pangit ko talaga letse! Bakit sa akin hindi maganda ang eyelash.himutok ng isip ko.
"Ano nga?" Tanong ko ulit. Sumubo ako ng menudo na may kanin.
"Gusto lang kitang makasama"
Nasamid ako bigla sa narinig ko. Napaubo. Napahawak ako sa leeg. Letse naman! Lumabas pa ata ang butil ng kanin sa ilong ko.Ang sakit sa lalamunan.
"Okey ka lang?" Nag aalalang tanong ni Van nang inabutan ako ng tubig. Hinagod naman nito ang likod ko.
Nanigas ulit ako. May kuryente na naman! Marahan kong pinigilan ang kamay ni Van sabay inom ng tubig. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong maubos ang isang basong tubig.
"Balak mo ba kong patayin?" Sikmat ko
Clueless na nakatingin sa akin si Van.
"Anong patayin? Sabi ko lang gusto kitang makasama. Makausap." Nagsisimula ng mairita si Van sa akin. Nagsusungit na eh.
"Nang bibigla ka kasi! Nabulunan tuloy ako! Kasalanan mo!" Umpisa kong sigaw. Nagsisimula na naman akong kabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ako pa may kasalanan? " Di makapaniwalang tanong ni Van sa akin. Tinuro pa nito ang sarili.
"Oo kasalanan mo! Diyan ka na nga!" Marahas akong tumayo. Nasagi ang sugat ko sa may tuhod ni Van. Napa aray ako.
"Ayan! Hindi ka nag iingat. Halika dito. Titignan natin" ani Van. Hinila ulit ako paupo at inusisa na ang sugat ko. Mukha naman okey iyon. Di naman nagdugo. Pero iyong puso ko ang hindi okey. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Magdahan dahan ka sa susunod"
"Kasalanan mo kasi.." mahina kong sabi. Parang bumulong lang ata ako.
"Oo na. Kasalanan ko na. Ubusin natin itong pagkain. Masasayang ito"mahinahon nang wika ni Van sa akin.
"Uubusin ko naman talaga yan" nagsimula na ulit akong kumain.
Binalot na naman kami ng katahimikan ni Van. Busy kami sa pagnguya habang pinagmamasdan ang mga kasamahan naming kumakain na din.
Hinanap ko sina Robby at Jenny. Nakita kong kasama nila sa isang mesa sina John,Seph at Isabella.
"Girlfriend mo ba si Isabella?" Wala sa sariling tanong ko. Wala akong narinig na sagot mula dito.
Sumulyap ako kay Van. At nakitang nakangiti na naman ito ng parang tanga. Sarap batukan. I rolled my eyes. Baka girlfriend nga nito.
"Magkakabata kami. Period" nakangising wika nito.
Ngumisi si Van?! May panunudyo ang pagtitig nito sa akin.
"Bakit ka nakangisi naman diyan?" Mataray kong tanong
Umiling ito. Nakangiti na.
"Masaya lang ako"
"Masaya? Bakit?" Dahil kay Isabella? pwe!
"Masaya lang"
Binabawi ko na. Wala palang sense kausap si Van. jusmiyo.
Hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ko nakuha ang sagot kung bakit masaya siya.
Mayanne Lorenza