Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 14 - CHAPTER 14: LIKOD

Chapter 14 - CHAPTER 14: LIKOD

Dear Diary,

Wednesday. PE class namin. Masama mood ko. Nadapa ako kanina habang naglalaro ng badminton. Hindi ko naman kasi nakita iyong maliit na bato kaya nadulas ako at nadapa. Nakakahiya talaga Diary.

Kaya heto ako, mag isang nakaupo sa bleacher ng gym habang nakatingin sa mga kaklase kong nag eenjoy maglaro.

Hindi na ko pinaglaro ng adviser namin dahil sa nangyari. Dahil din doon. Nakakuha ako ng sugat sa tuhod. Mahapdi iyon.

Gusto ako dalhin ni Ma'am sa clinic kanina. Tumanggi ako. Maliit lang naman ang sugat ko. Saka takot ako sa alcohol. Mahapdi na nga ang sugat ko. Tapos hahapdi pa ng matindi dahil sa alcohol na iyan.

Napabuntong hininga ako. Nabo bore ako. Ang saya din tignan nina Jenny at Robby. Kakainggit. Kung hindi ba naman ako lampa. Hay naku.

Nakaramdam tuloy ako ng antok. Kulang pa ako sa tulog. Kaya siguro nadapa din ako kanina. Todo practice na kami sa simbahan dahil malapit na ang pagtatanghal namin.

Inabot kami kagabi ng alas onse. Kaya antok na antok pa ko. Hindi naman nagalit ang Lola ko. Dahil sa simbahan naman ako galing.

Napahikab ako. Pinikit ko ang mga mata ko. Humalukipkip habang nakaupo pa din sa bleacher. Sinandig ko ang likod sa isang haligi doon. Naririnig ko pa rin ang ingay ng mga kaklase ko.

Nakakahiya talaga kanina. Siguradong nakita din nina Van iyon. Paniguradong aasarin ako no'n. Abnoy pa naman iyon. Baka nahanap pa ng tiempo para asarin siya.

At ito na nga ang tiempo! Nadapa na ko tapos may sugat pa sa tuhod! Kung minamalas ka nga naman talaga. Hihintayin ko na talaga ang pang aasar ni Van mamaya sa akin.

Napabuntong hininga ulit ako. Biglang tumahimik.

Nagtaka ako ng hindi ko marinig mag ingay ang mga kaklase ko. Hala! Baka akala tulog ako dahil nakapikit ako. Tapos iniwanan ako dito mag isa!

Dumilat ako. Nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin lahat! Mga namamangha.

Pwe! Alam ko naman na pangit ako. Bakit kung makatingin ang mga ito parang mga ewan ang itsura. Umayos ako ng upo at umingos sa kanila. Badtrip!

Hinanap ko sina Robby at Jenny. Katulad ng mga kaklase ko. Parang ewan din itsura ng mga ito habang nakatingin din sa akin.

Nagtataka na ko. I mouthed 'bakit?' kina Jenny at Robby.

Napakunot noo ako ng ngumu-nguso nguso si Jenny sa akin. Pati si Robby nakigaya din dito.

Parang tanga din na ngumuso ako sa kanila with a question mark all over my face.

Kiss ba ang tinutukoy nila? Iyon ba iyon? Gusto ako halikan ng dalawa? Eh bakit lahat nakatingin sa akin?

Ah, baka nag aalala dahil nadapa ako kanina. Kaya lang bakit may pag nguso pang nalalaman itong dalawa kong kaibigan. Hahalikan nila sugat ko? Natawa ako sa naisip.

Kinunot ko pa lalo ang noo ko. Ano ba at kanina pa nguso ng nguso tong dalawa. Nagtataka ko na silang tinignan. Ano ba nangyayari?

Kung tama ang nabasa ko sa labi ni Jenny na 'sa likod ko daw?' likod ko? Ano meron sa likod ko?

Natigilan ako.

Naku! Baka principal? Baka pagalitan ako akala natutulog ako?! Hala!

Marahas akong lumingon sa likod ko. And found out na si Vander pala nasa likod ko!

Napanganga ako. Bakit nasa likod ko ito? Kanina lang andoon siya naglalaro. Di ba? Saka ang lawak Kaya ng bleacher! Kaya siguro mga ewan makatingin ang mga kaklase ko sa kanya kanina. I mean sa kanila palang dalawa ni Van.

"Baka pasukan yan ng langaw" ani Van. Seryoso lang nakatingin sa akin. Parang nagha hyperventilate na ko! Gusto kong paypayan ang sarili.

"Maya" pukaw nito sa akin. Natauhan naman ako at tinaasan siya ng kilay. Baka aasarin na ko nito kaya ito nandito sa tabi ko! Sinasabi ko na nga ba!

Pinaningkitan ko si Van ng mata

"Ano? Mang aasar ka na naman diyan? Sasabihin mo na naman lampa ako dahil payatot ako. Tapos-"

"Masakit ba?" Putol nito sa sasabihin ko.

"A-ah?" Parang tanga kong tanong. Nautal pa ko.letse naman!

"Masakit ba ang sugat mo? Gusto mong dalhin kita sa clinic? Baka maipeksyon iyan kapag hindi nagamot agad" mahaba nitong sabi sa akin.

Naengkanto nga talaga si Van! Ang bait yata nito sa kanya! Hindi tuloy ako makapaniwala. Hindi ko alam kung tatarayan ba ito o hindi. Nakakailang naman ito.

"Tara sa clinic" Yaya nito. Akmang hahawakan nito ang kamay ko nang bigla akong tumayo. At marahas na umiling. Kinabahan na ko. Muntik ng magkahawak ang kamay nila!

"Ayaw mo?"

"A-ah..h-hindi naman!" Bigla kong sigaw.

"Bakit ka ba lagi naninigaw? Masakit sa tenga baka akala mo" iritang sabi ni Van sa akin.

"Hindi kita sinisigawan!" Sigaw ko na naman. Kinakabahan ako. Omg! Si Van lang ito. Dapat chill lang ako at inaaway ito.

"Tsk. Hindi daw" palatak nito. Hinatak nito ng marahan ang braso ko. Nanigas tuloy ako ng di oras. May kuryente akong naramdaman! Bakit ganun? Pero hindi masakit ang kuryente "Lalagyan lang natin yan ng alcohol"

Natauhan ako. Alcohol?!hinigit ko ang braso sa pagkakahawak ni Van sa akin.

"Ayaw ko sa alcohol! Masakit iyon! Ayoko!" Naiiling iling kong sabi. Nakasigaw na naman.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Nabibingi na ko" inis na sabi ni Van sa akin. Marahas nitong sinuklay ang buhok. Inis na nga ata sa akin ito. Nakasimangot na.

Napanguso ako.

"A-ayoko ng alcohol .." mahina kong sabi. Nakayuko. Nakakahiya naman itong inaasta ko. Dapat ito ang mahiya kapag nalapit sa akin. Pero parang wala naman kay Van ang presensiya ko. Tutulungan pa nga ako nito.

"Fine. Betadine ang ilalagay natin. Basta hindi lang ma impeksyon iyan" saad nito.

"Betadine?" Ay! Tanga ka na naman Maya! Betadine nga. Ulit-ulit lang?

"Oo. Baka kapag na impeksyon iyan. Lalabas ang hari at pari. Pati kanin na kinain mo lalabas diyan sa sugat mo" pananakot nito sa akin. Akala naman matatakot ako nito. Ano siya elementary?

Natawa ako ng mahina. Napangiti naman si Van sa akin . Parang tangang pailing iling pa at bumubulong bulong pa ang abnoy sa kawalan.

"Loko! Sinong tinakot mo?" Tawa kong tanong. Hindi ko napigilan hampasin siya sa balikat.

"There. Tumawa ka na. Hindi katulad kanina na para kang tensyonado at na iistatwa na lang bigla" anito. Naka smile. Ang ganda talaga ngumiti ng abnoy na ito. Pantay pantay ang ngipin tapos ang puti pa. Nahiya naman bigla ang isa kong bulok na ngipin.

Nagsimula na silang maglakad ni Van papuntang clinic. Nakakapanibago naman ito. Hindi sila nag aaway.

"Anong ginagawa mo sa likuran ko? At doon ka pa pumuwesto talaga? Maya maya'y tanong ko. Nakakabingi ang katahimikan. Walang imik ang katabi ko. Akala ko nga napipilitan itong kasama ako. Pero no'ng silipin ko naman. Nakangiti ito na parang tanga.

"Hoy" untag ko sa kanya.

"Bakit?" Nakangiti pa ring tanong nito sa akin. Promise, mukha talaga itong tanga. Ano ngini ngiti ngiti nito mag isa? Abnoy nga talagang tunay.

"Sabi ko, ano ginagawa mo sa likuran ko?" Tanong ko ulit

"Nakaupo lang" matipid nitong sagot sa akin. Di ko alam kung pilosopo ang sagot nito o nag jo joke na naman.

Magtatanong sana ako ulit pero nakarating na kami sa clinic. Sabay kaming pumasok sa loob. Makalipas ng ilang sandali..

Tahimik akong nakaupo sa monoblock na nandoon habang pinapahiran ng nurse ang sugat ko sa tuhod gamit ang bulak na may betadine. Hindi naman mahapdi katulad ng alcohol. Napanatag ako.

Lumingon ako kay Van kung anong ginagawa na niya. Pero nakatingin lang ito sa akin tapos ngumiti ng makitang sumulyap ako.

Dug dug dug

Napahawak ako sa puso ko. Hala! Bakit ganun?

Mayanne Lorenza