Dear Diary,
Ilang araw na lang ay program na namin sa simbahan. Kaya ngayon ay naghahapit na kami sa pagpa practice. Inabot na kami ng alas onse ng gabi. Nagpaalam naman ako sa Lola Amanda ko na gagabihin akong umuwi. Akala ko nga hindi ako papayagan pero nung malaman niya na sa simbahan ang gagawin ko ay pumayag din siya.
Nagbreak time muna kaming mga nasa theater group kaya heto kaming dalawa ni Jenny. Nakikigulo kay Robby. Member siya ng propsman kaya tinutulungan namin siya.
"Nga pala Jenny,Robby may cellphone na ko" imporma ko sa kanila.
"Talaga? Sino bumili?" Di makapaniwalang tanong ni Jenny sa akin. Naglalagay ito ng glue sa gagawing korona ng hari.
"Padala ni Mama.." ani ko.
"Nasa abroad mama mo?" Tanong naman ni Robby sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari akong hindi narinig at naggupit na lang ng mga retasong papel doon.
"May facebook account ka na Maya? Isali ka namin sa Group chat!" Hyper na wika ni Jenny. Kinakarir talaga nito ang pagdidikit ng glue doon samantalang ako ay naggugupit ng mga papel na nakakalat sa sahig. Kinakalat ko lang naman iyon imbes tumulong
"Hindi wala pa. Haha. Gagawa ako bukas kapag may load na ko"
"Add mo kami a" Robby
"Oo na. Mapilit ka e" sabay tawa ko.
Umingos si Robby sa akin " Binu bully mo na ko ngayon Maya" drama nito sa akin
"Baliw, joke lang kasi" dapat talaga nag Theater group na lang itong si Robby kesa sa sumali sa pag gawa ng props. Napahiwalay tuloy ito sa amin ni Jenny. Nung tinanong ko siya kung bakit sa props group ito sumali. Sinagot ba naman akong hindi daw ito makikita sa stage kapag dim light na ang ginamit. Ang loko lang. Pati sarili nilalait.
Napahikab ako pagkalipas ng ilang oras. Seryoso na kasi ang mga kasama ko dito. Pati si Jenny seneryoso na talaga ang pag gawa tapos ako taga kalat lang ng papel.
"Umidlip ka mun doon Maya sa couch. Gigisingin ka namin kapag tinawag na kayo ni Jenny" ani Robby ng mapansin ang paghikab ko.
"Ayoko. Wala akong kasama doon"
"Nandito naman kami sa malapit eh. Sige na, matulog ka muna doon" sagot naman ni Jenny sa akin.
"Ayoko pa rin. Sabi daw may nagpapakitang madre dito sa simbahan kapag gabi. Eh madilim pa naman sa part na iyon dahil walang ilaw!" Takot kong wika sa kanila. Naiisip ko palang iyon ay kinikilabutan na ko.
"Sira! Paranoid ka po. Matulog ka na doon!" Taboy sa akin ni Jenny
"Oo nga Maya. Nagkakalat ka lang naman dito"
"Ang sama mo Robby sa akin. Buti nga nagkalat ako dito eh. Kung hindi ko pa iyon ginawa siguradong wala kayong lilinisin dito mamaya" natatawa kong katwiran.
"Aba'y pilosopo pa 'to. Batuhin kita ng glue diyan!" Pabirong inamba ni Jenny ang glue sa akin.
"Haha. Kaya mo? Loves mo kaya ako" ani ko
"Si Seph ang loves ko. Kaya ikaw, shupi! Alis na..alis" winigayway pa ni Jenny ang kamay. Kulang na lang ipagtulakan siya pahiga.
"Hmp!" Pabiro kong iningusan ang dalawa kong kaibigan at nagmartsa ng pumunta sa couch na pang isahan. Dalawa ang couch na meron doon. Malapit ito sa piano ng simbahan. Katapat nito ang mga kahelerang upuan.
Narelax ako ng lumapat ang aking likod sa malambot na couch. Parang gusto ko tuloy maidlip. Tahimik ang parte na ito. Iyong iba kasi ay nasa labas nakain ng fishball o kaya kwek kwek. Yung iba naman ay nagka kakantahan sa labas. Kami na lang talaga ang naiwan dito sa loob. Iyong mga naggagawa ng props. Ako, si Jenny at Robby.
Pumikit ako at ninamnam ang kalambutan niyon. Gusto ko sanang ipatong yung paa ko sa katabing couch kaya lang baka bawal naman. Tapos mapagalitan pa ko.
Makalipas ng ilang minutong naka pikit. Naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan.
Nahigit ko ang aking hininga. Naalala ko iyong madre na pagala gala dito sa loob ng simbahan tuwing gabi. Nanindig ang balahibo ko sa sobrang takot. Feeling ko lumamig ang hangin sa paligid. Hindi ko marinig sina Jenny at iyong mga props member! Nag uumpisa na kong mataranta sa aking isip. Oh My God! Natatakot na ko.
"Mag relax ka nga diyan.." banayad na sabi ng tinig.
Natigilan ako pero hindi pa rin dumilat. Bakit parang kaboses ni Vander yung multo? Minumulto na ba talaga ako? May practice yun sa kabilang building para special number ng banda nito. Tapos nandito siya sa tabi ko? Waaaaaaa. Baka nga multo 'to! Doppelganger!
"Tsk. Sabi ko mag relax ka. Hindi ka na yata humihinga diyan Maya"
Tumingin ako sa katabi ko. At nakitang nakahiga din si Vander sa katabi kong couch na pang isahan. Inis itong nakatingin sa akin.
"Oo. Ako nga. Si Vander" sarkastiko nitong sabi.
"Hindi ka multo?" Tanong ko.
"Sa gwapo kong 'to? Pinagkamalan mo kong multo?" Sabay tawa nito sa akin.
"Hmp!" Ingos ko. Hindi na kinontra ang sinabi ni Vander kasi totoo naman na gwapo ito. "Bakit ka ba nandito? Hindi naman tayo close"
"Inaantok ka na?" Banayad nitong tanong hindi pinansin ang kanyang tanong
Napansin ko lang na same kami ng posisyon sa couch. Parang sa mga romantic movie lang na napapanood ko.
"Pakialam mo naman kung inaantok ako?"
"Eleven thirty na. May kasama ka pauwi? Hatid ka namin nina Seph at John" suggestion nito. Hindi talaga pinapansin ang pagsusungit niya. Akala siguro nito bati na kaming dalawa. Feeling close talaga.
"Ayoko nga!" nagsisimula na naman akong kabahan sa kanya. Sobrang bait naman niya kasi sa akin. Hindi na niya ako binubully.
"Kung gusto mo isama natin sina Jenny at si Negro"
Sinamaan ko siya ng tingin. Ayan na naman! nanlalait na naman si Vander!
"Anong negro a?! Robby ang pangalan niya 'no!"
"Pero negro pa rin siya" sabay tawa ulit.
Inirapan ko si Vander. Ang sama na naman ng ugali.
"Kaibigan ko ang nilalait mo baka nakakalimutan mo. Lumayas ka nga dito! Feeling close!" Pagtataboy ko. Istorbo sa nagbe beauty rest dito.
"Hindi naman iyon panlalait. Negro naman talaga siya a" anito pa.
"Lumayas ka na nga! Buwesit!"
Grrr
"Bakit si Negro ang napansin mo kesa sa akin? Mas naging close pa kayong dalawa?" seryoso nitong wika sa akin
Dug dug dug
Ayoko pangalanan ang nasa tinig ni Vander. Imposible naman kasi.
"Mabait kasi siya. Ikaw naman.. nevermind" saka ko siya inirapan.
"Dapat hindi mo na kinakaibigan yun e" maktol nito bigla.
May toyo yata 'to ngayon.
"Bakit ba ikaw ang maalam? Eh sa gusto kong kaibigan si Robby kesa sayo. Ano ba problema mo ha?"
Inirapan ako ni Vander sabay tayo sa couch. Aba't nang irap pa ang walanghiya!
"Manhid" bulong nito. Tuluyan ng lumabas ng simbahan. Taka naman akong naiwan doon.
Nilapitan ako ni Jenny.
"Hoy! Ano ginawa mo dun kay Vander? Bakit mukhang inis?" Usisa ni Jenny sa akin.
"Aba malay ko! Ako nga dapat mainis eh. Nilalait niya si Robby. Tapos gusto niyang hindi ko kaibiganin si Robby? Ayos lang siya? Ano siya Boss para sundin?" Himutok ko sa kaibigan.
"Sinabi niya iyon?" Paninigurado ni Jenny. Umupo pa ito sa inalisan ni Vander na couch.
"Di ba nakakainis? Tapos siya pa may ganang mag walk out"
"Hahahahaha" tawa ni Jenny
"Ano nakakatawa?"
"Ikaw ang nakakatawa. Ang manhid mo kasi" ani pa nito.
Nagtaka lalo ako. Sinabihan din ako ni Jenny na manhid pati ni Vander.
Impossible naman kasing nagseselos si Vander? OMG! Seryoso siya doon? Gulat ako sa aking naisip.
"Hahahaha.. Mayanne, Mayanne..maka alis na nga" iniwan siya doon ni Jenny at bumalik sa pwesto nito.
Naumid ang dila ko. Shock sa nalaman.
Dug dug dug
Mayanne Lorenza