Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 12 - CHAPTER 12: PAGTINGIN

Chapter 12 - CHAPTER 12: PAGTINGIN

Dear Diary,

It's Sunday morning. Umattend ako ng misa ni Father Bong. Well, napaisip tuloy ako kung bakit nga ba ako pinanganak at anong purpose ko sa mundo? Bakit namamatay ang mga tao? Iyang mga iyan ang mga medyo gumugulo sa isip ko pagkatapos ng misa.

Naisip ko bigla si Van. Ipinanganak ba siya para maging buwesit sa buhay ko? Purpose niyang bully-hin ako? Mamatay ba siya kung hindi niya ko ibully?

I rolled my eyes. At bakit ko na naman naiisip ang abnoy na iyon? Letse naman. Nakulam ata ako ni Van. Hindi magandang sensales ito. May kulam ang siopao nito.

Paano ba naman hindi ko siya maiisip. Kanina, sa misa ni Father Bong. Panay ang linga ni Van sa gawi ko. Distracted na tuloy ako. Kaya napapalingon na din ako sa pwesto niya. Maka ilang beses tuloy nagtama ang paningin namin dalawa. Naiilang ako. Pero iyong mayabang na iyon hindi nagbawi ng tingin kahit nahuli ko na siyang nakatingin sa akin.

Ano ba sininghot ni Van kagabi? Katol? Iyong baygon dahil malakas trip nito sa akin Anong trip kaya ng mayabang na lalaking iyon ngayon?

Hindi nga ako inaasar pero tingin naman ng tingin sa akin. Gusto ko naman bulyawan siya pero ano naman sasabihin ko? Hindi naman niya ako inaasar. Tatanungin ko ba kung bakit siya tingin ng tingin? Naku! Wag na nga! Baka isipin pa ng mga makakarinig na assuming ako. Baka hindi naman kasi sa gawi ko nakatingin. Assumera lang ako.

'ano,baka banlag si Van? Ani ng isa kong isip. Aba hindi ah! Gwapo iyong mayabang na iyon no! Maganda ang mga mata ng lalaking iyon. May pagka seryoso tumingin. Tapos kapag nakangiti. Nakangiti rin ang mga mata. Minsan masarap titigan. Minsan naman masarap tusukin.

Eh?

What the hell! Ano bang mga nasa isip ko?  Mayanne Lorenza,umayos ka! Kaaway mo si Vander vin Perez. Pangalan pa nga lang halata ng kontabida sa buhay ko.

Natigil ako sa pag iisip nang makarinig ng mga masasayang hiyawan.  anyare?

Napatingin ako sa unahan ng practice hall. Pagkatapos ng misa kanina. Pinatawag kami lahat para sa gaganaping meeting. Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi sa unahan ni Kuya Micheal. Siya ang Team leader naming mga kabataan. Napansin kong masasaya silang nag uusap lahat. Maliban ata sa akin. Ano ba kasi nangyari? Bakit parang nagdiriwang yata ang mga ito? Tanong ko sa isip. Letse kasi iyang si Van. Pinapasok ang isipan ko. Kinulam na ata talaga ako!

Kinalabit ko si Jenny na katabi ko lang. Si Robby nandoon sa grupo ng mga propsman. Isa si Robby sa member doon. May meeting din ata. Liningon ako ni Jenny ng nakangiti. Nye? Anyare ba? Bakit masaya si Jenny?

"Bakit?" Ani Jenny

"Ano meron? Bakit ang saya naman nila?" Taka kong tanong.

"Di mo ba narinig?" Balik tanong nito sa akin.

"Kung narinig ko. Bakit pa ko magtatanong sayo?" Sarkastikong ko sabi. I just want to rolled my eyes.

Pinaningkitan ako ng mata ni Jenny "ayan kasi. Kung sino ang iniisip. Kaya nawawala sa huwisyo" tudyo nito bigla  sa akin. Wag nitong sabihin na..

"Hoy hindi ko iniisip si Van ah!" Defensive kong sabi. Paano nalaman ni Jenny? Madam auring ba ito? Letse naman.

"Wala akong sinasabi na si Van ang iniisip mo. Ikaw ang nagsabi niyan. So, si Van pala iniisip mo?" Tawa tawang sabi ni Jenny sa akin.

Tumikhim ako. Medyo napahiya.

"Bakit sila masaya? Ano meron?" Pag iiba ko ng topic. Ano ba naman ito. Mahuhuli pa siya sa sariling bibig niya.

"Hahahaha"

Sinamaan niya ito ng tingin. Tinutukso pa siya. Alam kong tinatawanan ako ng babaitang ito dahil iniba niya ang topic. Eh sa ayaw ko ng topic namin ngayon.

"Si Van talaga?" Tanong pa nito ulit? Nanunudyo. Aba naman!

"Jenny!" Mahina kong singhal. Pinamulahan ako ng mukha. Letse! Nakakahiya naman ito.

"Okey okey hindi na" sukong sabi ni Jenny sa akin. Tinaas pa nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Pero natatawa naman.

"Kapag naging successful daw ang pagtatanghal natin. Magkakaroon tayo ng outing sa Taal Batangas! Isn't great right?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig.

Wow! May outing pala! Ang saya nga! First time ko kapag natuloy iyon. Kaya dapat maging successful ang pagtatanghal namin.

"Excited na ko" sabi ko sa kanya. Nakangisi. Pero sa loob loob ko. Gusto kong tumalon. Hahaha. Ang saya naman kasi talaga.

Nakangisi pa rin ako nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni Van. Nawala ng unti unti ang pagkakangisi ko. Nakatingin si Van sa akin! Na naman!

Seryoso siyang nakatingin. Walang panunudyo sa ekpresyon ng mukha niya. Kahit nga pagngiti wala eh. Hindi talaga siya nagbabawi ng tingin kapag nagkakatinginan kaming dalawa. Kung sa iba iba iyon maiilang na at magbabawi ng tingin kapag nahuli na sa akto. Pero itong si Van. Tibay ng apog! Deretso pa talagang nakatitig sa akin. Walang paki kahit nahuli na!

Ako tuloy ang naiilang sa pagtitinginan namin. Anong pagtitinginan? Eksaheradong tanong ng isip ko. Wala kaming pagtingin sa isa't isa noh. basta,ako ang naiilang sa pagtingin tingin niya sa akin.

Binawi ko ang paningin ko sa kanya. Ano ba nangyayari sa akin? Bakit parang kinabahan ako bigla? Nakatingin lang naman sa akin si Van.

Lumingon ulit ako kay Jenny na nakatingin din pala sa akin. Nakita ba niya? Pinamulahan ako ng mukha sa naisip ko. Naku, baka kung anu ano na naman ang nasa isip ni Jenny.

"Iba na yan ah" tukso nito sa akin. Sabi na nga ba.

"Wala iyon. Napatingin lang ata sa gawi ko" dahilan ko. Letse naman. Sana makalusot.

"Talaga? Eh bakit namumula ka?"anito pa

"Mainit kasi" pinaypayan ko pa ang sarili ko para ma emphasize ang sinabi ko. May pagpunas pa ko ng noo gamit ang braso.

"Napatingin lang sa gawi mo?" Maingat na tanong ulit ni Jenny. Ano ba naman itong babaeng ito. Imbestigador pa ata ang pangarap. Mausisa masyado. Gusto ko na tuloy magpapadyak sa sobrang frustration.

"Oo" matipid kong sagot.

"May napatingin ba na inabot ng ilang minuto?"

"Oo"

Nakita kong tumingin si Jenny sa gawi ni Van. Hindi ko sinundan ang paningin ni Jenny.  Baka ano na naman isipin nito kapag tumingin din ako. Nakakahiya na. Pinatatag ko ang sarili ko. Kay Jenny lang talaga ako tumingin. Kahit mahirap gawing hindi sumulyap.

"Nakatingin pa rin sayo si Van. Siguro kung hindi ka nag iwas ng tingin. Baka inabot na kayo ng isang oras" pansin nito

"Dami mong alam" iyan na lang ang nasabi ko sa kanya. Di ko alam kung ano ang dapat Kong sbihin.

Hindi ko alam kung magka away ba kami ni Van or hindi na?  Bakit ba kasi nakatingin sa akin ang abnoy na iyon? Ang weird naman.

Baka way niya iyon para inisin ako? Kasi kung aasarin niya ko by word. Iiyak ako. Mag so sorry na naman siya. Na sa tingin ko, hirap mag sorry ang kagaya ni Van.

Kung titignan na lang niya ko bilang pang aasar. Iiyak ba ko? Syempre hindi di ba? Kaya siguro iyon ang plano ng abnoy na iyon.

Saka may Isabella Aquino na si  Van.Bagay silang dalawa. Kahit hindi naman. I mean, mabait kasi si Isabella. Si Van hindi. Teka? Bakit ako nagpapaliwanag sa sarili ko? Nababaliw na ako. Pati sarili ko. Kinakausap ko na din.

Hayys.. bakit tunog bitter naman ata ako? Hindi naman ampalaya ulam namin kanina.

Saka wala naman akong gusto sa Vander na iyon.

Pagkatapos ng meeting ay umuwi na ko sa amin. Nakita ko si Lola Amanda na nanonood ulit sa sala. Si Brenda naman ay nagsasagot ng assignment nito. Lumingon si Lola sa gawi ko.

"Nandiyan ka na pala! May pinadala ang walanghiya mong nanay. Buti't naisip pa kayo nun!" Bungad na sabi sa akin ni Lola Amanda. "Tignan mo dun sa kwarto"

Hindi na ko umimik ng pumasok ako sa aking kwarto. May nakita akong maliit na box na nasa ibabaw ng table ko.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba iyon or hindi. Sa totoo lang Diary namimiss ko na ang mama ko. Pero lamang ang galit ko sa kanya ngayon.

Mabigat ang mga paang lumapit ako sa box na naroon. Nakita kong bukas na ito. Nang tignan ko ang laman ay isa iyong cellphone! At isang note. Binasa ko ang nakasulat.

Maya,

Si Mama mo 'to. Kamusta na kayo magkapatid diyan? Nami miss ko na kayong dalawa. Alagaan mo ang kapatid mo a? Nagpadala ako ng pera saka cellphone. Tawagan mo ko kapag nakuha mo na ito. Naka save na ang number ko diyan.

-Mama

Umingos ako. Namiss daw kami. Hmp! Hindi naman iyon totoo. Ang tagal nitong nawala tapos sasabihing namimiss kami?

Tinignan ko ulit ang box. Walang pera doon. Baka kinuha na ni Lola Amanda kanina. Ito namang cellphone. Isa iyong android. Hindi naman masyadong mahal iyon pero kaya ng makapag facebook doon.

Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon Diary. Bigla akong nanlumo.

Mayanne Lorenza