Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 11 - CHAPTER 11: SIOPAO,C2

Chapter 11 - CHAPTER 11: SIOPAO,C2

Dear Diary,

Puspusan pa rin ang pagpa practice namin sa simbahan para sa gaganaping pagtatanghal. Meron na lang kaming two weeks para mag prepare. Hanggang third week ng August ang nilaan para sa pagpa practice.

At ito na rin ang ikatlong linggo na lagi na lang akong inaabutan ng siopao ni Van. Ang lupit naman nitong mang asar. Consistent. Silent but deadly. Tuloy, lagi na lang siyang tinutukso ni Jenny at Robby. Kinikilig sila na animo'y bulate na binudbudan ng asin. Letse!

Katatapos lang ng last subject para sa morning class. Recess time ng oras na iyon. Wala akong kasama. Nasa canteen ang mga kaibigan niya para bumili ng pagkain nila. Hindi na siya sumama dahil may baon naman siyang pagkain. Fita at tubig. Di naman sila mayaman para magbaon ng twenty pesos per day.

Pinakamataas na nga niyang baon ay sampung piso! Hindi naman ako nagrereklamo. Masaya pa nga kapag sampo pa ang baon ko madami akong mabibili. Sinong niloko mo? Tanong ng mahadera kong isip

Pero Diary, naiinggit talaga ako sa mga complete ang pamilya. At maraming baon. At nakakapag aral ng walang pino problema. Pero pansin niya sa ibang estudyante na binabalewala ang sakripisyo ng kanilang pamilya para makapag tapos lang sila. Kung ako iyon. Aba! Baka mag valedictorian siya sa sobrang pagsisipag niya sa pag aaral.

Kaya lang dyahe. Bukod sa masungit na ang lola ko. Kuripot pa sa pera. Hihingi lang ng baon madami ng sinasabi. Kaya minsan hindi na lang siya humihingi. Almusal na lang katapat niya. Saka lagi na lang siyang nililibre nina Robby at Jenny. Nakakahiya minsan pero kinakapalan ko na lang mukha ko.

"Ay susmaryosep!" Napalundag niyang sigaw ng may humagis na supot sa ibabaw ng desk niya. Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat.

"OA mo talaga" komento ng salarin kung bakit siya nagulat. Aba! si Van na naman?!

"Wag mo ko kausapin. Galit ako sayo" inis kong sabi. Natahimik naman ang loko. Na guilty ata nang maalala na galit siya dito sa ginawa nito sa simbahan dati.

"Bat ba nagbibigay ka pa ng mga ganito? Ano ba ito? Nanghahagis ka pa!" Sunod sunod kong tanong kay Van. Hindi naman sumagot si Van sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya ng mataman. Tinaasan niya ito ng kilay. Letse! Nakatingin na naman ito sa akin na parang ewan.

"Ano ba laman nito ha? Bakit ka ba bigay ng bigay ng kung anu ano?" Tanong niya ulit dito. Sinilip niya ang laman ng plastic bag. Siopao na naman?! Buwisit to ah. Ang tibay ng mukha talagang asarin siya! Nilingon niya ito at matalim na tinignan.

"Siopao? Seriously Van?" Sigaw ko. Pero hindi pa rin ito umiimik. Nakatingin pa rin sa kanya ang abnoy. Tinignan niya ito ng masama. "Ano? Hindi ka sasagot?" Kinuha niya ang sapatos sa paa niya at akma itong babatuhin "gago! Ano? Hindi ka sasagot!"

Umatras si Van "teka! Sabi mo wag kita kausapin?"

"So kasalanan ko pa ngayon?" Nang gagalaiti kong sigaw. "Ang hardcore mo talagang mang asar kang walanghiya ka! Siopao?" Umuusok ang ilong na tanong ko.

"Ayaw mo ng siopao?" Nagtatakang tanong ni Van sa kanya. Parang nalugi ang itsura nito na ewan.

"Malamang oo! Pusa palaman nito eh!" Nang hihimutok na saad niya. Tumawa naman ng malakas si Van. Walanghiya talaga tong lalaki na ito. Dapat talaga sinusumpa ito. Sinusumpa na dapat maging pangit ito at hindi kamukha ni Richard Gutierrez ng bata pa ang actor!

"Aba! May gana ka pang tumawa diyan!" Sigaw ko at tuluyang binato ang sapatos niya. Nasapul naman ito sa sa dibdib dahilan para huminto sa pagtawa si Van.

"Sorry na Maya. Nakakatawa ka kasi" pinunsan pa ang konting luha sa mata nito dahil sa pagtawa.

"Wag mo ko kausapin! At akina ang sapatos ko!" Mariin kong utos.

Tumalima naman ito at pinulot ang sapatos niya. Seryoso na ang mukha ni Van ng tumingin sa kanya bago inabot ang sapatos niya.

"Sorry Maya" puno ng sinseridad na wika nito. Punong puno ng emosyon ang mata nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Di niya alam kung anu anong emosyon iyong mga iyon. At ayaw niyang alamin. Paki niyo ba!

"Hindi kita gustong asarin kapag binibigyan kita ng siopao. Peace offering ko iyan at way para mag sorry sayo. I know below the belt na ang pang aasar ko sayo sa simbahan dati" mahaba nitong paliwanag

"Alam kong hindi mo pa ko mapapatawad. Pero im really sorry . I really I am " tinalikuran siya ni Van pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Seryoso ba ito? At ano ba meron at laging walk out king itong lokong to?

Hindi tuloy siya makapagsalita. Naumid ang dila niya sa mga sinabi nito. Nag sorry ito. Then what? Ano ba dapat niyang sabihin? Si Van yabang ba talaga iyon? Bakit parang sinapian ata ng engkanto?

"Earth to Maya" pinitik pa ni Jenny ang daliri sa harapan ng mukha niya. Napapitlag siya at mukhang tanga na tinignan ito. Nakita niyang inusisa ni Jenny ang laman ng plastic bag. Napapailing iling ito at napapalatak. Napakunot nuo tuloy siya sa naging reaksyon nito.

"Iba na yan ha"

"Anong iba?" Defensive na tanong niya. Letse! Sasabihin na naman nito na may gusto si Van sa kanya. Puwede na itong maging author ng wattpad sa sobrang lawak ng imahinasyon.

"Iba. Di ba dapat chocolate ito hindi siopao?" Naguguluhang tanong ni Jenny sa kanya. Naguluhan din tuloy siya sa tanong nito. Lalong naging clouded ang isip niya.

"Jenny! Maya!" Tawag sa kanila ni Robby. Humahangos ito at hinahapong umupo sa tabi niya.

"Oh? Anyare?" Tanong niya. Pasimpleng tinago ang plastic na may laman na siopao. Ayaw na niyang magtanong pa si Robby at tuksuhin siya kay Van. Gaya ng laging nilang ginagawa ni Jenny sa akin.

"Oh" sabi nito at inabot sa kanya ang isang litro ng C2 lemon flavor

Aba! Aba naman talaga!

"Wow ah! Galante ka ata ngayon Robby. Talagang binalhan mo pa ko ng isang litrong c2" natutuwang kinuha niya iyon. Swerte talaga siya sa kaibigan.

"Nagtatampo na ko Robby. Bakit ako walang c2?" Nakangusong wika ni Jenny. Patay ka ngayon Robby. Hahaha aniya sa isip

"Hindi naman sa akin yan" ani Robby

Natigilan siya. Hindi kay Robby?

"Ha?" Sabay naming tanong kay Robby. Kung hindi sa kanya. Kanino naman galing itong c2?

"Nakasalubong ko si Van. Nakalimutan daw niya iyong drinks mo Maya kaya pinaabot niya sa akin iyan. Siopao lang daw ang nadala niya sayo. Kulang daw ng panulak" paliwanag nito.

Bago pa siya nagreact. Inunahan na siya ni Jenny.

"OMG! Ikaw na talagang bruha ka" kinikilig na sinabunutan siya ni Jenny ng mahina

"Aray!"angil niya. Bayolente talaga itong si Jenny. Ang sakit sa anit.

"Mabait nga talaga si Van" ngiting ngiting sabi ni Robby.

"Aray! Para iyon lang. Oh sainyo na iyan. Busog na ko" hinatak niya ang buhok sa kamay ni Jenny. Hinimas himas ang anit na nasaktan. At ayaw niyang mag aasume! Payatot lang siya pero di siya asumera ng taon. C2 lang iyon. No big deal. Nabawi ito dahil may kasalanan ito sa kanya. Iyon lang iyon.

"Gaga! Saiyo iyan binigay ni Van. Tapos papamigay mo lang? Wala kang puso" pangongonsensiya ni Jenny sa kanya. Nilagay nito lahat sa bag niya ang c2 at ang hawak niyang plastic ng siopao.

"Baka magalit si Van kapag pinamigay mo iyan. Kainin mo na. Alam naman namin ni Jenny na Fita ang pagkain mo. Hindi ka pa busog niyon" ani Robby

"Pakialam ko naman kung magalit siya?" Mataray kong saad. Letse talaga!

"Wala ka talagang puso Maya. Nagpapakabait na nga iyong tao" ani Jenny. Nagkatinginan sina Robby at Jenny at parang nag uusap ang mga ito gamit ang mata.

"Oo nga naman Maya. Ang pabebe mo pala" asar ni Robby sa kanya. Naghagikhikan ang dalawa sa tabi niya. Inirapan niya ang mga ito.

Shock na nga siya doon sa sinabi ni Van kanina. Tapos ito naman ngayon? Baka talagang mababali na ang buto niya sa lalaking iyon.

Mayanne Lorenza