Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 10 - CHAPTER 10: SIOPAO,WATER, SOPAS

Chapter 10 - CHAPTER 10: SIOPAO,WATER, SOPAS

Dear Diary,

Busy month ng August. Nakapag exam kami last week ni Van kay Ms. Sonya Fuentes. Sa una naiiyak na ako. Akala ko talaga bagsak na ako. Passing grade namin ninety over one hundred. Ang nakuha ko lang na score ay eighty kay Van naman ay eighty five. Kulang para makapasa.

Pero sinabi ni Ma'am na ipapasa pa rin niya kami dahil mataas ang score ng nakuha namin kahit hindi nakapasa sa passing grade niya. Gusto ko ngang tumalon no'n sa sobrang saya. Ang awkward nga lang dahil kasama ko si Van. Two weeks na rin kasi nung mangyari yun sa practice hall. Simula nun lagi ko na siyang iniiwasan.

Kaya nung exam namin dalawa. Tahimik lang kami at hindi nag uusap. Okey na sa akin iyon kesa naman magbiro na naman siya ng masasakit na salita.

Puspusan na din ang pagpa practice namin sa simbahan para sa project namin na fund raising. Magbebenta kami ng ticket para makanood sila ng pangtatanghal namin. Mura lang ang ticket. Thirty pesos isa kapag naubos namin iyon magiging successful ang project namin. Makakapag feeding program kami sa mga bata sa school at lansangan. Magandang adhikain. Fulfilment sa akin iyon. Kahit nakakapagod siya,masaya pa din.

"Time out! Breaktime muna!"sigaw ni Ate Ruth. Ang director ng play namin. College student siya sa kursong HRM. Mabait si Ate Ruth pero sobrang seryoso kapag nag di-direct na siya.

"Hay! Kakapagod" sabi ni Jenny sabay salampak ng upo sa sementadong upuan.

"Sobrang hirap pala sumali sa mga ganito no? Pero ang saya saya naman kapag natapos" nakangiti kong komento.

"Maya,tignan mo si Van. Nakatingin sayo simula pa kaninang umaga." Bulong sa akin ni Robby.

Oo,kanina pa nga niya iyon napapansin. Panay ang linga sa kanya ni Van. Parang gustong lumapit at kausapin siya. Ayoko naman mag assume na ganun nga.

"Heh! Tumigil ka nga Robby! Napapatingin lang yan dito dahil baka gusto na naman mang asar" irap kong saad.

"Parang hindi naman Maya. Di ba Jenny? Parang gustong kausapin ni Van si Maya"

"Tingin ko ganun na nga." Sang ayon naman ni Jenny. May pagtango pang nalalaman ang babaita.

"Magsitigil kayong dalawa pwede?"inis kong sabi. "'nga pala, di ba kayo kukuha ng meryenda natin? Nagkakagulo na sila doon sa pagkuha" sabi ko. Nginuso ko pa ang mga nagkukumpulang kabataan doon.Kapag practice namin. May libreng meryenda para sa mga kabataan na kasali. Sopas at tubig ang libreng pagkain ngayon.

Tumayo na si Jenny at Robby. Sasama na dapat ako ngunit sabi nila sila na lang ang kukuha ng sa akin. Hayy..ang sarap talaga magkaroon ng mga kaibigan na maalaga

(◔‿◔)Hehe

Hindi ako nagsisisi na sumali ako sa kabataan ng simbahan. Pinaglilingkuran ko na si Papa Jesus. Nakatulong pa ko sa kapwa. Hindi naman ako mabait na bata pero tingin ko babait na ko ngayon. Natawa ako ng mahina.

At sana din mabait na lang si Van para hindi na ako ma awkward kapag nasa paligid lang siya. Iyong lalaki kasi na iyon pinanganak na ata na mahilig mang asar. Buti hindi inuuban ang mga magulang no'n. Teka! Bat ko ba iniisip si Van na mayabang? Erase erase.

But speaking of the devil..papalapit na siya sa akin. O sa akin nga ba? Wala naman kasi akong katabi dito. Baka aasarin na naman ako. Aba! Akala niya aatrasan ko siya ngayon? Hinding hindi na!

Nakataas ang isa kong kilay ng makalapit na siya sa akin. Hindi ako aatras! Ipis lang ang katapat niya!

Inaantay ko ang pang aasar niya nang may inabot siya sa aking plastic cup at supot na maliit. Di tuloy ako nakahuma. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.

Nge? Ano na namn to? Nagtataka ko siyang tinignan. Bago pa ko makapagtanong sa kanya nilayasan na niya ako. Mukha tuloy akong tanga na nakanganga pa sa pagkagulat dahil sa biglang pag alis niya.

Natauhan lang ako ng marinig kong humahangos na sina Jenny at Robby sa pwesto ko. Parehong may bitbit ng plastic cup na katulad ng hawak ko.

"Maya,ayos ka lang ba? Anong ginawa sayo ni Van? Natatarantang tanong ni Robby

"May sinabi ba sayo si Van? Magsalita ka! " Saad ni Jenny. Binaba nito ang hawak na plastic cup. Niyugyog siya sa balikat. "Magsalita ka Maya! Ayos ka lang ba?" Dugtong pa nito.

Ang OA naman ng mga ito. Niyugyog pa siya lalo ni Jenny dahil di siya nagsasalita. Kaya tumatapon na ang laman ng plastic cup na hawak ko. Napangiwi tuloy ako dahil mainit pa iyon. Napansin naman ni Jenny ang reaksyon niya.

"Ay! Sorry."

"Maya bakit may sopas ka na? Ito iyong iyo oh? Dala namin" ani Robby . Nakatingin na sa hawak niyang plastic cup at supot na maliit sa kabila niyang kamay.

"Oo nga Maya. Di ba sabi namin kami na kukuha ng sayo? Ano? Gutom na gutom lang kaya hindi makapaghintay?"

"Inabot sa akin ni Van?" Patanong kong sagot. Di ko alam kong paano ko ba i explain sa kanila. Kahit sarili niya. Di rin niya ma explain.

"Huh?" Naguguluhang sabi ni Jenny. Kinuha ang supot sa kamay niya at tinignan ang laman niyon. Nanlalaki ang mata na tumingin si Jenny sa kanya. Nilabas nito ang nasa loob. Mineral water at siopao!

Binigyan ako ni Van ng siopao?!

Bakit?! Naalala ko tuloy ang siopao na may pusa.

"Binigay ni Van sayo to? OMG!" kinikilig na wika ni Jenny. Hinahampas hampas pa ang balikat ni Robby

"Buti ka pa may siopao. Kami sopas lang" pang aasar ni Robby sa kanya.

"May sopas din siya Robby" natatawang ani Jenny

"Idol ko na talaga si Van! May mineral water pa in case mabulunan si Maya"

At tumawa na nga ang loko lokong dalawa niyang kaibigan. Pero ako? Shock pa din!

"Speechless si Maya!"

Sinamaan niya ng tingin ang dalawa. Loko tong mga to ah! Si Van kasi. Epal talaga. Baka inaasar lang talaga siya nito. Siopao? Alam naman niyang hindi siya kakain no'n dahil sa sinabi nito dati na pusa ang palaman niyon. Pero bakit gumastos pa ito kung gusto lang siyang asarin? May mineral water pa.

Kahit ayaw at tinatanggi ng isip niya kusang nag blush ang pisngi niya. wtf! Ang pabebe naman?! OA ah.

Mayanne Lorenza