Dear Diary
Nagkarooon ako ng bagong kaibigan. Si Jenny Javier. Maganda siya at maputi. Parang natatakot ako hawakan ang kanyang balat at baka magkapasa. Di tulad ng balat ko..hindi ko mawari kung maputi ba ko o maitim..oh sige maputla na lang. Walang kabuhay buhay ang kulay ko. Ang mukha naman ni Jenny ay napaka kinis talaga! Sa akin may tigyawat. Mga anim na piraso magkaka pamilya pa.Straight pa yung kanyang buhok, sa akin buhaghag! In short parang Diwata siya at sa akin Di ata HAHAHA
Nakilala ko si Jenny ng magkatabi kami sa klase. Nagkaroon ng bagong sitting arrangement. At si Jenny nga ang nakatabi ko. Napalayo ako kay Robby. Nasa unahan ko naman si Van ayaw talaga ako hiwalayan ng malas sa mundo.
Di ko makakalimutan na dahil sa kanya magkakaroon kaming dalawa ng special exam. Kailangan maka ninety over one hundred! Grrr.. naiinis na naman ako sa kanya.
Simula din kahapon sinali kaming dalawa ni Robby ni Jenny sa mga kabataan na nagpe perform sa simbahan.. Youth for Christ. Imaskara Theater group ang sinalihan ko. Choir sana kaya lang boses palaka ang boses ko. Hindi pa nauuso ang tinig ko hahaha.
Saka napaka malas talaga. Nalaman ko na kasali din si Van sa Youth for Christ! At matagal na siyang member doon! Nakaka shock?! member siya ng..
Imaskara Theater group!
Imaskara Youth Choir!
Imaskara youth band!
Imaskara flute group!
..at hindi ko na alam kung ano pa ang iba!
Imagine-nin mo? Si Van na bully member ng mga nabanggit ko?! Take note, sa simbahan pa yun! Narinig ko pa na pioneer member siya.
Waaaaaa. Naloka ako sa nalaman.
Naka upo kaming tatlo nina Jenny sa loob ng practice hall malapit sa simbahan. Dito nagpa practice ang lahat o Kaya nag ja jamming lang..
Nakatingin kami sa nag ja jamming na sina Seph,John,Van at Isabella. Kaya pala magkaka kilala silang lahat. Si Seph at John ang may hawak ng gitara, si Van naman sa jukebox para siguro sa beat nila at si Isabella ang vocalist. Sa una biru biruan pa silang nagpa practice.
Tila ibon kung lumipad
Sumabay sa hangin
Ako'y napatingin
Sa dalagang nababalot
Ng hiwaga...
Yan yung kanta nila. Jusko, Narda pa trip ng mga abnoy. Di akma sa lugar.
"Loko talaga ang banda na yan. Kaya nakaka tuwa panoorin sila" masayang sabi ni Jenny sa amin. Ewsss..anong nakakatuwa diyan?
"Jenny,di talaga ako makapaniwala na member dito si Van. Bully siya sa school" sabi naman ni Robby. Elib na elib na ata kay Van. Jusmiyo!
"Ganoon naman talaga si Van hahaha...maloko lang yan pero the best yan" ani Jenny
The best his face!! Wala naman magaling sa kanya. Jukebox lang ata kayang tugtugin. Pa palo palo lang naman ng box pwee!
Mapapansin kaya
Sa dami ng ginagawa
Kung---
Biglang nag iba ng beat!
Si Hesus ang sandigan
Di magigiba!
Si Hesus ang sandigan
Di magigiba!
Sing' lakas
Ng kabundukan!
Di magigiba..
Dapadaan pala si Father Bong. Kaya pala biglang nagbago ang kanta nila. Sina Robby at Jenny naman tawang tawa sa nangyari. Ano naman nakakatawa don?
"Ang cute ng reaksyon ni Seph" sabi ni Jenny. Naku! May gusto pa ata itong si Jenny kay Seph. Halatang kinikilig kilig pa.
"Nakakatawa pala silang magkakaibigan Jenny. Takot ako dati sa kanila dahil maaangas. Iyon naman pala mga batang simbahan sila" si Robby.
"Maloloko lang naman yang mga yan pero kapag nakilala mo sila ng maigi. Malalaman mong mababait sila"
Napairap ako sa hangin. Mabait? Si Van mabait? Kapag nagunaw na siguro ang mundo baka bumait pa yang mayabang na yan..aniya sa isip.
"Payatot!" Malakas na tawag ni Van sa atensiyon namin. May pagkaway pa ang abnormal.
"Sinong payatot?" Nagtatakang tanong ni Jenny sa amin.
"Ayan. Si Maya" nahagikhik na sagot ni Robby. Hinampas naman niya ito sa balikat.
"Kapal mo Robby! Payatot ka rin naman"she said and rolled her eyes upward.
"Payatot!" Tawag na naman ni Van. Sinamaan ko ito ng tingin.
Mamatay ka sa tingin ko. "Nagustuhan mo ba ang harana ko sayo?" Dagdag pa nito.
"Anong harana naman iyon pare." Natatawang wika ni John
"Iyong narda? Dahil siya ang darna mo..yiiee" tudyo naman ni Seph
"Hindi ah"
"Eh ano?" Sabat naman ni Isabella sa kanila.
"Siya iyong sandigan. Tignan niyo nga lang yan si payatot flat na flat eh. Delikado pa dahil nakakatusok ang buto" buska ni Van sa kanya. Nagtawanan naman silang lahat except sa akin. Dapat pinapamumog ng Holy water ang bibig ni Van masyadong madumi.
"Ewan ko sayo Van! Akala mo kung sino ka!" Inis kong sigaw sa kanya. Sumu sobra na to! Lahat yata ng inis ko simula ng nakilala ko siya'y bigla na lang pumutok at nakakainis pa dahil maraming nakakarinig. Mga taga simbahan pa talaga?
"Biro lang, Maya" natatawa pang sabi ni Van yabang
"Maya,tara na hayaan mo na yang si Van" pang aalo ni Jenny sa akin.
"Wag mo na lang siyang pansinin" ani pa ni Robby pero di ko sila pinansin.
"Yang mga biro mo. Mga nakakasakit na Van. Di kana nakakatuwa"aniya
"Biro nga lang " napapakamot pang sabi ni Van. Nayayamot na ata.
"Biro? Biro ba iyon? napaka insensitive mo! Wala kang pakialam kahit makapanakit ka pa ng iba. Lagi mo na lang akong binubully. Anong bang ginawa ko sayo?" naiiyak kong tanong dito. Napakasama talaga ng ugali nitong lalaking to. Porket gwapo pwede ng manakit ng kapwa niya.
Natigilan naman si Van nang makita na naiiyak na ako. Di siguro nito alam na iiyak ako sa biro nito. Sa tagal ba naman binibiro ako nito. Ngayon lang talaga na hindi ko nakayanan.
"Maya.." bulong nito. Di alam ang sasabihin
"Wag na wag mo na ulit akong kakausapin! Kahit kelan!" Sigaw ko sabay takbo palabas ng practice hall.
"Maya!" Sabay sabay nilang tawag sa akin.
Diary, ano naman ngayon kung payat ako? Big deal ba iyon? Bakit ba ako ginaganito ni Van? Wala naman akong ginagawa dito para lagi na lang akong asarin. Pinalis ko ang butil ng luha na nalaglag sa aking mata.
Buwesit na iyon.
Mayanne Lorenza