Dear Diary,
Himala! Hindi kami nakatanggap ng pang aasar kay Van ngayong araw..Si Robby nagtataka din.Siguro dahil kasama ni Van si Isabella Aquino sa canteen.Masaya silang nag uusap.Si Isabella third year highschool din section one nga lang.
Alam niyo naman section one.Mga matatalino..Mukha din na may something sila ni Isabella.Mapapaisip ka naman talaga kung bakit sila nagkakilala.Section three kami. Kung titignan din. Close na close iyong dalawa.
"Maya, nakaka panibago no? Hindi tayo binully ngayon" sabi ni Robby sa akin.Nakaupo din kami malapit kina Van.Naka kunot noo kong tinignan si Robby
"Robby parang nanghihinayang ka pa na hindi ka inasar ni Van" adik talaga 'tong kaibigan ko. Na mi miss siguro ni Robby ang pang aasar ng mayabang na ito.
"Hindi ah! Syempre ayoko din laging inaasar nila."
"Hayaan mo,sasabihin ko mamaya kay Van na nami miss mo ang pang bubully niya" buska ko kay Robby sabay hagikhik ng mahina
"Maya! Masamang biro yan ah! Saka hindi naman kayo magkaibigan para kausapin ka niya ng matino"nakangusong turan ni Robby.
"Baka bumait na si Van dahil kay Isabella.Ano sa tingin mo? Di ba kapag na iinlab daw ang tao nagbabago ang ugali" sabi ko kay Robby. May mga ganun sa wattpad. Iyong badboy na inlab sa good girl. At si Isabella ang good girl na iyon.
Nagkibit balikat naman siya sa sinabi ko tapos sinabing ewan niya.Pero tingin ko.Pinana talaga ni kupido si Van.
Tignan mo naman iyong mayabang. Kung makangiti kay Isabella akala mo mapupunit na ang bibig sa sobrang tuwa.Imbes kiligin ako sa nakikita ko parang nandidiri pa ko.
Hindi siya bagay kay Isabella. Masama ugali niya at laitero.Si isabella mukhang mabait at mahinhin.
Who knows? Baka si Isabella lang magpapakatino kay Van.
Kumunot ang noo ko ng mapansin kong sumulyap si Van sa gawi ko at sabay kinindatan ako! Letse! Akala naman niya kinagwapo niya ang pagkindat. Mukha naman siyang may epilepsy sa mata. Tse!
"Kinindatan ka Maya?" Maanghang na tanong ni Robby sa akin. Napansin din ata ang pagkindat sa akin ni Van.
"Hindi sa akin. Sayo siya kumindat"
"Ewan ko sayo Maya puro ka kalokohan diyan" pikon na sabi nito sa kanya.
"Hindi iyon kalokohan. Baka type ka ni Van kaya ka kinindatan" asar ko dito. Namula naman ang pisngi ni Robby! Hanep! Bakla pa ata ang loko HAHAHAHHA.
"Hindi ako bakla ah!"defensive nitong sabi sa akin. Nabasa ata kung ano ang nasa isip ko. Natawa naman ako ng mahina. Defensive ang lolo niyo. Pero alam ko naman na hindi bakla si Robby. Lalampa lampa lang talaga.
Pakatapos ng breaktime ay bumalik na kami sa klase.
Periodical Exam namin ngayong third year highschool. Nakakadugo ng isip. Tingin ko sabaw na utak ko pagkatapos nito.
Pero ang nakakadugo sa lahat ang iyong BUWISIT na katabi ko. Kanina pa sipa ng sipa sa upuan ko. Kilala mo naman kung sino ang hari ng ka buwisitan di ba? Yeah..tama ka Diary ng iniisip. Si Van yabang nga!
"Ano ba?!" Gigil kong bulong sa kanya. Buwesit na to! Akala ko kapag nagka love life na eh magtitino na sa buhay. AKALA ko lang pala yun!
"Payatot pakopya sa number ten" ngising sagot ni Van sa akin. Demonyo talaga ngumisi ang hayop na to. Grrr
"Isabella Aquino ang sagot" tseh! Lovelife pa more. Ayan napapala mo sa kalandian Van yabang! Ani ko sa isip.
"Selos ka naman diyan payatot. Friends lang kami ni Bella. Sige na pakopya na sa number ten" nakakaloko nitong sagot.
"Kapal ng mukha mo Van! Hindi ako nageselos buwesit ka" yumuko ako sa test paper ko at nagsagot na. Baka maging uban ang buhok ko sa kanya.
"Yiiiie...kinikilig ang buto ni Maya. Ingat baka mag crack yan " tumawa ng mahina si Van.
"Buwesit ka talaga no?!"nanggagalaiting bulong ko sa kanya saka sinamaan ko ng tingin.
Mamatay ka sa tingin ko.
"Perez at Lorenza get out to my class now!" Sigaw ni Ma'am Sonya sa amin ni Van.
Nang hilakbot ako sa narinig.
"Ma'am! Siya po yun hindi ako!" Nanlalaking mata na sabi ko..huhuhu. palalabasin na naman ako?
"Ano Lorenza? Nahuli na natanggi pa? Lumabas na kayo ni Perez. Nagawa niyo pa na magkopyahan dito" litanya ni ma'am sa amin. Sermon pa rin ito ng sermon habang naglalakad kami ni Van palabas. Nag iingat na hindi masagi ang mga kaklase namin na nagte take ng exam.
Yukong yuko na lumabas ako kasabay si Vander. Ang EXAM KO! Waaaaa...
"Kung pina kopya mo ko sa number ten wala sana tayo dito" ani Van. Aba loko to ah! Siya pa talaga ang may kasalanan kung bakit sila pinalabas ni Ma'am Sonya? Wow ah! Grabe na talaga ang apog ni Vander.
"Kay Isabella ka komopya! Buwesit ka talaga sa buhay ko!" Sigaw ko. Humalukipkip pa ako at umuusok ang bunbunan na sumimangot.
"Selosa ka pala Maya?"
Marahas ko siyang nilingon. Tinignan ko ito ng matalim. Kulang na lang lumabas ang aking eyeballs sa sobrang talim ng pagtitig ko dito.
Naiinis na ko sa kanya Diary!
Okey kalma lang. Huminga ako ng malalim..kalma lang. Inhale...exhale...haaaaaaaaa
Negative vibes please lumayas kayo sa paligid ko.
"Sa totoo lang wala ka naman dapat ipag selos doon Maya" seryoso pa niyang sabi sa akin . Naka poker face pa!
"Tang 'namo po! " Mura ko may kasama pang turo sa kanya para alam niyang siya talaga ang minumura ko. Nakakainis na talaga ito.
"Ta-"
"Oh kita mo?! Kita mo?! Minumura mo din ako! Napaka ungentleman mo talaga! Pati babae minumura mo" putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
"Hindi mo naman ako pinapatapos sa sinasabi ko. Mga payatot talaga mga OA"
"OA na kung OA! Ikaw ang malas sa buhay ko eh"
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Ang lapit ko lang sayo pero kung makasigaw ka akala mo isang kilometro ang layo ko sayo"
"Naiinis na ko sayo!"
"Lagi ka naman inis sa akin. May bago ba?"
yun lang at tinalikuran na ko ni Van. Nakapamulsa siyang naglalakad. Di ko alam kung saan yun pupunta.
Napa buntong hininga ako Diary. Iyong Exam ko di ko alam kung paano na?
So much for this day..
Mayanne Lorenza