Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 7 - CHAPTER 7: WATUSI AND HIM

Chapter 7 - CHAPTER 7: WATUSI AND HIM

Dear Dairy,

Wala pa rin ako sa mood ng pumasok ako ngayon araw sa school. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa labas ng classroom. Wala kaming klase ngayon kaya yung mga classmate ko naglalaro sa labas. Yung mga boys, naglalaro ng Watusi. Yung mga girls naman ay patintero.

Thirty minutes na yata akong nagmumukmuk dito. Inaantok din ako dahil alas dos na ko ng madaling araw pinapasok ni Lola. Feeling ko nga eh lalagnatin ako. Pero hindi naman matuloy tuloy. Kahit paano ay malakas ang resistenya ko kahit payat.

Nakalimutan ko di pala yung payong ni Vander na pinahiram niya sa akin kagabi. Nakakainip din dito sa classroom. Wala akong makausap. Si Robby ay absent naman. Hindi man lang nagsabi na aabsent ito. Hirap ng walang cellphone. Paano na lang kapag inasar ako ni Vander? Eh di wala akong kakampi?

Pero buti na lang hindi ako ginugulo ni Van Buwisit at least narelax ako kahit paano. Iyong lalaki pa naman iyon. Ipinanganak na ata para buwisitin ang araw araw ko. Kagabi lang yata siya naging mabait sa akin. Slight lang naman kasi alam ko naman na plastik din iyong lalaking iyon.

And speaking of the devil..pumasok siya sa classroom kasama ang dalawa niyang tropa. Sina Seph at John. O di ba kilala ko na ang mga alipores ni Vander?

Dahil wala ako sa mood makipag usap, sumubsob na lang ako sa desk ko. Gusto ko ng tahimik na mundo. Pero malabo yata iyon dahil nandito ang bwesit sa buhay ko.

Narinig kong lumapit si Vander sa akin.

"Maya, anong ginagawa mo diyan? Bakit ayaw mong lumabas para maglaro? Hindi bagay sayo maging emo dito nagmumukha ka lang tuko" pagsasalita naman nito sa akin. As if naman papansinin ko siya. Hindi pa rin ako umimik. Hmp!

"Hoy, Maya! wag mo panindigan maging tuko diyan. Lumabas ka at maglaro" sabi ulit ni Vander.

"Maya nandoon naman si Robby.Puntahan mo at baka umiyak yun" sabi naman ni Seph Chan sa akin.

Hmp! Lokohin nila lelang nila! Alam ko naman na absent si Robby. Mga paepal!

"Ba't ayaw mo lumabas?" John. Sinilip pa ko ng mga ito sa pagkaka yukyok ko sa desk.

Grrr..

"Bat ba kayo nangengealam dyan?! Magsilayas nga kayo sa harapan ko!" pagtataboy ko sa kanila sabay subsob ulit sa desk. Di marunong tumingin sa mga nag e emo dito. Mga manhid.

Mga epal ng lipunan!

Aray! Ano iyon?  Napatingin ako sa aking paanan ng may kumislap mula doon.

Napalundag ako mula sa aking pagkakayupyop sa desk.

Inis na nilingon ko iyong may mga toyong nagtatawanan.

Tinapunan pala ako ng Watusi na mayroong sindi! Sa miskong  pwesto ko pa! Takot ako sa paputok Diary kaya ganito ang reaksyon ko.

Aray!

Nagtatalon ako sa pagkataranta.

"Buwisit ka talaga Vander!" sigaw ko

Sabay takbo sa labas. Narinig ko silang nagtawanan pa lalong tatlo.

Diary, ano ba nagawa ko sa taong to? lagi akong binu-bwisit!

Sabi ng mga ka klase ko kapag ganun daw ang lalake ibigsabihin may gusto daw sa isang babae..tsk..Hindi ako naniniwala doon. Talaga lang sigurong trip niya akong ibully. Ano ako tanga? kikiligan ako kapag binu bully ako ni Van? Sweet ang tingin nila sa ganun? Tsk mga abnormal! Sige wattpad pa more. Lakas mag imagine ng mga tao.

Diary,ano na gagawin ko? Gusto ko siyang ipa salvage. May alam ka ba?

Natapos ang morning class nami ng wala man lang nagturo sa amin. Naglaro lang kami sa labas. Nandoon lang ako sa labas ng room. Hindi talaga ako pumasok doon dahil baka hagisan na naman ako ng watusi.

Afternoon class na namin niyon nang malaman kong birthday ngayon ni Van. Magkasunod lang ang kaarawan namin? Nagtaka tuloy ako na nagbi birthday pala ang mga mayayabang.

At dahil mayabang siya, sa classroom siya naghanda para treat niya sa lahat ng kaklase niya.

Spaghetti at sandwich na nakalagay sa styrofoam ang handa ni Vander. May zesto din! Astig a. Note the sarcasm.

"Bawal  sa mga payatot to. Bumalik ka dun sa pwesto mo" sabi ni Van na nakangisi sa akin. Ano kaya ang napapala nito sa pang aasar sa akin?

Siya kasi ang mabibigay ng pagkain sa aming mga kaklase niya tapos pagdating sa akin ay ganun agad ang ibubungad niya?.

Ang walanghiya. Hindi nga ako binigyan ng pagkaen. Kapag may natira na lang daw yun na ang kainin ko. Buwisit Diary..Buwisit talaga.

Grrr..

"Pikon ka na niyan Payatot?" Asar pa niya sa akin

"Ano ba nagawa ko sayo at ginagawa mo sa akin ito? Birthday mo pa naman ngayon pero ang sama ng ugali mo"

"Masarap ka lang pikunin Maya Hahaha"

"Hahaha! Masaya ka na niyan? Happy? Happy?" Sarkastikong tanong ko.

"Kung may mas sasaya pa sa sobra..oo ang sagot ko" nakangisi na naman niyang sabi.Badtrip talaga ako kapag nakangisi siya ng ganyan. Halata talagang masama ang ugali nito. " Oh,ito na baka umiyak ka pa. Ang panget mo pa naman umiyak Maya. Humahaba ang nguso mo ng katulad sa tuko" inabot niya sa akin ang styro. Alanganin ko iyong kinuha habang masama ang tingin dito.

"Kumain ka ng madami para tumaba ka naman at hindi ka na payatot sa paningin ko" dugtong pa nito sa akin.

"Akala mo naman kung sino ka. Tse! Kulang naman sa sauce yung spaghetti mo!" Ani ko. Saka ko ito tinalikuran.

"Hoy! Maya isusumbong kita sa mama ko! Siya nagluto niyan!" Habol nito. Nye nye! Hindi ko na lang siya pinansin.

Hanggang sa mag uwian inaasar pa din niya ako. Sa una hindi ko siya pinapatulan dahil birthday niya. Pero Diary nakakainis na siya eh.

Dahil asar na asar na ko binato ko siya ng walis tambo na nakita ko malapit sa cr ng classroom namin.

Sa pagbato ko sa kanya may lumipad na ipis. May ipis pala sa walis tambo..haha.

Nalaman ko na takot pala siya sa ipis!!! Hahaha nagtatalon siya sa takot. Tapos mangiyak ngiyak na siya..

Hahahah si Van mangiyak ngiyak? Hahaha Diary kung nakita mo lang siya kanina..haha haha...ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.

"Sige! Subukan mo sa aking ibato iyang ipis. Ihahampas ko sayo tong walis na hawak ko!" Galit niyang sabi sa akin. Naka amba ang walis nito. Handang ipukpok sa akin.

"HAHAHA..nye nye..Sa ipis ka lang pala takot"

"Sinong takot?!" Galaiti nitong sigaw. Halos umusok na ilong nito sa pagkapikon.

Pikunin din pala ito.

"Aba! Nagyayabang ka pa!" Binato ko kunwari sa kanya ang ipis. Kumaripas siya ng takbo kasama ang walis tambo palabas.

Hahaha. Hindi ko malilimutan ang araw na to. Nakaganti din ako sa kanya. Sa WAKAS!! Yahoo..hahaha

Happy birthday to him..hahaha

Teka Diary,hindi ako maka get over sa kakatawa kay Vander.

Mayanne Lorenza