Dear Diary,
Hooray!! Today is my birthday pero malas nga lang nasaraduhan ako ng bahay namin. Nagsisimula ng bumuhos ang ulan. Kapag month pa naman ng September ay maulan..
"Lola Amanda!"
Kumatok na ko ng malakas sa pinto pero ang sabi lang ng Lola ko parusa ko daw yun sa pag gagala ko. Nakakatampo lang ,Diary. Birthday ko naman ngayon ah. Nagsimba lang naman ako at nag window shopping.
Gift ko man lang sa sarili ko yun. Wala na nga akong handa eh at wala din bumati sa akin. Wala naman akong cellphone para matawagan si Robby.
Minsan iniisip ko kung ampon ba ako eh. Naalala ko nga nung graduation ko noong elementary wala man lang nagpunta para umattend ng graduation ko. Kapitbahay ko ang kasama ko nun.
Hayyss..ang dami pa daw Arte ga-graduate lang daw kasama pa magulang daig pa daw college.
Ganoon naman talaga ang graduation day di ba Diary? Kasama talaga ang magulang. Pero naalala ko,wala pala akong mama at papa. Tapos ngayong birthday ko pa. Parusa naman ang inabot ko. Talagang hindi ako pinapasok sa bahay ng Lola ko.
Wala na ngang handa ngayon eh..
Pero in fairness, Diary kahit wala akong handa ngayon sa birthday ko. Noong graduation day ko ay may nanlibre naman sa aking mabait na kapitbahay ng halo halo..but take note. Special halo halo yun..SPECIAL!
Simula talaga ng nangyari iyon Hindi na ko pala imik..sinusulat ko na lang lahat ng saloobin ko. Pwera na lang sa School. Na eembiyerna ako kay Vander. Nag iiba ang ugali ko kapag nag aaway na kami.
"Ang lamig.." nangaligkig ako sa sobrang lamig dito sa labas. Ang lakas na ng ulan. Niyapos ko ang sarili ko dahil sa sobrang ginaw. Nanunuot iyon sa aking katawan.
"Maya?" Ani ng isang lalaki sa aking likod. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Nakapayong ito ng kulay green.
"Payatot! Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito? Malakas ang ulan a. Hindi mo sinabing trip mo din palang magpaka istatwa dito. Akala mo naman ang laki ng katawan mo at talagang nagpakabasa ka pa sa ulan." mahabang sabi sa akin ni Vander.
Oo Diary! Si Vander nga! Kung minamalas nga naman ako sa birhtday ko.
"Pakialam mo ba? Lumayas ka nga dito! Hanggang dito ba naman nakikita ko pa yang pagmumukha mo" irap kong wika. Siniksik ko pa ang aking sarili sa naka usling bubong malapit sa pader ng bahay namin.
"Napadaan lang ako dito. Pinabili ako ni Daddy ng beer nila. Nag iinuman sa bahay. Birthday ng kapatid ko" itinaas pa nito ang bitbit na plastik na naglalaman ng mga beer in can.
Same birthday din pala kami ng kapatid nito. Sana all pinaghahanda tuwing birthday.
"Sumukob ka na dito sa payong ko. Malaki naman ito e. Malakas na ang ulan. Ihahatid na kita sa bahay niyo. Wag ka ng choosy. Minsan lang ako mag offer ng kabutihan sa mga payatot"
"Tse!" Okey na sana may payatot pa sa dulo.
"Tignan mo 'to. Nagsusungit ka pa talaga?" Di makapaniwalang sabi ni Vander sa akin.
"Hindi mo na ko kailangan ihatid. Kasi ito na yung bahay namin!" Inis kong sabi.
"O? Bakit hindi ka pa napasok?" Taka nitong tanong.
"Wala ka ng pakialam doon! Lumayas ka na nga!"
"Pinalayas ka siguro?" Pang aasar nito sa akin sabay tawa. Hindi ako umimik. Biglang gusto kong umiyak dahil sa sobra kong habag sa sarili.
Tumigil si Vander sa pagtawa nang makitang nangingilid na ang aking luha. Pinipigilan ko na lang na pumatak iyon sa aking pisngi. Ayokong asarin na naman niya ako or kaawaan niya.
Tumikhim si Van. "Pinalayas nga?" Maingat na tanong nito sa akin.
"Hindi ako pinalayas! Tumigil ka na nga! Lalo akong naiinis sayo!" Bulyaw ko.
"Kung hindi ka pinalayas. Eh anong ginagawa mo dito sa labas?"
Grrr..napaka tsismoso nitong lalaking 'to. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Di ka tatahimik?" Napipikon na ko.
"Subukan mong kumatok ng malakas. Baka hindi ka lang narinig ng mama or papa mo sa loob kasi malakas ang ulan" anito.
"Wala akong magulang.." mahina kong sagot. "Pwede ba? Lumayas ka na sa harapan ko? Kahit ngayon lang?"
Inirapan ako ni Vander. Wtf! Inirapan siya ni Vander? Seryoso? Bakit hindi mukhang bakla ito nung umirap ito sa akin?
"Oo na aalis na! Ang sungit mong payatot ka. Akala mo strong ka. Bahala ka mag crack ang buto mo diyan sa lamig"
"Layas na! Dami mo pa sinasabi" winasiwas ko pa ang aking kamay tanda na tinataboy ko ito paalis.
Lumapit sa akin si Vander. Naalarma naman ako. Baka gulpihin ako nito!
"Oh. Hawakan mo!" Sabi nito. Hinawakan ni Vander ang aking kamay sabay lapag sa payong nitong dala.
Pagkabigay nito sa akin ay tumakbo na ito ng tuluyan sa ulan.
"Hoy! Mababasa k-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lumiko na ito sa isang eskinita.
"Letse! Nakaalis na.." ani ko sa sarili sabay tingin sa payong na hawak ko. Bumigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib.
Naiiyak na naalala ko na naman Kung bakit ako nag simba kanina. Isa sa dahilan ay ang birthday ko ngayon. Ang pangalawa nama'y nabalitaan ko na kaya pala kami iniwanan ni mama kasi sumama na ito sa ibang lalaki.
Ang sakit nun Diary eh. Ipinagpalit ka sa ibang lalaki kesa sa aming anak niya. Alam ko naman na wala kaming tatay. Pero Hindi naman siguro tama na iwanan ka na lang ng ganun ganun lang. Nag promise siya Diary. Babalik daw siya. Hindi ko na siguro kailangan umasa na babalik pa si Mama ss amin.
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Kailan kaya ito matatapos? Sana nga matapos na eh.
Clueless din ako sa inasta ni Vander kanina. First time lang na naging mabait siya sa akin. Kung mabait ngang matatawag yung ginawa niya kanina.
Para sa akin kasi. Katangahan iyon. Sino ba namang matino ang pag iisip na tatakbo sa ulan? Tapos binigay pa niya iyong payong niya sa taong kaaway niya.
Ikaw Diary? Ano sa tingin mo?
Mayanne Lorenza