Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 5 - CHAPTER 5: BULLSEYE AND SIOPAO

Chapter 5 - CHAPTER 5: BULLSEYE AND SIOPAO

Dear Diary,

Nakakainis  na talaga Diary!! Ten times!

Gusto ko manapak kanina kaya lang pinigilan ko lang..huhuhu nakakahiya Diary.

May practice ang basketball team. Nagre-ready na para sa gaganapin na intramurals sa School namin. Alam ko excited ang karamihan. Hindi naman ako manonood talaga ng practice napadaan lang ako dahil ang daan niyon ay papunta din ng library.

"GO!! VANDER VIN PEREZ!" sigaw sa court na nadanan ko. Hindi naman siya cover court. Open area siya kaya kita mo lahat ng tao.

Nakita ko doon na naglalaro din si Buwisit na Van. VANDER VIN PEREZ..pwe! Ang bantot ng pangalan.Halatang mayabang at laiterong tao.

Naglakad ako at huminto malapit sa ring. Patingin tingin pa ko sa mga naglalaro. Nakita ko si Robby na kasali din.Halatang nahihirapan siya. Alam ko naman na di marunong si Robby magbasaketball kaya lang malas niya at kulang ang representative ng section namin at kailangan niyang sumali.

"Pasa dito Negro!" sigaw ni Van kay Robby. Pinasa naman ni Robby iyong bola sa mayabang at laiterong si Van.

Dinepensahan si Vander ng kalabang grupo. Para hindi siya maka shoot ng bola. Dalawa ang nakabantay dito.

Tagaktak na ang pawis ng binata. Nahihirapan siyang maka lusot sa ginawang depensa ng kabilang team.

Walang magawa si Van kundi ipasa ulit iyong bola sa isa nilang kakampi. May apelyido ito sa likod na ang nakalagay ay Chan.

Chan pala ang apelyido ng isang kaibigan ni Vander.

Nang sa wakas ay wala ng bantay si Vander. Pinasa ng mabilis nung Chan iyong bola sa binata. Sobrang bilis nun na pati ako'y hindi ko nakita!

Napabaling naman ako kay Buwisit na Vander na nagdi dribble na ng bola. Nakatingin ito sa akin. Mukha siyang tanga. Nakangisi ito ng nakakaloko. Akala niya ata magaling siya.

Mayabang lang siya pero di siya magaling. Mas magaling pa to mang bully ng kapwa kesa sa maglaro ng basketball.

Tapos tinira na niya yung bola pero Hindi pa rin nakatingin sa ring si Vander  kung hindi sa akin pa rin.

Bakit sa akin nakatingin to? Hoy! sa ring ka tumingin hindi sa akin..adik 'to! Ani ko sa isip. Nanlalaki ang mata.

Blag!

ARAY!!

Bumalandra ako sa sahig ng court.

Sa ulo ko tumama yung bola!! As in sure ball sa ulo ko!!Napahiga ako sa semento sapo ang ulo kong natamaan. Madami akong naririnig na sumisigaw at nagkagulo. Linapitan ako ng isang titser dun at tinanong kung ayos lang ako. Di ako makapagsalita. Shock ako sa nangyari.

Ang impakto talaga ng Buwisit na Van na iyon! Ang sakit kaya tamaan ng bola ng basketball. Huhuhu...nakakahiya! Ang daming nanunuod.

Itong si Van nakatayo lang habang nakatingin sa akin Hindi man lang nagsorry sa akin. Parang bato itong nakatayo doon. Pati ito'y gulat na nakatingin sa akin. Hindi malaman kung anong gagawin.

"Lagot ka Vander" pananakot ng isang player doon. Pero ang mayabang na to ..Poker face pa din. Inaasar na nga siya ng mga ka team niya. Hindi pa din natinag! Tibay!

Grr..mamatay ka sa tingin ko

Sa sobra kong pagkapahiya'y tumakbo ako paalis sa court. Wala na ko pakialam kung tinatawag pa nila ako doon.

Huhu diary ang sakit sakit ng ulo ko. Gugulpihin ko talaga siya! Itaga mo yan sa bato. May karma din siya. Ang sama ng ugali niya.

Pagkalipas ng ten days..

DIARY!!!

NAKAKAINIS NA TALAGA SI VAN!Pang ilang beses ko na bang nasabi yan sayo?

Akala ko bumait na siya sa akin kanina yun pala nanti-trip lang.. Pagkatapos kasi ng nangyari sa court ay bihira na niya ako asarin. Kaya ngayon, akala ko talaga nagbago na siya.

Akala ko lang pala iyon. Marami talaga namamatay sa maling akala.

Tulad ngayon, araw ng community service namin sa school, breaktime na namin niyon kaya umupo ako sa bench na malapit sa isang puno. Wala si Robby dahil nag cr muna sandali.

Ang kagandahan lang dito sa School namin. Kapag nagco community service ka ay may pinamimigay na siopao at softdrinks pang meryenda.

Nakita kong lumapit sa akin si Van may dalang siopao at softdrinks. Bnigay niya iyon sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan. Mukha itong maamong tupa ngayon. May sapi ba to? Bakit ang bait?

"O kunin mo na. Walang lason yan"sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya.

"Tsee!" sabi ko sabay hablot sa kanya ng pagkain.

"Sungit.." bulong nito.

Nagtaka man ako pero kinuha ko din yun. Syempre gutom na ko..hehe. Hindi ako nagpasalamat. Di niya naman niya deserve yun. Inirapan ko ulit siya. Nakatayo pa rin ito sa aking harapan. Hinihintay na buksan ko iyong siopao.

Kakagatin ko na yung siopao. Nakanganga na ko. Gutom na gutom talaga ako. Nakakapagod kaya mag community service. Nginuya nguya ko ito. Ang sarap talaga ng libre. (◔‿◔)

"Masarap ba,Maya?" Tanong ni Vander sa akin pero inirapan ko lang siya. Tatadtarin ko siya ng irap hanggang sa matanggal ang eyeballs ko sa mata.

"Syempre masarap! Abnormal ka? Tanong tanong ka pa diyan"

"Talaga? Masarap nga daw talaga yan..pusa kasi ang palaman niyan." walang gatol na sabi ni Van sa akin sabay tawa ng malakas.

Nabitin tuloy ang supot ng Siopao sa aking kamay. Nakanganga akong nakatingin sa kanya.

"Wag ka mag alala. Alagang pusa  daw ang nilagay diyan sa siopao kaya kumain ka ng magana" dagdag pa ni Vander na natatawa.

Natigilan ako saglit.

Niluwa ko yung siopao saka nilapag iyon sa ibabaw ng bench na kinauupuan ko.

Sumagi sa isip ko na may sabi sabi nga dati na ang palaman ng siopao ay pusa. Kinilabutan ako sa naisip ko.

"Buwisit ka talaga sa buhay ko Vander!"sabi ko. Masama ko siyang tinignan. Umatras na iyong gutom ko.

"Ang sama mo tumingin buti nga kinuha pa kita ng pagkain. Tapos niluwa mo pa. Paano ka tataba niyan kung nag aaksaya ka ng pagkain, payatot?" Pang iinis pa nito sa akin.

"Payatot your face!" nag make face pa ko sa kanya. Naiinis na ko sa kanya promise.

Tumawa naman ng tumawa si Vander sa pagme make face ko! Buwisit nauto niya ako doon sa siopao.

Grrrr

Pero on the second thought..pusa ba talaga ang palaman ng siopao?

Mayanne Lorenza