Dear diary,
Nalulungkot na naman ako..paano naman kasi nagulpi pa ako ng Lola ko. manang mana daw ako sa mama ko. Wala naman akong ginagawa pero lagi na lang siyang galit sa akin. kamukha ko daw si mama kaya lalo pa siyang nagagalit sa akin.
Pero kahit ganoon ang Lola ko. Thankful pa din naman ako at inaalagaan niya kami magkapatid .Kaya lang mas favorite niya ang kapatid kong si Brenda.
Mas maalaga siya kay Brenda, mas attentive at mapagmahal siya kay Brenda. Lagi na lang si Brenda.
Nakakaselos na Diary. Kailangan kaya ako titignan ni Lola ng may halong pagmamahal? Hindi iyong may halong galit dahil lang sa kamukha ko ang mama ko.
Hayyss.. sana andito din papa ko para may magtanggol sa akin kaya lang bata pa ko hindi ko na siya nakilala. Sabi ng Lola ko bata pa si mama ng mabuntis at simula niyon hindi na nakita pa ang papa ko.
Hindi ako nagtatampo Kay Lord dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. May purpose lang siguro siya kaya ganoon. Saka andiyan naman ang Lolo ko,Mabait iyon kesa sa Lola ko na masungit. Kung si Brenda ay favorite apo ni Lola. Ako naman ang favorite apo ni Lolo.
The best Lolo in town yun Diary tapos gwapo pa. Kaya mas love ko si Lolo kesa sa Lola ko. Siguro nga wala naman talagang perpektong pamilya. Swertihan na lang talaga sa mga magulang na hindi iniiwanan ang kanilang mga anak kahit gaano pa ang hirap nila sa buhay.
Ngayon nga, third week ko na sa school at medyo nakaka cope up na ko sa mga kaklase ko. Mas naging close pa kami ni Robby. Buti nga hindi talaga ito nagalit sa akin nung time na tinalikuran ko silang dalawa ng Vander na iyon.
Speaking of Vander.
Lagi pa din akong inaasar ni Van sa school. Wala naman bago dun pero naiinis pa din ako sa kanya. Kaya minsan binabalewala ko na lang. Nasanay na din ako ng konti sa pang iinis niya.
Iniisip ko nga na kulang lang yata iyon sa aruga ng magulang. Kaya dito sa school nagkakalat ng pagkatoyo sa utak.
Hayyysss..naiinis talaga ako sa lalaking bwisit na iyon. Lagi siyang nakangiti kahit wala naman dahilan. Sira ulo yata talaga iyon eh. Saka kapag nakangiti siya ng nakakaloko sa akin iniisip ko na may ginawa na naman itong kalokohan sa akin o kaya kay Robby.
Magkakaroon pa yata ako ng trauma kay Vander.
Hobby na yata niyang maging kontrabida sa mga kaklase namin. Binu bully naman niya lahat ng student pero mas favorite lang talaga niya kami ni Robby inisin.
Hindi naman namin kasalanan kung maitim si Robby tapos ako naman ay payat.
"Ano problema mo?" Asik ko ng tumingin na naman siya sa akin ng nakakaloko. Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin at sabay ngingisi ng nakaka bwesit!. Feeling ko may iniisip na naman itong kalokohan sa akin. Ayoko talaga makita ang pagmumukha ng taong 'to.
Kahit gwapo pa siya kung ganyan naman ang ugali. Naku! Wag na lang.
"Problema mo din? Wala pa akong ginagawa umuusok na naman iyang ilong mong pango" asar ni Van "Nakakahinga ka pa ba niyan?" Tanong pa ng impakto sabay halakhak. Tumawa din yung dalawa nitong kaibigan na hindi ko pa kilala. Lagi nito iyong kasama, parang alipores na rin ito ni Vander.
"Sige! Tawa pa hanggang sa mamatay ka kakatawa diyan!"
"Ikaw ang mauuna. Ikaw ang hindi makakahinga dahil sa flat mong ilong" Van
"Mas flat iyong sayo!" Sikmat ko
"Ha? May sinasabi ka?" Pang asar pa nito sa akin.
"Bwesit ka talaga sa buhay ko! Ano ba problema mo a? Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin"
"Banlag ka yata. Hindi naman ikaw iyong tinitignan ko. Sige,droga pa. Haha"
"Hindi ako nagda drugs! Ikaw yata gumagamit nun kasi mukha kang adik!" Ani ko
"Luh, ikaw nga ang mukhang adik diyan. Sino ba ang payatot sa ating dalawa?"
"Hindi ako adik!" Nang gagalaiti kong bulyaw kay Vander.
""Adik ka. Wag mo na itanggi. Halata naman. Haha" tawanan ulit silang magkakaibigan.
Grrrr.."Sumosobra ka na Vander!" Napatayo na ko sa aking upuan. Pero pinigilan kaagad ako ni Robby na katabi ko lang ng upuan.
"Wag mo na pansinin Maya" anito. Lumingon ako sa aking kaibigan
"Pero Robby, sumosobra na siya! Hindi naman ako nag aadik!" Protesta ko dito.
"Nangialam na naman si Negro" parinig nung isang kaibigan ni Vander. Naka suot ito ng cap na pula.
"Robby,hindi magkaka gusto sayo si Maya. Baka kapag nag date kayo niyan sa gabi hindi ka niya makikita dahil madilim. Kasing kulay pa naman ng balat mo yung gabi" singit ni Vander sa usapan.
Humalakhak ang mga kaklase namin na nakarinig ng sinabi nito. Napaka walanghiya talaga niya!
"Kahit night vision hindi uubra sa balat mo Robby" sabi naman ng isang kaibigan ni Vander. Iyong mukhang chinito na maputi.
"Tumigil na nga kayo! Hindi na kayo nakakatuwa" sabi ko sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Robby at hinigit ito palabas ng classroom.
Grrr..inirapan ko muna sina Vander pati yung dalawa niyang kaibigan bago lumabas ng room. Badtrip talaga ang mayabang na iyon..kung tinutubuan lang ng mukha ang mayabang, siya na ang magandang example niyon.
Mapanglait pa ng kapwa..tseee!!!
Lagi na lang ata ako talo sa pang aasar ng Van na iyon. Gwapo nga kasi kaya wala akong maipang asar sa kanya. Mayabang lang at laitero siya. Pero mukhang proud pa ang loko loko kapag sinasabi ko sa kanya iyon.
Aspalto na sa kapapalan ang mukha ni Van yabang. Wala na makakatalo sa kapal ng apog nito.
Mayanne Lorenza