Dear Diary,
High school days. Third year student.
Nakapasok na ko kanina sa new school ko. Medyo kinakabahan pa ko. Baka may umaway sa akin tulad ng napapanod ko sa TV? Iyong inaapi ang mga new student? Di ba? Iyong mga mean girls ay inaaway ang bidang babae? Lagi ko pa naman nababasa sa mga wattpad ang ganoong scenario kaya nakakaparanoid talaga kung iisipan. Ayoko naman mangyari sa akin iyon.
Pero nawala ang kaba ko ng magpakilala na ko sa unahan bilang transfer student at mabait naman ang mga bago Kong kaklase. Maingay sila at hyper bawat grupo. Nakakatuwa pagmasdan. Tipikal na classroom.
Recess time ng may lumapit at nakipagkilala sa akin. Si Robby,mukha siyang mabait .Tulad ko,payat din siya at matangkad. Masayahin ang bukas ng kanyang mukha. May cute siyang dimple sa kaliwang pisngi. Kapansin pansin din ang maitim na kulay ng balat.
Pero wala naman problema sa akin iyon. Mukha siyang mabait na lalaki.
"Mayanne, ako nga pala si Robby. Welcome sa classroom namin. Sana maging magkaibigan tayo" nahihiyang pakilala ni Robby sa akin.
Inabot niya ang kanyang kamay para makipag shake hands. Nakangiti ko iyong inabot. Nakakahawa ang ngiti niya sa labi. Napapangiti na rin tuloy ako.
Pero bago lumapat ang kamay namin ni Robby ay may sumingit na lalaki sa tabi ko at siya ang nakamayan ko imbes na si Robby. Nagulat talaga ako sa pagsulpot niya. Parang kabute!
Nagpakilala ang kabuteng lalaki "Vander nga pala at your service!" At nakangisi pa talaga siya!
"Ang yabang naman nito' sa loob loob ko.
Inirapan ko siya bilang sagot. Ano ba iyan first day of school magkakaroon pa yata ako ng kaaway.
"Van,wag mo naman takutin si Maya" saway ni Robby sa singiterong lalaki.
"Wag ka makialam dito negro" asik nito.Tumingin ulit iyong Van sa gawi ko sabag kindat sa akin! Wtf! Kumindat pa! Tanggalin ko kaya ang mata nito?
"Bago palang siya dito Van kaya sana wag mo naman siyang awayin" ani pa ni Robby.
"Pabida ka talagang negro ka. Ikaw ba kausap ko?"
"Wag ka naman magalit. Sinasabi ko lang na wag mo awayin si Mayanne" takot na sagot ni Robby dito
"Inaway ko ba? Umayos ka ng pananalita mo a" asik ni Vander kay Robby.
"Pwede ba? Wag mong awayin si Robby. Wala naman siyang ginagawang masama sayo" sabi ko doon sa nagpakilalang Vander. Grabe itong manlait ng kapwa! Inirapan ko ito at saka tinalikuran.
Sorry Robby, may mayabang na sumingit e! Sana hindi magalit sa akin si Robby dahil sa pagtalikod ko sa kanya' mahina kong bulong sa sarili habang naglalakad papuntang canteen. Sana hindi na mang gulo ang Vander na iyon.
Sa totoo lang gwapo ang singitero na lalaki. Kamukha ni Richard Gutierrez noong kabataan pa ng actor kaya lang major turn off sa akin ang mayabang na lalaki. Ayoko siyang maging kaibigan. Mukha pa naman bully si Vander. Ayoko pa naman sa mga bully. Mga walang magawa sa buhay ang mga iyon kundi magpaiyak ng mga tao.
Saka nakakainis ang ngisi niya! Nakakaloko at nakaka buwisit! Sana hindi na maglandas ang mga daan namin. Kahit na ba impossible iyong mangyari dahil sa magkaklase kami.
Pagkalipas lang nang ilang araw...
NAKAKAINIS ANG NANGYARI DIARY!
Simula ng makilala ko si Vander lagi na lang niya kong bina-badtrip.
Walang araw na hindi niya ko binu bully. Pati si Robby binu bully niya rin. Walang patawad ang mayabang na iyon. Kahit nananahimik kami sa tabi ni Robby,may naiisip agad siyang pang badtrip sa amin.
Tulad ngayon araw, nagkakaklase kanina ang titser namin sa MAPEH pero itong si Van yabang walang magawa sa buhay. Nasa likuran ko siya at binabato ako ng crumpled paper. Naha high blood na ko sa kanya. tingin ko,sa kanya ako tatanda ng maaga dahil sa sobrang konsumisyon.
"Psst.." sitsit ni Van sa akin. Ginawa pa kong aso ng walanghiya! Grrr..
"Payatot.." anito. Hindi ako umimik.
Napapikit ako ng binato na naman ako ni Van ng crumpled paper. Distracted na ko sa tinuturo ng titser namin.
"Ano bang problema mong abnormal ka?" Nanggigigil ko siyang nilingon
"Wala naman" nakakaloko nitong sagot
Inis na nakinig ulit ako sa titser namin. Hindi pinapansin si Vander kahit na ba binabato na niya ako. Kapag nakatingin naman ang guro namin ay kunwaring wala itong ginagawang kalokohan. Pero kapag nakatalikod na si Ma'am halos lahat yata ng papel niya sa bag ay ginawa niyang crumpled para lang maibato sa akin iyon.
"Buwesit ka a! Kanina ka pa" pigil na bulong ko nang lumingon ako sa gawi niya.
Ngumisi ito "Sa akin ka lang tumingin. Sa akin lang atensiyon mo"
"Adik ka? Nakaka katol ka ba? Ang lakas ng tama mo e" asar na talaga siya.
Napapikit ulit siya ng tumama ang crumpled paper sa kanyang mukha. Asar na binato din niya ang crumpled paper pabalik dito.
Grrr..mamatay ka sa tingin ko
Kaya lang kamalas malasan nakita ako ng guro namin.
"Lorenza! Lumabas ka sa klase ko kung hindi ka naman nakikinig sa tinuturo ko. At nagawa mo pang mang bato ng papel sa kaklase mo" litanya ni ma'am sa akin.
"Ma'am, Si Vander po nauna" ani ko.
"Nang bintang ka pa. Labas! Kitang kita na nagdadahilan ka pa. I dont tolerate that kind of attitude here in my class. Get out!"
Eh di syempre lumabas ako ng classroom! Ikaw ba naman sigawan ng Get out ng titser mo hindi ka pa lalabas? First time ko mapalabas ng klase. Naiinis talaga ako Diary.
Ang nakakinis pa doon binelatan pa ako ni Van yabang!! ngiting tagumpay ang mayabang na lalaki.
Grr..may araw din sa akin ang bwisit na yan! Ako laging trip niyang asarin. Wala naman akong ginawa sa kanyang masama para ganituhin niya ako.
Ano bang nagawa ko sa aking past life at nakilala ko ang bully na iyon?
Mayanne Lorenza