Dear Diary,
Sumulat ako ngayon dahil nalulungkot ako wala akong mapagsabihang iba. Baka pagtawanan lang ako at masabihan pa na drama queen.
Last week nagpaalam sa akin si mama na may pupuntahan daw siya. Ang sabi nya hintayin ko siya at mag iingat kami magkapatid. Alagaan ko daw si Brenda lagi at wag pabayaan.
Alam ko may problema siya nung mga oras na yun kaya Hindi pa siya bumabalik.
Hindi lingid sa amin na may away sila ng lola Amanda ko.
Kilala ko ang Lola ko.Masyadong mataas ang pride at salbahe din.
Lagi lagi ko nakikita na nag aaway sila ni mama pero hindi ko alam kung bakit. Minsan nga nakita ko pa si mama na naiyak lang sa loob ng kwarto kapag may away na naman sila ng Lola ko.
Kapag tinatanong ko naman siya. Lagi niya sinasabi na bata pa daw ako para malaman lahat . Okey Lang daw siya kaya hindi dapat mag alala.
Tumatango na lang ako para hindi na siya makulitan sa akin at tatakbo na ko sa labas para maglaro ng tumbang preso.
Sana talaga makabalik na mama ko at makita na namin ulit siya ng kapatid ko.
Kaya lang Diary, one month na ang lumipas nang umalis si mama until now di pa din siya bumabalik.
Sabi ni Lola hindi na kami mahal ni mama kaya kami iniwan sa kanya. Hindi naman totoo iyon Diary di ba? Mahal ng mama nila ang kanilang anak. Baka busy lang siya sa pinuntahan niya kaya hindi pa siya nakakabalik.
Alam ko namn itong Lola ko.Salbahe siya, kaya siguro yun ang sinasabi niya sa amin.Hindi naman kami iiwan ni mama sa kanya.
Kaya alam ko mahal ako ng mama ko. Saka mahal din siya ng kapatid ko.
"Maya! Magsaing ka na. Hindi 'yang kung anu-anong sinusulat mo! Mga wala naman kwenta yan! Tumayo ka na diyan!" Sigaw ni Lola Amanda sa akin galing sa sala. Nanonood ito ng paborito nitong palabas sa TV.
Napabuntong hininga ako. Okey lang, magsasaing lang naman.
"Pagkatapos mo magsaing magluto kana din ng ulam. Kumuha ka doon sa ibabaw ng aparador nandoon yung pera" ani Lola Amanda.
"Opo!" Sigaw ko mula dito sa aking kwarto. Okey lang yan Mayanne. Magsasaing lang naman at magluluto ng ulam.
"Saka nga pala Maya! Maglaba ka mamaya. Nasira yung washing machine natin. Kaya ikaw na ang mag laba. Nanonood pa ko dito"
( ・ั﹏・ั) Ayos lang yan Mayanne magsasaing,magluluto ng ulam at maglalaba ka lang naman. Kaya mo iyan. Ani ko sa isip. Wag maiinis sa Lola Amanda. Bad iyon.
"Maya,Ano na?! Tumayo ka na diyan! Paano ka matatapos kung nakaupo ka pa diyan sa kwarto mo!" Sigaw na naman ni Lola Amanda.
Napapikit na ko ng mariin. Kalma.
"Ito na nga po!"
"Nagdadabog ka ba? Kaya mo na sarili mo? Iyon lang ang gagawin mo nagdadabog ka na agad? Kawawa kayo kapag namatay ako. Sinasabi ko sa inyo"
Ayan na naman ang litanya ni Lola Amanda. Hindi naman ako nagdadabog. Ang OA talaga minsan mag react ng Lola ko.
"Nung kabataan namin. Isang utos palang ng magulang namin nasunod na kami agad sa kanila tapos kayo mga ganyan na? Iba na talaga mga kabataan ngayon. Mga suwail na!"
"Tatayo na nga 'La eh" napapakamot kong saad. Habang marahan natayo patungong kusina. Kung hindi pa ko kikilos siguradong may magiging misa dito sa bahay dahil sa sermon ng Lola ko.
Ang hirap mag adjust simula ng hindi na bumalik si Mama.
Dahil nga naiwan kami sa poder ng Lola ko. Iba na din ang papasukan namin school. Syempre mami miss ko ang mga dati kong classmate. Sana nga lang mabait ang mga tao sa new school namin. Sana walang bully,walang terror teacher at higit sa lahat masarap sana ang recess time.
Excited na ko maging third year student.
"Ate" tawag sa akin ng kapatid kong si Brenda. Elementary student palang ito. Grade three. Kaya masyado pang bata para mawalan ng Ina.
"Bakit Brenda?" Ani ko.
"Ate, wala ng tubig sa drum. Mag igib ka daw ng tubig dun sa poso"
"Ha?" Ang tangi ko lang nasabi. Bakit ang dami ko naman yatang gagawin? Kanina, pagsasaing lang ang utos sa akin eh ಥ‿ಥ
"Mag igib ka daw Ate sabi ni Lola" ulit ng kapatid ko. Baka nasa isip niya hindi ko narinig yung una niyang sinabi.
Napakamot ako sa aking ulo. Ang layo pa naman ng igiban dito sa lugar nila Lola. Poso lang ang ginagamit ng mga tao dito sa barangay.
"Magsasaing muna ako bago mag igib. Sabahin mo kay Lola." ani ko sabay punta na sa kusina para magsaing.
Pagkatapos ko doon ay hinanda ko na ang mga balde para makapag impok na ng tubig.
Nang makarating na ko sa poso'y natuwa ako dahil walang tao doon. Bawat bloke pala dito'y may kanya kayang poso.
Maganda din naman pala ang lugar ni Lola Amanda dito sa cavite. Tahimik at masarap ang simoy ng hangin.
"Ay jusko! Ang b-bigat naman nito.." hirap na hirap kong binuhat ang isang balde na dala ko. Feeling ko makakalas na ang kamay ko paalis sa aking katawan.
Payat pa naman ako. Wish ko talaga tumaba na ko next year. Iyon pa naman hiling ko taon-taon.
"Ay!" Natalapig ang paa ko dahilan para tumumba ako sa sementadong kalsada. Tumama ang baba ko at sobrang sakit nun! Nakangiwi akong tumayo. "Ang sakit.. naman o!"
Natapon na ang tubig sa balde at kailangan na naman niyang mag poso. Malas naman.
Natigil ako ng akmang paglalakad nang may isang grupo ng kabataan ang sabay sabay na nag sskate board patungo sa aking direksyon.
Lahat sila ay nakasuot ng mga safety gear kaya hindi masyadong delikado.
"Ang bobo naman.." tanging rinig ko na sinabi ng isa sa kanila!
Nagpantig ang magkabila kong tenga sa narinig.
"Mga loko loko! Hindi ako bobo! Ang kapal ng apog niyo! Ang papangit niyo naman!"
Pikon na sumigaw ako sa mga ito. Kahit ba sobrang layo na nila sa akin ay nagpatuloy pa rin akong sumigaw sa kanila.
"Makasabi ng bobo baka spelling pa ng bobo hindi niya alam. Tse!"
Nagtawanan naman sila mula sa malayo kaya lalo akong naimbiyerna!
"Argh! Kakasar!" Nagpapadyak akong bumalik sa poso para mag igib ng tubig. Hindi pala tahimik ang lugar na ito tulad ng akala ko.
Mayanne Lorenza
Year 2000