Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 1 - CHAPTER 1: SIMULA

THE AUTHOR'S NOTE

🇵🇭alon_dra
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 36k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1: SIMULA

Makalipas ng sampung taon ay na nakabalik din ako sa wakas dito sa Cavite. Kung saan nakatira ang Lola Amanda ko.

Dito ako tumira ng ilang taon bago ako kunin ni Mama. Dito ko din nakilala ang dahilan kung bakit ko naranasan maging masaya kahit temporary lang. Kahit sampung taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang masasayang alaala ko sa lugar na ito.

Akala ko hindi na ko makaka balik dito. I felt genuine happy. Iba ang saya ko ngayon. Parang gusto kong umiyak. Feeling ko naulila ako sa bayan na ito.

Kasama ko ang mama kong umuwi dito sa lugar namin nang makarating sa amin ang masamang balita na pumanaw na ang aking Lola Amanda.

Naalala ko pa kung gaano kasungit ang Lola kong iyon sa akin. Konting kibot naka singhal na sa akin.

Kahit hindi naging maganda ang pag trato sa akin ng lola Amanda ko ay hindi ko pa rin siya makakalimutan. Dahil sa kanya natuto akong maging matatag sa buhay kahit mahirap gawin.

Kaya ngayong wala na siya ay nalulungkot ako. Umiyak din si Mama ng marinig niya ang balita. Alam kong mahal na mahal ni Mama ang Lola ko. Saksi ako doon lalo noong nasa poder na niya ako.

Malungkot kong pinagmasdan ang bahay ni Lola. Parang rewind na nag play ang mga alaala ko sa bahay na ito. Parang gusto kong umiyak. Iba sa pakiramdam na finally! Nandito na ko ulit.

Tahimik lang dati itong bahay. Pero ngayon madami ng tao dahil sa nagaganap na pakikiramay ng iba pang pamilya. Si Mama ang nag aasikaso sa mga bisita. Si Brenda naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ng kabaong ni Lola Amanda.

Seventy three years old si Lola Amanda. Atake sa puso ang kinamatay niya. Hindi man lang namin siya nakasama sa kanyang huling hininga. Mag isa na lang siya tumira sa bahay ito simula ng kinuha kami dito ni Mama. Para sa akin nakakaungkot mag isa. Si Mama lang naman ang naging anak niya tapos maagang namatay ang Lolo ko.

Pumasok ako sa bahay at maingat na umakyat sa hagdan papunta sa dati kong silid. Hinawakan ko ang seradura at binuksan iyon.

Walang pinagbago ang ayos niyon. Ganito pa rin ang itsura noong nilisan ko ito.

Humakbang ako patungo sa dati kong kama. Naupo ako doon. Nahagip ng mga mata ko ang maliit na cabinet sa tabi ng higaan. Luma na iyon. Naalala ko bigla ang Diary ko noong highschool.

Kung tama ang pagkakatanda ko. Dito ko nilalagay iyon pagkatapos kong magsulat. Marahan kong binuksan ang drawer at tumambad sa akin ang luma kong Diary!

Buhay pa pala ito bulong ko sa sarili. Kinuha ko iyon at hinaplos. Spiral notebook iyon na ang cover ay si Richard Gutierrez. Bata pa dito ang actor. Napangiti ako ng makita iyon. Naalala ko si Van. Kahawig niya kasi si Richard Gutierrez. Ganoon pa rin kaya ang itsura nito ngayon? Or hindi na?

Kamusta na kaya si Vander? Galit kaya siya sa akin? O baka hindi na niya ako naaalala. Isa pa matagal na ang lumipas baka nga nakalimutan na niya ako.

Highschool pa kami niyon. Bata pa para mag seryoso sa mga bagay. Sixteen pa lang ako niyon. Seventeen naman si Vander. Tapos ngayon twenty six na ko. May trabaho bilang novelist writer sa isang publishing house. Maayos ang kita. At nag iipon na ko para sa magiging future ko. Nakikinita ko kasi na magiging old maiden ako.

Zero ang lovelife ko. Simula noong umalis ako dito sa cavite ay hindi na ko nag love life pa.

Paano pa ba ako magmamahal kung si Vander Vin Perez lang ang tinitibok ng puso ko? Kahit bata pa ako noon. Alam ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko. Alam kong clique na pero iyon ang totoo.

Kaya lang dahil sa family problem. Bigla na lang akong nawala na parang bula sa buhay niya na hindi man lang nagpapaalam. Kung kailan nagkakamabutihan na kami niyon.

Naging abala ako sa pagharap sa dagok ng buhay ko. Ang laking adjustment ng ginawa ko bago ako naging komportable sa paligid ko.

Simula ng tumira ako sa bahay nina Mama. Naging aloof na ko. Parang takot na kong makisalamuha. Ayaw ko ng ma attached sa mga tao kung maiiwan ko din naman sila. Masakit sa pakiramdam. Natuto na kong maging tahimik at idistansya ang sarili ko sa iba.

Namiss ko din ang mga ginagawa ko dati sa simbahan kasama sina Robby at Jenny. Kina Mama kasi ay walang mga ganoon. Wala na din akong balita pa sa kanila. Para talaga akong nag disappeared sa buhay nila. Kilala pa kaya nila ako?

Nami miss ko na ang simbahan. Ang mga dati kong kaklase. Si Jenny, si Robby, Seph ,John At si Vander.

Kamusta na kaya sila? Ani ko sa isip.

Sana hindi pa huli ang lahat. Pero kung may asawa or girlfriend na si Vander. Hahayaan ko na siya. At tatanawin ko na lang siya sa malayo. Kahit sa loob loob ko'y siya lang ang tanging lalaking iibigin ko.

Sabi nga nila. Ang pag ibig daw ay hindi makasarili. Kaya hahayaan ko si Van kung saan siya sasaya. Hindi ko iyon hahadlangan.

Tinignan ko ulit ang aking Diary. Ang lakas ng kabog ng didbib ko. Pakiramdam ko ito ang unang beses na babasahin ko ito. Kahit sa totoo lang ay ako naman ang nagsulat nito.

Binuklat ko ang unang pahina, lumagabog ang dibdib ko sa kaba.

Kahit kinakabahan ay sinimulan ko ng basahin ang aking Diary...