Chereads / Tanging Ikaw Lamang / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

INAANTOK PA si Danelle. Ngunit napilitan siyang imulat ang mga mata at hagilapin ang cellphone niya na nag-iingay. Nang mapatigin siya sa orasan ay alas-otso pa ng umaga. Sino ba ang mapangahas na tumatawag ng ganitong oras?

Napabalikwas siya ng bangon. Tuluyang nagising ang diwa niya dahil si Dexter ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan.

Sasagutin ko ba ang tawag niya? May excuse kung bakit hindi niya nasagot ang mga tawag at mensahe nito ng ilang araw. Sa kadahilanang abala siya para sa final defense nila. Pero this time, ano ba ang idadahilan niya?

One missed call.

Nagtext ito sa kanya. Wake up! Answer the phone if you don't want to see me in your room after fifteen minutes!

"What?!?" bulalas niya matapos mabasa iyon. In my room?!?

Biglang pumasok si Carla, humihingal. "What happened?". Natatarantang nilapitan siya nito. "Bakit ka sumisigaw?"

"W-Wala."

"Wala? Then why are you screaming? Narinig kita sa kwarto ko."

Natapos na ang renovation sa pad nila. Ngayon, may kanya-kanyang kwarto na sila ni Carla.

"M-Masaya lang ako kasi nakapasa tayo sa defense natin."

"Kahapon ka pa masaya. 'Di pa maka-get over, Te?" Lumabas na lamang ito ng kwarto niya.

Muli ay tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya agad iyon. "H-Hello."

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Napakagat labi siya. Ano ba ang sasabihin ko?

"Nandito pa ako, Danelle," untag nito sa kanya.

"Busy lang," sabi niya.

"Congratulations pala sa inyo ni Carla. Sigurado na ang pag-akyat ninyo sa stage para tanggapin ang diploma ninyo."

"T-Thanks. B-Bakit ka nga pala napatawag?"

"Birthday ng pamangkin ko today. At gusto ni Ate Vhivian na isama kita."

"Ah." Si Vhivian lang ba ang may gusto?

"At kahit hindi niya man sabihing isama kita, I am going to invite you myself."

Pabagsak na humiga siya sa kama niya. Nasa langit na ba ako, Lord? Bakit ba parang nasa paraiso siya sa tuwing naririnig niya ang boses nito? Mahal niya na talaga yata si Dexter.

"So, you have something to do today? I mean, busy ka ba?"

"I'm not busy!" sabi niya agad. "Magpa-finalize lang kami ng research namin pero pwede ko namang ipagpabukas iyon. Day-off ko ngayon sa shop at pupwede akong hindi sumipot sa band practice namin mamayang gabi."

"Alright. So, I'll pick you up at two o'clock. "

"Okay."

"See you then."

Fast forward, masasabi niya. Sa sobrang excitement, naging mabilis ang ikot ng orasan. Pero pinaalam niya kay Dexter na sa bar na lamang sila magkita. Kailangan niyang daanan sina Russel para sabihing may kailangan siyang puntahan at hindi siya makakasama sa ensayo nila.

Sa paglabas niya ng bar hindi niya inaasahang makikita niya roon si Aljune. Nakasandal ito sa sasakyan nito.

"Aljune?" Nilapitan niya ang lalake.

"Ang akala ko ay hindi mo ako makikilala," sabi nito.

"Natatandaan kita siyempre. Ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi ba sinabi ni Dexter sayo?" magkasalubong ang mga kilay na tanong nito. "Pinapasundo ka niya sa akin. May kailangan kasi siyang daanan. Nababahala siya na baka maghintay ka rito ng matagal."

"Wala siyang sinabi, eh." Hindi pa ito nagtitext sa kanya o tumawag. Malamang nga ay abala ito sa ngayon.

"So, lets go?"

"Alright."

Pinagbuksan siya nito ng pinto. Sumakay na siya. Napasilip siya sa relos niya. Quarter to three na.

Ang sabi ni Dexter sa Castle Resort isicelebrate ang kaarawan ng pamangkin niya. Nasa boundery na ito ng San Ferrer at Santa Vironica. Medyo may kalayuan rin ang lugar. Sa natatandaan niya, pangalawang beses na siyang nakapunta doon dahil kay Carla. Maganda ang lugar at dinudumog ng napakaraming tao lalo na at papalapit na ang bakasyon.

"Kayo na ba ni Dexter?"

Bahagya siyang natawa sa tanong na iyon ni Aljune. "Magkaibigan lang kami, Aljune."

"Good."

Magkasalubong ang kilay na napalingon siya rito. Good?

"I really like you," sabi pa nito. "And I want you."

Want me? Naloloko na yata 'tong lalakeng ito!

"I always wanted to be with you, Danelle. Hindi lang bastang paghanga ang meron ako para sayo. I want you to be mine."

Kinabahan agad siya.

"Ilang beses ko rin na gusto kang lapitan kaya lang parang tuta na umaaligid sayo ang pinsan ko. Alam niyang may gusto ako sayo kaya gusto niyang layuan kita. Pero I don't think I can do that. This is my chance, our chance. Gusto kitang masolo."

Oh shit! Something's not right! Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Kung magpapanic siya ay baka hindi siya makapag-isip ng maayos kung paano makatakas sa gagong 'to! Bakit ba kasi nagtiwala siya agad at sumana rito?

Alam niya, napasok siya sa isang mapanganib na sitwasyon. She knew where the place is located but then ibang daan ang tinatahak nila ngayon. Saan ba siya dadalhin ni Aljune?

Think, Danelle, think! Gumawa ka ng paraan!

Hindi pa sila masyadong nakakalayo sa sentro ng San Ferrer. Gusto niyang tawagan si Dexter ngunit baka mas lalo siyang malalagay sa kapahamakan.

"Nothing can stop me now!"

Nanlilisik ang mga mata nitong napatingin sa kanya. Hindi mukha ni Aljune ang nakikita niya kundi imahe ng isang demonyo!

"Where are you going to take me?" kalamadong tanong niya.

"Sa langit."

Oh God! Please! Help me! Gusto niya ng maiyak. Pero kahit ilang drum pa ang iluha niya ay walang mangyayari. Napatingin siya sa labas. Sa may 'di kalayuan ay may natanaw siyang isang restaurant. "I want you to pull over sa restaurant na iyon!" Itinuro niya ang restaurant.

"And why would I do that?"

"Because I need to use the restroom."

"Now?"

"Kailan mo gusto, bukas? Hindi ko na kayang pigilan pa 'to kaya you have to pull over."

"No, Danelle," pagmamatigas nito.

"Okay. Kung ayaw mo dito ako sa kotse mo iihi." Kumilos siya. Ngunit bago pa man siya makalipat sa back seat ay pinigilan siya nito.

"Okay! Okay! Damn it!"

Nabuhayan siya ng loob. Bumalik siya sa pagkakaupo. This is my chance. Mabuti na lamang at dala niya ang dalawang cellphone niya. Palihim na dinukot niya sa loob ng bag niya ang isa at isinuksok iyon sa bulsa ng pantalon niya.

Nang makarating sila ng restaurant ay ipinarada nito ang sasakyan sa harapan. "Don't do anything, Danelle, kung ayaw mong masaktan kita," nasa boses nito ang pagbabanta. "Five minutes. "

"Y-Yes." Bumaba na siya ng sasakyan. Sinadya niyang iwan ang bag niya upang huwag siya nitong paghinalaan.

Lakad takbong pumasok siya sa restaurant. Hinanap niya agad ang restroom. Nang ituro sa kanya ng waiter na napagtanungan niya ay dumeretso siya roon.

Kinuha niya ang cellphone niya at agad na tinawagan si Dexter. Laking pasasalamat niya at agad nitong sinagot ang tawag niya.

"Where the hell are you?" Galit na galit ito. "Kanina pa kita pinaghahanap!"

"Listen to me, Dexter." Napaiyak na siya. "Help me, please."

"Ano ang nangyari? Nasaan ka?"

Pabalik-balik siya sa pintuan ng restroom para makasigurong hindi siya sinundan ni Aljune.

"Danelle, where are you?"

"I'm here in a restaurant na hindi malayo sa sentro ng bayan. I'm with Aljune."

"What?!? Damn it, Danelle! Bakit ka sumama sa kanya?"

"Ang sabi niya pinasundo mo raw ako sa kanya. Please, help me, Dexter. May binabalak siyang gawin at natatakot ako."

"Stay where you are, Danelle. Pupuntahan kita. Kung maaari tumakas ka o kaya humingi ng tulong sa mga nandiyan."

Nataranta siya ng makita si Aljune sa pintuan ng restroom. Napasigaw ang mga kababaihan ng pumasok ito. Hindi agad siya nakakilos. Nandidilim ang mukha nito habang namumula ang mga matang nakatingin sa kanya.

Nilapitan siya nito at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay niya. "Ang sabi ko, don't do anything! "

Nabitawan niya ang cellphone niya. "A-Aljune, please..."

Buong pwersang kinaladkad siya nito palabas ng ladies room. Ilang kalalakihan na nandoon ang pumigil kay Aljune.

"Pare, nasasaktan iyong babae!"

"Huwag kang makialam!" sigaw ni Aljune sabay bunot ng baril na nakasuksok sa pantalon nito sa may tagiliran. Hinila siya nito at pinulupot ang kamay sa leeg niya. "Walang makikialam!"

Oh my God! Ayaw ko pang mamatay! Napahagulhol na siya ng iyak. Bakit may baril ito?

Hindi siya nito pinakawalan hanggang makalabas sila ng restaurant at makasakay sa kotse nito.

"You are a challenge, Danelle." Pinaharurot na nito ng takbo ang kotse papalayo sa lugar na iyon.

"Ginagalit mo ako ng husto."

"Hayop ka, Aljune! Hayop ka!" Pinaghahampas niya ito.

Buong lakas na itinulak siya nito. "Shut up!"

Gusto niyang buksan ang pintuan ng sasakyan ngunit naka-automatic locked iyon.

"Wala ka ng takas, Danelle! Magiging akin ka!"

"Kung inaakala mong magtatagumpay ka sa binabalak mo, magkamatayan na hindi mangyayari iyon!" Agad niyang inagaw ang manibela rito.

"What are you doing?"

Nakipag-agawan si Aljune sa kanya. Kahit ano'ng pagpigil nito sa kanya ay hindi siya nagpapigil. Ibibigay niya ang lahat ng lakas niya. Paikis-ikis na ang takbo ng kotse sa kalagitnaan ng kalsada.

"Let go, Danelle!" Itinulak siya nito ngunit nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay niya sa manibela. "Madidisgrasya tayo!"

Ganitong eksena ang nakikita niya sa mga action movies. At nakahanda siyang gumawa ng eksena para maipagtanggol ang sarili niya. Wala siyang pakialam. Mas pipiliin niya pang madisgrasya sila sa ganitong paraan kaysa madisgrasya siya ng lalakeng ito ng walang kalaban-laban.

"Damn it, Danelle!"

Buong lakas na kinabig niya ang manibela hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ng kontrol ang takbo ng kotse.

"Shit!" nasambit ni Aljune nang mapadpad sila sa gutter.

Napapikit na lamang siya. Alam niya kung ano ang mangyayari. Bumunggo ang kotse sa isang malaking puno ng kahoy sa may unahan.

Naramdaman niya ang pagtama ng noo niya sa matigas na bagay. Hindi niya alam kung ano iyon. Nahawakan niya ang nasaktang bahagi. May biglang mainit na likido ang dumadaloy sa mukha niya. Nang tingnan niya ang kamay ay nakita niya ang bahid ng dugo. Binalingan niya ang katabi. Nakasubsob ang mukha ni Aljune sa manibela at sugatan rin. Hindi ito gumagalaw at tila ba wala ng buhay.

Masakit na masakit ang ulo niya. Wala siyang lakas. Hindi siya makakilos. Unti-unti ay dumidilim ang paningin niya. At ang mga sumunod na pangyayari ay hindi niya na alam.

*** *** ***

NAGISING SI Danelle nang maalala ang mga pangyayaring iyon. Ngunit agad rin siyang bumalik sa pagkakahiga sa sobrang sakit ng ulo niya. Nahihilo rin siya.

Nasaan ba ako?

Naalala niya na huling kasama niya ay si Aljune! Si Aljune na may balak gawan siya ng masama! Ang baril, ang nangyaring pakikipaglaban niya rito habang nasa kotse sila, ang hindi kontroladong pagtakbo ng kotse, ang pagkakabunggo nila...at wala na siyang ibang maalala.

Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan niya. Halos lahat kulay puti. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?

"Kumusta?"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Dexter! Nakatayo ito sa gilid niya.

"A-Ano ang nangyari?"

Napatiim bagang ito. "Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Ano ang nangyari? Bakit ka na lang sumama kay Aljune?"

Napalunok siya. Nakikita niya sa mukha nito ang sobrang galit. "Nagkita kami sa labas ng bar. Ang sabi niya, pinapasundo mo raw ako sa kanya dahil may importante kang gagawin."

"At naniwala ka naman?"

"Hindi ko naman alam na may pinaplano siya. Who would have thought?"

"Danelle, kung sakali ngang may kailangan akong gawin kahit may napag-usapan tayo, tatawagan kita. At kung ipapasundo man kita sa ibang tao, hindi kay Aljune dahil halang ang bituka 'nun!"

At ngayon niya lang nalaman ang tungkol doon. Oo nga, hindi niya makakalimutan ang mukha nitong nakakatakot at nakakatindig balahibo. At hindi niya makakalimutan ang pagtutok ng baril nito sa kanya.

Wala siyang ibang pinagdarasal ng mga sandaling iyon kundi sana malaman ni Dexter ang kinaroroonan niya at makarating sa tamang oras. At paano nga ba siya nito nabawi at paano siya napunta sa hospital?

"Hindi ko alam kung saang lupalop ka hahanapin. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob, may nakipag-usap sa akin gamit ang telepono mo at pinaalam ang kinaroroonan mo. At mabuti na rin dahil nagawang isinumbong ng nagmamay-ari ng restaurant sa mga pulis ang nangyari. "

Yes, she dropped her cellphone habang nasa restaurant siya.

"Halos masiraan ako ng ulo. Nang dumating kami wala na kayo ni Aljune. Sinubaybay namin ang kahabaan ng kalsada, hoping maabutan kayo. Alam mo masuwerte ka dahil nag-iisa lang ang daanan papasok at palabas nitong bayan."

Napakamot siya sa ulo niya. "Nasaan nga pala si Aljune? "

"Dinala ng mga magulang niya sa rehabilitation center sa Maynila."

Rehabilitation center?

"We found out na positibo siya sa paggamit ng droga. Kalalabas lang niya sa rehab apat na buwan na ang nakakaraan. Naging maganda ang resulta kaya inaakala namin na tuloy-tuloy na ang pagbabago niya. But then, just three weeks after siya nakalabas, bumalik siya sa bisyo.niya. Sinabi mismo ng asawa niya dahil maging ito saksi sa lahat."

"Oh my God!"

"Now, if you want to file a case against him, tell me para maasikaso agad."

Napatingala siya rito. Seryoso ba ito? "I-It's fine. I-I mean, kailangan ba iyon? Kung ganoong lulong siya sa ipinagbabawal na gamot, obviously wala siya sa sariling katinuan. "

"It's not fine, Danelle. Muntik ka ng mapahamak dahil sa kanya. At ano ba ang gusto mo? Palalampasin na lamang 'to?"

"Nasa rehab na siya. Wala na sigurong paraan para maulit niya pa iyon."

"So, you want to give him a chance?"

"Chance to change and make things right."

"Listen, Danelle. Kung chance ang pag-uusapan, believe me, binibigay namin iyon sa kanya sa tuwing nagkakamali siya. But this time, no more chances lalo na at nagsalita na lahat ng mga naging biktima niya."

"B-Biktima?"

Naupo ito sa gilid ng kama. "Rape and sexual harassment. At kung nagkataon, mapapabilang ka sa kanila."

Nanlamig ang katawan niya sa narinig.

"At ang mas nagpagulat sa aming lahat kung saan nakapagdesisyon kami na isuko na lamang si Aljune, ay ang pananakit niya sa asawa niya."

"That's horrible! "

"Indeed. Ilang taon na ring tiniis ng asawa niya ang lahat. Pero hindi na nito kayang tagalan pa si Aljune. Nakahanda siyang sampahan ito ng kaso at pumirma ng annulment papers. "

"Magpinsan ba talaga kayo?"

"Aljune's adopted. Matagal kasing nakabuo ng anak si Tita Marjorie, kapatid ni Papa, at asawa niya. Kaya naisipan nilang mag-ampon para maging buo ang pamilya nila. At si Aljune iyon."

"Ah. Kaya pala iba siya sayo."

"In what way naging iba?"

"Gentleman ka kasi."

"Seriously, Danelle, pinag-alala mo ako. Kung susuutin ko ang pinakalublob na lugar mahanap ka lang agad, gagawin ko."

Iba na talaga ang dating ng lalakeng 'to sa buhay ko!

"Nang makita namin ang kotse ni Aljune, naisip kita agad. Kung ano ba ang nangyari sayo? And when I saw you, walang malay, duguan, nataranta ako. Ang alam ko lang kailangan kitang dalhin rito sa hospital just to make sure you're okay."

"Am I okay?" Gusto niya lang ring makasiguro.

"Yes. Maliban diyan sa sugat mo sa noo, everything is stable. Ang sabi ng doktor, kapag nagising ka ay maaari ka ng lumabas."

"Saang hospital ba ito?"

"Sa San Ferrer. "

Ah, nasa bayan parin siya. Naalala niya ang tungkol sa party. "Ang birthday party ng pamangkin mo?"

"Natuloy pa rin. Nandoon na kasi ang mga bisita. At ayaw ko ring ipaalam sa lahat ng nandoon ang tungkol sa nagawa ni Aljune. I just made a call sa mga magulang ko, mga kapatid ko, at sa mga magulang ni Aljune para malaman nila ang pangyayari."

"Ano ang reaksiyon nila?"

"Galit at agad gumawa ng aksiyon. Pinakaunang nagdesisyon ay ang mga magulang niya. Dumating na sa punto na kailangan na nilang sumuko. Mabuti na rin 'to para magkaroon ng leksiyon sa buhay niya si Aljune. At kung minsan ay napakatanga rin ni Aljune. Gagawa lang rin ng kalokohan, iyon pang hindi niya kayang takasan."

Napabuntong hininga na lamang siya. Napakahaba ng araw na ito para sa kanya.

"Go fix yourself para mailabas na kita rito. Kailangan mo ring kumain. It's already eight o'clock in the evening, Danelle. Halos apat na oras ka ring nakatulog."

Apat na oras? Naisuklay niya ang mga daliri sa mahabang buhok niya. Masakit pa rin ang ulo niya.

"Pupuntahan ko lang ang doktor," sabi nito. "Mag-ayos ka na." Umalis ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. May kinuha itong malaking paper bag at ipinatong sa ibabaw ng kama malapit sa paanan niya. "Your clothes."

"My clothes?" At bakit may mga damit siya?

"No more questions. "Iniwan na siya nito.

Dahan-dahang siyang bumangon. Inabot niya ang papar bag. Tiningnan niya ang laman 'nun. "Oh!" Bakit napakarami nito? May mga price tag pa na nakakabit sa bawat isa. "Brand new!" Nanlake ang mga mata niya dahil may nakita siyang underwears sa paghalungkat niya. Oh my! I am impressed. Alam niya exactly ang cap size ko and waistline? Nakakapagtaka!

Bumaba na siya ng kama at nagbihis na lamang. Pinili niyang suotin ang GAP jeans and shirt. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Dexter.

Napatitig ito sa kanya.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"You look more beautiful with your hair that way," nakangiting sabi nito.

She couldn't find any hair tie kaya nakalugay ang buhok niyang hanggang bewang ang haba. Nasanay na marahil ito na makitang nakatali palagi ang buhok niya kung saan mas komportable siya.

Pinaikot niya ang mga mata. "Bolahin mo pa ako, Lenares!"aniya. "Bakit marami akong damit? Ikaw ba bumili nito?"

"Hindi. Pinakiusapan ko si Carla na bilhan ka ng ilang gamit at damit. And I'm sorry kung walang hair tie. Dadaan na lamang tayo sa tindahan."

Humakbang ito papalapit sa kinataayuan niya. Napalunok siya. She hates it kapag ganito na sila kalapit sa isa't isa in a sense na natataranta siya. She can hear the fast beating of her heart. Lalo ng hinaplos nito ang pisngi niya.

Is he going to kiss me? Hindi niya makakalimutan ang nangyari sa pad. Halos hindi siya makatulog dahil 'dun.

"I was so worried, Danelle, " sambit nito.

"I know. I'm sorry."

"Ang mahalaga ligtas ka." Bumuntong hininga ito. "Naayos ko na ang kailangang ayusin dito sa hospital. Pwede na tayong umalis."

Napangiwi siya. Ang akala niya ay matitikman niya na naman ang halik nito. Kinuha niya ang paper bag. Ngunit agad iyong inagaw sa kanya ni Dexter.

"You're coming with me," sabi nito.

"Alam ko."

"Sa unit ko."

Napanganga siya. Ano raw?

"You're going to stay with me hanggang bukas. Wala si Carla at ayaw ko na pabayaan kang nag-iisa sa pad ninyo sa kalagayan mo. Kung pwedeng samahan kita doon walang problema. Pero may kailangan akong tapusing trabaho dahil hindi ako nakapagduty kanina. Kaya, wala kang choice kundi ang sumama sa akin sa unit ko."

Napayuko siya. Kasalanan niya ito. "I'm sorry", aniya. "Dahil sa akin---"

"It's not your fault, Danelle," pagputol nito. "It's my fault dahil na-late ako sa usapan natin. It's me who should be sorry. At mas kailangan kong unahin ang paghahanap sayo kaysa trabaho ko."

I really love you now! Kung pakapalan ng mukha, sayang dahil wala siya 'nun lalo na kung pakapalan sa pag-amin ng tunay niyang nararamdaman para dito.

"Let's go."

Habang papalabas sila ng hospital ay bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kanya kanina. "Kailangan ba talagang sa unit mo ako mananatili?"

"Yes, para mamonitor ko ang kalagayan mo."

"Bakit nga pala wala si Carla?"

"May kailangan siyang asikasohin sa kanila. Gusto niyang hintaying magising ka kaya lang kailangan niya ng umalis. She was so worried at iyak ng iyak nang makita ka."

Kawawa naman ang kaibigan niya. Pinag-alala niya ng husto. "Tatawagan ko na lang siya mamaya."

"Ipapaalam ko na rin sa pamilya ko na ayos ka na."

"Ha?" Bakit ipapaalam niya sa pamilya niya?

"They wanted to know if you're okay. Hindi rin sila mapakali dahil sa nangyari."

"Nandito rin ba sila kanina?"

"Yes."

Oh my! Naalala niya si Aljune. Sana man lang magawa nitong tulungan ang sariling makabangon. Nakakaawa rin naman ito kahit papaano. Pero sa mga pagkakamaling nagawa nito sa buhay at sa buhay ng iba, kailangan niyang matutunan ang leksiyong matatanggap niya.