KULANG SIYA SA TULOG dahil sa kakahintay ng tawag nito. Umaga na lang ngunit kahit isang mensahe ay wala siyang natanggap. Oh well, who cares? Pumasok siya sa trabaho na parang walang nangyari.
Eh, kailangang ganoon. Ang problema iniiwan sa bahay ay hindi dinadala sa trabaho. Marami pa siyang kailangang gawin at iyon ang siyang pagtutuunan niya ng pansin. Kung magkikita sila sa araw na ito, fine. Kung iimikin siya nito, fine.
Pero paano kung hindi?
Napabuntong hininga siya. Mahirap pala kapag nagpapataasan ng pride.
"Good morning, Danelle," bati sa kanya ni Vhivian.
"G-Good morning, Ma'am Vhivian. " Hindi niya napansin ang pagdating nito.
"One coffee, please."
"Yes, Ma'am."
Pumasok na ito sa opisina. Tumayo siya at tumungong dirty kitchen para ipagtempla ito ng kape. Pagkatapos, bitbit ang coffee mug ay dumeretso na siya sa ipisina nito.
"Thank you," sabi nito.
"You're welcome. " Tumalikod na siya at lumabas na ng opisina.
Nakakapagod ang araw na ito. Mabigat ang katawan niya at tinatamad yata siyang magtrabaho. Ganito ba talaga ang epekto ng taong iyon sa akin? Duh! Binuksan niya ang desktop computer niya.
Hinubad niya ang sapatos niya at itinulak ng mga paa niya iyon sa ilalim ng mesa. Nabigla siya ng may parang kung ano siyang nasipa. Dumukwang siya at inalam kung ano iyon.
What the hell is this?
Kinuha niya ang isang paper bag at tiningnan ang laman. Tupperwares na naglalaman ng pagkain. At sino naman ang naglagay nito sa ilalim ng mesa niya?
Napatingin siya sa isang note na nakasuksok sa keyboard. Binasa niya iyon.
Enjoy your breakfast. Hope we can talk soon.
Parang hinaplos ng anghel ang puso niya. Galing iyon kay Dexter. Hindi rin pala siya nito kayang tiisin.
Oh please! sigaw ng utak niya. Not now. Kailangan niyang magtiis.
"Danelle, hi!"
Napatingala siya kay Alexa. "Hi! Good morning. May kailangan ka?"
Inabot nito ang ilang papeles sa kanya. "Notice para sa Pre-Procurement Conference."
"Okay. Thanks."
"Wow!" Tiningnan nito ang paper bag. "Mukhang masarap ah!"
"Take it." Ibinigay niya iyon rito. "Nakapag-agahan na ako. Hindi na ako makakakain pa."
"Are you sure?"
"Yes. Ubusin mo lahat iyan."
"Thanks. Nagugutom na talaga ako. Dederetso sana ako ng cafeteria after here. Pero hindi na kasi nailibre mo na ako. Million thanks to you, Danelle."
"You're welcome. "
Umalis na ito bitbit ang paper bag. Kinuha niya ang Procurement Notices na ibinigay ni Alexa at ipinasok iyon sa opisina ni Vhivian para mapirmahan. Hindi niya na hinintay iyon at bumalik na ng cubicle niya.
Napaintad siya sa pagtunog ng telepono ilang minuto ang nakakaraan. "Marketing Department, good---"
"In my office, now!"
Bahagya niyang nailayo ang telepono sa tenga matapos siyang bagsakan ni Dexter ng telepono. Sinigawan siya nito. Hindi siya makapaniwala.
"Danelle..."
Napatayo siya. "Yes, Ma'am?" Mukhang aalis ito dahil dala nito ang shoulder bag.
"May lalakarin lang ako. Kailangan kong um-attend ng meeting sa school ng bunso ko. Pero may gusto akong ipakiusap sayo."
"Ano po iyon?"
"Kunin mo ang lahat ng minutes sa bidding activities last week. Puntahan mo si Dexter sa opisina niya at sabihin mo sa kanya na pinapa-double check ko. Sobrang daming mali at kulang na importanteng detalyeng napag-usapan. Hindi niya siguro nagawang i-check ng mabuti bago pirmahan. Siya na ang bahalang kakausap sa Procurement Staff."
"Yes, Ma'am."
"I won't take long. Take care here." Umalis na ito.
Pabagsak na napaupo siya. Puntahan ko siya sa opisina niya? Kanina lang galit ito sa telepono. Naloko na.
Kunuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya ito sa cellular phone nito. "Ayaw kong puntahan ka. Period!" Hindi niya na ito hinintay na magsalita. Pinutol niya agad ang tawag.
Ilang sandali lang ay ito naman ang tumawag sa kanya. "Pwes, hintayin mo na makababa ako diyan!" At ito naman ang pumutol ng tawag.
Naiinis na tumayo siya. Dali-daling kinuha niya ang papeles na sinabi ni Vhivian at nagmamadaling lumabas ng department at dumeretsong elevator.
Ano pa nga ba ang magagawa niya? At kailangan ba niyang matakot? Oo, kailangan. Sa tuno nito alam niyang galit na galit ito.
Paglapag ng elevator sa 4th Floor ay mabilis ang mga hakbang niya na tinungo ang HR Department. Pagpasok niya ay nakita niya si Dexter sa cubicle ni Alexa.
Kinabahan agad siya ng lingunin siya nito. Malayo man ito pero nakikita niya ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "G-Good morning, " bati niya nang makalapit rito. Napatingin siya kay Alexa. Nakita niya sa mesa nito ang tupperwares ng pagkaing ibinigay niya rito kanina. Nabawasan na ang mga iyon.
"Hi Danelle!" Ngumiti ito sa kanya. "Busog na busog ako sa pagkain mo. Thanks. Ang sobrang sarap."
Hindi kaya ito ang dahilan at galit na galit siya? Nakagat niya ang labi.
"Come inside, Miss Salvan, " sabi sa kanya ni Dexter.
Pumasok ito sa loob ng opisina nito. Sumunod siya agad. Paglagpas niya ng pintuan ay agad nitong isinara ang pintuan.
Hinarap siya nito. "Ano ang gusto mong mangyari?" Mahina ngunit matigas ang tuno ng pananalita nito. "Gusto mo ba talaga akong galitin?"
Bakit hindi ko siya magawang tingnan. Ayaw niyang makita ang hetsura ng mukha nito.
"Bakit ibinigay mo sa iba ang pagkain na nakalaan para sayo? "
So that's why? Dahil doon sa pagkain. "Dahil nag-agahan na ako. What do you want me to do with it?"
"Pwede mo namang kainin iyon for lunch."
"Ano ba ang ipinagpuputok ng botse mo at galit na galit ka sa akin? Kung dahil lang sa pagkain ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito, oh please! Marami akong kailangang gawin at tatapusin sa opisina." Tumungo siya sa mesa nito at inilapag ang procurement minutes sa ibabaw. "I-check mo raw ng mabuti iyan. I'll go ahead."
Sa paglampas niya rito ay bigla siyang pinigilan nito. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papuntang rest room na nandoon. Itinulak siya nito papasok at pabagsak na isinara ang pinto.
Buong lakas na hinawakan siya nito sa magkabilang braso niya. Isinandal siya nito sa likuran ng pinto at siniil ng halik ang mga labi niya.
Napapikit siya. Nahihirapan siyang makabawi dahil idiniin nito ng husto ang katawan sa katawan niya. She can hardly breathe.
Damn it! Naisigaw na lamang ng isip niya. Napakarahas ng halik nito. Pakiramdam niya ay masusugatan ang mga labi niya.
"You're being such a naughty girl now," humihingal na sabi nito ng minsang nagkaroon ng distansiya ang mga labi nila. "Well, let's see about that."
Muli, inangkin nito ang mga labi niya. And this time, hindi siya magpapatalo. Tinugon niya ng buong alab at pananabik ang halik nito. This is what she wanted, his kiss, his touch, everything he does.
Napakapit siya sa leeg nito nang maramdaman niya ang init ng mga palad nito na naglalakbay sa magkabilang hita niya. Ikinilos nito ang isang kamay, ipinasok sa loob ng blouse niya at idinako iyon sa isang dibdib niya. Napaungol siya. She's on her bra but still she can feel his touch, leaving her the power of such unexplainable sensation.
Hinila siya ni Dexter at isinandal sa gilid ng sink. Bahagya nitong inihiwalay ang katawan sa kanya. Niluwagan nito ang sinturon, and then unbotton and unzipped his pants, habang ang mga mata ay nanatili lamang nakatitig sa mga mata niya.
Napakagat labi siya. Alam niya kung ano ang mangyayari. Right here, right now!
"Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa isang tulad mong inconsiderate?" tanong nito.
Inconsiderate? Ako, inconsiderate?
Hinawakan siya nito sa batok. "Pinaparusahan."
Lumuhod ito sa harapan niya. Pinigilan niya ang paghinga ng bigla na lamang nitong itinaas ang skirt niya. Oh, mukhang pinagbibigyan siya ng panahon. Kung bakit isinuot niya sa araw na ito ang office skirt niya, dahil ba mangyayari 'to?
He pulls her panties hanggang sa may tuhod niya. Tumayo ito at pinihit siya nito patalikod. Bahagya siyang natigilan. She can see the two of them in front of the mirror. They look just perfect. Sana man lang makita nito na magandang pares sila. She moans when she feels his hardness from her behind. Dexter is ready for this and she's ready as well.
Kung ganitong parusa lang rin ang daranasin niya, nakahanda siya. Total naman alam niya kung ano ang siyang reward na matatanggap niya.
(Oops! Tenen! Fast forward tayo mga pepz! Let's make this quick. A'right, let's get back to business.)
That was a quick one. And she's satisfied. Naiwan ang mga ngiti niya sa mga labi habang inaayos ang sarili sa harapan ng salamin. Ilang sandali niyang pinagmasdan ang sariling mukha. Hindi naman ako pangit, ah! Pero bakit hindi niya ako magawang mahalin?
At bago pa man bumaha ng luha ay lumabas na siya ng rest room.
"Galit ka pa ba sa akin, Danelle?"
Galit saan? Sa nangyari ngayon? Sa nangyari kagabi? Sa nalaman ko? O sa hindi mo magawang pagtupad sa simpleng kahilingan ko? Gusto niyang paulanan ito ng mga katanungang iyon ngunit minabuti niyang manahimik na lamang.
"Danelle..."
"I'll go ahead. Baka kasi nakabalik na si Ma'am Vhivian. Magtataka iyon kung bakit wala ako. And about the food, I'm sorry."
"Ang ikinagagalit ko lang naman ay iyong hindi mo pag-appreciate sa effort ko. At hindi mo man lang nagawang i-consider ang pupwede kong maramdaman na makitang kinakain ng iba ang niluto ko para sayo."
Napakunot noo siya.
"Alam mo bang halos inubos ko lahat ng cooking website makahanap lang ng simpleng recipe? Gumising pa ako ng maaga maipagluto ka lang ng agahan. Pero hayun! Ipinakain mo lang sa iba!"
Siya ang nagluto ng mga iyon? Bigla tuloy siyang nakonsensiya. "Hindi mo naman sinabi."
"Gusto ko na surpresahin ka. Para malaman mo na kahit papaano marunong rin akong magluto."
"Sana man lang tinawagan mo ako at sinabing libre mo na ang agahan ko ng sa ganun ay nagpagutom ako ng husto."
"Hindi mo man lang tinikman?"
"Hindi. Ano ang gusto mong mangyari sa akin? Ang manatili buong araw sa banyo?" Inirapan niya ito.
"Very inconsiderate," sabi pa nito.
"Ako pa ang inconsiderate dito? Bakit, sino ba ang hindi marunong tumanggap ng consideration, Dexter? Kahit alam mo na ang tunay kong nararamdaman para sayo, nagawa mo bang i-consider iyon kahit kunti?"
"Danelle, I already told you."
"Then try, Dexter. Wala namang mawawala kung susubukan mo ulit. Hindi lahat ng babae parepareho. Sana maisip mo iyon." Tinungo niya na ang pinto. Ngunit ng may maalala ay nilingon niya muli ito. "Kailangan na ni Ma'am Vhivian iyan before five o'clock this afternoon. Huwag mo sanang kakalimutan."
"Danelle..."
"What?"
"What is it that you want?"
"You know what I want, Dexter." At tuluyan na niya itong iniwan.
Everything seems to be almost perfect. Pero bakit hindi maalis ang alitan sa pagitan nilang dalawa? Sino ba ang kailangan niyang sisihin kung bakit siya naghihirap sa puntong ito? Si Dexter ba? O ang sarili niya?
*** *** ***
HINDI SIGURADO SI Dexter pero parang nakakailang draft na siya ng minutes. Hindi niya rin magawa ng tama ang Post-Qualification report at Bid Evaluation report sa mga nagdaang bidding activities. Hindi siya makapag-isip ng tama. Sobrang dami ng mga bagay na bumabagabag sa kanya. At isa na roon si Danelle.
Alam niya at nakikita niyang hindi madali para rito ang lahat. Pero sana kung may lakas lamang siya ng loob na ibalik sa dati ang sarili niya, magagawa niya ng tama ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Ayaw niyang mawala ito. Iyon lang ang tanging alam niya.
Napagdesisyonan niyang ihinto muna ang ginagawa. Sumasakit na ang ulo niya. Walang pumapasok sa isipan niya. Tinawagan niya si Alexa.
Pumasok sa loob ng opisina niya ang sekretarya. "Yes, Sir Dexter? "
"Pwede bang huwag kong tapusin ngayon ang trabaho ko?"
Naguguluhang napatitig sa kanya ang babae. "M-May problema po ba?"
Bumuntong hininga siya. "Pagod lang marahil ako." Inabot niya ang mga papeles rito. "Give these to the Procurement Staff. Sabihin mo, pinapasabi ko na ayusin nila ang mga ito at i-review ng maayos ang nasa notes and recorders."
"Yes, Sir."
"At kung okay lang sayo, Alexa, please do this for me." Inabot niya ang folders ng Post-Qualification result na nilakad niya sa Maynila. "I don't need it now pero kung matapos mo bukas, mas mabuti. Kailangang matapos na agad ito."
"Ito ba iyong Reconstruction ng Engineering Complex?"
"Oo."
"Sige, Sir. Ako na ang bahala rito."
"Thanks."
"Siya nga po pala, mukhang papunta rito sa opisina ang Mama ninyo."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Papasokin mo na lang."
"Sige po."
Pagkalabas ni Alexa ng opisina niya ay siya namang pagpasok ng ina. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagdalaw nito.
"Mama!" Tumayo siya at agad itong nilapitan at niyakap. "What brought you here?" Pinaupo niya ito.
"Well, gusto ko lang makita at bisitahin ang mga anak ko. At para malaman kung kumusta sila sa trabaho nila rito sa kompanya. "
"Really? At sigurado ako na ako ang siyang huli niyong dinalaw."
"As usual."
Kapag bumibisita kasi ito, iniisa-isa nito ang opisina nilang magkakapatid. At pinakauna nitong pupuntahan ay ang panganay nilang siyam. At bilang bunso, siya ang pinakahuli.
"How's everything? " tanong nito.
"Everything's under control"
"Good." Napatitig sa kanya ang ina. "Something's bothering you. What is it?"
"Ano ang ibig niyong sabihin?"
"Nakikita ko sa mga mata mo na may problema ka. Or shall I say, someone's bothering you. Who is she?"
Napatawa siya at umiwas na lamang ng tingin rito. "Mali ang iniisip niyo, Ma. Pagod lang ako sa trabaho. That's all. At sunod-sunod na ang projects na pinaghahawakan ng kompanya kaya pressured lang kung minsan."
"You're lying," dutdot pa nito. "Huwag mo nga akong niloloko. Alam kong babae ang iniisip mo. At sa palagay ko malakas ang tama mo sa kanya."
"Ma, please!" Itinaas niya ang dalawang kamay.
"What? Iyan ang nakikita ko sayo ngayon. Aba, eh, kung totoo mang babae ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ay ikatutuwa ko. Ilang taon na rin mula ng huli kang may ipinakilala sa amin. I guess it's about time for you to try again. Siguro this time, it's really worth a try."
"Mrs. Agatha Ramos-Lenares, I don't know what you are talking about."
Napabuntong hininga si Agatha. "Anyway, let's have dinner outside."
"Tonight?"
"Dinner, anak. Obviously, tonight. So far, wala pa akong naririnig na may nag-dinner alas sais ng umaga o kaya alas dose ng tanghali."
Pinaikot niya na lamang ang mga mata.
"And please, isama mo iyong magandang dilag na iniligtas mo sa kapahamakan. I really wanted to get to know her. Siya ba ang bumabagabag sayo?"
Lumaki na ang butas ng ilong niya. "She'a a friend, Ma."
"Oh! That means someone special to you. Unang beses na narinig ko ang 'she's a friend', hijo. Madalas kasi 'she's just a friend'."
Hindi niya alam kung hanggang saan itong pagpapasensiya niya sa ina. Mas lalong sumasakit ang ulo niya dahil dito.
"Isama mo siya, okay?"
"I'm afraid hindi papayag iyon."
"I certainly doubt that. I am going to invite her personally. Which office? "
"Kay Ate Vhivian."
Tumayo si Agatha. "Good. Hindi ko pa nakikita ang kapatid mo. Dumaan ako kanina sa ipisina niya, ang sabi umalis. At hindi ko makita ang secretary niya."
Kasama niya pala si Danelle kanina rito sa opisina niya. Napangiti siya nang maalala ang nga naganap sa restroom. That was fun.
"Okay lang ba kung magpapasama ako sayo?"
"Of course."
Sinamahan niya ang ina sa opisina ni Vhivian. Pagpasok pa lang ng department ay si Danelle ang siyang agad niyang hinanap.
Nang makalapit sila sa cubicle nito ay natatarantang napatayo ito. "Good morning, Mrs. Lenares."
"Good morning," nakangiting bati ni Agatha.
"Ate Vhivian's here?" tanong niya.
"Yes, S-Sir. K-Kadarating niya lang."
"Danelle, right?" tanong ni Agatha.
Tumango ng bahagya si Danelle. "Y-Yes, Ma'am."
"You really are beautiful, my dear. Maganda ka noong araw na nakita kitang natutulog habang nasa hospital ka. But seeing you now, what else can I say. You are a true beauty."
Pinamulahan ng mukha si Danelle. Napangiti siya. Hindi nagsisinungaling ang ina. Maganda talaga ito.
"Anyway, samahan mo kami sa dinner mamaya."
"A-Ano po?"
"We're having dinner outside. And I want you to join us."
Napasulyap si Danelle sa kanya. Tila nagtatanong kung ano ang nagyayari. Pagkuway muling tiningnan si Agatha.
"I will be expecting you. And I won't take no for an answer."
"T-That would be great. Thank you, Mrs. Lenares."
"Alright, see you later then." Pumasok na ito ng opisina ni Vhivian.
Nagpaiwan siya. Hinarap niya si Danelle. "Dadaanan kita rito around five thirty."
"K-Kailangan ba talagang sumama ako?"
"Pumayag ka na. Wala ng dahilan para umatras ka."
Napabuntong hininga na lamang si Danelle.
Pagsapit ng alas singko ng hapon lumabas na siya ng opisina niya. Dinaanan niya si Danelle at naabutan niya itong nagtatrabaho pa rin.
"Ipinagpatuloy mo iyan bukas. Kailangan na nating umalis."
Tiningala siya nito. "At bakit ko ipagpabukas kung magagawa ko naman ngayon?" pagmamatigas nito.
"This is not a request, Danelle." Hindi siya sigurado kung nananadya ba talaga ito. "Baka gusto mong ulitin natin dito sa cubicle mo ang nangyari kanina?"
Nakita niya ang paglaki ng butas sa ilong nito. Nagdadabog na iniligpit ni Danelle ang mga gamit, pinatay ang computer, kinuha ang bag at tumayo. Tinapunan siya nito ng isang galit na tingin saka naunang lumabas ng opisina.
Natatawang sinundan niya ito hanggang sa labas ng building. "Hey, Grumpy Princess!" Kinalabit niya ito sa tagiliran.
Naiinis na nahampas ni Danelle ang kamay niya. "Ano ba?"
"Ano bang problema mo?"
"Wala!"
"Then what's with the nag?"
Inirapan lamang siya nito.
"Kapag ganyan ka pa mamaya, I swear, Danelle! Hahalikan kita sa harapan ng ina ko."
Sa naging reaksiyon nito, alam niyang natakot niya ito. Sumakay na sila sa kotse niya at umalis na.
Pinagdarasal niya na sana walang maikwento na kahit ano ang ina sa pagkakataon na ito. Kilala niya ito. Walang preno kung makapagkwento.
Natagalan sila dahilan sa kahabaan ng traffic. Kaya ng dumating sila sa restaurant ay alas sais bente na ng gabi. Dumeretso sila sa reserved area kung saan nandoon na si Agatha na naghihintay sa kanila.
Ang buong akala niya ay makakasama nila sa haponan ang kapatid na si Vhivian. Pero wala ito.
"Hindi makakarating si Ate?" Hinila niya ang isang silya upang makaupo roon si Danelle. Pagkuway naupo na siya sa silyang katabi nito.
"Hindi, eh. May kailangan siyang gawin."
"Ah..." Walang pasabing inakbayan niya si Danelle. "Are you okay?"
Binalingan siya nito. Pagkuway nagpakawala ng isang pekeng ngiti. "Oh, I am fine." Pasimpleng siniko siya nito sa tagiliran niya. Nagpapahiwatig na gusto nitong alisin niya ang kamay niya sa balikat nito.
Ngunit hindi niya ito pinansin.
"You two are perfect," nakangiting sabi ni Agatha habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Hindi ako naniniwalang magkaibigan lang kayo."
Nagkatinginan silang dalawa.
"Yes, we are, Mrs. Lenares," sabi ni Danelle at ito na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa balikat nito.
Ngunit parang ayaw niyang tigilan ito sa pang-iinis.
"So, tell me about your parents, Danelle. Are you living with them here in San Ferrer?"
"Actually, hindi naman po kami taga rito sa bayan. Sa San Pascual kami nakatira."
"Really?"
"Naghiwalay ang mga magulang ko when I was eleven years old. At pareho na ring nakapag-asawang muli. Ang Mama ko, nasa America kasama ang pamilya niya at nasa Korea naman ang Papa ko."
"Oh, I'm sorry kung naitanong ko, hija."
"It's okay, Mrs. Lenares."
"Please, call me Tita, Danelle. So, sino ang nagpalaki sayo kung gayong wala sila all those years?"
Ngumiti si Danelle. "Lumaki ako sa piling ng Lola ko, my mother's mother. Siya na ang nagsilbing ama at ina ko magmula ng---" Napahinto ito sa pagsasalita.
He's bored. At wala siyang ibang maisip kundi ang inisin ito lalo. Lihim niyang inilakbay ang isang kamay sa hita nito. Tiningnan niya ang katabi. He wants to see her reaction. Hindi ito mapakali.
Danelle clears her throat. At nagsalita ng muli. "M-Magmula noong iwanan nila ako sa Lola ko."
"Shit!" Hindi niya inaasahan ang sunod nitong hakbang. Tinapakan nito ang paa niya tamang-tama lang para makaramdam siya ng sakit. Tanto niyang ang heel ng sapatos nito ang halos bumaon sa paa niya.
Tumaas ang kilay ni Agatha habang nakatingin sa kanya. "What's wrong, Dexter? "
"S-Sorry," napapangiwing sabi niya.