"NAKAPAG-ORDER KANA ba, Ma?" naitanong niya sa ina. This time, nakabawi na siya sa sakit na naramdaman ng resbakan siya ni Danelle. And he finds it more exciting! Lalo na at lumalaban na ito ngayon.
"Hindi pa. I have no idea kung ano ba ang siyang kakainin ninyong dalawa." Kinuha nito ang menu.
"Good." Kinuha niya na rin ang menu na nasa tapat niya. At bago pa man makuha ni Danelle ang menu ay agad niya iyong kinuha at inilayo rito.
Umalma si Agatha. "Dexter, pareho lang naman siguro ang mga nakalagay sa menu book. At paano makakapili si Danelle ng kakainin niya?"
"Ako na ang siyang pipili para sa kanya." Binalingan niya si Danelle. "Kasi hindi ka nag-agahan at hindi rin nakakain ng tama sa pananghalian, babawiin mo sa haponan mo, okay?" Kinindatan niya pa ito.
"Danelle, hija. You should not skip meal. Hindi maganda iyon. You have to eat a lot tonight."
Napilitang ngitian na lamang ni Danelle ang babae. Pagkuway nilingon siya nito. "Ano ang binabalak mo?" pabulong na tanong nito sa kanya.
"Pumipili ng makakain mo," pabulong naman niyang sagot.
"Hayaan mo akong siyang pipili."
"No. I will choose for you. And no sandwiches this time." Itinabi niya na ang menu book. Ilang beses na rin siyang pabalik-balik sa restaurant na ito kaya alam niya na kung ano ang mga isini-serve.
Tinawag na ni Agatha ang waiter. Matapos ibigay ang order nito ay tiningnan siya ng ina. "Dexter?"
"Chicken Escalope, Sweet and Sour Pork Adobo, Chicken Strips in Sweet Chili Sauce, Coleslaw Salad, Regular Palace Ice Cream, Diet Pepsi, Beef Steak and Lipton Green Tea. "
Napanganga pareho sina Agatha at Danelle na nakatingin sa kanya.
Binasa ng waiter ang naisulat sa orders list. Nang masigurong nakuha na nito ang lahat ay umalis na ito.
"Napakadami naman 'nun, anak, para sa inyong dalawa."
"Iyong steak at tea lang ang sa akin," aniya.
"What?!?"
Napatingin sa table nila ang mga nandoon sa pagtaas ng boses ni Danelle. Ang ina man ay nagulat.
"Are you serious?" pag-alma ni Danelle. "Hello? Isang serve nga lang nahihirapan akong ubusin."
"Kaya mo iyan." Tinapik-tapik niya pa ito sa balikat na para bang isang athlete na ini-encourage niyang huwag sumuko sa laban.
"You are unbelievable! "Parang gusto na nitong maiyak sa sobrang galit.
"It's okay, hija," sabat ni Agatha. "Hindi mo naman kailangang ubusin lahat kung hindi mo kaya."
Nang dumating na ang orders nila ay natatawa siyang pinagmamasdan ang reaksiyon ni Danelle. Nakasunod ito ng tingin sa bawat paglipat ng waiter ng pagkain mula sa tray hanggang mesa.
"Enjoy," sabi sa kanila ng waiter pagkatapos at umalis na.
"Let's eat!" Excited siya hindi sa pagkain kundi kay Danelle.
"Thank you," sabi ni Danelle.
Agad niyang nabitawan ang kutsilyo at tinidor na hawak ng bigla siya nitong kurutin sa tagiliran. Lumikha iyon ng hindi kanais-nais na tunog. Namilipit siya sa sakit. Pakiramdam niya ay bumaon ang kuko nito sa balat niya.
"Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa?" Mukhang napapansin na ng ina ang mga pinagkagagawa nila.
"N-Nothing, Ma," aniya. "Let's eat."
Mukhang seryoso na si Danelle sa pagganti sa kanya. Nananakit na. Kailangan ko na sigurong tumigil. Mahirap na at baka sampalin na siya nito sa susunod.
Ang resulta sa hindi maubos na pagkain ay pinabalot ni Agatha. Ibibigay na lamang nito ang mga iyon sa mga batang kalye. Nang makaalis ang ina ay inaasahan na niya ang gagawin ni Danelle.
Reactions overload!
"What was that?!?" Nanlalake ang mga butas ng ilong nito na tiningala siya.
Ng sandaling iyon ay hinihintay nila ang pagdating ng sasakyan niya.
"What?" Kunwari pa ay wala siyang alam.
"How could you, Dexter? Pinahiya mo ako sa ina mo. Ano ba ang tingin mo sa sa akin, baboy? Na kinakayang ubusin ang sandamakmak na pagkain ang ipinapakain?"
"I'm sorry." Napakamot siya sa ulo niya.
"Sorry-Sorry ka diyan! Bahala ka na sa buhay ko!" Mabilis ang mga hakbang na iniwanan siya nito.
"Where are you going?"
"Uuwi ako mag-isa!"
Dumating na ang sasakyan niya ngunit pinakiusapan niya ang staff na bantayan muna sandali. Nagtatakbong sinundan niya si Danelle.
"Hey!" Hinawakan niya ito sa braso. "Let's go back."
"Go away, Dexter, okay? Leave me alone."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito. "Sa kotse!" pabagsak ang tuno ng boses na sabi niya.
"Just leave!" Itinulak siya nito at nilampasan na siya.
Inuubos talaga ng babaeng 'to ang pasensiya ko. Sinundan niya lamang ito ng tingin. "Bibilang ako ng tatlo. Isa!"
Hindi siya nito pinansin. Nagpatuloy lamang sa paglalakad.
"Dalawa!"
Hindi pa rin ito lumilingon.
"Tatlo!" Para siyang sumali sa isang marathon at humarurot na ng takbo papunta rito.
Napatili si Danelle ng bigla niya na lamang pinangko sa balikat niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit at naglakad na pabalik sa restaurant. Pinagtitinginan sila ng mga dumadaan. Pero hindi niya na pinansin ang mga ito.
"Put me down!" Pinaghahampas ni Danelle ang likuran niya.
Hindi niya ito pinakinggan. Nang makarating sila sa tapat ng kotse niya ay saka lamang niya ito binaba. Hinapit niya ito sa bewang upang hindi na makatakas.
Kinuha niya ang susi ng kotse niya at nag-abot ng parking fee at tip sa lalake. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at itinulak si Danelle papasok. Agad niyang ikinabit ang seat belt dito. "You're not a child anymore, Danelle, so stop acting like one!"
Tumahimik ito.
Isinara niya na ang pinto at umikot sa harapan ng sasakyan. Nang makasakay ay pinaandar niya na ang sasakyan niya at pinatakbo paalis sa lugar na iyon.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit niyang tanong rito.
Naiinis namang binalingan siya nito. "Ikaw? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Wala ka ng ibang ginawa kundi ang sirain ang araw ko."
"Ah, talaga? Ikaw nga itong sumira sa araw ko."
"Ahhhh!" biglang sigaw nito. "I hate you! I hate you!"
"Really? Parang kailan lang sinabi mo sa aking mahal mo ako, 'di ba?"
Inirapan siya nito.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi. Tinanggal niya ang seat belt niya at nilingon ito. "Mag-usap nga tayo," aniya.
"Ayaw ko." Tumingin ito sa labas ng bintana.
"Ayaw mo? Kung ganoon ay daanin natin 'to sa santong paspasan."
Nataranta si Danelle ng bigla niyang tanggalin ang seat belt nito at pihitin niya paharap sa kanya.
"W-What are you trying to do?" nanginginig na tanong nito.
"Gawin kung ano man ang gusto ko." Buong lakas na hinila niya ito upang makaalis sa upuan nito. At parang papel bigla na lamang niya itong nailipat sa kandungan niya.
"D-Dexter..."
"What?"
"D-Don't do this."
"Do what? This?" Dumukwang siya at hinalikan ito. Matagal at puno ng pagnanasa.
Itinulak siya ni Danelle. "Damn it, Dexter! Nasa kalsada tayo."
"So what? Wala akong pinipiling lugar, Danelle."
Napagakat labi ito.
"You know how much I want you. Kaya kung gugustohin ko mang gawin natin dito sa kotse ko, mangyayari ang kailangang mangyari. But not now. Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito."
"You are out of your mind!" Nagmamadaling umalis si Danelle at bumalik sa upuan.
"Because you are driving me mad. Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sayo? At sa tuwing ginagawa mo 'to hindi lang ulo ko ang pinapainit mo kundi maging buo kong pagkatao. Kaya gumawa ka ulit ng hakbang at baka maulit ang nangyari kaninang umaga sa opisina ko."
Tumahimik na lamang ito.
Hanggang makarating silang pad ay hindi siya nito inimik. Nakakatuwa kapag natatakot niya ng ganoon si Danelle. She's under my spell.
Pagdating nila sa unit, habang hinahanap nito ang susi sa loob ng bag ay may naalala siya. "Nagtatampo pa ako sayo," sabi niya.
Kunot noong tiningala siya nito. "At bakit?"
"Dahil 'dun sa niluto ko." Halos magliyab na siya sa sobrang galit kanina ng makitang kinakain ni Alexa ang niluto niyang pagkain para kay Danelle. Kulang na lang agawin niya sa sekretarya niya iyon at ipasuka rito ang nakain na.
Pinaikot na naman nito ang mga mata. "Ipagluto mo na lang ako ulit. I promise, ipi-finger licking good ko pa sa harapan mo."
"Nakalimutan ko na ang procedure. "
"Agad? Kaninang madaling araw mo pa ginawa iyon. Wala pang bente kwatro oras, nakalimutan na?"
"Makakalimutin ako, eh."
"Magmemory plus ka nga!"
"Gold?"
Napahalakhak ng malakas si Danelle sa pagsakay niya sa biro nito. At ito ang gusto niyang makita rito, tumatawa. At least kahit papaano alam niyang napapatawa niya ito.
Hinila niya ito at niyakap. "I missed you, " sabi niya at hinalikan ito sa buhok. Napapikit siya ng maamoy ang mabangong amoy ng shampoo nito. Everything about this girl drives him mad --- real, real mad.
Yumakap na rin ito sa kanya. "I missed you, too. But it's getting late. Pareho tayong may trabaho bukas." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at binuksan na ang pintuan. "Thanks for tonight."
"You had fun?" Hinawakan niya ang mga kamay nito at isa-isang hinalikan.
Ngumiti si Danelle. "So much."
"Me, too."
"Halata namang nag-enjoy ka talaga sa mga ginawa mo. Good night, Dexter."
Hindi niya binitawan ang mga kamay nito. "Wala ba akong good night kiss?"
"Wala. Hanggat hindi mo naibibigay ang gusto ko, magtiis ka simula ngayon." Hinila na nito ang mga kamay. Pumasok na sa loob at isinara ang pinto.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ng pintuan. "Okay!" sigaw niya para marinig siya nito sa loob.
Ilang sandali ay binuksan nito ang pinto. Lumabas ito. "Okay what?"
"Pagtitiisan ko ang pananatili rito sa labas."
Napailing-iling si Danelle. Pagkuway nagside step ito upang mapagbigyang daan siya.
Pumasok agad siya. Pagsara nito ng pinto ay agad niya itong hinila at hinalikan. Napahawak si Danelle sa magkabilang braso niya ng isandal niya ito sa pinto. Hinawakan niya ang mga kamay nito at ipinulupot iyon sa leeg niya. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito habang angkin pa rin ang mga labi ng dalaga.
There's a burning passion inside him na hindi niya kailanman mapipigilan lalo na at si Danelle ang kasalo niya. Ipinasok niya ang isang kamay sa blouse nito.
Pinigilan siya agad ni Danelle. "Don't!" anas nito.
"Why?" naguguluhang tanong niya. Umaayaw na ba ito sa kanya?
"Just don't."
"Thirty minutes," aniya at pinaliguan ng maliliit na halik ang mukha nito.
"No."
Hindi siya tumigil. Bumaba ang halik niya sa leeg nito. "Twenty minutes? "
"No."
Tiningnan niya ito. Itinuko niya ang dalawang kamay sa pinto kung saan napagitnaan niya si Danelle. "Fifteen," hirit niya pa. "Please..." At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawan niyang bitawan ang salitang iyon mapagbigyan lamang siya.
She wanted her so badly, every minute, every day at hindi niya alam kung bakit. At kapag kasama at katabi niya na ito, nahihirapan siyang pigilan ang bugso ng damdamin niya.
"Stop it, Dexter!" Natatawa na si Danelle. Hinaplos siya nito sa mukha. "Carla's here."
"We'll be quiet."
"No," pagmamatigas nito.
"Kung si Carla ang problema mo then come with me." Ginanap niya ang isang kamay nito at hinalikan. "I'll take you home. Sleep with me tonight, Danelle."
"I can't. "
"Why?"
Bumuntong hininga si Danelle. "Hanggat maaari kailangan nating pigilan ang mga damdamin natin paminsan-minsan, Dexter. At ayaw ko na tuluyang masanay na kasama ka."
Tinitigan niya ito sa mga mata. Naiintindihan niya kung ano ang kagustohan ni Danelle, kung ano ang gusto nitong mangyari sa kanila. Kaya lang sadyang mahirap para sa kanya na mapagbigyan ito. Kung kaya ko lang, bakit hindi? She's perfect.
Napabuntong hininga na rin siya, desperately. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at dinampian ng halik ito sa noo, pababa sa tungki ng ilong nito hanggang sa mga labi.
Okay, he's a loser but just for tonight. "Good night, princess," sabi niya na lang.
"Good night."
Lumabas na siya. Matapos isara ni Danelle ang pinto ay pumasok na siya sa elevator.
Well, this is one fun night. As always, kapag kasama niya ito palagi nag-iiba ang takbo ng araw niya.
Patungo pa lamang siya sa kotse niya nang makatanggap ng tawag mula sa Tito niya, ang asawa ng Tita Marjorie niya na kapatid ng ama. Napasilip siya sa orasan. Alas nuebe na ng gabi. Ano ba ang kailangan nito?
"Yes, Tito?"
"Pumunta ka rito sa bahay ngayon. May kailangang tayong pag-usapan."
"Okay. I'll be there."
Kung tungkol saan ay hindi niya alam. Pero sa tuno ng pananalita nito mukhang importante. Kailangan niyang alamin kung ano man iyon.
*** *** ***
ANG NALAMANG BALITA ay nagbigay sa kanya ng malalim na dahilan upang bantayan at protektahan ng maigi si Danelle. Nakatakas sa rehabilitation center si Aljune at hanggang sa mga oras na ito ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad sa Maynila.
Ang sabi ni Julius, hindi pa daw sigurado kung may kasabwat ba ito sa loob at iyon ay patuloy pa ring iniimbistigahan.
Sa ngayon, kasama sa pag-uusap na ito ang mga magulang niya, ang dalawang kapatid na lalake at si Vhivian, ang mag-asawang Julius at Marjorie at ang anak nitong si Philip, at ang asawa ni Aljune.
"Pinakalat ko na ang larawan niya rito sa bayan at maging sa mga karatig bayan," ani Julius. "Mas mabuti na iyong makakasiguro tayo."
Napaiyak si Kendra. Agad itong nilapitan ni Marjorie. "Natatakot ako para sa anak ko, Ma."
"Para makasiguro tayo sa kaligtasan ninyo ng apo ko, dito kayo mananatili sa bahay hanggat hindi pa nahahanap si Aljune. Bente kwatro oras ang pagbabantay sa inyo simula bukas," paliwanag ni Julius.
"Ano ba ang gustong mangyari ni Aljune at naisipan niyang tumakas? Sa ginawa niya ay dinagdagan niya lang ang kaso niya." Napailing-iling na lamang si Marjorie.
Wala ang isip niya kay Aljune kundi kay Danelle. Kapag nakalusot si Aljune at makapasok sa San Ferrer, baka isa sa babalikan nito si Danelle. At hindi siya makakapayag na may gawin na naman itong masama sa dalaga. He'll do everything just to protect her.
"Nasa panganib rin ang buhay ni Danelle, Dexter," sabi ni Agatha sa kanya. "Minsan na siyang ipinahamak ni Aljune, baka mangyari ulit iyon."
"Ako na ang bahala," sabi niya.
Ilang oras rin ang itinagal bago nila napagdesisyonan ang kinakailangang gawin. At ng masigurong nasa ayos na ang lahat ay nagsiuwian na sila.
Pagdating niya sa bahay niya ay hindi agad siya natulog. Matapos nakapagbihis ay naisipan niyang tumambay muna sandali sa labas. Tumungo siyang kusina at kumuha ng isang bote ng beer sa refrigerator. Pagkatapos ay tumungo siyang living room.
Napatingin siya sa cellphone na hawak. Gusto niyang alamin kung tulog na ba si Danelle. Kung sakaling hindi man nito masagot ang tawag niya ay ayos lang. Pero kung masagot nito, he will be very happy hearing her lovely voice.
"Hi, Mr. Lenares! Napatawag kayo?"
Napangiti siya. Naupo siya sa mahabang sofa at inilapag ang bote ng beer sa center table. "Just checking," aniya. "Bakit gising ka pa?"
"Hinihintay ko ang tawag mo."
"You're expecting me to call you?"
"Sort of. "
"Why, Daniella Elleiza Salvan? Namiss mo na ako agad?"
She giggles. "Oo, eh."
"Kasalanan mo kasi hindi ka pumayag samahan ako rito sa bahay ko."
"Wow! Sisisihin ba naman ako? Eh, halata namang namimiss mo na rin ako."
"Walang segundo, minuto o oras na hindi kita hinahanap, Danelle. Kung pupwedeng itali kita upang hindi na makawala pa ay gagawin ko."
"Kung gusto mo na mangyari iyan alam mo kung ano ang kailangang gawin, Dexter. "
Natahimik siya. Alam niya na kung saan hahantong 'to sa oras na sasagot siya.
"Huwag ka ng mag-isip dahil alam ko na kung ano ang isasagot mo."
Napailing-iling siya. "Matulog ka na," sabi niya na lang. "May trabaho ka pa bukas."
"Hindi pa ako inaantok. At ikaw? Bakit nga ba gising ka pa?"
"Kakauwi ko lang galing kina Tito Julius. May pinag-usapan lang kaming importanteng bagay."
"May problema ba kay Aljune?"
"You will know, Danelle." Ayaw niya munang ipaalam rito ang tungkol sa pagtakas ni Aljune. Baka hindi ito makatulog sa kaiisip. "I promise, I will let you know."
"Okay."
"Go sleep."
"Ikaw rin. Matulog ka na."
"Tatapusin ko na muna itong isang bote ng beer. Matutulog na rin ako."
"Umiinom ka?"
"Yes, minsan bilang pampaantok. Go to sleep."
"Okay. Isang bote lang ba iyan?"
Pinaikot niya ang mga mata. "Danelle, go sleep!" At tila nag-uutos na ang tuno niya.
"Okay, good night."
"Good night."
He waited for her to hang up first. Nang marinig ang busy tone ay saka niya ibinaba ang cellphone niya.
Napakatigas ng ulo nito minsan. Pero most of the time ay nakakatuwa. Napabuntong hininga siya at pabagsak na humiga na lamang sa sofa.