Chereads / Tanging Ikaw Lamang / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

HINDI SIGURADO SI Danelle kung nasa tamang address ba ang tatlong lalakeng napagbuksan niya ng pinto kinabukasan. Papaalis na sana siya para pumasok sa trabaho.

Sa hetsura ng mga ito ay animo'y parang mga special agents na nakikita niya sa mga pelikula. All in black suits, black pants, black leather shoes, and black eye glasses.

"Men in black!" naibulalas ni Carla.

"Miss Danelle Salvan?" sambit ng lalakeng kaharap niya.

Tumango-tango siya.

"Max Dormido of Lenares Secret Service Agency." Nakipagkamay ito sa kanya. "Mga kasamahan ko, Ariel Martinez at Jacob Javier. Kami ang siyang magiging personal niyong tagapagbantay simula sa araw na ito, Miss Salvan. "

Personal bodyguards? Lenares Secret Service Agency? Ngayon niya lang narinig ang tungkol dito. May Secret Service Agency ang mga Lenares? Wow!

"Ihahatid niyo ba si Danelle sa trabaho?" Abot tenga ang ngiti ni Carla.

"Yes, Miss Chiu."

"Oh my God! Kilala mo ako?"

Bahagya lamang tumango ito.

"Kaninong idea ba 'to?" May pinaghihinalaan na siya kung sino pero gusto niya pa ring makasiguro.

"Kay Mr. Dexter Lenares."

Napabuntong hininga siya. Bakit kailangang pabantayan siya nito? Ano ang dahilan? Marami siyang kailangang itanong rito. Saka na lang kapag nagkita na sila.

Malilate na siya sa trabaho kaya umalis na siya, with her bodyguards. Isinabay na rin nila si Carla at idadaan nila ito sa pinagtatrabahuan nito.

Secured. Dahil kahit nasa building pa lamang sila ay palingon-lingon na ang mga ito. At ng masigurong walang problema ay dumeretso na sila sa dalawang nakaparadang BMW 5-Series (F10) sa tapat lamang ng building.

Pinagbuksan sila ni Max ng pinto. Naunang pumasok si Carla. Sumunod siya. Pagkuway umikot ito sa likuran ng sasakyan at dumeretsong driver seat. Silang tatlo lamang ang nasa sasakyan at sina Ariel at Jacob ay sakay sa isang sasakyan kasunod nila.

This is crazy! Napakaimportanteng tao niya ba at kailangang may tagabantay siya? Ano na lamang ang sasabihin ng mga kasamahan niya sa trabaho? Ano na naman ang ikakalat na kwento ni Jill? Kailangan niyang makausap si Dexter. You owe me an explanation, Dexter Lenares!

"Nasa panganib ba ang buhay ni Danelle at kailangang tatlo kayo na magbabantay sa kanya?" tanong ni Carla kay Max.

"Hindi naman ganoon iyon, Miss Chiu. Gusto lang masiguro ni Mr. Lenares ang kaligtasan ni Ms. Salvan."

Napakunot noo siya. "Ay bakit? Ano ba ang nangyayari? " Wala naman kasing nababanggit si Dexter na kahit na ano sa kanya tungkol sa bagay na ito. At kinakabahan siya.

"Mas mainam siguro kung si Mr. Lenares ang siyang tatanungin ninyo, Miss Salvan. Mas mabibigyan niya kayo ng eksplinasyon tungkol rito. "

At iyon ang siyang una niyang gagawin.

Matapos maidaan si Carla ay dumeretso na sila sa kompanya. Pagdating nila doon, sa pagbaba niya ng sasakyan ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya ang ilang staff na papasok pa lamang rin ng building.

"Thanks," sabi niya na lamang.

"Babalik kami rito around four thirty, Miss Salvan. For now, babalik kami ng unit ninyo para ayusin ang kailangang ayusin doon."

"What?"

"Kailangang makapag-install kami ng surveillance cameras at CCTV sa loob at labas ng unit. At maging security alarms. It's for your own good, Miss Salvan."

"C-Cameras?" Kinabahan siya.

"Maliban sa mga kwarto niyo at bathrooms, of course."

Napahinga siya ng maluwag. Mabuti naman kung ganoon.

"So, can I have your unit's key? Wala kaming planong sirain ang pinto ng unit ninyo ni Miss Chiu."

"Ay! Sorry." Kinuha niya sa loob ng bag niya ang susi at agad namang inabot rito.

"Thank you. Have a nice day ahead, Miss Salvan."

Nasundan niya ito ng tingin ng sumakay sa sasakyan. What the hell is going on? Pumasok na siya sa loob ng building.

Pagdating niya ng department ay halos nakatingin ang lahat sa kanya. Binati niya ang mga ito at naglakad na lamang ng deretso patungong cubicle niya.

Hindi niya namalayang sinundan siya ni Jill. "Wow! Bodyguards?"

Nilingon niya ito. "For safety purposes, Jill," aniya. "Good morning." Naupo siya at binuksan na ang desktop computer niya.

"Order from Mr. Dexter Lenares? "

Napakibit balikat lamang siya. "Siguro."

"Oh my gosh!"

Agad na bumalik sa cubicle nito si Jill nang makitang paparating si Vhivian. Agad niyang binati ang babae pagtapat nito sa cubicle niya.

"Are you okay with your guards?" tanong nito sa kanya.

Maging ito alam ang tungkol sa bodyguards niya? Siya lang ba ang walang kaalam-alam?

"Y-Yes, Ma'am," sabi niya na lang.

"For your protection and safety, Danelle. Mabuti na iyong gwardiyado ka." Pumasok na ito sa opisina nito.

Protection and safety para saan? Iisang tao lang ang biglang pumasok sa isip niya. Hindi kaya ang dahilan ay si Aljune? No! Wala siya rito sa bayan at nasa rehab.

Naputol ang pag-iisip niya sa pagtunog ng cellphone niya. Dali-dali niya iyong kinuha sa bag niya. It's Dexter. Mabuti at naisipan nito na tumawag. "I am listening, " agad niyang sabi pagkasagot.

"What?"

"Paki-explain ngayon din kung bakit nagkaroon ako ng biglaang bodyguards? "

"Nakilala mo na sila?"

"Ay hindi pa. Malamang bukas ko pa malalaman na ang mga pangalan nila ay Max, Ariel at Jacob at galing sila sa Lenares Secret Service Agency." Hindi niya alam kung ano ba ang siyang magiging reaksiyon nito sa sinabi niya.

"Kailangan, Danelle, " sabi nito.

"Bakit nga?"

"Not now, okay? Mag-usap tayo after work. Ipapaliwanag ko sayo lahat."

"Bakit ka pa tumawag kung hindi ka lang rin pala magpapaliwanag?"

"Just to make sure you're safe."

Napakagat labi siya. Sobra ito kung makapag-alala sa kanya.

"See you around, angel," sabi nito at nawala na sa kabilang linya.

Hindi na tuloy siya mapakali sa kakaisip kung si Aljune ba ang dahilan ng lahat ng ito. Kaya naman pagsapit ng hapon ay hindi na siya makapaghintay mag-alas singko na agad para makapag-usap na sila ni Dexter.

Itinuon na lamang niya ang atensiyon sa trabaho. At hindi na niya namalayan, 'di kalaunay oras na para umuwi siya.

Eksaktong paglabas niya ng opisina ay siya ring paglabas ni Dexter mula sa elevator. Sa tuwing nakikita niya ito ay para bang bumabagal ang mundo niya. Iyong pakiramdam na parang binibigyan siya ng pagkakataong matitigan ito habang nakanganga siya at para bang nakalutang siya sa alapaap. Everyone and everything around her are moving so fast at tanging ito lamang ang nag-i-slow motion.

Napakagwapo talaga ng lalakeng ito. At hindi siya makapaniwalang mabibiktima siya at humantong sa kritikal na kondisyon ang puso niya dahil sa kamandag na dulot nito. He is her everything now!

Napakurap siya ng bigla na lamang nitong pisilin ang ilong niya. "Hey there, day dreamer."

Mapanira ng moment. Napangiwi siya.

"Pinagpapantasyahan mo ba ako, ha, Danelle?"

"Napakaswerte mo naman kung ganun."

Napangiti ito. "Let's go."

Wala na siyang nagawa nang hawakan nito ang kamay niya. Habang nilalakad nila ang lobby patungong main door, everyone's looking at her, or at him, or maybe both of them, hindi siya sigurado. Pero kahit ganoon pa man ay hindi siya natinag sa mga mapanuring tingin ng ilang taga-roon.

What she cares more about is that, she's with this man, at hindi ito nahihiyang kasama siya.

"Max!" sambit nito sa pangalan ni Max nang magkita ang mga ito sa labas.

"Dexter!"

Nagkamayan ang dalawa. Nilapitan ni Dexter sina Ariel at Jacob at nakipagkamay sa mga ito. Kung titingnan maigi ay parang kilala na ng mga ito ang isa't isa.

Pinagmasdan niya sina Dexter at Max na nag-uusap may distansiya mula sa kinatatayuan niya. Nagulat siya dahil parang magkahawig ang dalawa. Ang hugis ng mga mukha nito, ang mga mata, ang matatangos na ilong at parehong gwapo. Nagkataon lang siguro.

"Let's go?" baling sa kanya ni Dexter.

Ngumiti siya at tumango. This time, sa kotse siya nito sasakay.

Pagkaalis nila ay tinanong siya ni Dexter. "Where do you want to eat?"

"Sa pad na lang," aniya. "Gusto kong magluto. You want to join me for dinner?"

"I will be very pleased." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.

"So, tell me now. Bakit kailangang may magbabantay sa akin?"

Binalingan siya nito ng dalawang segundo lamang at agad na ibinalik ang paningin sa kalsada. "Nakatakas si Aljune sa rehab kahapon."

"What?!?" She twists her body upang makaharap ito. "Paano nangyari iyon?"

"Inaalam pa rin hanggang ngayon kung paano. May hinala sina Tito Julius na baka may kasabwat si Aljune sa loob kaya naging madali para sa kanya ang makatakas. At habang wala pang balita mula sa mga awtoridad sa Maynila, kailangang magdoble ingat tayo dahil anytime, babalik si Aljune rito sa bayan."

"Oh my God!" Kinabahan siya. Sinasabi niya na nga ba na si Aljune ang dahilan. Minsan na nitong pinagtangkaan ang buhay niya at ayaw niyang mangyari ulit iyon.

"Naglagay na rin ng security si Tito Julius para kina Kendra at sa anak nito. Baka balikan ni Aljune ang mag-ina niya at gawan ng masama. Hindi natin alam kung ano ang siyang magagawa niya this time."

"A-At ako?"

"Don't worry." Hinaplos nito ang mukha niya. "Hanggat nandito ako sa tabi mo, Danelle, hindi ka niya masasaktan."

I want you to be with me forever, Dexter. Napakagat labi siya. Nasa panganib na nga buhay mo kung anu-ano pa ang naiisip mo! Umayos na lamang siya ng upo.

"Nagulat ka ba nila Max kanina?"

Muli, binalingan niya ito. "Gulat na gulat," aniya. "Akala ko ay nagkamali sila ng unit na napuntahan. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Ang sabi ko sayo kagabi, galing ako kina Tito Julius dahil may kailangang pag-usapan. Ang tungkol dito ang napag-usapan namin. Hindi ko agad sinabi sayo dahil ayaw ko na mag-alala ka at baka hindi ka makatulog sa kakaisip."

"May Secret Service Agency kayo?" Gusto niya ring malaman ang tungkol dito.

"Sa isang kapatid ni Papa. Pero sa Maynila nakabase ang ahensiya."

"Wow!"

"So, ano ang masasabi mo sa mga tagabantay mo? Silang tatlo ay ilan lamang sa mga pinakamagagaling na ahente nila Tito Miguel, alam mo ba iyon? Kaya kampante ako na walang makakalapit sayo."

"Really? " Naisip niya marahil ganoon nga. Sa mga porma nito at tindig ay halatang hindi nga basta-basta. "I'm fine with them."

"With Max?"

"I like him," derektang sabi niya. Hindi agad ito nagsalita. Pinakiramdaman niya ito ng ilang sandali.

"Pa'nong gusto?"tanong na nito.

"Well, he's gentleman, he is kind, he is nice and handsome."

Hindi na naman ito agad umimik. Agad siyang may napansin na kakaiba sa hetsura nito. Magkasalubong ang mga kilay nito at nagtatagis ng bagang. Oh my! Nagseselos ba siya?

"That's why you like him?"

"Ha?"

"Dahil nagagwapohan ka sa kanya?"

"Gwapo naman talaga si Max. At maging sina Ariel at Jacob. Teka nga, nagseselos ka ba?"

"Bawal ba?"

Nagseselos nga siya! Kay sarap sa pakiramdam kapag ganitong nagseselos nga ito.

"Kailangan ko sigurong magrequest ng bagong head of security mo."

Napakunot noo siya. "At bakit?"

"Upang walang dahilan para makapaglandi ka."

At nakakairita ang marinig ang salitang ito mula rito.

"Kapag ganyang magpapapansin ka lang sa kanya, baka dahilan iyan upang hindi na magawa ni Max ng tama ang trabaho niya."

"I really can't believe you, Dexter. Paglalandi at pagpapapansin, kay gandang terminolohiya." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Dahil gusto ko ako lang ang siyang tinitingnan mo, Danelle."

Napatingin siya sa labas ng bintana. "Bakit ba kasi ayaw mo pa akong sagutin? Hanggang kailan mo gustong nililigawan kita?"

Binitawan nito ang kamay niya. Napakamot ito sa ulo.

"What?" Galit na tiningnan niya ito. Tumatawa ito.

"Does it really matter? I mean, kung nagagawa rin naman natin ang ginagawa ng mag-partner kahit ganito lang tayo, bakit pa natin papasokin ang ganyang relasyon? Hindi ka ba kuntento?"

"Yes, I am not contented, Dexter. Iba pa rin iyong may matatawag kang partner or boyfriend."

"Danelle..."

"Ano 'to? Friends With Benefits or No Strings Attached?" Hindi niya maiwasang masambit ang mga pelikulang iyon. "Kailangan ba talaga nating panindigan na we are more than friends but less than lovers? Hindi ko nga alam kung kailan ko mapapalitan ang status ko sa facebook na from single to in a relationship. Pero sa sitwasyon natin ngayon, malamang dadako ako sa complicated status."

"I just want you to understand me, Danelle."

"I'm trying. Pero sana rin maintindihan mo ako."

Pinakiusapan niya ito na dumaan sila sa isang department store dahil may bibilhin siya. Sinamahan siya ni Dexter at ni Max samantalang nagpaiwan lamang sa labas sina Ariel at Jacob. Mabuti at kukunti na lamang ang customers kaya hindi sila nahirapan sa pakikipagpilahan sa counter pagkatapos nilang makuha lahat ng mga kakailanganin niya sa pagluluto ng haponan.

*** *** ***

"MALAPIT BA KAYO ni Max sa isa't isa?" naitanong niya kay Dexter. Papunta na sila sa pad.

"Oo," tipid na sagot nito.

"Alam mo, napansin ko lang na parang magkahawig kayong dalawa."

Tumawa ito ng bahagya. "Magpinsan kasi kami."

Napanganga siya. Wala bang araw na hindi siya nito nabibigla?

"Alam mo ba na nagbuluntaryo siya na magbantay sayo?"

"Really?"

"Dahil ayaw niyang maisakatuparan ng kapatid niya ang masamang balak sayo."

"Kapatid?"

"Magkapatid sila ni Aljune," sabi pa nito. "Pero sabi ko nga sayo dati, ampon lamang si Aljune. Inampon siya nina Tita Marjorie at Tito Julius sa pag-aakalang hindi sila magkakaanak. But one month after the adoption, nalaman na lamang ni Tita na buntis pala siya at si Max nga iyon. Two years later, nasundan pa ng isa at si Philip iyon. Isa rin siyang security agent at siya ang head of security ni Kendra."

Natahimik siya. Mas mabuti na nga lang sigurong manahimik siya at huwag ng magtanong pa. Sobrang daming nangyari sa kanya sa araw a ito. Sumasakit ang ulo niya.

Pagdating nila sa pad ay siya ring pagdating ni Carla. Mabuti at maaga itong nakauwi. Magpapatulong siya rito sa paghahanda ng haponan nila.

Pagkapasok nila sa unit ay trabaho ang siyang agad na inasikaso ng mga lalake. Ipinakita ni Max kay Dexter kung saan nito inilagay ang surveillance cameras. Tinungo ng mga ito ang bawat sulok ng bahay upang masigurong walang magiging problema.

Dumeretso siya sa kusina para makapaghanda. Ilang segundo ay sumunod sina Dexter at Max upang ang kusina naman ang matingnan.

"Ilang camera meron tayo, Max?" tanong ni Dexter.

"Ten cameras installed, Dexter. Dalawa rito sa kusina, dalawa sa corridor, dalawa sa living room, dalawa sa balcony, isa sa hallway malapit sa bedrooms, at isa sa main door." Ganoon katibay ang siguridad ng mga ito.

"Good."

"Hindi ko nilagyan ang dalawang kwarto. Instead, sec---"

Umalingawngaw sa buong bahay ang hindi kanais-nais na tunog. Kasunod ay isang malakas na sigaw ni Carla. Lumabas sila ng kusina at pinuntahan ito. Naratnan nila ito na nakatayo sa harapan ng kwarto nito kung saan bahagyan nakabukas ang pinto. Napakibit balikat ito habang nakatingin sa kanila.

"Sorry about that," sabi ni Max. Pumasok ito sa loob ng kwarto. Hindi nila alam kung ano ang ginawa nito at bigla na lamang nawala ang ingay.

"Security alarm, " sabi ni Dexter sa kanilang dalawa ni Carla.

Lumabas na ng kwarto si Max. "Bawat kwarto nilagyan ko ng security alarm. Iyon ang maririnig niyo kung sakaling may pumasok sa kwarto ninyo ng pwersahan. Bago kayo matulog, siguradohin ninyong naka-on ang alarm monitor ninyo. It's very easy." Ipinakita nito kung paano paganahin ang gadget.

"Throughout the day kailangang naka-on?" tanong niya.

"No. Kapag natutulog kayo. In the morning, it's not necessary to turn it on. Nasa trabaho kayo and besides, may alarm rin tayo sa main door."

"No cameras inside our rooms, right?" paniguro ni Carla.

"Wala. Dahil hindi kasali sa trabaho namin na bantayan maging pribadong buhay ninyo. Bedrooms are safe from CCTV cameras."

"Alright. Maiwan ko na muna kayo." Pumasok si Carla sa kwarto nito at isinara ang pinto.

"Nasaan sina Ariel at Jacob?" Kanina niya pa hindi nakikita ang dalawa.

"May tiningnan lang sa kabilang unit."

Hinarap niya si Dexter. "Ano naman ang titingnan nila doon? "

"Inilagay ko na sa pangalan ko ang unit na katapat nitong sa inyo. Doon sila mamamalagi para mas mamonitor nila ang bawat nangyayari rito. It's Max's idea."

"Mas malapit, mas maganda, mas mainam, Miss Salvan."

Napanganga siya.

"Pupuntahan lang namin sila," sabi ni Dexter at umalis na ang mga ito.

Lumabas si Carla. Nakapambahay na ang suot nito. "I can't believe this is happening right now. I swear!"

Napakibit balikat siya. Sabay silang nagpuntang kusina. Isa-isang inalis ni Carla ang grocery stuff sa plastic bags. Kumuha siya ng chicken legs sa freezer at ipinasok iyon sa microwave oven para i-defrost.

"I am sorry kung nadadamay ka," sabi niya.

Hinugasan ni Carla ang mga gulay sa sink. "Danelle, malaki nga ang pasasalamat ko dahil pati ako protektado. Ilang beses na rin tayong nakatanggap ng warning notices sa tuwing may nakakapasok rito sa building na mga akyat bahay o kung ano pa. Mainam na itong ganito, secured tayo rito sa bahay. You're so lucky having someone like Dexter. Sinisiguro niya ang kaligtasan mo."

Matatawag bang swerte 'to? Sa ibang aspeto, malamang oo! Pero bilang first love niya, hindi siya sigurado.

"Hindi natin alam kung ano ba ang siyang kayang gawin ng Aljune na iyon. Halang ang bituka ng taong iyon. Kung hindi man siya nagtagumpay sa plano niya dati, baka ngayon kung magkakaroon siya ng pagkakataon ay maisakatuparan niya na kung ano ang balak niya sayo."

Sinimulan niyang balatan ang patatas. "Hindi pa naman sigurado kung babalikan niya ako."

"Danelle, mas kailangang handa ka sa lahat ng oras. Ano bang malay natin? Nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi, hinihintay lang na magkaroon ng tiyempo."

Kinabahan siya sa sinabi ni Carla. Paano nga kung tama ito?

"Sa totoo lang, natatakot ako para sayo. Alam mo ba noong naaksidente ka, ayaw ko sanang puntahan ka sa ospital? Kasi natatakot ako na makita kang nakabenda ang buong katawan, sementado dahil nagkabali-bali ang mga buto mo o kaya nasa emergency room, inuoperahan at fifty-fifty ang kalagayan mo. Tinawagan ko si Dexter at inalam kung okay ka lang ba. When he told me you're fine and still breathing, saka lang ako nagkalakas loob puntahan ka."

Napanganga lamang siya habang nakatingin sa kaibigan. Hindi niya alam ang tungkol dito. "Sobra ka sa pagiging nega!"

"Masisisi mo ba ako? Kaya ayaw ko na mangyari ang nangyari sayo dahil sa Aljune na iyan."

Napabuntong hininga siya. "If you want, pwede rin nating pakiusapan si Dexter na bigyan ka ng security."

"Okay. Iyan kung ibibigay mo ang head ng security mo."

"Si Max?"

Tumango ito. Napatitig siya ng husto rito. Seryoso ba ito? Ayaw niyang isipin na may pagtingin ito kay Max.

"You know what, Danelle, kung wala akong boyfriend I swear aakitin ko si Max." Napahagikhik si Carla.

Hinampas niya ito sa may puwit. "Tumahimik ka nga."

"He is so handsome! But of course hindi mo mapapansin iyon kasi nag-iisa lang ang gwapo para sayo. Ang boyfriend mong si Dexter Lenares."

Ang ngiti at maliwanag niyang mukha ay biglang naglaho. Tumahimik siya panandalian.

Napansin siya agad ni Carla. "May nasabi ba ako na hindi mo nagustohan?"

"Wala," aniya.

"Then, what's wrong?"

Kinuha niya ang chicken legs sa loob ng microwave oven. Kumuha siya ng cooking pot at inilagay ang mga iyon dito.

"May kailangan kang sabihin," sabi pa nito at sinimulan na ang paghihiwa ng sibuyas.

"Hindi ko boyfriend si Dexter, Carla," pagtatapat niya na. Kailangan niya na sigurong ipaalam rito ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Dexter.Carla's her best friend at alam niyang pakikinggan siya nito.

"What?"

"Hindi naman talaga naging kami, eh."

"Why? I thought..." Bumuntong hininga na lamang ito. "I don't understand. "

"Ako rin, maraming hindi maintindihan. Hindi siya iyong tipo ng lalake na sumeseryoso sa isang relasyon. Dahil may kinakatakutan siya. Natatakot siya na baka maulit iyong nangyari sa nakaraan niya. I am trying to understand him in all aspects. Kaya lang mahirap minsan kasi ayaw niya akong hayaang pumasok sa buhay niya."

"That's ridiculous, Danelle." Pinamaywangan siya nito. "I mean, hello? May nangyari na sa inyo, you're dating, sumasama ka sa kanya sa bahay niya and slept with him, and then, ganito lang kayo? No commitment at all? Hiyaan mo lang ang sarili mo na makipaglaro sa apoy. And girl, pasong-paso ka na. Ay hindi, sunog na sunog na!"

"I don't know, Carla. It's just so..." Napalunok siya. "Complicated."

"And you love him?"

Napatingin siya sa kaibigan at bahagyang tumango.

"Oh my gosh! Anastasia Steele! Christian Grey! Anong book na ba 'to? Fifty Shades Darker, I guess."

Napangiwi siya. Sa seryosong usapan ay nagagawa pa rin nitong isingit ang tungkol na naman sa bagay na ito. "It's nothing like it, Carla," aniya. Inirapan niya ang kaibigan.

Napatawa ito. "Marami tayong kailangang pag-usapan na dalawa. Maybe some other time. Kasi sa ngayon, kailangan nating bilisan ang pagluluto dahil marami tayong kailangang pakainin. Ano nga bang lulutuin mo?"

Oo nga pala. Napatingin siya sa mga sangkap na naihanda nila. Napakagat labi siya. Ano nga ba ang lulutuin niya?

"Adobo na lang para mabilis," aniya.

"And what are you going to do with the potatoes?"

Napatawa siya. Hindi naman yata kasi kasama sa ingredients ng adobong manok ang patatas. Nasaan ba kasi ang isip niya? "We're going to fry them," nasabi niya na lang.

"You are crazy." Napailing-iling na lamang si Carla.

Matapos maluto lahat at maihanda ang hapag kainan ay siyang pagdating ng mga bisita.

"Alright, take your seats everyone and let's eat!" Naunang naupo si Carla. "After dinner, magmu-movie trip tayo. I guess may naitago akong magandang DVD. Friends with Benefits nila Justine Timberlake at Milla Kunis."

Pinanlakihan niya ng mga mata si Carla. Pagkuway agad na napatingin kay Dexter na nakatigin rin sa babae. Gulat na gulat ang hetsura ng mukha nito. Nilingon siya nito habang nakakunot ang noo.

Damn you, Carla! Kung minsan ay pahamak rin ang kaibigan niyang ito.