SA MGA SANDALING iyon ay hindi niya alam kung ano ba ang siyang iniisip ni Danelle. Hindi siya makapagsalita at hindi man lang magawang tingnan ito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "What's bothering you, Danelle?"
"Marami," anito. Tiningnan siya nito. "May gusto ka bang sabihin?"
Tiningnan niya ito.
"Kailan mo ba balak sabihin sa akin ang katotohanan na wala ka talagang balak mahalin ako? Kaya hindi mo magawang magmahal ng iba dahil hanggang ngayon, ang dati mo pa ring nobya ang minamahal mo. Ang palagi mong dinadahilan ay hindi ka pa handang magmahal. Pero ang totoo, hanggang sa mga sandaling ito, siya pa rin ang nilalaman ng puso't isipan mo."
Napalunok siya.
"Tama ako 'di ba?"
"Danelle..."
"Just wait," pigil nito sa kanya. "Right now, I just want you to listen to me. Dahil gusto kong malaman mo kung ano ang siyang totoo kong nararamdaman ngayon. Ayaw ko na manahimik na lamang at hayaang ganito na lang palagi ang lahat."
Napapikit siya at napasandal sa upuan.
Si Danelle na naman ang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ilang sandali itong nanahimik. "Pagod na kasi ako, Dexter," sabi nito.
Nakuyom niya ang palad ng marinig ang paghikbi nito. Nagtagis ang mga bagang niya. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ito pero hindi niya maipagkakailang siya ang dahilan kung bakit lumuluha ito ngayon.
"Iyong bang halos ginawa ko na lahat mapansin mo lang at mahalin mo lang, pero lumalabas na balewala lang lahat para sayo. You want me to feel so special, but why? Dahil ba gusto mo lang na manatili ako sa tabi habang ibinabangon mo ang sarili mo sa kalungkutan? Para may tagapakinig ka, o para may umintindi sayo, o para maging parausan lang ng nararamdaman mo?"
"It's not like that, Danelle, " sabi niya na. Hinarap niya ito. "Wala akong sinasabing ganyan."
"Pero iyon ang ipinaparamdam mo sa akin, Dexter. Iyon iyong nararamdaman ko ngayon, ang maging panakip butas lang, ang maging comfort zone mo lang." Napaiyak na ito ng tuluyan. " At pagod na pagod na ako sa papel ko diyan sa buhay mo. Iniisip ko dati na marahil nga may dahilan kung bakit nakilala mo ako. Iyon ay para tulungan kang bumangon at para makalimutan mo ang nakaraan mo. At para pag-aralang harapin ang kasalukuyan na kasama ako. Pero sa tingin ko malaking pagkakamali iyon. Kasi kahit ibuhos ko ang buong effort at pagmamahal ko sayo, lumalabas pa rin ang katotohanan na hindi ko siya kayang palitan diyan sa puso mo.
"Kailangan ko na lang sigurong imulat ang mga mata ko sa katotohanang tama na ang managinip ng gising. I know, it's not me that you want, it's not me that you need. Kung sana sa simula pa lang sinabi mo na sa akin na siya pa rin at walang kahit na sino ang maaring pumalit sa kanya, 'di sana pumrino na ako habang maaga pa."
Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya. "W-What do you want now?" sa halip ay tanong niya. "J-Just tell me. Baka sakaling may magagawa pa ako."
"There's nothing you can do, Dexter. Dahil alam ko na kung ano talaga ako para sayo. I just want my life back. Gusto kong ibalik iyong takbo ng buhay ko noong hindi pa kita nakilala, iyong hindi pa kita naipasok sa puso't isipan ko. Iyong buhay kung saan hindi pa kita natutunang mahalin nang sa ganun ay hindi ko maranasan kung paano masaktan." Pinunasan nito ang mga luha gamit ang mga daliri. Pagkuwa'y tumingin na lamang sa labas ng sasakyan habang wala pa ring tigil sa pag-iyak.
Tahimik na pinaandar niya ang makina ng kotse niya at pinatakbo na. Hindi niya alam ang gagawin sa nga sandaling ito. Iniisip niya na napakasama niyang tao para hayaang pagdaanan ni Danelle ang lahat ng ito. Wala siyang intensiyon na saktan ito.
At napakaduwag niya dahil hindi niya man lang magawang sabihin ang mga kailangang sabihin. Kung kailan nakahanda na siya ay saka naman sumuko si Danelle. At pinili niya ang magpakaduwag.
Hanggang nakarating sila sa pad ay hindi pa rin ito umiimik. Pagbaba niya ng kotse ay hindi na siya nito hinintay pang buksan ang pinto. Kusa itong bumaba.
"Salamat," sabi ni Danelle at humakbang na papasok ng building.
"Danelle, wait!" pigil niya.
Huminto ito sa paglalakad. Humakbang siya papalapit rito. Napatingin siya kay Max at Ariel na nakatayo sa main entrance ng building.
"Ito ba talaga ang gusto mong mangyari? " tanong niya. Nakatayo siya ilang pulgada lamang ang layo sa likuran nito.
Hinarap siya ni Danelle. "Oo, dahil ito ang nararapat gawin."
"Hayaan mo sina Max na bantayan ka hanggang sa mahuli si Aljune. Concern pa rin ako sa kaligtasan mo, Danelle."
"Salamat pero hindi na kailangan na bantayan pa ako ng mga tao mo. I can take care of myself." Humakbang na ito palayo sa kanya.
Ngunit bago pa ito tuluyang makaalis ay nagawa niya itong hawakan sa kamay. "Danelle, please..." Tinitigan niya ito sa mga mata. Para bang pinagpipiga ng husto ang puso niya ng makitang namumugto ng husto ang mga iyon sa kakaiyak.
Hinila ni Danelle ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Just leave me alone, Dexter. I no longer want to see you." Mabilis ang mga hakbang na iniwanan na siya nito. At ng makalampas ito kina Max ay nagtatakang napatingin sa kanya ang pinsan.
Pinasunod ni Max si Ariel kay Danelle. Nilapitan siya agad nito. "What's wrong?" nakakunot noong tanong nito sa kanya.
"May hindi lang pagkakaunawaan," aniya.
"Tungkol kay Amber?"
"Hindi ko alam. Pero sa tingin ko iyon ang dahilan. Malamang nakita nga niya kaming nag-uusap kanina."
"Sinabi niya?"
Umiling siya. "Wala naman siyang nababanggit. Pero iyon ang pakiramdam ko."
"Nagpaliwanag ka naman?"
Bumuntong hininga siya. "She's leaving me," aniya sa mahina at may halong kalungkutang tuno. "Ewan ko, Max. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nagugulohan ako."
"Kung nakatitiyak ka lang sa nararamdaman mo, hindi na siguro aabot sa puntong magugulohan ka. Magpakatotoo ka na lang kasi." Tinapik siya nito sa balikat. "Hindi ko alam ang estorya sa pagitan ninyong dalawa. Pero sa nakikita ko lang, mahal na mahal ka ni Danelle. Nag-iisa lang ang katulad niya, Dexter. Kaya kung ako ikaw, hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahong pag-isipan kung ano ang kailangang gawin kung alam ko naman talaga kung ano ang nararapat gawin.
"Bahagi na ng nakaraan mo si Amber. At ang nakaraan ay hindi na kailangang balik-balikan. Hindi na kasi kailangang pag-aksayahan pa ng panahon ang bagay na tapos na. Ang importante lang ay may natutunan ka. Paano mo makakalimutan ang lahat kung lingon ka ng lingon? Isa pa, Dexter, nasa harap mo na iyong tunay mong kailangan ngayon at sa hinaharap. Kaya huwag mo na siyang papakawalan pa. You're going to regret it for the rest of your life if you let her go this easy. Think about it."
Napakamot siya sa ulo niya. Malamang ay tama si Max. Alam niyang magiging kulang siya sa oras na pakawalan niya si Danelle.
"Sige na, aakyat na ako," sabi nito.
"Salamat, Max. And please, keep an eye on her, will you?"
"No problem."
Pagkapasok si Max sa building ay saka lamang siya sumakay sa kotse niya. At habang nagbibiyahe pauwi ng bahay niya ay hindi mawala sa isip niya ang mga pangyayari sa gabing ito. Lalong-lalo na ang mga binitawang salita sa kanya ni Danelle.
Mahirap rin para sa kanya ang ganito. Ayaw niyang nagtatampo ito sa kanya o nagagalit. At ayaw niyang iniiyakan siya nito. At ang pakiramdam na kagaya nito ay ngayon lamang nagkaroon ng malakas na epekto sa buong pagkatao niya.
Hindi dahil sa hindi siya handang magmahal ay hindi niya na kayang magmahal. Naging hindi lang maganda ang karanasan niyang iyon kay Amber at halos ibunton niya sa buong mundo ang galit at pagkamuhi niya rito. He let his anger and hatred hardened his heart, almost. At sa pag-aakalang wala na siyang makikilala na kayang palambutin muli ang puso niya at imulat ang mga mata niyang hindi pa pala siya bato, ay nagkamali siya.
Maybe he is not yet ready to fall inlove again so deep and true. But maybe this time, magagawa niyang subukan. At nararamdaman niyang sigurado siyang nakahanda siya sa lahat-lahat.
*** *** ***
MABIGAT ANG PAKIRAMDAM. Iyon ang siyang nararamdaman ni Danelle hanggang sa mga sandaling ito na siyang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Hindi pa rin niya magawang huminto sa pag-iyak.
Mabuti na lamang at wala si Carla ngayon. Kapag nakita nito ang hetsura niya at nalaman nito ang lahat, malamang magwawala rin iyon sa sobrang galit.
The pain is just unbearable. Hindi niya lubos akalaing may mas sasakit pa pala sa katotohanang hindi ka kayang mahalin ng taong pinakamamahal mo. And what's happening right now ay siyang nagpapabalik sa mga ala-ala noon kung saan nakikita niyang nagdurusa ang ina niya.
Mahigpit na niyakap niya na lamang ang unan niya at isinubsob ang mukha roon. Nanatili pa rin siya sa damit at sandals niya. Para bang naubusan siya ng lakas at nahihirapan siyang kumilos. Wala siyang ibang hiniling kundi sana maging masaya. Na sana sa oras na magmahal siya ay magagawa siyang mahalin ng tapat at buo ng taong mamahalin niya. Ngunit hindi niya makakamit iyon kay Dexter. Nagkamali siya sa pagpili ng taong mamahalin.
Napalingon siya sa kinaroroonan ng laptop niya ng may incoming call sa Skype niya. Sinasadya niyang iwang naka-online siya palagi para sa mga magulang niya at mga kapatid. Dito niya lang kasi nakikita at nakakausap ang mga ito. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nang makitang ang ina ay agad niyang inayos ang sarili niya.
"Hi!" Pinipilit niyang ngumiti matapos i-accept ang tawag nito. Napasilip siya sa oras. Mag-aala una na pala ng madaling araw.
"Nagising ba kita?"
"Hindi pa ako natutulog, Ma."
"Bakit nga ba gising ka pa at..." Inilapit nito ang mukha sa screen ng laptop nito. "Bakit ganyan ang ayos mo? Saan ka ba galing at napakaganda mo yata, anak!"
Hindi pa pala siya nakapagbihis. "B-Birthday kasi ng ama ni Dexter at nagkaroon ng party sa kanila. Pumunta kami."
"Nakilala mo na ang buong pamilya ni Dexter?"
Tumango siya.
"Really?" Pumalakpak ito. "How was it?"
Ilang sandali siyang hindi nagsalita. At nararamdaman niya ang pag-init ng gilid ng mga mata niya at kasunod ay siyang pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya.
"Danelle, anak, may problema ba?"
Napasinghot siya. "Malaki, Ma," aniya habang humihikbi. "Ang hirap pala talaga kapag nagmamahal ka sa isang taong hindi ka naman kayang mahalin. Ang sakit, Ma. Naging saksi ako sa napagdaanan mo noon kay Papa. Hindi ko lang lubos akalain na pagdaraanan ko rin iyon ngayon."
"Anak..."
Pinunasan niya ang mukha. "Nakakapagod rin pala talaga, 'no? Nakakapagod magpakatanga. Iyong kulang na lang lumuhod ako sa harapan niya at magmakaawang mahalin niya rin ako. Iyong halos makiusap na sana ako na lang. Pero bakit hindi niya ako nakikita?" Naisubsob niya sa nga palad ang mukha.
"Danelle, anak, hindi natin kayang diktahan ang puso. At hindi natin ito napipilit kung sino ang gugustohin niya. Anak, ayaw ko na nakikita kang nahihirapan ng ganyan." Napaluha na rin ang inang si Dania.
"Hindi ko lang naihanda ang sarili ko, Ma."
"Anak, baka pwede kang dumito muna sa akin panandalian. Para naman mapag-usapan natin ng maayos ang tungkol dito. Alam ko na malaki ang siyang pagkukulang ko bilang ina pero nandito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita, Danelle. Hindi ako mapakali ngayong nagkakaganyan ka."
Pansamantalang nag-isip siya.
"Think about it, anak. Makakabuti para sayo ang lumayo muna diyan pansamantala. Besides, nandito ang mga kapatid mo. Gusto ka na rin nilang makita."
"I-I'll think about it."
"Just give me a call then."
"I will. Thanks, Ma."
"I love you."
"I love you, too."
Matapos ang usapang iyon ay pabagsak na nahiga siya sa kama. Inabot niya ang unan at tinakpan ang mukha. Wala na bang mas lalala pa dito?
Pag-iisipan niya ang sinabi ng ina. Marahil ay tama ito. Siguro lalayo na muna siya pansamantala.
*** *** ***
ALAM NIYANG HINDI siya haharapin ni Danelle. Gustong-gusto niya itong tawagan ito kaya lang may kutob siyang babalewalain lamang nito ang mga tawag niya. At wala siyang magagawa kundi ang hayaan na lang muna ito.
Mag-iisang linggo na rin ang nakalipas at ganito lamang sila. Nagkikita sa trabaho ngunit hindi nagpapansinan. Ilang beses niya na ring gustong lapitan ito ngunit palagi lamang siya nitong iniiwasan. Kung gusto nito na dumistansiya muna sa kanya, hindi niya ito pipigilan.
He needs time as well. Panahong mag-isip at panahon tiyakin ang sarili niya. Ngunit mahirap para sa kanya ang ganito lalo na at nasanay na siyang kasama at kausap si Danelle.
Ngunit hindi maiwasang maapektohan ang trabaho niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Natatapos na ang araw at hindi niya pa matapos-tapos ang trabahong mag-iisang linggo na ring nakatambay sa working table niya.
Kailangan ko siyang makausap. Kinuha niya ang cellphone niya at agad itong tinawagan. Hindi nito agad sinagot ang unang tawag niya. Sinubukan niyang muli at nagawa na nitong sagotin ang tawag niya.
"Yes?"
"H-Hi," at parang nauutal pa siya. "Busy ka ba?"
"Medyo. Why?"
Napabuntong hininga siya. "Can we talk?"
"Nag-uusap na tayo ngayon, Mr. Lenares. What do you want?"
"Can we talk about everything over lunch? Marami kasi akong kailangang sabihin sayo."
"Today?"
Napangiti siya. Mukhang papayag ito. "Yes."
"Oh, I'm sorry kaya lang may appointment ako."
Kumunot ang noo niya. "Appointment para saan?"
"I am going to meet someone. We are going to have lunch together."
Nagtagis ang mga bagang niya. Nakuyom niya ang palad. "So, you're going out? "
"Obviously, yes."
"Hindi ka lalabas ng opisina, Danelle," nag-uutos na sabi niya. "Alam mo na delikado para sayo ang manatili sa labas lalo na at malayo ka sa proteksiyon ko."
"It's no longer part of your business, Dexter," sabi nito at tila ba hinahamon siya.
"Hindi ka lalabas, whether you like it or not!" Nag-iinit na ang mukha niya sa galit.
"I can take care of myself."
Damn it, Danelle! Naiinis na inihagis niya sa ibabaw ng working table ang cellphone niya. Pinutol nito ang tawag niya. Hindi niya maiwasang mabahala ng husto para rito. At kanino naman siya makikipagkita? Sino ba ito at kahit alam niyang delikado sa labas ay napakakursunada?
Naihilamos niya ang palad sa mukha. Napatingin siya sa pinto ng may kumatok.
"Pasok!" sigaw niya.
Bumukas iyon at pumasok si Alexa. "Sir, pinapatawag po kayo ng ama ninyo sa opisina niya ngayon din."
"Bakit daw?"
"Wala pong nabanggit pero importante daw."
Napabuntong hininga siya. "I'll be there."
Umalis na si Alexa.
Napasilip siya sa orasan. Pasado alas onse na. Sana lang huwag siyang matatagalan sa opisina ng ama para magawa niyang pigilan si Danelle sa pag-alis nito. Nagawa niyang padalhan ng mensahe si Max bago siya umalis ng opisina niya.
Watch over, Danelle. She's going out for lunch. Thanks.
Hindi niya na hinintay ang reply nito at umalis na siya. Habang nasa elevator paakyat sa 7th Floor kung saan ang opisina ng ama ay si Danelle pa rin ang inaalala niya. Bago pa man siya nakarating ay natanggap niya ang mensahe ni Max.
NP. 24/7.
Makakahinga na siya ng maluwag. Alam niyang maaasahan niya ang pinsan.
At ang buong akala niya ay magtatagal lamang ng kinse minutos ang pag-uusap nila ng ama. Hindi niya lubos akalaing iisa-isahin nito ang mga proyektong hindi niya pa natatapos. Sumasakit na ang ulo niya. Panay ang tingin niya sa relos niya. Alas onse trenta na. Alam niyang importante itong pinag-uusapan nila ng ama ngunit hindi maiwasang mawala siya sa konsentrasyon.
"Looks like you are going to disappoint me this time, Dexter."
Agad siyang napatingin rito.
"Dumadami na ang reklamo na natatagalan tayo sa pagkilos. Kung wala ang mga papeles, hindi tayo makakapagtrabaho. So, ano sa tingin mo ang nararapat gawin?"
Napabuntong hininga siya.
"Sabihin mo lang kung hindi mo na kayang panghawakan ang trabaho mo. Magagawan ko pa iyan ng paraan."
"I can do this, Sir," aniya. "I promise. Bago matapos ang buwan na ito ay matatapos ko na lahat."
Napanganga si Wilfredo. Mukhang nagdadalawang isip ito kung pagkakatiwalaan ba siya nito o hindi. But of course, he is a man of his words at alam ng lahat na wala siyang hindi kayang gawin. Siya iyon tipo ng tao na hindi nangangailangan ng malakas na propesyon. Hindi siya engineer kagaya ng ama at ng mga kapatid at hindi rin siya architect katulad ibang kamag-anak nila. Isa lamang siyang simpleng Dexter Lenares na kayang gawin ang lahat.
"We'll see about that," nasabi na lamang nito.
Tumayo na siya. Muli ay napasilip siya sa relos niya.
"Kanina ko pa napapansin iyang pagtingin mo sa relos mo. Ano ba ang problema?"
"I have to go now," aniya at tumungo na ng pinto.
"What's going on with you, Dexter? May bumabagabag sayo kaya hindi mo nagagawa ng maayos ang trabaho mo."
Nilingon niya ito. "May problema lang kami ni Danelle, Pa," pagtatapat niya. "Kailangan ko siyang makausap agad."
"Aba'y bakit hindi mo sinabi agad? Go and talk to her."
Napakibit balikat na lamang siya at lumabas na ng opisina. Nagmamadaling tumungo siyang elevator. Nang bumukas iyon ay marami ang siyang nakasakay. Binati siya ng mga empleyado.
"Makikisingit lang ng kunti," aniya at nakisiksikan na sa loob. Pinindot niya ang ground floor. Dederetso na siya sa Marketing Department.
Habang pababa ay nagtext sa kanya si Max.
May problema tayo. I'm outside.
Lihim niyang nakuyom ang palad. Paglapag ng elevator sa ground floor at sa pagbukas ng pinto ay lakad takbong lumabas siya ng building. Nakita niya si Danelle at Max na nag-uusap. Hindi niya agad nilapitan ang dalawa at nanatili lamang nakatayo sa main entrance ng kompanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita niyang tumango si Max. Umalis si Danelle at tumawid ng kalsada patungo sa isang kotseng nakaparada sa mismong harapan nila. Kunot noong napatingin siya sa lalakeng nasa labas ng sasakyan. Nang makalapit si Danelle rito ay niyakap ito ng dalaga.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nakuyom na lamang ang palad. Napatigin na lamang siya kay Danelle ng sumakay ito sa kotse. Hinintay niyang makaalis na ang mga ito saka niya lamang nilapitan si Max.
"Nakiusap siya na hayaan ko na muna siya kahit ngayon lang," pangunguna na ni Max sa kanya. "Pero humingi ako sa kanya ng kondisyon. Ipapaalam niya agad sa akin kung sakaling may mapapansin siyang panganib sa paligid niya."
Isinuksok siya sa magkabilang bulsa ng trouser niya ang mga kamay. "Who's the guy?"
"Dexter, trabaho ko ang bantayan lamang si Danelle at siguradohin ang kaligtasan niya. Not to invade her personal life."
Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi maalis sa isipan niya ang pagyayakapan ng mga ito. Sino ba ang lalakeng iyon sa buhay ni Danelle?
"Don't worry. Maging ako man ang hindi mapakali na wala sa tabi ni Danelle. Lihim ko siyang pinasundan kay Ariel para na rin makasiguro."
"Good," sabi niya lang.
"At siya nga pala. Bago ko tuluyang makalimutan. May natanggap kaming report galing sa pulisya rito sa San Ferrer. May nakakita raw kay Aljune na pagala-gala sa sentro ng bayan."
Gumulat sa kanya ang balitang iyon at mas nagpadagdag ng pagkabahala sa kanya.
"Ini-interview pa rin nila hanggang ngayon iyong nakakita para masigurong si Aljune nga ba. Gumagawa na rin sila ng sketch. At kapag positibo ang resulta, ipapaalam agad nila sa atin. Kailangang doble ingat tayo ngayon. Baka hindi natin namamalayan, nasa likuran lang pala natin si Aljune."
Pagkabalik niya sa opisina niya ay agad na tinawagan niya si Danelle. Ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Kahit alam niyang pinasundan ito ni Max ay hindi niya maiwasang kabahan pa rin. Mas panatag ang loob niya kapag nakikita niya ito at nakakasama.
Kapag may nangyari sayo, Danelle, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Pinakiusapan niya si Max na ipaalam sa kanya ang report mula kay Ariel sa pagmumonitor kay Danelle. Kahit sa paraang ito ay may alam siya sa kung ano na ba ang nangyayari sa dalaga.
Habang hinihintay ang pagbabalik nito sa opisina ay minabuti niyang ipagpatuloy na lang muna ang pagtatrabaho. Kakausapin niya ito mamaya.
*** *** ***
ANG BIGLAANG PAGDATING sa bayan ng kapatid niyang si Rexel ay sobrang ikinatuwa niya. Maraming taon na rin kasing hindi sila nagkikita. Ang buong akala niya rin ay hindi ito matutuloy. Kaya laking gulat niya na lamang ng tawagan siya nito para ipaalam na nasa San Ferrer ito at gusto siyang makita.
Hindi maiwasang maisip niya ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa ni Dexter kahit sa mga sandaling ito. Mahirap pero Kailangan niya na kunang pagtiisan. Ang pag-iwas niya rito ay siyang mainam na paraan para kahit papaano ay matutunan niya itong makalimutan.
Just maybe.
"So, tell me about it," sabi ni kapatid.
Nagtaas siya ng ulo at tiningnan si Rexel. "Tell you about what?"
Kumuha ng tissue si Rexel at pinunasan ang bibig. "Nabanggit ni Papa na may pinoproblema ka raw ngayon. Sinabi sa kanya ni Tita Dania."
Napangiwi siya. Itinabi niya ang tinidor. Kinuha ang baso ng tubig at uminom. Kukunti lang ang nakain niya pero mukhang nabusog na siya. O sadya lang wala siyang ganang kumain ngayon.
"Kahit kailan hindi mapagkakatiwalaan si Mama," nasabi niya.
"Danelle, magkakapamilya parin tayo. May concern si Papa sayo bilang anak niya. Gusto niya ring malaman ang kalagayan mo habang nandito ka. Hindi mo siya kinakausap kaya walang ibang paraan kundi ang alamin ang lahat mula sa Mama mo."
Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya sa ama niya. Ilang beses rin siya nitong tinatawagan ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito sa kanya.
"Look, huwag mong iisiping hindi ka mahal ni Papa. Anak ka pa rin niya at ama mo siya. Hindi magbabago iyon. Mahal na mahal ka ng Papa, Danelle. Alam mo bang halos hindi na makatulog sa sobrang excitement iyon noong graduation day mo? Kasi sabik na sabik siyang makita kang muli."
Nabanggit nga iyon sa kanya ng ama. Noon araw na iyon ay nagawa nilang mag-usap. Humingi ito ng kapatawaran matapos ipaliwanag ang lahat. Madaling magpatawad ngunit sadyang mahirap makalimot.
"Naiintindihan naman kita kahit papaano. Maging ako man nagalit sa kanya noong panahong iniwan niya kami ni Mama para magpakasal sa iba. Hindi naging madali para sa akin iyon, Danelle. Pero naisip ko na hindi magandang magtanim ng galit sa sariling ama. Nakita ko naman ang pagmamahal niya sa akin kaya minabuti kong tanggapin na lamang ang katotohanang nahahati ang oras at panahon niya."
"Iba ang sitwasyon mo, Kuya. Eh, ikaw, nakita mo na nagkaroon ng happy ending ang pamilya niyo. Ako, walang-wala. Ang masaklap pa, naiwan akong mag-isa."
"You are not alone, Danelle. Alam mo na nandito kaming lahat para sayo. And please, makipag-ayos kana kay Papa."
Bumuntong hininga siya. "I will," aniya. Panahon na nga siguro para kalimutan ang kailangang kalimutan sa nakaraan niya sa pamilya niya.
"Alam mo bang panay kakatext sa akin. Pinapaalala niyang huwag ko raw'ng kakalimutan ang pagdalaw sayo rito."
Napangiti na lamang siya.
"Bumalik tayo sayo. Ano ba kasi ang ginawa sayo ng lalakeng iyon at nasa kritikal na kondisyon ka ngayon?"
Bahagya siyang natawa. "Halata bang kritikal, Kuya?"
"Ilang beses mo bang nakita ang sarili mo sa salamin, Danelle? I'm sorry to say but you look horrible. Hindi ka yata nakakatulog ng maayos at hindi kumakain ng tama."
Natigilan siya.
"Iyak ka ba ng iyak? Namumugto iyang mga mata mo. You are not fine."
"I'll be fine, " nasabi niya. "Hindi ko lang naihanda ang sarili ko sa mga posibilidad kaya medyo nahihirapan ako sa pagbawi."
"What happened, Danelle?"
"Nagmahal ako sa maling lalake, Kuya," saad niya.
Magkasalubong ang mga kilay na napatitig sa kanya si Rexel. "What do you mean sa salitang mali? Bakla ba ang lalakeng iyon? "
Natatawang umiling-iling siya. "Of course not, Kuya. Wala akong sinabing mali ang pagkalalake niya."
"Ano nga ang problema mo sa kanya?"
"Hindi niya lang ako kayang mahalin." Napayuko siya. Ngunit paglipas ng isang segundo ay muling tiningnan si Rexel.
Sumandal ito sa sandalan ng inuupuan. "Why? You're perfect, Danelle. Ano pa ba ang hinahanap niya?"
"Hindi niya pa kasi nakakalimutan iyong fiance niya. Hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito."
Kumunot ang noo nito.
"Iniwanan na nga siya nito ilang taon na ang nakakaraan. Pero hindi niya pa rin ito magawang kalimutan. Umaasa siya na babalikan siya nito. At oo nga, muli ngang nagbalik ang babaeng iyon at humihingi ng second chance. And I guess, mangyayari iyon."
"Hey!" Hinawakan siya agad ni Rexel sa kamay ng akmang luluha siya. "It's alright, Danelle."
Nagtagis siya ng bagang at pinilit huwag mapaiyak. "Ang sakit lang kasi, Kuya," aniya. "Mahal na mahal ko na kasi siya."
"Danelle, life is definitely unfair. At hindi sa lahat ng oras nasa favor natin ang pagkakataon. Everything will be fine soon."
"I just hope, Kuya."
"Listen to me, you need time for yourself, okay? Time to think and to decide sa kung ano ang mas makabubuting gawin. Mas mabuti pa sigurong magbakasyon ka panandalian. Pumunta ka sa lugar na malayo rito para makahanap ka ng peace of mind, Danelle."
Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung pupuntahan niya ba ito o hindi. Ngunit parehong may punto ang ina at si Rexel.
Kung mananatili siya sa lugar kung saan bawat sulok ay magbibigay sa kanya ng mga ala-ala nila ni Dexter ay mahihirapan siyang maka-move on. Siguro kapag lumayo na muna siya ay magiging madali para sa kanya ang lumimot.
"J-Just maybe," aniya. "Papayag ako sa gusto ni Mama. Pupunta akong America."
"Much better."
Hindi na sila nagtagal pa ni Rexel. Kailangan niya ng bumalik ng opisina dahil kailangan niya pang maghanda para sa isang conference ngayong hapon.
Paglabas nila ng restaurant ay bigla siyang kinabahan. Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanila. Lumingon-lingon siya upang makasiguro. Wala pa naman siyang bantay ngayon. Bigla niyang naisip si Aljune.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Max. Kapag may nararamdaman siyang paparating na panganib ay ipaalam niya agad rito.
Hindi naman siguro ako susugurin ni Aljune kung nandito nga siya.
"What's wrong?" Napansin no Rexel na hindi siya mapakali.
"W-Wala, Kuya. Let's go."
Dumeretso na sila sa Lenares Group Inc. Pagdating nila ni Rexel ay nakita niya si Max na nakatayo sa labas ng building.
"Sino nga pala iyan?" Ininguso ni Rexel si Max. "Astig ng porma."
"Bodyguard ko, Kuya." Tinanggal niya ang seatbelt.
"Seriously? " Gulat na gulat ito.
"Mahabang kwento." Hinalikan niya na ito sa pisngi. "Thanks sa lunch. Kailan nga pala alis mo?"
"Sa makalawa na siguro."
"Let me know kung nakaalis kana." Binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba na.
"Danelle!" tawag ni Rexel sa kanya.
Sumilip siya ng bintana.
"Everything will be alright," sabi nito. "It takes time to heal a wounded heart pero naniniwala ako na makakaya mo na lampasan ang lahat ng ito."
Ngumiti lamang siya. "Thank you."
"Take care."
"You, too."
Pagkaalis nito ay saka lamang niya nilapitan si Max.
"Hi," bati nito sa kanya. "Kumusta?"
"Mabuti naman," aniya rito. "Salamat."
"So, everything's alright out there?" Gusto lamang nitong makasiguro.
"Yes, Max." Ngumiti siya. "Papasok na ako."
Pagkapasok niya sa building ay mabilis ang hakbang na pumasok siya sa department. Napasilip siya sa relos niya. Alas dose trenta pa lamang. Maaga pa pala.