Chereads / Tanging Ikaw Lamang / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

SA HALOS TATLONG araw niyang pamamalagi sa ospital ay nakauwi na rin si Danelle. Maayos na ang lahat sa kanya at pupwedeng sa bahay na siya tuluyang magpagaling. Pero sa pag-aakalang sa pad nila ni Carla siya uuwi ay nagkamali siya. Sa condo-unit ni Dexter siya nito dinala.

At wala siyang magawa. Ang gusto lamang nito ay masiguro ang kalagayan niya. At gusto nitong asikasuhin at bantayan siya.

Sa ikalawang araw niya sa ospital ay dumating ang mga magulang at ang Lola niya. Laking tuwa niya ng makita ang mga ito. At kahapon lang ay umalis na ang ina at ama, ganoon na rin ang Lola niya.

Nagising siya ng makaramdam ng pagkauhaw. Dahan-dahan ay bumangon siya ay bumaba ng kama. Napatingin siya sa orasan. Alas siete na ng gabi. Halos limang oras rin ang tulog niya.

Agad niyang hinanap si Dexter. Sa paglabas niya ng kwarto nito ay agad siyang tumungong kusina para kumuha ng maiinom. Napadaan siyang living room pero wala ito roon. Pagbukas niya ng ref ay kumuha siya ng isang bottled water. Binuksan niya iyon at agad na uminom.

"Saan ba nagpunta ang loko?" Hindi naman siguro ito lumabas ng bahay.

Dala-dala ang tubig ay lumabas na siya ng kusina. Napahinto siyang hagdanan. Malamang nasa library ito ay may ginagawa. Papaakyat na sana siya ng may marinig sa ingay sa ibaba. Nanggagaling iyon sa music room nito.

"What is he doing there?" Sa pagkakaalam niya, sa lahat ng sulok ng bahay nito, ang music room nito ay ayaw nitong pinupuntahan.

Curious, tumungo siya sa silid na iyon upang alamin ang ginagawa nito. Nakabukas ng bahagya ang pinto. Dahan-dahan niyang itinulak iyon tamang-tama lang upang makadaan siya. Hindi nito alam na nandirito siya dahil nakatalikod ito sa pintuan, nakaupo sa high chair at abala sa pagkaskas ng accoustic guitar nito.

He's playing at ito ang unang beses na nakita niya itong tumutugtog. Napangiti siya ng malaman ang tinutugtog nito. One of Six Part Invention's greatest hits.

Hindi na siya nakatiis pa kaya nilapitan niya na ito. Bahagya niyang tinapik ito sa balikat para lang malaman nitong naririto siya. Ngumiti si Dexter habang patuloy parin sa pagkaskas ng gitara.

Dahan-dahan, umupo siya sa upuang nasa harapan ng piano paharap rito. Nakangiting pinagmasdan niya ito. This man is a one hundred percent turn on. Hindi niya alam kung ano ba ang mga pinagkagagawa nito sa kanya para mahulog siya ng husto rito.

Itinigil ni Dexter ang ginagawa. Niyakap nito ang gitara at tiningnan siya.

"Bakit ka huminto?" nagtatakang tanong niya.

"You distracted me," seryosong sabi nito.

"Oh, so I'm a distraction now."

Ngumiti ito sa kanya. "The biggest."

"You want me to leave?"

"No." Tiningnan siya ng deretso nito sa mga mata. "I always want you to stay."

Napakibit balikat siya. "Magandang kanta iyon," sabi niya.

"Alam mo?"

"Of course. Isa sa pinakagusto kong kantahin ay ang mga kanta ng Six Part Invention. Their songs are so inspiring."

Umayos ito. "Alright, then hear this out."

Nagsimula itong muli sa pagtugtog. At kung hindi man siya nagkakamali, sasabayan nito ng kanta iyon.

I lie awake

Thinking of the days gone by

Wishing that

You're still here with me, baby

I was wrong, now you're gone

Please hear this heart of mine

Hear me calling

Naisipan niyang sabayan ito. Umikot siya sa pagkakaupo niya upang tugtugin ang piano. At sa paghatak nito sa koros ng kanta, doon siya sumabay ng tugtog.

Whenever you're around me

I feel different in your arms

With the way you touch me

I feel the love that last a lifetime

Your love so true

And I never knew

That it's you I need

All this time

He has such an amazing voice. Hindi niya inaasahan ito. At sa tinagal-tagal ng panahon na itinigil nito ang pagmamahal sa musika ay parang nagiging komportable ulit ito.

Naging flash back tuloy sa kanya ang lahat. Ang unang araw na nagkita sila at nagkakilala, ang unang date nila, ang pagbibigay niya ng tiwala rito tungkol sa naging problema niya sa pamilya niya, ang mga surpresa nito sa kanya, first kiss nila, hanggang sa mga kaganapang nangyari nitong nagdaang araw lang.

See these tears

That keep falling from my eyes

Wishing that

I'd never let you go, my baby

Take this heart

Feel me with your love

Please hear these words of mine

Hear me calling

Whenever you're around me

I feel different in your arms

With the way you touch me

I feel the love that last a lifetime

Your love so true

And I never knew

That it's you I need

All this time

Hindi lang siya makapaniwala na sa mga sandaling ito ay nanatili si Dexter sa kanya. Pinaparamdam nito sa kanya ang kahalagahan niya. At maging ang kasiguradohan na hanggat nandirito ito sa tabi niya, poprotektahan siya nito.

Your love so true

And I never knew

That it's you I need

All this time

Napabuntong hininga siya. Bumaba si Dexter mula sa pagkakaupo sa high chair at lumipat ito sa tabi niya.

Nilingon niya agad ito. "It's my turn to ask," aniya. "To whom you dedicate that song?"

Ningitian siya nito.

"Don't just smile at me. I'm serious."

Sumeryoso na ito.

"I love the song pero hindi ako sigurado kung para nga ba sa akin iyon." Napakagat labi siya. "S-Si Amber pa rin ba?" tanong niya. "K-Kasi kung hanggang ngayon siya pa rin, m-maiintindihan ko naman. Hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi talaga ako kayang mahalin."

"I really can't believe you." Pinaikot nito ang mga mata. "Come to think about all that happened, Danelle? Sa tingin mo ba, gagawin ko ang lahat ng iyon kung hindi kita mahal? Sa tingin mo ba, mananatili ako ngayon sa tabi mo, dito mismo sa harapan mo kung wala akong nararamdaman para sayo? Kung si Amber pa rin, kagaya ng sinasabi mo, sana nandoon ako sa kanya at dinadamayan siya sa mga sandaling ito. At kung wala nga akong nararamdaman para sayo, sasabihin ko. Pero kailan mo ba narinig na sinabi ko na hindi kita mahal o hindi kita gusto? Ang sabi ko lang sayo noon, hindi pa ako handang magmahal muli pero hindi ibig sabihin nun' ay hindi kita kayang mahalin."

Napayuko siya. Kung minsan inuunahan siya ng isip niya.

"I've been playing that song simula noong araw na nagkasira tayo. Buong akala ko wala ng pag-asa na maibalik sa dati ang lahat. Marami akong pinagsisisihan. At isa na doon ang hindi ko pagbibigay halaga sa nararamdaman ko para sayo. I even thought everything will going to be just fine. Pero nagkamali ako.

"Iisipin ko pa lang na nilalayuan mo ako ay para bang nagkaroon ng malaking kakulangan sa buhay ko. Ayaw kong dumaan ang mga araw na wala ka. I just can't. From the moment I saw you, alam ko, may magandang maidudulot ka sa buhay ko. At ito na iyon, Danelle."

"Y-You can't even say you love me," malungkot niyang sabi.

"Who said I can't?" Kumunot ang noo nito.

"I-Iyong tinanong ka ni Amber kung mahal mo ba ako."

"Dahil kapag sinabi ko sa kanya baka tuluyan kang mapahamak. Sa ganoong sitwasyon, I don't want to blow my cover. Pinipilit kong pakalmahin siya at ang sitwasyon ng mga sandaling iyon. Nakita mo naman siguro ang galit niya. Listen to me, Danelle."

Hinarap nila ang isa't isa.

"Alam mo na handa kong gawin ang lahat para sayo. I can travel the seven seas for you. Kahit umakyat ako sa pinakamataas na bundok para sayo, gagawin ko. Sisirin ko man ang pinakamalalim na dagat para patunayan sayo kung gaano kita kamahal, I would. At kahit--"

"Sungkitin ang mga bituin?" putol niya sa mga sasabihin pa nito.

Natawa silang pareho.

"That, too. I guess," sabi nito. "But seriously, para sayo walang imposible, Danelle. All this time, naging bulag ako sa katotohanan na siguro hindi ko na magagawa pa ang magmahal. Pero tama ka, may dahilan kung bakit tayo pinagtagpo. May rason kung bakit natin nakilala ang isa't isa. Alam ko na palagi mong sinasabi sa akin na mahal mo ako. And I'm sorry kung may pagkakataon na parang nababalewala ko iyon. Gusto ko lang na maging sigurado ka na tama bang ako ang mahalin mo. At gusto ko ring masiguro kung ano ba talaga ang siyang nararamdaman ko para sayo.

"I wasted so much time para malaman na ang dahilan kung bakit ayaw kong malayo ka sa akin ay minamahal na kita. At saka ko lang naisip na mahirap pala kapag wala ka ng mga sandaling tinalikuran mo na ako. I can't imagine what my life would be without you, Danelle. I swear to God, ikamamatay ko. Kung hindi ko man nagawang tapusin ang buhay ko sa pag-iwan sa akin ni Amber noon, maybe this time, maitutuloy ko dahil sayo."

Napatitig siya ng husto sa mga mata nito. "B-But Amber---"

"Shhh..." Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. "Forget about her. Kung nakikita mo man akong nag-aalala sa kanya iyon ay sa kadahilanang alam ko pa rin kung paano maawa. At patunay lang iyon na hindi pa bato ang puso ko at ang buong pagkatao ko."

Napakibit balikat siya. Pagkuway ngumiti. "No more Amber?"

"No more." Itinuko nito ang mga siko sa paa. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bahagi na lamang siya ng nakaraan ko."

"I just want to make sure."

Napatingin ito sa kanya. "Sure about what?"

"Na akin kana talaga."

"I'm all yours, angel."

"Good."

At least alam niyang mapapanatag na ang loob niya.

"Pero gusto ko rin na nakikitang nagseselos ka," sabi pa nito.

"Ah, so, dahil selosa ako gagawa at gagawa ka ng paraang pagselosin ako, ganun' ba?"

Napatawa si Dexter. At pagkatapos nun', naramdaman niya na lang bigla ang pagtitig nito sa kanya. Kunot noong tiningnan niya ito.

"Don't you know it's rude to stare at people? " sabi niya.

"I know," anito. "But I find it difficult to take my eyes off of you. You are amazing. Don't you know that?"

Napayuko siya.

"I love you."

Natigilan siya ng ilang segundo. Pakiramdam niya ay um-echo sa pandinig niya ang mga katagang iyon. Naluluhang tiningnan niya muli ito.

Hinawakan ni Dexter ang mga kamay niya. Isa-isa iyong hinalikan. Pagkuway nagtaas ito ng mukha upang matingnan siya.

"A-Ano ang sinabi mo?" Narinig niya. Pero gusto niyang marinig ulit mula rito.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niyang nasa mukha niya. "I love you," pagbigkas muli nito. "Alam na alam ko na mahal kita, Danelle. It's you that I want. It's you that I need. Nothing else in this world that matters to me now, just you. I want you and I need you more than I could ever imagine. It's with you I want to spend the rest of my life."

"Dexter?" Napaawang ang mga labing napatitig siya ng makita ang pagpatak ng mga luha nito. Hindi siya makapaniwalang umiiyak ang lalakeng ito. Iniiyakan siya ng lalakeng ito!

Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. "Why are you crying?"

"Porke ba't lalake, bawal umiyak?"

Napahagikhik siya.

"Kinakantiyawan mo ba ako, ha, Miss Salvan? " Nag-iba ang reaksiyon nito sa mukha.

Pinaikot niya ang mga mata. "Mukha ba akong nangangantiyaw? Nagulat lang ako ng makitang umiiyak ka. That's all."

Napangiwi ito. "Panira ka ng moment," naiinis na sabi nito sa kanya. "Seryoso na nga ako."

"Hey! What is wrong with you?" Kahit nakaupo siya ay nagawa niya pa ring pamaywangan ito.

Napabuntong hininga ito. "Nothing." Tumayo na ito.

Nagtatakang nasundan niya ito ng tingin. Such temper! Napailing-iling siya at dahan-dahan na tumayo na rin. "Where are you going?"

"Matutulog na lang siguro," sabi nito at humakbang na patungong pintuan.

"Sandali nga!" Paika-ikang nilapitan niya ito. "Ano ba ang problema?"

Nilingon siya nito. Isinuksok nito ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng jogging pants na suot. "You really want to spoil everything right now?"

"May nasabi ba akong masama? Mali ba na magreact ako ng ganoon?"

"Para kasing ayaw mo pa rin akong paniwalaan. Hanggang ngayon ba ay nagdududa ka pa rin?"

Umiling-iling siya. "Naniniwala na nga, eh. Lalo pa at nakita kong lumuluha ka." Ningitian niya ito. "Hindi mo na ka---" Napangiwi siya ng maramdaman ang biglaang pagkirot ng sugat niya.

Natatarantang nilapitan siya nito. "What?"

"N-Nothing."

Bahagya nitong itinaas ang spaghetti strap na suot niya. Tamang-tama lang upang makita nito ang nakabenda niyang sugat sa tiyan.

"You're okay," anito. Wala namang nakikita itong kailangang ikabahala kagaya ng biglaang pagdurugo. Tiningnan siya nito. "Let's go."

"Where?"

"Pagpahinga na tayo."

Hinawakan nito ang kamay niya. Lumabas na sila ng silid.

"And oh," sabi pa nito. "Bago ko makalimutan."

"What?"

May dinukot ito sa bulsa nito. Nanlaki ang mga matang napatingin siya sa maliit na kahon na hawak nito.

"Ayaw ko ng idaan pa sa pagdadrama ang lahat at baka kantiyawan mo na naman ako. Pero just this once, maging seryoso tayo." Lumuhod ito sa harapan niya at binuksan ang kahon.

Natakpan niya ang bibig at napaiyak ng makita ang singsing na laman nun'.

"Ikaw lang ang gusto ko at wala na akong hahanapin pa. Marry me, Danelle."

"D-Dexter..."

"Hindi pangalan ko ang gusto kong marinig mula sayo."

"I know but..." Napatitig siya rito.

Sadness suddenly draws to his face. "A-Ayaw mo?"

"O-Of course not! I mean..." Napapikit siya sabay buntong hininga.

"Danelle..."

Iminulat niya ang mga mata. "After all we've been through, sa tingin mo ba, hahayaan kong pakawalan ka na lang?" Napaluha na siya. "You know how much I love you, Dexter. And yes, it's with you I want to spend the rest of my life, too." Pagkuway inabot ang kanang kamay upang maisuot nito ang singsing sa daliri niya.

"Is it a yes?" Abot tenga ang ngiti nito.

"Yes na yes na super yes!"

Matapos isuot nito ang singsing sa daliri niya ay tumayo na ito. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Salamat dahil mo ako nagawang iwan," sabi nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Alam mong hindi ko magagawa iyan."

Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. Dinampian siya nito ng halik sa noo. Pagkatapos ay dinampian siya ng isa pang halik sa tungki ng ilong niya. Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. Now, their looking at each other eyes to eyes.

"I love you, Daniella Elleiza Salvan, " sambit nito.

Iniyakap niya ang mga kamay sa beywang nito. "I love you, too, Dexter Lenares."

Napapikit na lamang siya ng angkinin nito ang mga labi niya.

No pain, no gain sabi nga nila. At sa lahat ng napagdaanan niya, alam niyang may magandang naghihintay sa kanya. At ito na nga iyon. Ang mahalin siya ng lalakeng pinakamamahal niya.

WAKAS