Chereads / Tanging Ikaw Lamang / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

"WE ARE FROM Lenares Secret Service Agency. May gusto lang sana kaming tingnan sa CCTV recordings ninyo sa mismong araw na ito." Matapos ipakita sa head of security staff ng San Ferrer Airport ang patunay sa katauhan ni Max ay hindi nagdalawang isip ang lalake na papasokin sila.

Kasama nila sina Ariel at Jacob ng nga sandaling ito. Halos masiraan ng ulo si Dexter ng hindi makita si Danelle pagdating nila ni Max. Nakuha na rin nila ang bagahe nito na pinanghahawakan ng airport staff ng makita ng mga ito iyon sa labas ng airport. Malakas ang kutob nila, may nangyaring hindi maganda rito.

"Dexter, come and see this."

Agad siyang lumapit at tiningnan ang itinuturo ni Max sa monitor. Nakuyom niya ang palad ng makita ang nangyari.

"Damn!" aniya sabay hampas ng palad sa mesa. Nagtagis ang bagang niya sa galit ng makilala niya agad si Aljune na lumapit kay Danelle. Galit na binalingan niya ang head of security ng airport. "Ano'ng security meron kayo at hindi niyo man lang nalalaman kung ano ang mga nangyayari rito?"

"Sir, sa dinami rami ng taong pumapasok at lumalabas rito araw-araw, hindi na namin mabibigyan pa ng panahong isa-isahin sila para alamin ang mga mudos nila. Naiintindihan namin kayo. At huwag kayong mag-alala, tutulungan namin kayo. Ipapakalat namin sa media ang footage na ito."

Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya. Hindi sila nagkaroon ng kumpiyansa. Hindi nila napaghandaan ang mga posibilidad. Kung sana naging maaga silang dumating, hindi na sana nangyari ito at nagkaroon pa sila ng pagkakataong mahuli si Aljune.

Napatingin siyang muli sa video. Nakita niya kung gaano kaingat sa mga kilos niya si Aljune. "Wait!" Nilapitan niya ang lalakeng nag-ooperate. Inagaw niya ang mouse na hawak nito. Inihinto niya ang takbo ng video sa bandang pagsakay ng mga ito sa taxi.

"What is it?" tanong ni Max.

"Trace this taxi's plate number at ipahanap ang driver nito," sabi niya kay Max. "Malamang alam niya kung saan dinala ni Aljune si Danelle. And do it now."

Senenyasan ni Max si Ariel. Agad naman itong kumilos at sinunod ang sinabi niya.

Agad na ipinakalat ang CCTV footage na iyon sa media ng mismong araw rin na iyon. Agad na lumabas iyon sa balita sa telebisyon. Nagbigay rin ng pabuya si Wilfredo Lenares na kalahating milyong halaga sa kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Aljune at Danelle.

Makalipas ang mahigit isang oras ay agad nilang natanggap ang resulta sa paghahanap ng taxi driver. Kaya hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at agad itong pinuntahan sa tahanan nito.

"P-Patawad, boss," anang lalake ng harapin sila nito. "Kaya lang natatakot ako. P-Pinagbantaan niya akong babalikan niya ako at habambuhay na patatahimikin sa oras na magsalita ako."

Nagkatinginan sila ni Max.

Napabuntong hininga siya. "Mas makakabuti kung sabihin mo at ituro mo sa amin kung saan mo sila dinala. Hindi mo kailangang matakot. Sinisiguro namin ang kaligtasan mo at ng buong pamilya mo."

"Kailangang mahuli namin si Aljune sa lalong madaling panahon, " sabi pa ni Max. "Bago pa siya may gawin kay Danelle. Dahil kapag hindi, habambuhay kang mananatili sa takot mong iyan. Kailangan namin ang kooperasyon mo ngayon. Kailangang makagawa tayo ng aksiyon."

Napatingin sa kanila ang lalake. Pagkuwa'y nilingon nito ang pamilyang nasa likuran lamang nito, nakikinig at naginginig sa takot.

"Nandito kami para protektahan ang buong pamilya mo. Kapag hinayaan lang natin siya, marami pa siyang magiging biktima. Kaya nagmamakaawa kami sayo. Sabihin mo sa amin ang lugar." Ayaw niyang may masayang na sandali.

Napabuntong hininga ito. "S-Sige."

Kahit papaano ay nakahinga sila ng maluwag sa pagsasalita ng lalake. Matapos sabihin sa kanila ang lugar kung saan bumaba ang mga ito ay agad na tumawag ng dagdag na back up si Max para samahan sila sa pagtugis kay Aljune. Kailangang matapos na ang lahat sa gabing ito at hindi sila titigil hanggat hindi nila napapasakamay ang lalake at hindi nababawi si Danelle mula rito.

Matapos iabot ang tsekeng nagkakahalaga ng kalahating milyon sa lalake ay nagpaalam na sila.

"Sandali!" agad na pigil nito sa kanila.

Nilingon nila ito.

Nilapitan sila nito at inabot ang tseke sa kanila. "H-Hindi ko na kailangan ito," sabi nito.

"Iyan ang kapalit sa pagtuturo mo sa amin sa kinaroronan nila. At may isa kaming salita," aniya.

"S-Sinabi ko kung ano man ang nalalaman ko dahil iyon ang nararapat," naiiyak na sabi nito. "N-Nakokonsensiya ako dahil hindi ako agad gumawa ng paraan para tulungan ang nobya niyo, Sir Dexter. Tumalikod ako kahit nakikita kong kinakailangan niya ng tulong. Natakot ako ng husto sa banta ng lalakeng iyon. At wala akong ibang maisip ng mga sandaling iyon kundi ang kaligtasan ko at ng pamilya ko. Patawarin niyo sana ako."

"Hindi ka namin sinisisi. Nagpapasalamat kami dahil malaking tulong ang pagtatapat mo sa amin. At naiintindihan ka namin. Huwag kang mag-alala, ligtas kayo ng pamilya mo."

"Salamat." Inabot pa rin nito ang tseke sa kanya.

Hindi niya tinanggap iyon. "Para sayo iyan at sa pamilya mo. Huwag ka ng mamasada. Maghanap ka ng ligtas na mapagkakakitaan."

Napayuko ito at napatingin sa tseke. Nakita niya ang pagdaloy ng luha nito sa mukha nito. "S-Salamat," sabi nito pagkatapos. "Sana mabawi niyo ang nobya ninyo at mahuli na ang lalakeng iyon sa lalong madaling panahon."

"Gagawin namin."

Tinawag na ni Max ang mga kasamahan para sa paghahanda. Sumakay na ito sa mga sasakyang nakaparada sa harapan nila.

Tinawag niya ang inatasan niyang magbantay sa pamilya ng taxi driver. "Kayo na ang bahala rito. Protektahan ninyo ng maigi ang pamilyang 'to."

"Yes, Sir."

Nagtatakbong tinungo na nila ni Max ang sasakyang minamaneho nito.

"Are you sure about this?" tanong nito agad sa kanya ng makaupi ito sa driver's seat.

"About what?"

"Dito?" Kinuha nito ang baril sa back seat at inabot sa kanya.

Tiningnan niya ang bala nito. At ng makasiguro na loaded iyon ay saka niya iyon isinuksok sa tagiliran niya. "Walang imposible para kay Danelle, Max," aniya. "Magkamatayan na, hindi ako makakapayag na may gawin sa kanya si Aljune."

Napabuntong hininga na lamang si Max at pinatakbo na ang sasakyan.

*** *** ***

INAASAHAN NA ni Danelle ang paghaharap nilang ito ni Amber. Ibang-iba ang Amber na ito. Hindi ang Amber na nakita niya ng ilang beses noon. Noong nakita niya ito ay lagi itong nakasuot ng maganda at sexy na damit. But now, it's a different Amber. She's wearing ang white sando na pinatungan ng itim na leather jacket, black pants at converse. Ang mahaba at tuwid nitong buhok ay nakapony tail.

"Surprised?" Mula sa may pintuan ay humakbang ito papasok sa kwarto. Nilapitan siya nito.

Nakaupo pa rin siya sa sahig habang nakasandal sa paanan ng kama. Tiningala niya ang babae. "Not really," lakas loob niyang sabi.

"Oh." Napangiwi ito. "Inaasahan ko pa naman na masusurpresa kita."

"Narinig ko na kinakausap ka ni Aljune sa telepono," aniya. "At malakas ang kutob ko na may kinalaman ka rin dito."

"Really?" Naupo ito sa silyang nasa harapan niya. "So, kumusta ang bagong prinsesa ni Dexter Lenares? Are you enjoying everything with him?"

"What do you want from me, Amber?" agad niyang tanong rito.

Pinagkrus nito ang mga paa. "Let me think. What I want?" Kunwari ay nag-isip ito. "I guess, I want you to be dead. Yes, that's it." Pinatunog nito ang mga daliri. "Gusto kong mawala ka na ng tuluyan sa landas ko, Danelle. Simple as that."

Napalunok siya. Sinalubong niya ang mga tingin nito sa kanya. "Bakit mo ba ginagawa ito?"

"Dahil inagaw mo ang mahalagang bagay na dapat ay akin lamang." Rumehestro sa mukha nito ang sobrang galit. "Ang bagay na pinakaimportante at kung saan ako lang ang siyang magmamay-ari."

"What?" Napatawa siya. "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo."

"So, you wanna play with me? Huwag kang magpaka-artista. Alam na alam mo kung ano ang sinasabi ko. Alam mo, noong una pa lang kitang makita gustong-gusto na kitang sugurin. Kaya lang naisip ko masyado pang maaga para mag-react ako agad. Kaya kailangan kong mag-isip ng mabuti sa kung ano ang dapat gawin para mabawi ko si Dexter at maibalik ko siya sa akin."

At doon ay naliwanagan na siyang talaga. Ang buong akala niya lang ay nakipagsabwatan si Aljune rito para lang makuha siya. Hindi niya lubos maisip na may malalim na dahilan rin pala ito.

"At iniisip mo na ganoon lang kadaling balikan ka niya matapos mo siyang iwanan?"

"It'll be fine, Danelle. Everything will be fine, supposedly, kung hindi ka pa dumating."

"Sinisisi mo ba ako kung bakit balewala ka nalang sa kanya ngayon? Kaya ba ganyan na lang ang galit mo sa akin dahil hindi mo matanggap na hindi kana niya babalikang muli? Napakadesperada mo naman, Amber, at kailangang umabot pa sa ganito ang lahat. Why? Did you ever think na may magbabago dahil dito?"

"Let me tell you my plan. I know it will never be that easy. Kaya nga naisip kong hingin ang tulong ni Aljune lalo na noong nalaman kong may interes pala siya sayo. Akam kong matutulungan niya ako. At para mangyari iyon, kailangan ko siyang ilabas sa rehab. I can actually do and get whatever I want sa tulong ng pera. May kailangan lang akong bayaran para maitakas siya. At naging matagumpay iyon.

"Now, ang takbo nito ay bibigyan ko ng pagkakataon si Aljune na masolo ka. I don't really care kung ano man ang gusto niyang gawin sa iyo. At kapag nagawa niya na..." Tumayo ito at tinungo ang closet sa malapitan. May kinuha ito sa loob. Ipinakita nito sa kanya ang video camera. "With the help of this, makikita ni Dexter ang buong pangyayari. And I doubt, matatanggap niya iyon lalo na at nalaman niyang may ibang lalake ang pinakamamahal niya." Humalakhak ito.

"Napakawalanghiya ninyo!" sigaw niya na lamang rito. She can do nothing lalo na sa sitwasyon niyang ito.

"Blah! Blah! Blah!" Pinaikot nito ang mga mata. Binalikan siya nito. "Isn't it great? I'm smart. You know, kapag nangyari iyon, of course, malulungkot si Dexter. Kailangan niya ng makakausap at masasandalan. At who will be there? It's no longer you. It's going to be me."

Napailing-iling siya. "Nasisiraan ka na talaga ng bait," aniya. "Hindi kayo magtatagumpay, Amber."

"But wait!" Itinaas nito ang isang kamay. "I'll give you an option. Mabait rin naman ako. Kung ipapangako mo lang na lalayuan mo na siya, maybe I'll change my mind about this video thing."

"Managinip ka ng gising, Amber! Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi kana kayang mahalin muli ng Dexter. Tanggapin mo nalang na hindi na ikaw ang siyang laman ng puso't isipan niya ngayon. Bahagi ka na lang ng nakaraan niya. At ang nakaraan, kailanman ay hindi na binabalikan at tuluyan ng kinakalimutan.

"Unang-una sa lahat ikaw ang nang-iwan. And what do you expect? Ang mamahalin ka pa rin niya after all you've done? Wake up, Amber! It's no longer you that he wants. It's no longer you that he needs. Kaya huwag kang ilusyonada. Hindi nakarehistro sa pangalan mo ang puso niya kaya hindi mo siya pagmamay-ari."

Dapat sana ay natatakot siya sa mga sandaling ito. Pero ayaw niyang manahimik na lamang. Mahal niya si Dexter at gusto niyang malaman iyon ni Amber.

Galit na humakbang ito palapit sa kanya. Yumuko ito hinila ang buhok niya. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sanhi sa sobrang lakas ng pagkakahila nito.

"At ang lakas ng loob mo na sabihin sa akin iyan. Who do you think you are?"

Nakipagtitigan siya rito. "Ako lang naman ang siyang nagmamay-ari ng puso ngayon ni Dexter. At alam na alam mo iyan."

Nagtagis ang bagang nito.

"Reality hurts? Pero kailangang tanggapin. Dahil kung malalaman mo lang rin na hindi mo kaya na mawala siya sa buhay mo ng tuluyan, sana naisip mo noon pa kung paano pahalagahan ang puso niya. Nagawa ka niyang mahalin ng higit pa sa buhay niya pero pinili mo pa rin ang saktan siya. Kaya wala kang karapatang magalit ng ganyan at isisi sa iba ang pagkakamaling nagawa mo."

"Shut up!"

Hindi siya tumigil. "Alam ko kung paano siya pahalagahan. Alam ko kung paano siya alagaan. May dahilan kung bakit niya ako nakilala. Iyon ay para ipadama sa kanya na may nakahandang magmahal sa kanya ng buong-buo, walang kapalit, walang pagpapanggap. Nakahanda ako na masaktan, magtiis, at magdusa para sa kanya. At kung maging buhay ko ay nakahanda akong isuko para sa kanya. Ganoon ko siya kamahal, Amber."

"I said, shut up!"

Agad na lumapat sa pisngi niya ang palad nito. Muli ay hinila nito ang buhok niya. Pinigilan niya ang sariling huwag maiyak at buong tapang pa ring hinarap ito.

"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo," nanggagalaiting sabi nito. "You don't know me that much."

"Do whatever you want. Patayin mo man ako, lalabas at lalabas ang katotohanang ako ang mahal ni Dexter."

"Amber! Amber!"

Mula sa nakabukas na pintuan ay nagtatatakbong pumasok si Aljune.

Binitawan na siya ni Amber. Tumayo ito ng maayos at hinarap si Aljune."What?"

"Delikado tayo."

"What do you mean?"

"Nakuhanan ng video ng CCTV sa airport ang pagkuha ko kay Danelle kanina. Kumalat na ito ngayon at nasa balita na."

"What?!" Hindi mapakali si Amber.

Si Aljune ay ganoon na rin. "Nagsalita na rin ang taxi driver na naghatid sa amin rito. Sigurado akong papunta na rito sina Dexter kasama ang mga pulis."

Thanks God! Hindi mo ako pinabayaan. Salamat sayo Kuya Driver! Nakita niya sa mukha ng taxi driver ang pagkabahala sa kanya. Alam niyang gusto siya nitong tulungan.

"Napakatanga mo!" singhal ni Amber kay Aljune. "Hindi ka talaga nag-iisip ng mabuti."

"Tinakot ko ang driver na babalikan ko siya sa oras na magsumbong siya."

"Oh, really? At may nagawa ba ang pananakot mo? Bakit binuhay mo pa iyon? Damn it, Aljune. Mabubulilyaso tayo nito!"

Isinuklay ni Aljune ang mga daliri sa buhok. "What are we gonna do now?"

"I don't know! Dapat mas alam mo kung ano ang gagawin!" Napatingin sa kanya si Amber. Nilapitan siya nito. Hinawakan siya nito sa braso at hinila patayo. "Get up!" Tumayo siya.

"Ano'ng binabalak mo?" tanong ni Aljune.

"Ang makaalis rito. Dexter knows this place very well. Kailangan nating makaalis agad.Hurry up! Tanggalin mo ang tali sa mga paa nito."

Agad namang kumilos si Aljune ay tinanggal ang tali. "Saan tayo pupunta? " tanong pa nito.

"Kahit saan! Kailangan nating makalayo rito. Bring her!"

Hinila siya ni Aljune at nagmamadaling lumabas sila ng silid na iyon.

*** *** ***

AGAD NA NAGDUDA si Dexter na hindi lamang nag-iisa si Aljune. Nararamdaman niyang may kasabwat ito. At ang hinala niya ay mas lalong tumindi ng malaman ang lugar na tinatahak nila ngayon.

Amber! Ito ang unang pumasok sa isip niya. This is Amber's vacation house. At imposibleng alam ni Aljune ang lugar na ito. Posible kayang may kinalaman rin si Amber sa mga nangyayari?

Pagdating nila ng bahay ay agad nilang hinalughog ang bawat sulok nito. Ngunit hindi nila makita ang mga ito.

"Shit!" Galit na naitapon niya ang lubid na napulot sa sahig ng isang kwarto. Nakatakas na ito kasama si Danelle. "Hindi pa sila nakakalayo," aniya kay Max.

"Secure all posisible exits!" ang utos ni Max sa mga kasamahan.

"Hindi pa sila nakakalayo kaya may posibilidad na maabutan pa natin sila. May kalawakan ang lugar nito. Kaya malamang nandiyan lang sila."

"Move! Move!" Sa sigaw na iyon ni Max ay agad na kumilos ang lahat.

Nagsitakbohan sila palabas ng bahay. Ang ilan ay tumungong likurang bahagi. Ang iba ay binalikan ang dinaanan nila. Napatingin siya sa dalampasigan. At ilang sandali pa ay may narinig silang putok ng baril sa bandang iyon.

Danelle! Mabilis ang takbong tinungo niya ang pinanggalingan ng putok. Napasunod sa kanya si Max at ang ilang kasama. Sana lang maayos si Danelle sa mga sandaling ito.

Nagpapalitan na ng putok. Medyo may kadiliman sa bahaging iyon at wala silang masyadong makita. Dinukot niya ang flash light at pinaandar iyon. Ikinalat niya ang liwanag sa buong lugar. Nakita niya si Ariel na noon ay nagtatago sa malaking bato.

Sumenyas ito sa kanila na huwag lumapit. Pagkuway itinuro nito ang itaas na bahagi. Malamang nandoon ang nagpapaputok ng baril. Senenyasan niya ang ilang kasama na manatili. Silang dalawa ni Max ay tumungo sa kabilang bahagi upang makaakyat at matunton ang kinaroroonan ng kalaban.

Nagpatuloy ang pagpapalitan ng putok at nagpatuloy sila ni Max sa pag-akyat. At habang papalapit sila, alam nilang malapit lang sa kanila ang pinagtataguan nito dahil sa malakas na ingay na naririnig. Mabuti na lamang at nakabukas ang ilaw ng mga poste sa bahaging iyon ng lugar. Nakikita nila ang dinadaanan nila.

Humiwalay sa kanya si Max. Mas mainam para madali nila itong mahuli. Nakita niya ang isang bulto ng lalake na nakatalikod. Nskilala niya agad kung sino iyon. Nakatago ito sa isang malaking puno. Napatingin siya kay Max. Sinenyasan niya nito na manatili lamang sa kinaroroonan nito. Dahan-dahan, humakbang siya papalapit sa lalake. Ilang pulgada lamang ang layo niya mula rito, itinuon niyo ang baril sa likuran nito.

"Hands up, Aljune!" aniya rito. "Sumuko ka na."

Dahan-dahan, itinaas ni Aljune ang mga kamay at dahan-dahang nilingon siya.

"Itapon mo ang baril mo," sabi pa niya rito, nanatiling nakatutok ang baril rito.

Inihagis ni Aljune ang baril sa may hindi kalayuan. "Long time no see, Dexter," nakangiting sabi nito. Nakatingin ito sa kanya ng deretso. "Hindi ko inaasahang magkikita ulit tayo. At sa ganitong paraan pa. "

"Where's Danelle?"tanong niya.

Napakibit balikat ito. "Kung kasama ko siya, sana nandirito siya."

"Nasaan si Danelle?!?" ulit niya sa tanong kung saan tumaas na ang boses niya. Itinapat niya na mismo sa mukha nito ang pagkakatutok ng baril.

Nakakaasar na ngiti ang pinakawalan ni Aljune. "In hell," sabi pa nito.

Hindi niya napaghandaan ang sumunod nitong hakbang. Mabilis ang siyang naging kilos nito. Kinabig nito ang kamay niya. Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito. Tumama iyon sa tiyan niya na siyang dahilan upang matumba siya. Sa pagkakabagsak niya sa lupa ay nabitawan niya ang baril niya.

Nilapitan siya nito at bago pa man muli makagawa ng hakbang ay inunahan niya na ito. Sinipa niya ang lalake. Sa pag-atras nito ay dali-dali siyang bumangon at agad pinulot ang baril niya. Hinarap niya ito sabay tutok ng baril rito. At sa pagkakataon na iyon ay hawak na rin nito ang baril at itinutok rin sa kanya.

"Tigilan mo na 'to, Aljune, " aniya. "Hindi ka na makakatakas."

Nagtagis ito ng bagang habang madilim ang mukhang nakatitig sa kanya. Nanatili silang nagkatutukan ng baril.

Ilang sandali pa ay dumating na ang ibang kasamahan nila na tinawag ni Max upang rumesponde. Dahan-dahan, nilapitan ni Max ang kapatid habang nakatutok ang baril rito.

Wala ng nagawa pa si Aljune ng bawiin ni Max ang baril na hawak nito at posasan ang mga kamay.

"Really?" Napatingin si Aljune kay Max. "Magagawa mo 'to sa kapatid mo?"

"Magkapamilya tayo, Aljune," ani Max. "Pero hindi ibig sabihin 'nun at itu-tolerate ka na lang namin. Nakagawa ka ng pagkakamali at kailangan mong pagbayaran iyon. Batas ang siyang magdedesisyon sa kung ano ang nararapat na parusa para sa mga kasalanan mo. Hindi kami na pamilya mo." Tinawag ni Max sina Ariel. "Take him."

Agad namang kumilos ang mga ito.

"Saan mo dinala si Danelle, Aljune?" pasigaw niyang tanong rito.

"Mamatay ka sa kakahanap sa kanya, Dexter. Hinding-hindi mo na siya makikita." Tumawa pa ito ng malakas.

Nag-init ang mukha niya. Akmang susugurin na sana niya ito ngunit agad siyang pinigilan ni Max.

"Enough, Dexter," sabi ng pinsan niya habang pumagitna sa pagitan niya at ni Aljune.

"Hayop ka!" pagpapatuloy niya. "Kapag may nangyari sa kanya, isinusumpa ko, magbabayad ka!"

"Nakahanda ako. At wala akong pakialam kahit maging bitay ang parusa ko. Pero sisiguradohin ko rin na habambuhay kang luluha ng dugo, Dexter. Hinding-hindi ko hahayaan na maging masaya ka at ang buong angkan ninyong walang kwenta!"

Hindi na siya nagawang pigilan ni Max ng sinugod niyang muli ito. Sinapak niya sa mukha si Aljune. Natumba ito at bago pa makabawi ay dinagan niya ito at muling nagpakawala ng isa pang malakas na suntok. Hindi magawang lumaban ni Aljune dahil nakaposas ang mga kamay nito.

Dali-daling rumesponde si Max at ang mga kasama. Buong lakas na hinila siya ni Max upang makaalis sa pagkakadagan kay Aljune. Tinulungan naman nina Ariel si Aljune na makabangon. Hinila na siya ni Max papalayo rito.

"Ikaw ang walang kwenta!" Halos maputol na ang ugat niya sa leeg. "Pagkatapos ng lahat ng mga magagandang bagay na ginawa ng pamilyang 'to sayo, ito pa ang igaganti mo?"

Pinunasan ni Aljune ang dugong tumatagas sa sugat nito sa labi. "I don't owe you anything. Go to hell! Kayong lahat!"

"Nasaan si Danelle?!?"

"You will never know."

Pinapainit nito ng husto ang dugo niya. Lalapitan niya na naman sana ito ngunit itinulak siya ni Max. Napaatras siya.

"Tama na, damn it!" bulyaw ni Max sa kanya. "Hindi malulutas ang problemang ito kung idadaan mo sa init ng ulo ang lahat." Galit na binalingan nito sina Ariel. "Take him out of here!"

Kumilos ang mga ito at inakay si Aljune paalis na sa lugar na iyon.

Binalingan siyang muli ni Max. "Calm down, Dexter, for heaven's sake! Sa tingin mo ba may maitutulong itong pagwawala mo?"

Naisuklay niya na lamang ang mga daliri sa buhok. "We have to find her. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Amber. Pero kailangang mahanap natin sila pareho."

Kumunot ang noo ni Max. "Si Amber?"

"Aljune doesn't know this place. Kaya iisang tao lamang ang kilala kong maari niyang kasabwat dito."

"And it's Amber?"

Tumango siya. "This is Amber's vacation place." Of course alam niya. Dahil siya lang naman ang nagpatayo ng vacation house na ito noon para rito. "Pagmamay-ari ng pamilya nila ang lupaing ito. Maliban sa akin at ng pamilya niya, wala ng ibang nakakaalam sa lugar na ito. Kaya malakas ang kutob ko na may kinalaman rin si Amber sa lahat ng ito."

Napabuntong hininga si Max. "This is serious, man."

"I know. Kaya kailangang mahanap natin sila agad."

"We will, okay?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. At hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon. Nilisan na nila ang lugar na iyon.

Danelle, I'll do anything for you. I promise.