MADILIM ANG DAANG tinatahak nila ni Amber. Halos hindi na niya nakikita ang dinadaanan niya. Mabilis ang bawat hakbang ni Amber at ganoon rin siya dahil hila-hila siya nito.
Nagawang nagpaiwan ni Aljune ng malamang paparating na ang mga tumutugis sa mga ito. Para lamang mailigaw nito ang mga pulis at magkaroon si Amber ng pagkakataong makatakas kasama siya.
"Sumuko ka na, Amber," aniya rito. Napapangiwi siya dahil sa sakit na naramdaman niya sa mga kamay niya. "Hindi mo na sila matatakasan."
"Shut up! Kung ayaw mong basagin ko iyang bungo mo! Kung hindi dahil sayo hindi na sana mangyayari ito."
Bakit ba siya nito sinisisi? Wala siyang natatandaang may nagawa siyang kasalanan rito. Hindi niya naman matatawag na kasalanan ang mahalin niya si Dexter at ang mapamahal ito sa kanya. Sana lang mahanap na sila ng mga ito sa lalong madaling panahon.
"Shit!" sambit ni Amber.
Sa may unahan ay may nakikita silang liwanag at ingay ng mga sasakyan na papalapit sa kinaroroonan nila. Isa, dalawa, tatlo, hindi siya sigurado. Pero para bang unti-unti siyang nakakahinga ng maluwag dahil malakas ang pakiramdam niya ito ang mga tutulong sa kanya.
Hinila siya ni Amber upang bumalik sa dinaanan nila. Ngunit sa bandang likuran ay may mga paparating rin.
"Damn it!" Natataranta na ito ng husto. Wala itong magawa kundi ang lumingon ng palipa't lipat sa kaliwa at kanang bahagi nila.
There's no way Amber can escape at this very moment. At saan ito tatakbo gayong iisang daanan lamang ang nandoon?
Wala sa isip ay sumigaw siya. "Nandito kami! Tulong!"
"Damn you!" Sinampal siya nito ng malakas.
Napaluhod siya habang sapo ang nasaktang mukha. Ngunit hindi siya tumigil sa kakasigaw. "Nandito kami! Dexter! Nandito ako!"
Hinila nito ng malakas ang buhok niya sabay tutok ng baril sa ulo niya. Napaiyak na lamang siya habang nanatili sa ganoong posisyon. Napapikit siya ng mariin. Ipinagdarasal niya na ang kaligtasan niya mula sa mga kamay ng babaeng ito.
Sa pagdating ng mga alagad ng batas, kumalat ang liwanag na nagmumula sa mga sasakyan sa kinaroroonan nila ni Amber.
"Walang lalapit!" sigaw na lamang ni Amber. "Kung ayaw ninyong patayin ko ang babaeng ito."
"A-Amber, please. Tama na," naiiyak niyang pakiusap rito. "Kung gusto mo na magkaayos kayo ni Dexter, huwag sa paraang ito."
"Hindi lang pakikipag-ayos ang gusto kong mangyari," anito. Idiniin nito ang baril sa ulo niya. "Akin lang si Dexter. At babalik siya sa akin kapag wala kana!"
Napapikit siya ng mariin ng maramdamang kakalabitin na nito ang baril. Oh God, please! Hear me out!
"Say goodbye, Danelle, " sabi pa nito.
"Amber don't!"
Agad niyang naimulat ang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses na iyon sa bandang likuran nila. Sabay silang napalingon ni Amber.
"Why are you doing this?" Dahan-dahang humakbang papalapit sa kanila si Dexter.
"Stay where you are!" ani Amber. Itinuon pa rin nito ang baril sa ulo niya. "Just stay where you are!"
Huminto sa paghakbang si Dexter.
Hinawakan siya ni Amber sa braso niya. "Get up!" Hinila siya nito patayo.
Nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya. Agad na ipinulupot nito ang braso sa leeg niya habang hindi parin inaalis ang baril sa ulo niya.
"Let her go, Amber," sabi pa ni Dexter. "Please..."
"Why?"
"She has nothing to do with this. This is just between you and me."
"No, Dexter. Kasalanan ng babaeng ito kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya, akin ka pa rin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mo ako magagawang kalimutan na lang ng ganoon kadali."
"Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa ka niyang kalimutan, Amber," sabat niya. "Kung may kailangan man sisihin sa mga kaganapang ito sa buhay mo, ikaw iyon."
"Shut up! Shut up!"
"Amber, please..." Napatingin si Dexter sa kanya. Nasa mga mata nito ang takot para sa kanya.
"I love you so much, Dexter," naiiyak ng sabi ni Amber. "I just want you to love me again, that's all. Pero nagawa mo na akong tanggihan dahil sa babaeng ito."
"We can talk this over, Amber. Walang problema na hindi napag-uusapan. Just let her go."
Umiling-iling si Amber. "Hindi mo ako pinakinggan noon. You told me, you won't need me anymore. It's no longer me that you want, it's no longer me that you need."
"Amber, listen to me."
"Sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako, Dexter. Sabihin mo sa akin na nag-iisa lang ako sa puso mo. Sabihin mo sa akin na ako lang ang siyang mamahalin mo."
Napalunok siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Nanatili lamang ang tingin niya kay Dexter. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Amber. Para bang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi. Dahil ba nandirito siya?
Iba na naman ang pumasok sa isipan niya. At iyon ang bagay na kinakatakotan niya ng husto.
"Amber, let's talk about this," sabi na lamang ni Dexter. "Ikaw at ako, okay? Pag-usapan natin 'to ng tayo lang."
"Just say it!"
Napaintad siya sa sigaw na iyon ni Amber.
"Tell me that you still love me. Only me, Dexter."
"I can't," ani Dexter. "Matagal ng tapos ang lahat sa atin, Amber."
"So, you love her?"
Hindi agad nakasagot si Dexter. Napatitig ito sa kanya ng ilang segundo. Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin kay Amber.
"You love her?" ulit ni Amber sa tanong.
Please say it. Please say you love me. All this time, gusto niyang marinig ang mga salitang iyon mula kay Dexter. Gusto niyang marinig mula rito na sabihin sa kanyang mahal siya nito katulad ng pagmamahal niya rito. Ngunit bakit sa pagkakataon na ito ay nahihirapan itong bigkasin ang mga salitang iyon?
"Please, Amber. Just let her go."
"Bakit Dexter? Natatakot kang nawala siya sa buhay mo? Kung hindi ka babalik sa akin, hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba. Lalong-lalo na sa babaeng 'to!"
"Amber, no!"
Ngunit bago pa man maisakatuparan ni Amber ang pagkalabit ng gatilyo ay kumilos siya. Hinawakan niya ang kamay nito kung saan nakahawak sa baril. Pilit niyang inaagaw iyon mula rito ngunit hindi siya hahayaan nito. Kung saang posisyon na ang mga kamay nila at nanatili paring nakahawak si Amber sa baril. Sa pakikipag-agawan niya ay hindi sinasadyang nakalabit nito ang gatilyo. Mabuti na lamang at sa itaas ng mga ulo nila nakatutok ang baril ng pumutok iyon.
"Walang magpapaputok!" sigaw ni Dexter sa mga kasamahan.
"Stand by! Stand by!" sigaw naman ni Max sabay senyas na manatili lamang ang mga ito sa posisyon.
Sa pagtatagisan nila ng lakas ay parehong nawalan sila ng balanse. Natumba siya kasama si Amber kung saan pumailalim siya rito.
"You will never learn how to give up, do you?" at nagawa niya pang magbitaw ng katanungang iyon sa sitwasyon nila.
"Giving up is not part of my vocabulary!" sabi naman nito.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito deretso sa mukha niya. Nawalan siya agad ng lakas.
"Goodbye, Danelle!" Itinutok nito ang baril sa mukha niya.
"Amber, no!" ang narinig niyang sigaw ni Dexter.
Ngunit bago mahuli ang lahat ay agad na kumilos sina Jacob na nasa bandang likuran nila. Dali-daling nilapitan nito at ng ibang kasama si Amber at agad pinigilan. Inagaw nito ang baril at hinawakan ang mga kamay nito.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas nito habang inaalis ng mga ito sa pagkakadagan sa kanya. Kinaladkad ng mga ito si Amber palayo sa kanya.
Nanginginig ang buo niyang katawan. Nanatili siyang nakahiga sa damohan.
"Danelle!" Tumakbo palapit sa kanya si Dexter. Napaluhod ito. "Oh my God!" Agad siya nitong hinila upang makabangon. "Are you okay?" Tumayo ito at hinila siya patayo. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya.
Napaiyak siya. Bakit ba nangyayari ito sa kanya?
"Shhhh..." Niyakap siya nito ng mahigpit. "Everything's going to be okay now. May masakit ba sayo?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"I-I'm fine," nanginginig niyang sabi.
Napatingin ito sa mukha niyang namamaga. "No, you're not okay."
"I am fine," naiiyak niyang sabi.
Lumapit si Max sa kanila. "Are you alright, Danelle? " nababahalang tanong nito.
Tumango-tango lamang siya. Hindi matapos-tapos ang pagpatak ng mga luha niya. At hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan dahilan sa takot.
"Secure Amber, " sabi ni Dexter kay Max.
Napatingala siya rito.
"No need to worry. Kami na ang bahala sa kanya at kay Aljune."
"I'll talk to her later," sabi pa nito.
Nasundan nila ng tingin si Max na patungo sa kinaroroonan ni Amber may ilang hakbang lamang ang layo mula sa kinatatayuan nila ni Dexter.
Napatingin siya kay Dexter. Nakatitig ito kay Amber. Nababasa niya sa mukha nito ang sobrang pagkabahala at pag-aalala para rito. At nakakalungkot isipin na sa kabila ng lahat ng nagawa nito ay para bang binibigyan pa rin nito si Amber ng importansiya.
Napahikbi siya. Napatingin si Dexter sa kanya. Hinagkan siya nito sa noo at mahigpit na niyakap.
Nakatalikod si Dexter kay Amber kaya nagkaroon siya ng pagkakataong tingnan ang babae. Pinusasan na ito ni Max. Nakatingin ito ng masama sa kanya. At kahit akay-akay na ito nila Max patungong sasakyan ay hindi parin nito inaalis ang tingin sa kanya.
Para bang buong buhay siya nitong isinusumpa. Para itong magliliyab sa sobrang galit sa kanya. Napapikit na lamang siya. At sa muling pagdilat ng mga mata niya ay nakita niya kung paano bunutin nito ang baril ni Max. Naalarma siya ng bigla na lamang nitong itinutok ang baril sa kinaroroonan nila.
Dexter! Kung hindi siya gagawa ng paraan alam niyang tatamaan nito si Dexter.
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Dexter at agad na umikot patungo sa may likuran nito. And before she knew it, naiputok na ni Amber ang baril. At sa mahigit dalawang segundo lamang, naramdaman niya ang isang bagay na tumama sa tiyan niya.
Sa lakas ng impact nun' ay natumba siya. Bumagsak siya sa mga braso ni Dexter.
"Danelle!" Nataranta ito. Inihiga siya nito sa damuhan.
Naramdaman niya ang mainit na likidong umaagos sa tiyan niya. At unti-unti, umiinit ang pakiramdam niya. Nahihirapan siyang makahinga at nandidilim ang paningin niya.
"Oh, no!" Napatingin si Dexter sa sugat niya. Hinubad nito ang jacket at agad na idiniin iyon sa sugat niya upang mabigyan iyon ng pressure.
Nagtakbohan palalapit sa kanila sina Max. Si Amber ng mga sandaling iyon ay nasa mga kamay nina Ariel at isinakay na sa sasakyan.
"Call an ambulance! " pasigaw na utos ni Dexter sa pinsan.
Agad na tumawag ng ambulasya si Max na natataranta na rin.
She can't talk. She can't even move. Parang nangmamanhid na ang buo niyang katawan.
"Danelle, baby, stay with me."
Tinapik-tapik nito ang magkabilang pisngi niya upang huwag siyang hayaang ipikit ang mga mata.
"Open your eyes and look at me," sabi pa nito sa kanya. "You'll be fine. Just stay with me."
Ngunit tanging boses na lamang nito ang naririnig niya. Nawalan na siya ng lakas at kusang pumipikit ang mga mata niya.
"No, Danelle! Danelle!"
Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.
*** *** ***
SA PAGMULAT NG mga mata niya ay ang maliwanag na lugar ang siyang agad na sumalubong sa paningin niya. Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan. At ng dumako ang paningin niya sa tabi niya ay ang maamong mukha ni Dexter ang nakita niya.
"Hi," nakangiting sabi nito.
Babangon sana siya ngunit pinigilan siya nito. Napangiwi siya ng maramdaman ang bahagyang pagkirot ng tiyan niya.
"Stay still," anito. "Hindi pa natatapos ang araw na ito kaya huwag mong iisiping ganoon kadaling gumaling iyang sugat mo."
"S-Sugat?" Saka niya lang naalala ang mga pangyayari sa araw na ito. Nakakabaliw. Napakadelikado. Nakakatakot. Traumatic experience man ang matatawag niya sa pagkasira ng pamilya niya noon ngunit wala na yatang makakahigit pa sa karanasan niya sa pag-ibig.
Kung iibig lang naman kailangan niya ba talagang pagdaanan ang lahat ng ito makamit lang ang inaasam-asam na kaligayahan?
"N-Nasaan ako?"
"Nasa hospital, obviously. Saan mo gustong dalhin ka namin pagkatapos ng nangyari sayo?"
Napangiwi siya. "Am I okay?"
"You're okay now. There's nothing to worry about. Agad kang nadala rito sa hospital para matanggal agad ang bala sa katawan mo. Although, maraming dugo ang nawala sayo, agad na nagawan ng paraan."
"How?"
"You're lucky enough. Pareho tayo ng blood type. Hindi ko na kailangang magdalawang isip. Kahit ubusin nila ang dugo sa katawan ko at isalin sayo, mailigtas ka lang, it's all worth it."
Napaawang ang mga labing napatingin siya rito.
"Kaya wala ka ng dahilan pa para takasan ako. Dumadaloy na diyan sa ugat mo ang dugo ko."
Napangiti siya. Handa ba talagang gawin nito ang lahat para sa kanya? "W-Where's Amber?" tanong niya.
Napabuntong hininga si Dexter. "Dinala nila Max sa isang mental hospital sa Maynila para ma-obserbahan."
"What?!?" bulalas niya.
Napakamot sa ulo niya si Dexter. "Matagal na rin ang problema ni Amber sa utak ayon sa mga magulang niya. Hindi nila inaasahan ang biglaang pagkakaroon nito ng mental disorder. Ang buong akala ng pamilya niya ay nasa New Jersey siya kasama si Chad. Hindi nila alam ang tungkol sa pagbalik nito dito sa bansa."
"Who's Chad? "
"Her boyfriend. Who used to be my bestfriend."
Ang lalakeng ipinalit ni Amber kay Dexter dati. Ano ang nangyari sa dalawa at gusto ni Amber na balikan si Dexter?
"M-Matagal mo na bang alam ang problema ni Amber? "
Umiling ito. "Ngayon lang ng sabihin sa akin ng mga magulang niya. Nagulat nga rin ako." Tumahimik ito ng ilang saglit.
"Nag-aalala ka sa kanya." Hindi iyon katanungan. Nasabi niya dahil iyon ang nakikita niya kay Dexter para kay Amber.
"Yes," pagtatapat naman nito. "Who would have thought na mangyayari sa kanya 'to? Hindi lang kapani-paniwala."
Napakibit balikat siya.
Hinawakan ni Dexter ang kamay niya. "I was so worried, " anito habang nakatitig sa mukha niya.
Saan? Kay Amber?
"I thought I'd lost you." Hinaplos nito ang mukha niya. "Ang nakita kang nag-aagaw buhay, para akong..." Napayuko ito. "Para akong nasiraan ng ulo. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Gusto kong gawin ang lahat para maprotektahan ka lang. But it turned out wrong. Napapahamak ka ng dahil sa akin. I'm sorry."
"Hey!" Ginanap niya ang palad nito. "It's okay. Hindi mo kailangang mag-sorry. Tapos na ang lahat and I'm still here. And I will always be here, I promise."
Hinalikan nito ang kamay niya.
"So, ano na ang mangyayari kina Aljune at Amber ngayon?"
"Iyan ang inaayos pa ng mga alagad ng batas. Si Aljune, hawak na muna ng agency dahil iyon ang hiling nina Tito Julius at Tita Marjorie. Gusto muna nilang makausap at makasama si Aljune bago ito itu-turn over ng agency sa mga pulis. Sigurado na ang pagkabilanggo niya, Danelle. At hindi na magbabago pa iyon."
"W-What will happen to Amber?"
"Hindi pa natin alam. Papunta na ng Maynila ang pamilya niya. At marami silang kailangang malaman at maging kami rin. Kailangang masiguro ang tunay niyang kalagayan."
Napatango-tango siya.
"Bukas darating ang mga magulang mo," sabi nito. "At ipapasundo ko rin bukas ang Lola mo. Ipinaalam ko sa kanila ang nangyari sayo. Karapatan nila ang malaman kung ano ba ang nangyayari sayo."
Napatitig siya ng husto rito.
"Magalit ka sa akin, I no longer care."
Napangiwi siya. "Hindi ako galit," aniya. "Thank you."
"You're most welcome."
Nakakpagod ang araw na ito para sa kanya.
"My family will be here in a while," sabi pa nito. "Gusto ka nilang makita." Tumayo ito. "Ayaw ko na iwanan ka kaya lang may importante akong lalakarin ngayon."
"Where?"
"Kailangan kong lumuwas ng Maynila to see Amber."
"Oh." Bumigat ang loob niya. Mas importante pa pala ito sa kanya ngayon.
"I have to, Danelle."
Bumuntong hininga siya at tiningala ito. "I-It's okay," sabi niya.
"Gusto ko lang siyang makausap. At makikipagkita rin ako sa pamilya niya."
Napatango-tango siya. "A-Are you going to say goodbye to her?"
"Yes."
"A-And kiss her?"
Bahagyang kumunot ang noo nito. "Why would I do that?"
"Ang sabi mo sa akin dati, nagawa mo siyang halikan noong gabing iyon sa party ng Papa mo dahil gusto mo lang magpaalam. And now, you're going to say goodbye to her again and..." Napakagat labi siya. Hindi niya itinuloy ang sasabihin.
Napatawa si Dexter habang pinagmamasdan siya. "Bakit ka nag-iisip ng ganyan?"
"Dahil wala ako doon upang malaman ang mga pupwedeng mangyari."
"Because you don't trust me."
Natigilan siya.
"Wala ng namamagitan sa aming dalawa ni Amber. Bahagi na siya ng nakaraan ko."
Pero iba parin ang pag-aalala mo sa kanya. And you can't even say you love me ng mga sandaling kaharap mo siya.
Pinigilan niya ang sariling huwag munang maiyak sa mga sandaling ito. Sobrang dami na ng nangyari sa kanya sa araw na ito. At ayaw niya na munang dagdagan ang bigat ng nararamdaman niya.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang pamilya ni Dexter. Unang pumasok ang mag-asawang Wilfredo at Agatha. Sumunod si Vhivian at si Maydhen na may dalang malaking stuffed toy. May marka iyong "Get well soon!". Sumunod ang magkakapatid na lalake. Si Calvin na may dalang basket ng sariwang prutas, si Klein naman bitbit ang bouquet ng sariwang bulaklak, at si Armani na may dala-dalang isang box ng chocolates at balloons.
"How are you, Danelle?" agad na tanong ni Wilfredo sa kanya.
"Getting better, Tito," nakangiting sabi niya.
Nilapitan siya ni Agatha at tumayo ito sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya. "Nag-alala kami ng husto matapos ibalita sa amin ni Dexter ang nangyari. Kaya we did everything we could para mahanap ka lang. At nakakalungkot isipin na isa sa miyembro ng pamilya ang naglagay sayo sa kapahamakan."
"Sino'ng miyembro, Mama?" Nasa tuno ni Vhivian ang galit. "Aljune?" Tumawa ito ng bahagya. "Sa mga kasalanan niya at sa problemang dinala niya hindi na siya maituturing na miyembro pa ng pamilya."
"Vhivian, hija, oo at nakagawa ng mali si Aljune. Pero huwag sanang umabot sa puntong tatalikuran na lamang natin siya. Handang siyang pagbayaran ang lahat. At kahit na ano man ang mangyari, huwag nating kakalimutang bahagi siya ng pamilya natin at mananatili iyong ganoon, " ang siyang paliwanag ni Wilfredo sa anak.
Pinaikot na lamang ni Vhivian ang mga mata.
"At ikaw!" Binalingan ni Calvin si Dexter. "Alam mo pala ang tungkol sa pagbalik ni Amber rito sa San Ferrer. Bakit wala kang binabanggit sa amin na nakikipagkita ka pa pala sa kanya?"
"Hindi ko rin alam ang tungkol sa pagbabalik niya. Bigla na lamang siyang nagpakita. Humihingi ng kapatawaran, nagmamakaawang babalikan ko. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang lahat at buong akala ko ay titigilan niya na ako. Hindi ko lubos akalaing aabot sa ganito ang lahat, I swear. Dahil kung alam ko lang na si Amber ang nasa likod ng pagtakas ni Aljune sa rehab at may gagawin siyang hakbang laban kay Danelle, hindi sana magiging ganito kagulo ang lahat." Naisuklay ni Dexter ang daliri sa buhok.
"Well, that's enough," awat na ni Klein. "Ang mahalaga ligtas na ang lahat at siguradong hindi na tayo babalikan nina Aljune at Amber."
Tiningnan siya ni Armani. "Pasensiya, Danelle, kung palaging nalalagay sa kapahamakan ang buhay mo. Pero sinisiguro namin na hindi na ulit mangyayari pa 'to."
"Okay lang ako, salamat. Wala naman akong sinisisi sa nangyari."
Inabot sa kanya ni Maydhen ang stuffed toy. Tinanggap niya iyon at inilagay sa tabi niya.
"Magpagaling ka agad dahil marami pa tayong kailangang gawin, okay?"
Ningitian niya ito. "I will."
Hindi na nagtagal pa si Dexter. Nagpaalam na itong aalis na. Labag man sa kalooban niya na malamang pupuntahan nito si Amber ay wala siyang magawa kundi ang intindihin ito sa pagkakataong ito.
I can never find my peace. Hindi ko nga alam kung mahal niya ba akong talaga. Napakahirap para sa kanya na sambitin ang mga salitang iyon.