ANG MAKITA SI AMBER sa kalagayang ito ay parang pinipiga ang puso ni Dexter. Nakakaawa ito. Hindi sila hinayaan na makaharap ang pasyente dahil may ginagawang tests ang mga doktor rito. Kaya naman pinagmamasdan lamang nila ito sa glass window ng silid na kinalalagyan nito.
"Dexter..."
Agad niyang nilingon ang nagmamay-ari ng boses. It's Amber's mother. Dumating ang mga ito dalawang oras bago siya dumating.
"Hi, Tita." Niyakap niya ang babae.
"How are you?" tanong nito sa kanya. "Matagal-tagal na rin akong walang naririnig mula sayo."
"I'm good."
Tiningnan nito si Amber. Napaiyak ang babae habang pinagmamasdan ang anak. "Hindi ko ginustong mangyari ito sa kanya. Ang buong akala ko ay makakatulong ang mga gamot. Pero habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang kondisyon niya."
Hindi na muna siya nagsalita. Pinakinggan niya lamang ito.
"Biglaan ang lahat. Isang araw, panay ang kwento niya sa amin tungkol sa lalakeng napapanaginipan niya gabi-gabi. Ang sabi niya, baka iyon daw ang soul mate niya. At hahanapin niya ito at kikilalanin. Hindi namin siya pinansin dahil baka binibiro niya lang kami. Pero araw-araw, nakikita namin siyang tulala at tila ba may malalim na iniisip. When I asked her, she told me she was thinking about that guy in her dreams. Parang pamilyar raw ito at parang nakita niya na. I told her maybe it's Chad. Ang sabi niya hindi niya kilala si Chad."
"Ano nga pala ang nangyari sa kanila ni Chad?" tanong niya na.
"Iniwanan niya si Chad two months after ng pagsasama nila and I don't know why. No one knows why. Umuwi siya sa bahay na para bang wala lang. Inisip namin na baka nag-away sila at may malalim na dahilan kaya humantong sa paghihiwalayan. At pagkatapos ng lahat ng iyon, parang normal lang ang bawat araw na dumaraan sa kanya."
"Paanong hindi niya kilala si Chad?"
Napakibit balikat ito. "Nakakapagtaka rin. Sa isip ng bawat isa sa amin, baka paraan niya iyon para tuluyang kalimutan ito. Pero sa bawat pagbanggit niya sa lalakeng iyon sa panaginip niya, umabot sa puntong naging annoying sa amin iyon. Tinanong siya ng kapatid niya na baka ikaw iyon. Pero hindi ka raw niya kilala.
"Kinabahan kaming lahat. Hindi namin alam kung nagbibiro lang ba siya. Isa-isang ipinakita namin sa kanya ng larawan ninyo ni Chad. And we were so surprised dahil tuwang-tuwa siya ng makita ang larawan mo. She said, it was you. Ang lalake sa mga panaginip niya ay ikaw.
"The following morning, binigla niya na naman kaming lahat. Ang sabi niya, pinagsisisihan niya ang pag-iwan niya sayo. Pinagsisisihan niya lahat-lahat at gusto niyang humingi ng tawad. Iyak siya ng iyak dahil hindi niya pala kaya ang mawala ka sa buhay niya. Umabot iyon ng ilang araw. Nagkukulong siya sa kwarto niya at umiiyak lamang.
"At sa mga sumunod na araw pa, bumalik na naman doon sa hindi ka na naman niya kilala. Paulit-ulit ang ganoong sestima na talagang ikinatakot naming lahat. That's why I decided na dalhin siya sa isang psychiatrist para mapatingnan. She said, she's fine at marahil dala lamang iyon sa sobrang deprisyon. Pero sa araw-araw na dumaraan mas nakakatakot ang mga ikinikilos at ipinapakita niya. May pagkakataong nagsasalita siya mag-isa o kaya naman kinakausap niya ang larawan mo. And it made me so uneasy seeing her that way.
"I called my sister at humingi ng tulong sa kanya. May kaibaigan siya sa America at sinabing maaring makatulong kay Amber. Kaya dinala ko siya sa America para doon patingnan. And we found out about this mental disorder of her. Kung anu-anong klase ng gamot ang niriseta sa kanya. At nakita ko ang epekto 'nun. She's getting better. Wala na siyang naikukwentong kung anu-ano. Bumabalik na sa normal ang lahat." Napahikbi si Luisa.
"Hindi niyo alam ang tungkol sa pag-uwi niya rito?"
Umiling-iling ito. "Ang sabi niya, sa New Jersey siya kasama ang mga kaibigan niya. Kaya pumayag akong umalis siya. Hindi ko alam na babalik siya ng Pilipinas. I swear, Dexter, hindi ko alam. Ang isang linggo ay umabot ng isang buwan at doon ako nabahala. Tinatawagan ko siya ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nababahala ako at baka umandar na naman ang problema niya at baka mapaano siya.
"She emailed me one time, she's staying here for good and there's nothing to worry about. May kailangan lamang siyang asikasohin at uuwi na siya ng America. At nagtiwala ako sa kanya. Wala akong ideya sa mga nangyayari rito. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat."
Niyakap niya ito ng humagulhol ng iyak. Naiintindihan niya kung ano man ang nararamdaman ni Luisa. Walang ina ang gustong makitang nahihirapan ang anak. At sa sitwasyon ni Amber, alam niyang hindi magiging madali ang lahat para rito.
"Sana gumaling siya agad," aniya.
" I am hoping as well. Pero kung wala na talagang pag-asa, kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan."
Sumasakit na ang ulo niya. Matapos malaman ang lahat ay naisipan niyang magpasundo kay Max. Gusto niyang magpahinga. Bukas na lamang niya aasikasohin ang tungkol sa kaso ni Aljune at kung ano ang magiging desisyon para sa kaso.ni Amber.
Habang hinihintay ang pinsan ay hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang dalawa ni Chad. Nagulat ng husto ang lalake ng makita siya.
"Dexter..." sambit nito sa pangalan niya.
"Chad..." sambit niya naman sa pangalan nito.
"It's been a while, " anito.
"It's been years, Chad." Isinuksok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. "Going to see her?"
"Yes."
Tumango-tango siya.
"N-Nalaman ko ang nangyari."
"Everything's fine now. Nandito ako para makita si Amber. Actually, paalis na rin ako."
"Sige."
"I'll go ahead." Nilampasan niya na ito.
"Dexter, pare. "
Natigilan siya at nilingon ito.
"A-Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko. Pero humihingi ako ng tawad sayo."
"Nangyari na ang nangyari, Chad. At wala na tayong magagawa para ibalik sa dati ang lahat. Tapos na ang lahat. Nakaraan na iyon na kailangan na nating isawalang bahala."
"Patawarin mo sana ako."
Ningitian niya ito. "I'll go ahead," at iniwanan niya na ito.
Itinuring niya na ring parang kapatid si Chad. At hindi niya lubos akalaing magagawa pa rin siyang ahasin. Madaling magpatawad, ngunit sadyang kay hirap lumimot.
Pagdating ni Max ay agad na silang umuwi sa apartment nito.
Napatingin siya sa relos niya. Alas dos na pala ng madaling araw. Hindi na nila namalayan ang oras sa sobrang dami ng inaasikaso.
"You want something to drink?" tanong sa kanya nito pagkapasok nila sa bahay. Isinara na nito ang pinto.
Hinubad niya ang jacket niya at inihagis iyon sa sofa. "Beer," aniya.
"Okay." Tumungong kusina si Max.
Dumeretso siya sa balcony ng living room. Naupo siya sa isa sa mga silyang nasa round table. Maya-maya pa sumunod si Max. Dala-dala nito ang dalawang malalaking beer mug.
Inabot nito sa kanya ang isa at naupo na rin. "How's Amber?" agad na tanong nito. Nagsimula na itong uminom.
Hindi siya sumagot.
"Hindi ba maganda ang kondisyon niya?"tanong pa nito.
"Parang ganoon na nga," sabi niya na. Nanatili lamang siyang nakahawak sa mug. "Ang sabi nila, maliit lamang iyong tsansa na gumaling siya. Papunta na siya sa critical stage, Max."
Napasandal si Max at pinagkrus ang mga paa. "Nag-aalala ka?"
"Hindi naman maiiwasan iyong mag-alala ako sa kanya. Siyempre, naging bahagi rin siya ng buhay ko."
Napatango-tango ito habang nakatingin sa kanya. "So, what do you want to do now?"
"Kung meron lang akong magagawa kaso wala." Uminom na siya.
"Ipagpalagay natin na nagkatuluyan nga kayong dalawa. Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya kahit may sakit siya?"
Tiningnan niya si Max. Napabuntong hininga siya. "Kung mahal mo nga ang tao, mananatili ka sa tabi niya at sasamahan mo siya hanggang sa kahuli-hulihang laban niya sa buhay."
Muli ay napatango-tango ito.
Napansin niyang may kakaibang ipinapahiwatig si Max. "What?"
"Huwag mo akong bigyan ng dahilan para magduda," anito.
"Magduda saan?"
"Na hanggang sa mga sandaling ito ay may nararamdaman ka pa rin kay Amber kaya ganyan ka na lang kung mag-alala sa kanya."
Napailing-iling siya. At napatawa na rin. "Don't be ridiculous, Max. Hindi ba pupwedeng mag-alala ako sa isang taong may lubhang karamdaman?"
Sandaling nanahimik si Max.
Naalala niya ang hetsura ni Amber kanina sa hospital. "Kung nakita mo lang sana siya, hindi ka maniniwala. Nakakaawang pagmasdan si Amber, Max. Para bang piniga ng husto ang puso ko't buong pagkatao habang pinagmamasdan ko siya sa ganoong kalagayan." Napabuntong hininga siya.
"Nabanggit mo na nagkausap kayo ng ina ni Amber kanina. Ano ba ang mga sinabi niya?"
Ikinuwento siya rito ang lahat. At matapos marinig ang lahat, nanatiling tahimik si Max ng ilang sandali.
"Well, ang pananatili niya roon ay para rin sa kabutihan niya. Let's just pray and hope magiging maayos ang lahat," sabi na lamang ni Max.
Pagkatapos nilang ubusin ang inumin ay napagdesisyonan na rin nilang magpahinga na. Marami pa silang kailangang tapusin bukas. At kailangang matapos nila iyon sa lalong madaling panahon para makabalik na siya ng San Ferrer. Alam niya, may naghihintay sa kanya.
Naisipan niyang padalhan ito ng mensahe.
Kapag natapos na namin bukas lahat-lahat, uuwi na ako. I'll make it up to you, I promise.
Isinantabi niya na ang cellphone niya at sumampa na ng kama. At bago niya pa ipinikit ang mga mata ay nag-vibrate ang cellphone niyang nasa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya agad iyon.
"Gising pa?" Napabalikwas siya ng bangon matapos mabasa ang pangalan ng sender ng text message.
Hmmm...okay. I'll be waiting.
Pinaikot niya ang mga mata. Tinawagan niya ito. "Why are you still up? Ano'ng oras na? Dapat ay humihilik ka na sa mga oras na ito."
"I can't sleep," anito.
"Who's with you now?"
"Sina Carla at JB."
Napahinga siya ng maluwag.
"H-How's Amber?"
"She's not well, Danelle. Maliit ang chances na makakarecover siya sa sakit niya. It's getting worst."
"Nagkausap kayo?"
"Hindi kami pinayagang makausap siya dahil ginawan nila agad ng test si Amber." Naisuklay niya ang daliri sa buhok. "Go sleep now."
"O-Okay. I love you."
Napangiti siya. "I know. Go sleep,Danelle. Kailangan mong magpahinga."
Hindi niya ito narinig.
"Danelle?"
"I-I'm still here."
Narinig niya ang pagsinghot nito. "Are you crying?" Nararamdaman niya.
"N-No."
"Yes, you are. What's wrong?"
"Nothing. S-Sige, matulog na tayo."
"Mag-usap tayo ng maayos pagbalik ko, okay?"
"Okay. Bye."
Alam niyang pinagdududahan pa rin nito ang totoong nararamdaman niya. At naiintindihan niya rin ito kung minsan. Malaki lang marahil ang naging pagkukulang niya sa relasyon nila at panahon na siguro para bumawi rito.