ANG DALAWANG araw para sa kanya ay napakatagal. Namimiss niya na si Dexter. Ang mga halik nito, ang mga yakap nito, ang mga haplos nito sa kanya, lahat-lahat hinahanap niya.
Alam niyang abala ito kaya minsan lamang kung makatawag o makatext sa kanya. Oh well, mahirap ng magdemand. Hindi naman niya ako nobya para bigyan ng malakeng atensiyon.
Kung minsan naiisip niyang iwasan na lamang ito ng tuluyan. Pero ilang segundo lang na hindi niya ito makita ay para siyang masisiraan ng bait.
Napatingin siya sa cellphone niya. Hanggang sa mga sandaling ito ay hinihintay niyang tawagan siya nito.
He is really busy. Pinagkaabalahan niya na lamang ang pag-iencode.
Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng mesa. Kinuha niya ang cellphone niya at agad tiningnan ang pangalan ng caller.
Oh. Hindi iyon si Dexter. Isang long distance call mula sa kapatid niya sa ama.
"Hi, Danelle!" ang sabi ng kapatid niyang si Rexel sa kabilang linya. "Kumusta?"
Matagal niya na ring hindi ito nakakausap. "I am fine, Kuya." Hininaan niya ng bahagya ang boses.
"Nadisturbo ba kita diyan?"
"No. Wala naman akong masyadong ginagawa. Napatawag ka?"
"Mangungumusta lang. Matagal na rin tayong hindi nagkausap. Balita ko nagtatrabaho ka na ngayon sa kompanya ng boyfriend mo."
Napatawa siya sa narinig. "Kompanya ng pamilya nila, Kuya. At hindi ko siya boyfriend," pagtatama niya naman. "Who told you that? "
"Si Papa. Naikwento sa kanya ni Tita Dania."
Pinaikot niya ang mga mata. Ang ina niyang madaldal ang salarin. "He is just..." Napabuntong hininga siya. "He's just my friend." Bakit ba mabigat sa loob niya kapag binabanggit ang salitang iyon?
"A friend? Ang sabi ni Papa boyfriend mo."
"Parang boyfriend pero hindi. Basta iyon na iyon."
"I smell something's fishy between the two of you. Ano iyan? Friends with benefits?"
"Kuya..." Kung kaharap niya ito pagtatawanan lamang siya nito sa pamumula ng mukha niya.
"Anyway, one of these days baka uuwi ako ng bansa," pag-iiba nito sa usapan. "Tatawagan kita once maconfirm ko availability ko."
"Okay. Pasalubong ko, ha?"
"Of course. Ikaw pa. Sige, magpapaalam na ako at baka masisante ka dahil nakikipagtsikahan ka sa oras ng trabaho."
"Thanks for the call."
"I just missed you. And I can't wait to see you again, Sis."
"Ako rin."
"Bye. I love you."
"I love you, too."
Naging malapit lamang siya kay Rexel when she was twelve years old. Mabait ito at mahal na mahal siyang talaga. Sa pagkakatanda niya, magmula noong magmigrate ang ama at ang pamilya nito ay pangalawang beses niya na lamang nakita si Rexel at kapag nagbabakasyon lamang. Pagkatapos 'nun, wala na. Nagbivideo conversation na lamang silang magkapatid.
Napatingin siya sa orasan. Four-forty six. Gusto niyang mag-alas nuebe na ng gabi para makita at makasama niya ng muli si Dexter. Ngayong gabi kasi ang balik nito ng San Ferrer.
Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Carla.
See you around five thirty sa park. Take care.
Ilang sandali ay napaisip siya. Nagreply siya rito. Sa park? Why? Baka may problema ang kaibigan at gusto siyang makausap.
Basta! We'll be having fun, ang siyang huling text message nito.
At kung ano man ang binabalak nito, gusto niyang malaman. Matapos ang lahat ng mga gawain sa opisina ay umalis na siya. Nagtaxi na lamang siya papunta sa park. Kung nanditi si Dexter malamang hindi siya papayagan nitong magtaxi. Ito mismo ang maghahatid sa kanya.
Nang makarating ay sinalubong siya ni Carla, nobyo nitong si JB, at ang hindi niya inaasahang makikita niyang kapatid ni Carla na si Chase. Sa pagkakaalam niya ay nasa London ito.
"Wow! Gumanda ka lagi, Danelle, " manghang sabi ni Chase sa kanya. "Inlove ba?"
"Kailangan bang may dahilan ang pagiging maganda? In born na 'to, Chase." Niyakap niya ang kaibigan. "Kumusta?"
"I am fine."
Binalingan niya si Carla. "Akala ko may problema ka kaya gusto kong makipagkita."
Ngumiti si Carla na noon ay nakakapit sa balikat ni JB. "Dadaanan ka na lang sana namin ni JB kaya lang nandito na si Boy Gwapo." Tinutukoy nito ang kapatid.
"Gusto ko lang kayong makita. After two days, babalik na akong Maynila at deretso na ng London."
"Agad?" bulalas niya.
"That's life. Kaya gusto kong sulitin ang pagkakataon na kasama kayo."
Tumungo sila sa isang pinakamalapit na restaurant. Nagpakabusog siya ng husto. Ginugutom na lamang siya lagi pagkagaling ng trabaho niya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa isang mall upang mamasyal. Nagpunta rin sila sa Adventure Park, at sa kung saang masasayang lugar. Masayang kasama si Chase. Palagi na lamang sila nitong pinapatawa.
"Tama na, Chase." Napahawak siya sa tiyan niya. Kanina pa sumasakit ito sa kakatawa. Pinunasan niya na rin ang mga luha. "Hindi ka talaga nagbago."
Nang mga sandaling ito ay nakabalik na sila sa park.
"Anyway, Danelle, hindi ako uuwi ngayon sa pad kasi sasamahan ko si Kuya pauwi sa amin," sabi ni Carla.
Napangiwi siya. Maiiwan siyang mag-isa.
Naitigil nila ang kwentohan ng isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa tapat nilang apat. At nang bumaba ang nagmamaneho ay nasisiguro niyang kilala niya ito.
"Dexter!" Naunahan siya ni Carla sa pagsambit ng pangalan nito.
Napasilip siya sa relos niya. Alas otso bente pa lang. Napaaga ang paglapag ng eroplano nito?
Malayo pa lang ay naaninag niya ang madilim na mukha nito habang papalapit sa kanila. Sa kanya ito nakatitig. Napalunok na lamang siya.
"Hi," sabi nito.
"H-Hi." Kagat labing napatingin siya sa mga kasama. Tiningala niya si Chase. "Si Dexter nga pala, Chase," pagpapakilala niya na lamang.
Agad na nakipagkamay si Chase rito na tinanggap naman nito ng walang pag-aalinlangan. "Chase, pare. I'm Carla's brother and Danelle's friend."
"Dexter," anito. Hinapit nito ang bewang niya at hinila papalapit rito. "Danelle's boyfriend. "
Nakangangang tiningala niya ito. Ano raw? Boyfriend? Parang gusto niyang himatayin sa narinig.
"Mabuti at dumating ka, Dexter, " singit ni Carla. "Ikaw na ang bahala kay Danelle, okay? We have to go baka kasi gabihin kami ng husto sa daan."
"Sure."
Ilang segundo pagkatapos umalis ng mga ito ay nanatiling tahimik si Dexter.
"N-Napaaga ang uwi mo," aniya.
Galit na nilingon siya nito. Kinabahan siya sa mga tingin nito. What is wrong with him?
Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kamay niya at hinila patungong kotse. Binuksan nito ang pinto. Pagkuway lakad takbong umikot sa harapan, binuksan ang pinto sa kabila at naupo sa driver's seat. Napakibit balikat na sumakay na lamang siya.
Hindi siya nito inimik hanggang makarating sila sa pad. Matapos niyang buksan ang pintuan ay agad siya nitong itinulak papasok. Pabagsak na isinara nito ang pinto. Hinawakan siya nito sa braso at kinaladkad patungong living room.
Napangiwi siya ng maramdaman ang pagbaon ng mga daliri nito sa braso niya. "Hey!" Naiinis na hinila niya ang kamay. "Eh? Ano bang problema mo, ha?" Tinaasan niya na ito ng boses.
"Ano ang problema ko? Ikaw!" sabi nito.
"Bakit? Ano ang nagawa ko para magalit ka na lamang ng ganyan?" Excited pa naman sana siya ng makita ito kanina. Pero parang nagbago ang lahat dahil mukhang may hindi magandang mangyayari sa pagitan nila ngayong gabing ito.
Pag-aaway!
"Dalawang araw lang akong nawala kung kani-kanino ka na lang nakikipaglandian!"
Nanlake ang mga matang napatitig siya rito. "What?"
"Kaano-ano mo ba ang Chase na iyon, ha?"
Ah, ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit. Dahil kay Chase? Nagseselos ba ito?
Bumuntog hininga siya. "He is my friend," aniya.
"Talaga? Ano bang klaseng kaibigan siya at kung makatawa ka halos makita na iyang ngala-ngala mo? Alam mo bang ilang minuto na kitang pinagmamasdan habang nakikipagharutan sa lalakeng iyon?"
Harutan? Sumusobra na 'to! Sa pagkakatanda niya, walang harutang naganap.
"Nagpapaligaw ka ba sa kanya?" tanong pa nito.
"Hey!" Pinatunog niya ang mga daliri sa tapat ng nandidilim pa rin nitong mukha. "Para sa kaalaman mo, kaibigan ko lang iyong tao. At may asawa na siya at dalawang anak kaya wala akong balak um-apply bilang mistress. At kung magpapaligaw man ako, ano naman ngayon sayo?"
Nagtagis ng bagang si Dexter. Nanlilisik na ang mga mata nito. Good! Para at least malaman mo na hindi sa lahat ng oras mapapatahimik mo ako.
"Hindi ka dapat nagpapaligaw sa iba, Danelle! " sabi nito.
"Bakit ipinagbabawal ba? Kung makapag-react 'to, wagas! Kung ayaw mo akong ligawan ng iba, siguro naman alam mo kung ano ang kailangang gawin." Taas noong tiningnan niya ito. "Ligawan mo ako at gawing opisyal mong girlfriend!"
Nanggigigil na hinapit siya nito sa bewang at hinila. Naituko niya ang mga kamay sa dibdib nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang nagalit ng ganito si Dexter! Kinakabahan siya ng husto.
"Listen to me, you little witch! You belong to me. When you responded to my kisses, you were mine. When you spread your legs even if I didn't told you to do so, I owned you. No one else in this goddamn world's going to have you. No one else but me. You're meant to be mine, Danelle. You are mine, just mine. Do you understand that?"
Nangangatog ang mga tuhod niya. Nanlalamig ang buong katawan niya. Sunod-sunod ang paglunok niya habang hindi inaalis ang mga tingin rito.
"Do you understand?"
Napatango lamang siya.
"Don't just nod at me, you brat! I want to hear from you. Do you understand?"
"Y-Yes," pabulong na sambit niya.
"Yes what?"
"I do understand."
"Good." Pinakawalan na siya nito. "Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo tungkol dito." Hinubad nito ang suot na jacket at inihagis sa sofa.
Naka-tshirt lang ito at jeans. Gusto niyang nakikitang ganoon si Dexter. Lumalabas kasi ang bad boy looks nito. Naalala niya bigla, galing pa pala ito sa mahabang biyahe. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
"Nabasa ko sa notes mo sa office," anito.
"Galing kang opisina? "
"Dumeretso akong opisina para iwanan ang mga papeles. Napadaan lang ako sa Marketing Department dahil nakita kong nakabukas ang ilaw sa opisina ni Ate."
"Paano ka napadpad sa cubicle ko?"
"Tiningnan ko lang ang schedules. And I've been calling you several times sa pagtapak ko ng airport. Hindi ka sumasagot. Mabuti at nag-iwan ka ng note. Now, where's your phone?"
Napakamot siya ng ulo. Malamang nakaligtaan niya ng i-check ang cellphone niya dahil sobra siyang nag-enjoy kanina. Iniba niya na lamang ang usapan. "K-Kumain ka na ba?"
Umiling-iling ito.
"Ipagluluto kita." Sinilip niya ang relos. Maaga pa naman kaya may oras pa siyang ipaghanda ito ng haponan.
"I'm not hungry," sabi nito at humakbang papalapit sa kinatatayuan niya. Hinawakan siya nito sa kamay. "Let's go."
"H-Ha?" Natataranta na naman ang isip niya.
"Dahil diyan sa kalandian mo, bibigyan kita ng parusang hindi mo makakalimutan."
"Hindi ako lumalandi!" naiinis niyang sabi.
"Whatever." Hinila siya nito papasok sa kwartong alam niyang hindi sa kanya.
Napatawa siya sa naging reaksiyon ni Dexter nang buksan ang pinto. Hindi pa kasi nila nagagawa iyon dito sa pad kaya wala itong kaalam-alam sa kung saan naroroon ang kwarto niya. At kung sakaling may mangyayari sa gabing ito, this will be their first night together here.
Napakamot ito ng ulo. "This is Carla's room," nasambit nito.
"Yes." At siya na lamang ang humila rito papasok sa kwarto niyang nasa tabi lang ng kwarto ni Carla.
Oh well, she missed him so much and she can't say no to this handsome man of her life.
*** *** ***
ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Danelle. Dahan-dahang bumaba siya ng kama upang huwag magising si Dexter na mahimbing na natutulog. Tinungo niya ang kinaroroonan ng banyo at agad na naligo.
Ilang minuto lang ang itinagal niya. Pagkatapos ay agad na nagbihis at hinanda ang mga gamit. Maingat ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto. Dahan-dahan, pinihit niya ang doorknob at lumabas na ng kwarto.
Habang naghahanda ng agahan ay hindi maalis sa isip niya ang galit sa kanya ni Dexter. It's unusual and unexpected. Bakit ito magseselos ng ganun?
Eksaktong alas sais natapos siya sa pagluluto. Nagising na rin ito at nakapagbihis na. "Good morning," bati niya.
"Good morning. " Naupo na ito.
Agad niyang inabot ang tinimpla niyang kape para dito. Naupo na rin siya at nagsimula ng kumain.
"You look stunning today," sabi nito habang nakatitig sa kanya. Hawak-hawak nito ang mug. "Why?"
"What do you mean by why?"
Napatawa ito. "Napakainit ng ulo natin ngayon, Miss Danelle. Hindi ka ba nakatulog ng maayos?"
"Kumain ka na lang kaya."
Tumahimik na ito at kumain na lang. Matapos nilang makapag-agahan ay niligpit na nito ang mga pinagkainan nila habang sinimulan niya ang paghuhugas.
"You're coming with me tonight," sabi nito sa kanya.
"Saan?"
"Kaarawan ng pamangkin ko at sa bahay ng mga magulang namin gustong icelebrate ni Ate Chanel."
"Invited ako?"
"Yes and I want you to meet my family."
Itinigil niya ang ginagawa at hinarap ito. "At bakit gusto mo akong ipakilala sa kanila?"
"Dahil gusto ko."
Nagpintig ang tenga niya. "Dahil gusto mo," sabi niya at napatango-tango. "Dahil gusto mo lang. I'm sorry, Mr. Dexter Lenares pero sa tingin ko hindi ako makakasama sayo mamayang gabi."
"Why?"
"Dahil gusto ko."
Kumunot ang noo nito. "What is it this time, Danelle?"
Napabuntong hininga siya. "Hanggang kailan ba tayo ganito, Dexter? Hanggang kailan tayo mananatiling ganito lang? Kasi minsan nakakapagod. At hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon natitiis kita."
Napasuklay sa buhok niya si Dexter.
"What's wrong? Please tell me para maliwanagan ako at para malaman ko kung may dahilan nga ba kung bakit ganito lang ang gusto mo."
"Danelle..."
"Alam ko na may pumipigil sayo. Hindi ako naniniwalang hindi ka pa handa. Hindi iyon ang dahilan. May problema ka ba sa akin? Hindi ba ako iyong nararapat sayo? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin? Hindi ko ba kayang abutin ang standard mo sa isang babae? Napipilitan ka lang bang pakisamahan ako dahil nagawa ko ng isuko ang sarili ko sayo at nagiguilty ka?"
"Danelle, it's not like that."
"Then what?" Gusto niya na namang maiyak. Pero hanggat kaya niya pang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya ay gagawin niya. Gusto niyang sabihin kung ano man ang nararamdaman niya. At magagawa lamang niya iyon kung hindi siya magiging emosyonal.
"Hindi ito iyong tamang araw para pag-usapan natin 'to. Pagod na pagod ako at gusto kong magpahinga."
"At pagod na rin ako sa kakahintay, Dexter. At hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan ay mapipilitan akong talikuran ka ng tuluyan."
"No, please don't." Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad. "Don't say that."
"Then love me." Napaluha na siya. "Just love me."
Niyakap siya ni Dexter. "I can't, " bulong nito. "I wanted to but I can't."
Inilayo niya ang sarili rito. "Why?"
Napatiim bagang si Dexter. Tumalikod ito sa kanya. Pagkuway naglakad ng paroo't parito na para bang hindi mapakali. Nagpakawala ito ng isang malalim ba buntong hininga.
Nararamdaman niyang may gumugulo rito. At iyon ang gusto niyang malaman.
"Tell me why?"
"Dahil takot akong magmahal dahil takot akong masaktan."
Natahimik siya at nakatitig lamang dito.
"Kaya ayaw ko na pasokin ang isang relasyon dahil alam ko na sa huli, lugi ako. Kahit ilang taong umabot ang isang relasyon, kung lolokohin ka niya, lolokohin ka ng walang alinlangan."
Hindi niya ito maintindihan.
Itinuko ni Dexter ang dalawang kamay sa mesa. "I loved someone before ng higit pa sa inaakala ko. Pero mas pinili niyang saktan ako. Gumuho ang mundo ko, halos mabaliw ako sa sobrang dami ng katanungan sa isip ko. Kung ano ba ang naging pagkukulang ko sa kanya at nagawa niya akong iwan.
"She's my everything. Bahagi siya ng mga pangarap ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit masaya akong gawin ang lahat ng bagay na pinakagusto ko. Siya ang inspirasyon ko. Pero naglaho ang lahat ng iyon sa isang iglap.
"Nang dahil sa kanya nagawa kong magalit sa mundo. Pansamantalang nawalan ng dereksiyon ang buhay ko. Dahil sa galit ko sa kanya, kinalimutan ko na kung paano magmahal ng totoo. Kasi naisip ko, pasasaan ba ang lahat kung sa huli ay masasaktan lang ako at paglalaruan?
"Kaya simula 'nun, naging mapaglaro ako sa mga babae. Hanggang sa nalaman ko na lang na kinasanayan ko na iyon. Wala ng mahalaga sa akin ngayon kundi ang career ko, pamilya ko at sarili ko. Siguro nga tuluyan ng nakasara ang puso ko. At mahirap na mabuksan ulit iyon. Naging bato na ako, Danelle. Naging manhid at wala ng pakiramdam. "
"But I'm not like her," sabi niya. Tiningnan siya nito. "Sabi mo nga, I'm different. Dexter, kung nagawa ka man niyang saktan, ako, hindi ko magagawa sayo iyon. Alam mo na kaya kitang mahalin at handa akong mahalin ka unconditionally. "
"Danelle..."
"Listen to me." Nilapitan niya ito. "Hindi ko man alam lahat pero nararamdaman ko. At naniniwala ako na kaya mo pa ring magmahal. Just give your self a chance, Dexter. I am here to help you."
"Oh, please, Danelle!" Iniwasan siya agad nito.
Ngunit nagpatuloy siya. "May dahilan kung bakit tayo pinagtagpo, Dexter. May dahilan kung bakit mo ako nakilala. Iyon ay para tulungan kang marealize na may nakahandang mahalin ka ng totoo. I am here to love you, not to hurt you. And you know I am not capable of hurting you."
"I am sorry. Pero mas gugustohin ko na lang na manatili tayong ganito." Kinuha na nito ang jacket. "I will be waiting for your call. Pag-isipan mo ang tungkol sa party."
Nagtagis siya ng bagang. "My decision is final. I'm not going. Besides, girlfriend lang naman ang inihaharap sa buong pamilya. At para na rin maalala mo, I will never going to be your girlfriend. "
"Then be it!" At umalis na ito ng tuluyan.
Naisubsob niya sa nga palad ang mukha at napahagulhol na lamang ng iyak.
At alam niyang matatapos ang araw na hindi siya mapakali. Ayaw niyang hindi sila nagkikibuan ni Dexter pero mas mainam na itong ganito. Baka sakaling maisip nito ang kahalagahan niya.
Namukha siyang tanga na halos magmakaawa siya rito kanina na mahalin siya nito. Pero sa nalaman niyang dahilan kung bakit, may bahagi sa puso at isipan niya ang nagsasabing kailangan niyang habaan pa ang pagpapasensiya rito at intindihin kahit papaano. Mahal niya na ito ng sobra. At ang gusto niya lang naman ay mahalin rin siya nito.
Inaakala nito na parepareho ang mga babae. Mapanlinlang, sinungaling, at manloloko. Kung sana siya ang unang nakilala at minahal nito, natitiyak niyang hindi nito mararanasan kung ano man ang dinadanas nito dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. Gusto niyang patunayan rito na iba siya, na kaya niyang gawin ang lahat mapasaya lamang ito.
He's her first love, the very first man in her life and she's expecting something different. Pero mukha ngang nasobraan ang kaibahan sa relasyong ito. Ganito ba talaga? O sadyang napaibig lang siya sa lalakeng sadyang kakaiba ang pagkatao?
Well, walang maghahatid sa kanya pauwi sa pagkakataon na ito. Naisipan niyang tawagan na lamang ang kaibigang si Carla.
"Pwede niyo ba akong daanan rito sa office? Sasabay na ako sayo pauwi."
"Why? Where's Mr. Lenares?"
"Ahmmm. H-He is busy," pagsisinungaling niya. Nag-absent sa trabaho si Dexter. Malamang nagpapahinga ito hanggang sa mga sandaling ito.
"I see. Alright, hintayin mo kami sa labas ng building. We're on our way."
"Thanks."
Matapos iligpit ang mga gamit ay lumabas na siya ng opisina at lumabas na ng building. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang sasakyan ni JB.
Tahimik lamang siya habang tinatahak nila ang kahabaan ng traffic. Hindi maaalis sa isip niya si Dexter. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Kagaya niya, nag-aalala rin ba ito? Silip siya ng silip sa cellphone niya. Wala itong messages.
Dumaan silang KFC para magtake out ng kakainin nila pagdating ng pad.
"What do you want to eat, Danelle?" tanong sa kanya ni JB.
"Hindi ako nagugutom, JB. Kayo na lang ni Carla."
Nagkatinginan ang dalawa. Napakibit balikat si JB at bumaba na ng sasakyan.
Nilingon siya ni Carla. "Something's not right. May problema ba kayo ni Dexter? "
Kahit si Carla ay hindi alam ang tungkol sa tunay nilang relasyon ni Dexter. Hindi niya magawang ipagtapat rito ang totoo dahil alam niyang hindi nito magugustohan iyon.
"Wala," aniya.
"Sure?"
"We're fine, Carla." Tumigin siya sa labas ng bintana ng sasakyan. I guess.
Bumalik na si JB bitbit ang pagkain. "I have an extra," sabi nito. "Just in case magbago ang isip mo, Danelle."
Napangiti siya. "O sige na nga. Sasabay na ako sa inyo sa pagkain."
"Good!" Pinaandar na nito ang sasakyan at pinatakbo na. "Nasaan ba si Pareng Dexter?"
"May dinaluhan lang na isang birthday celebration. Kaarawan ng pamangkin niya ngayon."
"At bakit hindi ka sumama?" nagtatakang tanong ni Carla.
Isang buntong hininga ang tugon niya.
"May problema kayong dalawa?" tanong pa ni JB. Nakatuon ang paningin nito sa kalsada.
"May hindi lang pagkakaunawaan," aniya.
"Ang sabi mo okay lang kayo?" Galit na nilingon siya ni Carla.
"We're going to be fine."
"Going to be fine? It's different from what you've just said earlier. " Pinaikot nito ang mga mata.
"Walang problemang hindi napag-uusapan, Danelle, " sabi pa ni JB. "Mas mainam na ayusin niyo na kung ano man ang problema ninyo habang hindi pa natatapos ang araw na ito. Kasi kung ipagpabukas niyo iyan, baka lumala pa."
Ano ba ang magagawa niya? Ayaw niyang makausap ito at alam niyang ayaw rin siyang kausapin nito. Kung iisiping mabuti, wala itong karapatang magalit sa kanya. Kung may kailangang magalit, siya iyon. Dahil hindi nito pinapahalagahan ang nararamdaman niya.
Naiinggit siya kina JB at Carla. Alam niya at nakikita niyang masaya ang mga ito. Hinihiling niya na lang na sana balang araw, magiging masaya rin siya.
Nang makarating silang pad ay agad silang kumain. Pagkatapos niya ay iniwanan niya na ang dalawa.
"Danelle, are you sure you're okay? " Nag-aalala si Carla sa kanya.
"Ayos lang ako. Goodnight." Pumasok na siya sa kwarto niya.
Ang sabi niya sa sarili niya, sisikapin niyang huwag ng iyakan si Dexter. Pero sadyang mahirap pigilan ang pusong nahihirapan at nasasaktan.
Hinintay niya na tumawag ito. Ngunit madaling araw na, gising pa siya, at mukhang wala na siyang aasahang tawag mula rito. Pinatay niya na lamang ang cellphone niya at natulog.