Chereads / Tanging Ikaw Lamang / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

NAPAKABILIS NG mga araw na nagdaan. At hindi lubos akalain ni Dexter na tatagal sila ni Danelle ng ganito lang. No commitment at all. Pero nas mainam na rin para sa kanya ang ganitong estado ng relasyon nila. Besides, ayaw niyang magkaroon sila ng problema.

He's not ready yet. Hindi pa niya kayang buksan muli ang pusong ilang taon ring hindi mabuo-buo. It takes time to heal a broken heart ayon nga sa kasabihan.

Alam niyang pinapakitaan siya ni Danelle ng ibang atensiyon. At naa-appreciate niya iyon. Kaya lang, hindi siya sigurado kung kaya niyang subukan ang isang seryosong relasyon dito.

I'll try just for her. Ayaw niyang mawala si Danelle.

Nakahanda na ang regalo niya para sa graduation nito. At inaasahan niyang magugustohan nito iyon. He decided to call Danelle's parents at Lola nito and invited them. At pumayag ang mga ito at makakarating para sa importanteng event sa buhay ng dalaga.

Alam niyang may problema ito sa mga magulang. Pero naisip niya na marahil ito na iyong pagkakataon para maayos ng mga ito ang gusot. At gusto niyang makitang masaya si Danelle. It's all that matters to him now, her happiness.

Nagpareserve na rin siya para sa family gathering na magaganap after the graduation ceremony. Alam niyang gusto ni Danelle sa restaurant nila Aljune kaya doon sila. Ang asawa na nito ang humahawak ng negosyo ngayon.

Nakahanda na ang lahat. Pero may isang bagay pa siyang hindi naihahanda. Kung ano ang bibilhin niyang regalo para dito. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya malaman kung ano ba ang siyang bibilhing regalo para sa isang babae. Dati kasi kapag may gusto siyang iregalo, inuutusan niya ang mga pinsan o kaya mga pamangkin. Sila ang pinagdidesisyon niya.

Whatever. Saka na lamang siya magdidecide.

Masaya siya at nakilala niya ang mga magulang nito at ang Lola na nagpalaki dito. Kung titingnang mabuti, hindi mahahalatang broken family nga ang mga ito. Nakikita niya ang masasayang mukha ng bawat isa. Alam niyang hindi naging madali para kay Danelle ang lahat. Pero alam niya ring natutunan na nito kung paano tanggapin ang kailangang tanggapin.

"Thanks," sabi nito sa kanya kinagabihan.

Hinalikan niya ito sa noo. "You're welcome," sabi niya. "Ang akala ko ay magagalit ka kasi pinapunta ko sila."

"Tinawagan ako ni Mama kagabi at tinanong niya ako kung okay lang bang makipagcelebrate. Ang sabi ko oo naman. Mas maganda nga kung pati si Papa. Kahit ngayong araw lang na ito magkakasama kami. Hindi ko alam na you've planned for it."

"Gusto ko lang na maging masaya ka kahit sa simpleng bagay lang."

"Simpleng bagay?" Tiningala siya nito. "Hindi lang bastang simpleng bagay ito, Dexter. Thanking you will not be enough. Ilang taon ko na hindi nakikita at nakakasama ang mga magulang ko."

Hinaplos niya ang mukha nito. "Well, basta para sayo walang problema." Hinila niya ito at siniil ng halik sa mga labi.

Inilakbay niya ang kamay sa likuran nito. Hanggang sa dumako iyon sa may tiyan nito paakyat hanggang dibdib nito. Pinakawalan niya ang mga labi ni Danelle at napatitig ng husto rito nang bigla nitong pinigilan ang kamay niya.

"What's wrong?" nagtatakang tanong niya.

"Ano ba tayo, Dexter?"

Natigilan siya panandalian. Pagkuway napabuntong hininga. Alam niyang darating ang araw na itatanong nito iyon sa kanya. "Kung ano man tayo ngayon, iyon na iyon, Danelle."

Napabalikwas ng bangon si Danelle. Hinila nito ang kumot upang ipangtakip sa kahubaran nito. "W-What do you mean? "

Bumangon siya at napaupo. Nasa tabi niya lang si Danelle. Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Mahirap ipaliwanag. At alam ko rin na mahihirapan kang intindihin kung ano man ang sitwasyon ko."

"Well, kung hindi mo ipapaliwanag, hindi ko maiintindihan."

"Hindi ako iyong tipo na pinanghahawakan ang seryosong relasyon, Danelle. Hindi ako ganoon kadaling ma-inlove."

"Why?"

"Dahil hindi pa ako handa."

"H-Hindi handa saan?"

Binalingan niya ito. "You're nice, beautiful, perfect at kahit sinong lalake maghahangad ng isang katulad mo sa buhay. And believe me, I find you way special. I want to keep you, and I really don't want to lose you. Pero hanggat maaari, huwag nating dalhin sa seryosong paraan ang lahat ng mga nangyayari sa atin. It's quite unfair, I know. Pero gusto kong mahanap ang sarili ko sayo. "

"So, lahat ng ito balewala lang sayo, ganoon ba?"

"Its not that it's nothing. There is something between us, maniwala ka."

"If there is something then, bakit hanggang dito lang?"

"Dahil kinakailangan. I know what you feel about me. And I thank you for that."

"You know what I feel about you. And you're thanking me for it? " Natawa ito ng pagak. "Iyon lang iyon, ha, Dexter? Alam mong nahulog na ng tuluyan ang loob ko sayo at hahayaan mo lang iyon ng ganoon?"

"Listen---"

"No, you listen! What do you want?"

"I want you. I need you. And I want you to be here with me always."

"Then why, Dexter?"

Hindi siya agad nakasagot.

"This is crazy." Bumaba ng kama si Danelle habang nanatiling nakatapis sa katawan ang kumot. "You're telling me not to expect anything from you. Dahil hindi ka handang pumasok sa isang relasyon, na hindi ka pa handang magmahal. Dexter, you let me fall for you. At kung alam ko lang na wala rin pala akong aasahan sayo, sana sa simula pa lang umiwas na ako."

"Danelle, please. .."

"Go to hell!" Lakad takbong tinungo nito ang pintuan. Binuksan nito iyon, lumabas at pabagsak na isinara.

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Naisip niyang sundan ito. Nagbihis siya. Nagmamadaling lumabas ng kwarto at pinuntahan ito sa kwarto nito.

Kinatok niya ang pinto. Ngunit hindi ito sumagot. Pinihit niya ang doorknob at pumasok na lamang sa loob. Naratnan niya itong nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana.

Nilapitan niya ito. "Danelle..."

"I don't understand why, Dexter."

Napabuntong hininga siya. "Hey..." Hinawakan niya ang isang kamay nito.

"Sinasabi mo rin ba sa mga babae mo dati ang lahat ng 'to?"

"Hindi, " aniya. "Sayo ko lang nagawang ipaliwanag. Because you are different and special."

Hinarap siya nito. "Then why can't you love me?" Namumuo na ang luha sa mga mata nito.

Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito. "Because I still can't, Danelle. Pero naniniwala ako na darating rin ang panahon na magagawa kong suklian ang pagmamahal mo. I'll try, I promise. I'm so sorry kung hindi ko nasabi sayo ng maaga ang tungkol dito. Natatakot ako na kapag nalaman mo ay iwasan mo na ako. At hindi ko alam ang gagawin kapag nangyari iyon."

Napaiyak si Danelle.

Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang daliri niya. "I don't want to see you like this. Please, stop crying."

"What do you want me to do, Dexter?"

"I just want you to stay here with me. I want you to bear with me and understand me. Dahil kahit ako gusto ko ring intindihin ang sarili ko. I just don't want to lose you, that's all I know."

Yumakap sa kanya si Danelle. Niyakap niya rin ito ng mahigpit. I'm sorry, Danelle. Wala akong balak masaktan ka. Pero gusto ko lang ihanda ang sarili ko hanggang sa tuluyan na akong iwan ng takot ko.

*** *** ***

HINDI NIYA NAGAWANG makatulog ng maayos kagabi. Binabagabag siya ng maraming bagay. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pagmasdan na lamang si Danelle na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Kung madali lang sana para sa kanya ang lahat, magiging madali para sa kanya ang mahalin ito. But he can't. He just can't.

Ilang babae na rin ang nagdaan sa buhay niya. At lahat ng iyon ay nagawa niya lamang paikutin sa mga palad niya. Hindi niya alam kung paano magmahal ng totoo. Hindi niya na nagawang pagbigyan ang sarili na maranasan ang magmahal ng totoo at kung paano mahalin ng totoo.

Ang buong akala niya ay iniwanan na siya ni Danelle dahil hindi niya na ito nasilayan sa tabi niya sa paggising niya. Paglabas niya ng kwarto nito ay agad niya itong hinanap.

Naratnan niya ito sa kusina, nagluluto. Nilapitan niya ito at niyakap habang nakatalikod ito. Hinagkan niya ito sa pisngi. "Good morning, " aniya.

"Good morning," nakangiting sabi nito. "Malapit na akong matapos kaya maghintay ka na lang muna."

Naupo siya at pinagmasdan ito. Nasasanay na siyang pinagluluto nito tuwing Miyerkules. Day-off kasi ng personal cook niya every Wednesday kaya ito ang siyang pumalit. And she's good! Masarap itong magluto.

"What's for breakfast, Chef?" tanong niya rito.

"Creamy Steak."

Hindi niya maiwasang mapakunot noo. Ngayon lamang niya narinig iyon. "Alright. I'm excited."

"For a moment, please. "

Danelle seems to be okay pagkatapos ng napag-usapan nila kagabi. Maybe she's determined to stay no matter what. Pero hinihiling niya na sana nga hindi ito magsawang intindihin siya.

"Are we good?" tanong niya rito nang lagyan nito ng pagkain ang pinggan niya.

"Of course, "sabi naman nito.

"Hindi ka aalis?"

"Hindi. Dahil alam ko kung paano maghintay." Dinampian siya nito ng halik sa mga labi. "I'll go ahead."

"What?!?" Napatayo siya. "Where?"

Pinamaywangan siya nito. "Hindi ko alam kung may balak ka pang pumasok sa trabaho mo today. Pero kung ano man iyon, it's up to you. Basta ako, kailangan ko ng umalis." Kinuha nito ang bag at cellphone sa mesa. "Enjoy your breakfast. "

"Hey, wait." Pinigilan niya ito. Hinila niya nito at ipinulupot ang mga kamay sa bewang nito. "Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"

"Hindi ako habambuhay mawawala, Dexter, " natatawang sabi nito. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang importanteng appointment meron ako today? Kaya kung gusto mong magtrabaho ako sa kompanya ninyo, hahayaan ko ako na sumipot sa interview."

Napangiti siya. "Really? Nakapagdesisyon ka na sa kompanya mag-apply?"

"Yes."

"Wow! I'm looking forward to see you there then."

Tumaas ang isang kilay nito. "P-Pupunta ka sa interview? "

Dinampian niya ito ng halik. "Hindi, dahil baka hindi ka makapagconcentrate kapag nandoon ako."

Pinaikot nito ang mga mata. "Feeling!" Itinulak siya nito. "Bye!"

"Take care," sabi niya at sinundan ito ng tingin.

"Thanks."

*** *** ***

NOT BAD FOR for her first day at work. Hindi niya ring masasabing ganoon kaganda. Medyo marami ring iniwanang trabaho si Helen kaya siya ang nag-aasikaso. Mabuti na lamang at alam niya ang trabaho nito na siya ng magiging trabaho niya.

Sunod-sunod na rin ang mga proposed projects ng kompanya at isa si Vhivian sa importanteng tao. Kaya kaliwa't kanan ang siyang natatanggap niyang phone calls, ginagawang phone calls, nilalakad na papeles, inaayos na appointments, travel orders at kung anu-ano pa. Kaya sa tuwing umuuwi siya ay agad siyang bumabagsak sa kama niya.

At ang mas nakaka-stress, ay ang mga naririnig niyang tsismis. Isa sa mga kasamahan niya sa department ay sinasabi na kaya siya nakapasok sa kompanya dahilan kay Dexter Lenares at Vhivian Robles. Umiinit ang dugo niya sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung totoo nga ba iyon. Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng Jill na iyon ay gusto niyang sabunutan ito hanggang sa makalbo.

Pero binalewala niya na lamang ang tsismis. Alam niya, nakapasok siya sa kompanya dahil sa pagsisikap niya at hindi dahil sa tulong ng iba. Ginawa niya lang naman ang nararapat gawin. Sinabihan siya ni Dexter na huwag ng magpa-interview dahil iaabsorb na lamang siya. Ngunit gusto niyang maging patas sa lahat ng bagay lalo na at marami ang siyang nag-apply sa posisyong nakuha niya.

Alam niyang nabibigyan ng ibang kahulugan ang ugnayan niya kay Dexter. Iniisip marahil ng ilan na nobya siya nito. Pero sa sarili niya alam niya kung ano ang totoo. She's just a friend.

Ikinagulat niya isang araw ng bigla na lamang ipatawag ni Vhivian si Jill. Hindi niya alam ang dahilan. Matagal rin si Jill sa opisina ng boss nila. At ng lumabas ito ay nakita niyang umiiyak. Baka marahil umabot kay Vhivian ang tsismis kaya nito kinausap ang babae.

Napakibit balikat na lamang siya. Sa araw na ito sobra-sobra na ang nangyari. Sana naman kahit ilang oras lang magkaroon siya ng peace of mind.

"Danelle? "

Naitigil niya ang ginagawa at napatingin kay Jill. Namamaga pa rin ang mga mata nito. "Yes, Jill? May kailangan ka?"

"I just want to apologize, " anito.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Saan naman?"

"Narinig mo na marahil ang tsismis."

"Ah." Napatango-tango siya. Naiinis siyang talaga rito. Hindi siya sigurado kung sincere ba ito sa paghingi ng tawad sa kanya.

"I'm really sorry. Susubukan kong makabawi."

Napabuntong hininga siya. Makabawi saan? Sinira mo na imahe ko rito! Tiningala niya ito. "Okay lang naman sana na ipagkalat mo ang tungkol sa bagay na iyon kung totoo. Kaso hindi. I don't want to sound rude, Jill, kaya lang wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo naman ako kilala. Alam ko na bago lang ako rito sa kompanya. And I want you to know, I deserve to be here. I deserved being in this position dahil may potential ako para sa posisyong ito. Nakapasok ako sa trabahong ito ng hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino. Alam mo kung may problema ka sa akin, just tell me. Walang problemang hindi napag-uusapan."

Napayuko ito. "I am really sorry."

"Nagsosorry ka ba ngayon dahil napagsabihan ka sa pagkakamaling nagawa mo? O dahil totoong nagiguilty ka?"

Hindi ito nakasagot.

"If you'll excuse me, may trabaho pa ako."

Hiyang-hiyang umalis ito at bumalik na lamang sa cubicle.

I so love this day! Inilabas niya na lamang ang galit at inis sa trabaho.

Eksaktong alas singko ng hapon ng matapos niya ang trabaho. Ayaw niyang may makaligtaan dahil bukas alam niyang marami siyang kailangang gawin.

Medyo wala ng tao sa department. Umuwi na rin ng maaga si Vhivian. Habang inililigpit niya ang mga gamit niya ay tumawag si Dexter.

Sinagot niya agad iyon. "Hi." Inipit niya ang cellphone niya sa pagitan ng tenga at leeg niya at napagpatuloy sa pagliligpit.

"Done?" tanong nito.

"Yes. Nagliligpit na ako ng mga gamit."

"Good. Dadaanan kita. We'll have dinner outside."

"Sa labas na lamang tayo magkita. Mahirap na at baka pagtsismisan na naman ako kapag nakitang magkasama tayo."

"I heard about it. Nakausap mo si Jill?"

"Kinausap niya ako at humingi ng sorry."

"Good."

"Good? Eh, naiinis ako sa kaplastikan niya." Kinuha niya ang bag niya at lumabas na ng opisina.

"Leave her, Danelle. Besides, alam mo naman na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Just stand for what is right."

"Palabas na ako ng building," nasabi niya. "Dito na lang kita hihintayin."

Bumuntong hininga si Dexter. "Okay."

Pagod na pagod siya at inaantok. Kumakalam na rin ang sikmura niya. Ilang araw ring siyang napasubsob sa trabaho niya. Pero kapag kasama niya si Dexter ay bumabalik ang sigla niya. He is her stress reliever.

"Saan ka uuwi ngayon?" tanong nito sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain nila.

Napatingin siya rito. "Sa pad," seryosong sabi niya. "Why?"

"Naisip ko lang na baka gusto mo akong samahan sa unit ko. Malungkot kasi kapag wala ka."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Talaga?"

Bahagyang tumawa si Dexter. "Mas mabuti iyong dumistansiya muna tayo sa isa't isa," anito pagkatapos. "Para makaiwas na rin sa tukso. Besides, mukhang kailangan mo ng mahabang pahinga. Mukhang pagod na pagod ka."

"Nabigla yata ako sa trabaho," pagtatapat niya.

"Don't worry, ngayon lang iyan. Kapag nasanay kana, you'll find it easy."

"Sana nga."

"By the way, two days akong mawawala. May post qualification kasi akong kailangang gawin sa Maynila."

Dalawang araw na hindi niya ito makikita. Ngayon pa lang nalulungkot na siya.

"So, I am expecting you to be very behave," dagdag nito.

"Eh?" Napahalakhak siya. "Seryoso ka diyan?"

Ningitian siya ni Dexter. "I am going to miss you," sabi na lamang nito.

"Ako rin."

Matapos nilang kumain ay inihatid na siya nito sa pad nila. Malamang nakauwi na si Carla galing rin sa trabaho nito. Inihatid siya ni Dexter hanggang sa unit nila.

"Huwag ka ng pumasok," sabi niya.

Malungkot ito. "Why?"

Para itong batang naagawan ng paboritong laruan. Natatawang niyakap niya na lamang si Dexter. "Good night, my friend." A joke, pero masakit rin para sa kanya na hanggang ngayon, ganoon pa rin ang estado ng relasyon nila.

Niyakap siya ng mahigpit ni Dexter. Hinagkan nito ang ulo niya. "Be patient, please," bulong nito.

"I am." Kumalas siya sa pagkakayakap dito.

Ikinulong ni Dexter sa mga palad ang mukha niya. "Thank you." Hinalikan nito ang mga labi niya ng matagal.

"Go home," anas niya ng magkaroon ng distansiya ang mga mukha nila.

Pinisil nito ang ilong niya. "Pinagtatabuyan mo ako?"

"Maaga pa ang biyahe mo bukas at may trabaho pa ako."

"Okay." Hinila siya nito at muling hinalikan.

Bakit ba napakahirap para sa kanya na tanggihan ito? Umaayaw siya minsan, pero nalalaman niya na lang na bumibigay na siya.

Agad silang naghiwalay nang biglang bumukas ang pinto.

"Pumasok nga kayong dalawa at doon niyo ipinagpatuloy iyang ginagawa niyo sa kwarto mo," natatawang sabi ni Carla sa kanya.

Pinamulahan siya ng mukha. Napatingin siya sa kaibigan at sa nobyo nito na nasa likuran. Binalingan niya si Dexter na napapakamot sa ulo nito.

"He's leaving," sabi niya na lamang.

"Really? Why?"

"Because that's why." Itinulak niya ito papasok at itinulak niya naman papalabas ang nobyo nitong si JB.

Nagkatawanang pumasok na lamang sa elevator ang dalawang binata. Isinara niya ang pinto at binalingan muli si Carla.

"Kanina pa kayo nakikiramdam?" Pinamaywangan niya ito.

"Medyo."

"Jeez!" Nagmamadaling pumasok na lamang siya sa kwarto niya. "Goodnight!" sigaw niya bago isinara ang pinto.

Dexter Lenares. Hanggang kailan mo ako pahihirapan?

Ang buong akala niya ay magtatapos ang araw na ito na may ngiti sa mga labi niya. Ngunit heto na naman siya, umiiyak. Naguguluhan siya kung bakit ganoon si Dexter sa kabila ng lahat.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya maghihintay.