Chereads / Bullets of Past / Chapter 52 - Disguised

Chapter 52 - Disguised

Disguised

Ang dugo ay balewalang gumuhit sa makisig nitong braso kasunod ng pagpapakita ng isang malaking daga sa paanan nito.

"D...Dam...on." napapaos ko itong tinawag.

Tuluyang namuo ang luha sa aking mga mata nang hindi ito gumalaw.

Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan. Sa bawat pagkain sa aming distansya ay mas dinudurog ang aking puso.

What have they done to him?

What did they do to him?

How long has he been like this?

Bakit nila ito ginawa? BAKIT??

Mabilis kong pinalis ang gumuhit na luha sa aking pisngi bago lumuhod sa harapan nito. Wala akong pakealam na madungisan ng kanyang dugo ang aking puting long sleeve. All I want right now is to look at him closer.

Mas biniyak ang aking puso nang pasadahan ko ng tingin ang kanyang katawan na naliligo sa dugo.

I bit my lower lip real hard bago mahinang pinakawalaan ang hikbi.

I hate him to the core because he's a flirt, but I never, ever, think of him being punish or tortured like what I'm seeing right now.

Mabilis kong hinagilap ang mga kadenang nakatali sa dalawa nitong paa. Malutong akong napamura nang makita ang mga pad lock sa bawat isa.

Walang pag-aalinlangan akong tumayo at umikot para kalagan ang mga kamay nito ngunit bigo rin ako sa parteng iyon dahil sa mga padlock na nakapalibot.

I hysterically shake my head. Trying to think of something better to do.

Tinanggal ko ang blindfold ni Damon at mariing napapikit nang makitang umagos ang dugo nito mula sa sugat sa kilay. Ang duct tape na nakapakat sa labi nito ay mas nagpa-iling sa akin. I removed it too.

Napasalo na lamang ako sa aking ulo habang tinititigan si Damon na walang malay at naliligo sa sarili nitong dugo.

"SHIITTT!!!"

My georgina! What am I going to do!

Nangingigil akong tumakbo sa pintuan at kinalabog ito ng kinalabog. My heart is pounding so bad. Breathing is painful. I can't suppress what I feel anymore. I'm so fucking worried and I don't know what to do.

I flicked the door knob. And Damn! It's locked!

What is Hugh planning with this bullshit situation?!

Hindi ako tumigil sa pagdabog sa pinto hanggang sa unti unti akong nakaramdam ng panghihina.

Napasandal na lamang ako sa pader at dahan-dahang napaupo habang ang mga mata'y nasa lalaki sa aking harapan.

I know he suffered so much under the golden hands of Hugh.

The evidence is front of me.

He's hopelessly hanging in the chair. Still fighting for his life despite of everything that they've done to him.

Muling nag-init ang gilid ng aking mga mata. Pinilit kong huminga ng maayos pero hindi parin nakakatakas ang ilang paghikbi.

Marahan kong iniuntog ang aking ulo sa pader na aking sinasandalan bago tumitig sa madilim na kisame.

Pilit ko mang iwasang isipin ang dahilan ay patuloy na sumasagi sa aking ulo.

Siguro ay ito na ang araw ng paghatol.

I know the reason why Hugh is doing this. And I should be feeling happy right now. Pero kabalikataran ang aking nararamdamang lungkot.

Bakit hindi ko matanggap ang lahat. Bakit pakiramdam ko hindi na mahalaga ang nangyari sa nakaraan. Bakit ako umiiyak? Ano ang mga luhang ito?

Kasiyahan ba o ang kabaliktaran nito na kalungkutan.

I should be happy with what I'm seeing.

Kaagad kong naramdaman ang matinding pagkirot sa aking puso sa sariling pananaw. I really don't like this violent feeling inside my stomach.

Mabilis kong inilapit ang aking mga tuhod para yakapin. For the mean time, I stayed that way.

Staring at the man I mistakenly love. Suddenly, realizations hit me so hard.

He can do whatever he want and I have no right to get mad. He can play with that girl who's hugging him that day I followed Ana at The palms. He can also play with Foxes and many, many, many hot girls around. After all it's his choice.

And to save myself from falling and hurting, I will do what I must do.

Because after all, He clearly has no feelings for me. At sino ba naman ako para mangarap ng gising sa bagay na iyon.

Sa likod ng talukap ng aking mga mata ay ang pagliwanag ng paligid habang nakadukdok ako sa aking tuhod. Ramdam ko ang pagpasok ng ilang mga panauhin nang bumukas ang pinto.

Nawala ang aking antok nang hablutin ako ng kung sino para tumayo. Mabilis kong hinawi ang mga braso nito at matulis na tinitigan. Sila ang dalawang lalaking kasabay kong lumipad patungo sa lugar na ito.

Kaagad ako nitong itinulak palabas ng kwarto kung nasaan si Damon.

Hindi ko alam kung saan naman ako ngayon pupunta nang makasalubong si Hugh na naka puppy look habang naka tingin sa akin. Sa gilid nito ay si Ana na may malalimig na mga mata. Sa likod ng mga ito ay ang mga agents na unipormado. Including Laurence, the guy who tried to assassinate me inside my condo.

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na napatindig sa nakita. Mabigat ang bawat pagtaas at baba ng aking dibdib bago itinuro ang lalaking sumubok na patayin ako mismo sa aking condo.

Para akong binuhusan ng asido nang magtagpo ang mga mata namin noong Laurence.

Kaagad na nagdilim ang aking paningin at naglakad para sugurin ito.

My hands were clenched in fists of rage. Napuno ng galit ang aking puso.

Bago pa ako tuluyang makalapit ay mariin akong hinawakan ni Hugh sa aking kaliwang braso. Madiin at nakakasakit ang pagkakahawak nito sa aking palapulsuhan.

Nanggigigil ko itong hinarap at matamang tinitigan. Malamig na tingin lamang ang iginawad nito sa akin.

Kumabog na parang tambol ang aking dibdib kasabay ng panginginig ng aking mga labi sa sobrang panggigigil. Halos pumutok na ang aking ugat sa sobrang galit.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Ana is just watching at us with an annoying smirk.

"BAKIT KASAMA NIYO ANG LALAKING IYAN? WHAT THE HELL IS THE MEANING OF THIS?!" Parang kulog na sumabog ang aking boses sa apat na sulok nitong kwarto.

Mabilis at hindi ko na makontrol ang aking paghinga sa sobrang galit. Buong lakas kong binawi ang aking braso sa lalaking pinagkatiwalaan ko ng lubos.

Unti-unting nanggilid ang aking luha sa sobrang galit. Kinusot ko ang aking mga mata para mas makita ng maayos ang mga tao sa paligid.

"Take it easy, Miss Interior. You're in my territory." Hugh smirked

Nanliliit ang aking mga mata na tinitigan ito.

"I'm. Asking you. WHAT. THE. FUCK. IS. THE. MEANING. OF. THIS!" batid ko ang kulog sa aking boses habang pinipilit na ikalma ang sarili.

"Simple. Laurence is part of my men and everything is perfectly planned. Now, it's falling to it's place." walang paliguy-ligoy nitong sagot na ikinalaglag ng aking panga.

Nagkibit balikat at pahapyaw na humalakhak Si Hugh bago inakbayan si Ana na ngayon ay nakangiti sa akin.

Ilang segundo akong natulala sa narinig bago unti-unting pumasok sa aking kokote ang lahat lahat na inakala kong coincidence lamang at walang kinalaman sa lahat.

Hindi ko akalain na ganito ka planado ang lahat.

The memories of the very first time I stepped in that school flashes right before my eyes. And it made me want to burst with anger, knowing that it wasn't a coincidence at all. Starting at the dorm na kung saan ay kasama ko si Ana. Ang araw na binugbog ni Damon ang isang kawawang lalaki. Or let me correct it, nagpabugbog rather.

And also, the morning na abala ako sa pagsimsim ng hot chocolate ng biglang umupo at nagpakilala ang isang Hugh sa aking harapan. The man who manipulate and use my anger cause by my past experience to take this very prestigious mission he is offering.

Mabilis na nag-alab ang aking mga kamao at kaagad na lumandas sa pisngi nito kasabay ng pagtili ni Ana at ang paghawak sa aking magkabilang braso ng mga agents.

I can't believe na siya pa na pinaka pinagkakatiwalaan ko sa aking misyon ang siyang may pakana ng lahat. At hindi lang iyon, pinagkatiwalaan din siya ng aking pamilya. Pero ano ang sapat na dahilan para gawin niya ang lahat ng ito bilang ganti sa kabutihan na ibinigay sa kanya ng mga Kuya ko!

What the fuck is with his drama all this time!

"Ooh. I really like your bravery, little girl." pagbawi ni Hugh habang hinihimas ang kanyang panga.

Ana glare at me and tried to attack me pero mabilis na ipinulupot ni Hugh ang kanyang braso sa baywang nito para kumalma.

Isa pa ang babaeng ito, ngayon nasagot na ang aking mga tanong tungkol sa mga insidenteng nangyari sa akin sa nakaraan.

The way she perfectly blend herself to our topic that time, so that we will surely go to Bicol right after. I can't believe how funny the logic was.

Walang ibang nakaka-alam ng aming trip dahil biglaan lamang ang lahat except our family. So there's a huge possibility that she's the one who sets up everything that night. Because if it's Damon, ililigtas ba niya ako sa sariling giyera?

What a brainy logic.

Also, sa aking condo, wala pa masyadong nakaka alam ng bago kong location noong mga oras na iyon except them and my brothers.

The man who tried to assassinate me is right here in front of me, under their command.

So there's also a big possibility na ang mga agents na naririto ay mga sikretong alagad ni Hugh.

If I am going to survive tonight in their territory. I will surely clean this fucking mess up.

Hindi baleng maubos lahat ng trained agents namin, basta ang mahalaga ay ang mga matitira na tapat talaga.

"WALANG HIYA KA!" I heartily shout as my heart starts to harden.

They both laughed at me. Ana gave me a puppy look before she laughs again.

I tried to kick them pero mabilis silang naka iwas. Kaya naman nangigigil ko silang pinatay sa tingin.

"And, oh, by the way, I hope this time babagsak na ang kumpanya niyo sa pagkawala ko. All this time kasi gustong gusto ko talaga sa side nitong si Ana. Influential and powerful." humalakhak pa itong muli.

Mabilis na nanggilid ang aking mga luha. I can't accept the fact na nagtiwala ang aking mga kapatid sa isang malaking gago na nasa aking harapan.

I just really hope Kuya Asher and Kuya Luke also heard what I clearly heard.

"DAMN YOU! I WILL MAKE SURE THAT YOU WILL HAVE NOWHERE ELSE TO GO AFTER THIS!"

"Oh yes! Before anything else, I'd like to know if we already prove our loyalty to you pertaining on what. We. Did. To. Your. Beloved. Enemy." si Ana na mas nagpakulo ng aking dugo

They all mockingly laugh including the agents while staring at me.

"Fuck you, Ana!" buong lakas kong isinigaw habang nangigigil na kumawala sa mga nakahawak sa aking braso.

"You thought hindi ko alam na may feelings ka sa Ortegang yon? Nagkakamali ka. Now, I'm going to make sure that you two will die tonight." she hysterically laugh bago mabilis na hinaplos ang mukha ni Hugh at mariing hinalikan sa labi.

Nanggigilid ang aking mga luha sa sobang galit. Gustong gusto ko silang pagbabarilin hanggang sa mapuno ng bala ang kanilang katawan.

All this time nagpapakatanga lang pala ako sa sariling nararamdaman. I can't believe the fact that they're just using me para pabagsakin ang kumpanyang pinaghirapan ng aking pamilya. At paangatin ang kanila.

It's so frustrating knowing how terrible, how fake a person is, yet everyone trusts them because they put on a good show. And sometimes, the most poisonous people come disguised as friends and family.

The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.

Isang panyo ang tumapal sa aking bibig na pinilit kong ilagan. But the force they are putting above it is just so strong and unstoppable. Sa huli ay unti-unti akong nakaramdam ng panghihina.

"Sabi nga nila, matagal mamatay ang masamang damo. Kaya naman sisiguraduhin kong mauuna ka ngayong gabi na mawala sa listahan."

Iyon ang mga huling kataga na aking narinig bago ako tuluyang nawala sa aking sarili.