Chereads / Bullets of Past / Chapter 57 - Twenty-five

Chapter 57 - Twenty-five

Twenty-five

Matapos ang maikling pagsasalita ng founder sa harap ay muling nagpatuloy sa pag-uusap ang iba't ibang mga business tycoons.

Kuya Luke is busy talking with some businessmen on the other table. While Kuya Asher is greeting an old madam nearby.

Pristine is now busy talking with the Cristalle's. I'm sure pumapalakpak na ang tenga niyan sa sobrang saya. Lalo na't ang kanyang kaharap ay tatlong matipunong lalaki at isang magandang babae.

Everyone else seems to be very happy.

While I'm here, sitting alone in our table.

Tamad kong tinitigan ang aking cellphone habang pilit na inaabala ang aking sarili.

Some businessmen were greeting me. Some girls are also calling for me, but I'm not really in a righteous mood to blend with people right now.

Isang swipe at nakita ko ang mga popular videos.

I tapped it and then it plays.

Bahagya akong natawa nang mapanuod ang pag bomb prank sa mga taong dumadaan lalo na sa escalator. Isang lalaking nasa all white ang biglaan na lamang maghahagis ng isang bag at sasabihin bomba ang laman nito.

Mas natawa ako nang makita ang parte kung saan gumamit ang mga ito ng isang lamb na may bomba sa likod at ibinigay sa isang nakatambay na lalaki, bago mabilisang hinawi ang telang naka takip sa bomba at napatakbo.

Hindi ko naiwasang matawa ng ang mismong lamb ang sumunod sa lalaking tumatakbo.

My georgina! If I were that guy I swear hindi ko kakayanin.

"Hello, hija!" boses ng matanda ang kaagad na nakapagpa-angat sa akin ng tingin.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

Standing in front of me is Damon's father, looking good in a black and gold themed suit.

Pahapyaw na kumabog ang aking dibdib sa kakaibang tension na unti-unting namumuo.

I immediately stand up and greets the old man.

"Uhmm... Hi, po! It's been a long time." bahagya akong nag-alangan nang matanawan si Kuya Asher na ngayon ay kunot na ang noo at papunta na sa aming direksyon.

The old man smiled back and bows a bit.

"You look so beautiful in that emerald dress. It actually reminds me of someone." both formality and softness on his voice made me feel comfortable even though I shouldn't feel this way.

I gave him a pleasing smile.

May kung anong bumubulong sa aking sarili na hindi dapat ako ganito makitungo sa tao na siyang may malaking posibilidad na utak ng ambush noon.

Mabilis na dumating si Kuya Asher at kaagad akong itinago sa kanyang likuran. Ang mga tao sa paligid ay napapalingon na sa amin.

"Why the fuck are you even in our table, old man?" bakas ang awtoridad at galit sa boses ni Kuya Asher habang mahigpit na hinahawakan ang aking palapusuhan.

Gulat at nanlalaki ang aking mga mata habang palipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki sa aking harapan.

Nanginginig ang kamay ni Kuya Asher habang mabigat at may pagbabanta ang bawat pagbagsak ng hininga nito.

The old man heartily laughs in front of us. Ang mga body guards nito ay nasa likuran na.

"Oh. My bad. So you're an Interior? Now I know why you looked exactly like her--" kaagad itong pinutol ni Kuya Asher.

"Don't fucking bring up the past old man! Tanggapin mo nalang na hindi napasayo ang Mama. She doesn't even deserve someone like you." mariin at bakas ang pagtitimpi sa bawat salitang binibitiwan ni Kuya Asher.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa narinig. sa bawat pagkabog ng aking dibdib ay mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Kuya Luke with his stone-like facial expression arrives. May mangilan ngilan na nagbubulungan na sa di kalayuan.

Ang kaninang nakangiting mukha ng matanda ay unti-unting nabahiran ng pagngiwi sa narinig.

"Oh really, boy? Tell me. Gaano kalawak ang nalalaman mo sa nakaraan namin ng Papa mo?" the old man mockingly laughs.

Mabilis kong ibinaling ang aking mga mata kay Kuya Asher para hintayin ang magiging sagot nito ngunit tanging ang mariin na pag-igting lamang ng panga nito ang aking nakita.

Muling humalakhak ang matanda.

Bahagya akong kinabahan nang malingunan si Damon na ngayon ay nakatayo na pala sa likuran ng kanyang Ama.

"Your father knows what originally belongs to me, boy. Kung hindi lang niya ako sinet up kay Marcella na kaibigan niya ay hindi sana nagkaganito ang lahat. We were best friends before, just so you know." the cold baritone voice of the old man filled my ears.

Walang pasubaling tumalikod ang matanda at dahan dahang naglakad palayo.

Sa halip na kabahan ako sa sitwasyon ay mas kinabahan ako sa paninitig ni Damon sa tabi nito.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin at hinimas ang braso ng aking nanggigigil na kapatid.

"Damn that old man! Sinasabi niya bang kahit na kailan hindi niya minahal ang napangasawa niya. At talagang nakayanan niya 'yon sabihin sa harap ng anak niya. Fuck!" iritadong utas ni Kuya Asher bago padabog na naglakad palayo sa aming table.

"Oh my gosh. I heard may tension daw na naganap dito!" umeeksenang boses ni Pristine habang patungo na sa aming table.

Nanlalambot ang aking mga tuhod nang umupo ako sa aking upuan.

Mabilis na tumatak sa aking isip ang mga katagang binitawan noong matanda bago natapos ang tension.

Dahan-dahan kong hinagilap ang isang basong tubig sa table at ininom ito ng diretso.

Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman. At kahit na medyo naguguluhan pa ako ay mabilis na naproseso ng aking isip ang posibleng nangyari noon kela Dad.

From what the old man just said earlier, Mom originally belongs to him. Ibig sabihin ay posibleng magkarelasyon pa ang dalawa noon. At si Dad ang sumira sa dalawa.

Ayaw ko mang isipin pero malaki ang tiyansa na si Dad ang may kagagawan ng lahat. Posibleng naiinggit si Dad kaya nagawa niyang iset up ang kanyang matalik na kaibigan sa ibang babae para lamang makuha si Mommy.

What a dirty play by my Dad.

Nanlaki ang aking mga mata sa realisasyon at napatakip na lamang ng bibig.

Hindi makapaniwala sa pinagmulan ng away laban sa mga Ortega.

Abala ako sa pagsimsim ng juice nang maaninag ang pag-aakyat ng mga kalalakihan sa isang may kalakihang hugis ng kahon na tinatabunan ng isang makintab at pulang tela.

Nanlalaki ang mga mata at naghihisterya akong kinalabit ni Pristine sa aking tabi.

"Hmm?" tinaas ko ang aking kilay habang dinadama ang pagdulas ng malamig na likido sa aking lalamunan.

"My gosh. Ano kaya ang nasa loob niyan? Baka mapalaban ako nito ah." nagagalak na itinuro nito ang kahon na natatabunan ng pulang tela sa harapan ng lahat.

Bahagya kong ikinunot ang aking noo sa narinig bago saglit na tinapunan ng tingin ang pulang kahon sa harap.

Sa paligid ay kapansinpansin ang pagkamangha ng lahat.

"Anong meron? Bakit kayo namamangha?" tanong ko ng balingan si Pristine na ngayon ay diretso ang tingin sa kinaroroonan noong kahon.

"It's bidding time, Elle!" kinikilig nitong utas.

Ilang tunog ng tila pagsubok sa mikropono ang nagpatitig sa akin sa stage. Doon ay nakita ko ang ang pagtayo ng beteranong emcee.

"Esteemed ladies and gentlemen! To formally start our auction, let me first explain where the money will go..." pormal na pag-aanunsyo ng emcee bago ipinaliwanag kung saang mga charity works at foundation mapupunta ang mga pera.

Ilan sa mga nabanggit na foundations ay pamilyar at opisyal na kinikilala ng bansa hindi lamang dito kundi pati narin sa iba pang bansa.

"Ladies and gentlemen! I hereby open the auction!" kasabay ng pag aanunsyo ay ang pagtatanggal ng pulang tela sa kahon at ang pagsilay sa aking mga mata ng maka kabog pusong necklace na nakasabit sa isang mannequin sa loob ng kahon.

Kaagad na nagtayuan ang mga tao sa paligid para tingnan ng maigi ang nasa loob ng kahon.

Sa gilid ng aking mga mata ay ang pagtayo ng partner ni Damon at ang pagturo nito sa nakikita.

Namamangha ang mga mata nito habang pabalik balik tingin mula sa kahon at sa lalaki na ngayon ay makahulugang nakangiti pabalik rito.

There my heart goes again. Experiencing the back and forth irritating pain.

"The Elegant and Prestigious Emerald Drop Diamond Necklace." dinig kong pag-aanunsyo noong emcee.

Nanatiling abala ang aking mga mata habang pinunuod ang dalawa sa hindi kalayuang table.

That painful feeling when you watch him being happy with her.

Dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib sa bigat na nararamdaman. Sa bawat segundong lumilipas ay mas nararamdaman ko ang pagbabara sa aking lalamunan.

The way her hands gracefully touches Damon's huge biceps makes me want to explode in an unexplained sadness.

Why is my heart hurting terribly like this? When he is not even mine to own.

Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa magagarbong mga chandelier sa itaas.

Trying to stop my eyes from releasing a fresh tears of sadness.

Yeah, I shouldn't be jealous, you were never even mine.

"Oh my gosh! I want it but... I think that necklace belongs to the queen of emeralds like you!" nagagalak akong niyugyog ni Pristine.

Matamlay ko itong nginitian bago umiling sa kanyang ideya.

"You looked pale! Oh my gosh, are you alright?" kunot noo nitong sigaw dahilan para ang mga mata ng mga tauhan sa aming table ay bumagsak sa aking pwesto.

Magtatanong na sana sina Kuya Asher at Kuya Luke nang mabilis ko itong inilingan at inunahan na ng paliwanag.

"I'm fine. May iniisip lang ako." tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"If you're thinking about what happened earlier. Just stop. It's just a waste of time." ang malamig na boses ni Kuya Asher

Marahan akong tumango bago binalingan ang stage.

"The prestigious necklace is designed only by a kid in our trusted foundation..."

Muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Damon.

And I saw how she hugged him tightly like she was already used to it.

I tried to breathe really deep to save my heavy heart from sinking. Due to overthinking.

Nothing hurts more than being disappointed by the single person you thought would never hurt you.

"Starting price... Five million. Any advance?" anunsyo ng emcee bilang pagsisimula sa bid.

Ang ilang mga businessmen ay nagsisimula nang itaas ang kani-kanilang mga kamay para mag bid ng mas mataas na presyo.

"Sixmillion!"

"My wife likes it so... seven point five million."

"Nine million for my youngest sister!"

Dinig kong sigaw ng mga businessmen sa hindi kalayuan.

Patuloy naman sa pagyugyog si Pristine sa aking braso para pilitin akong makisali s bidding.

"Nine million? Sino pa lalaban?" tanong ng Emcee.

"Elle, I swear bagay sayo yung necklace! Come on minsan kalang naman gagastos! Di tulad ni Luke na waldas ng waldas ng pera niya sa mga babae!!" hagikhik ni Pristine na bahagyang gumulat sa akin.

Kailan pa niya nalaman na napaka gastos ni Kuya Luke?

"Fifteen million." kaagad na natahimik ang paligid sa mabigat na boses ni Damon.

Mabilis ko itong nilingon at nakita kung paano niya binigyan ng isang matamis na ngiti ang katabing babae.

Ang kaninang nasasaktan kong puso ay parang sinipa na ngayon ng kabayo sa bilis ng pintig.

Pinuno ko ng hangin ang aking sarili at kunot noong ibinalik ang tingin sa aming table.

"Oh no. Are you going to let Damon win the necklace for her?" Pristine's evil laugh is like a fuel refilling the darkness I'm feeling inside.

Halos tumirik ang aking mga mata sa pag-irap sa ere.

Wala narin akong narinig pa na ibang businessmen na nagpataw ng mas mataas na presyo.

"Fifteen million para kay Mr Ortega. Sino pa ang papalag?" anang Emcee bago isa pang businessman ang pumalag.

"Twenty million, Mr." makisig na boses ng isang lalaki sa pinaka harap.

Ang ilan ay nagsisimula nang pumalakpak dahil sa tumataas na bid. Muli kong pinatirik ang aking mga mata nang marinig angpilosopong pagtawa ni Pristine sa aking gilid.

Pinilit kong magpokus sa mismong stage kahit na walang tigil ang pagpaparamdam ng nababaliw kong kaibigan.

Narinig ko naman ang pagtawa nila Kuya Asher at Kuya Luke sa isang gilid. Tila may sariling topic ang mga ito at walang pakealam sa nangyayari.

"Aw... Ang sweet naman ni Damon at noong girl. Talagang may cheek to cheek pa!" tila pako na bumaon sa aking tenga ang mga sinabi nito dahilan para mapalingon agad ako sa dalawa.

Ngunit hindi ang cheek to cheek ang aking naabutan. Kung hindi ang mismong matamis na pagtatawanan ng dalawa sa isa't isa habang ang mga mata ay magkatitig.

Awtomatiko kong ipinikit ng mariin ang aking mga mata at hinilot ang sentido. Trying to convince myself not to explode.

"twenty-two million." dinig kong sigaw ni Damon.

Ilang segundo pa ay nagpalakpakan na ang mga taon sa paligid.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para tignan ang nagaganap.

Sa harap ay ang pag-iling noong businessman na kanina lang ay matapang na isinigaw ang kanyang bid.

"Ang saya nung date ni Damon oh. Yakap ng yakap." sarkastikong boses ni Pristine,

Alam kong hindi iyon ang nais nitong iparating base sa pananalita pa lamang niya.

She wants me to join the bidding.

"Twenty-two million is our highest bid so therefore I conclude that the winner of the---" Umirap ako sa kawalan at pinutol ang emcee.

"Twenty-five million!" basag na boses kong sigaw bago binalingan si Damon na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at sa halip ay inalo lang ang babaeng katabi.

Bahagyang nabahiran ng hapdi ang aking puso sa nakita.

Ang mga tao sa paligid ay nagpapalakpakan na.

If you are showing to me that you don't give a fuck, then I'll show you that I'm better at it.