Chereads / Bullets of Past / Chapter 59 - I'm not

Chapter 59 - I'm not

I'm not

Nanlalambot akong bumalik sa table para kunin ang aking gamit at magpaalam.

Ngunit hindi pa ako lubusang nakakalapit ay kaagad na akong sinalubong ni Pristine dala ang nag-aalalang mukha.

Bago ito nginitian ay binalingan ko na muna ang table para tignan kung naroon pa ang leche.

"Don't worry. Wala na yung leche." she worriedly smiles bago hinagod ang aking magkabilang braso.

Nahihiya ko itong nginitian bago namin sabay na tinungo ang table.

Abala na ngayon sina Kuya Asher at Kuya Luke sa pagkain. Ang aking plato ay puno narin ng masasarap na pagkain at paniguradong kagagawan nanaman ito ni Kuya Luke.

"What took you so long? Are you okay?" pagtatanong ni Kuya Asher

Tamad ko itong nginitian bago dinampot ang aking minibag.

Their eyes immediately drifted to me.

"I'm not feeling well since this morning. And I think it would be better if I go home and rest now." pangunguna ko sa kanilang reaction.

Naramdaman ko ang pagpapakawala ni Pristine ng mabigat na hangin sa aking gilid nang marinig ang aking sinabi.

Walang tanong na tumango si Kuya Asher sa aking paliwanag. Mataray namang nakataas ang isang kilay ni Kuya Luke habang tahimik na nagkikinig sa gilid nito.

"Sasama na ako, Elle." the sincerity of Pristine's voice is hard to resist kaya tinanguan ko na lamang ito bago naglakad palayo ng table.

Palabas na kami ng building nang unti-unti kong maramdaman ang panghihina ng aking mga tuhod. Sa labas ng engradeng bulwagan ay naroon na agad ang limo at nakabukas na ang pinto nito para sa aming pagdating.

Ilang hakbang pa ang aking nagawa bago tuluyang manghina ang aking buong katawan kasabay ng pag-alon ng aking mga nakikita at ang pagdidilim ng paligid.

Awtomatiko akong napahawak sa braso ng aking kaibigan bago nawalan ng balanse sa mataas na bagay sa aking paa.

"Elle... oh my gosh..." dinig kong pagpapanic ni Pristine bago tuluyang nilamon ng dilim ang lahat.

"WHAT?!"

Boses ng kung sino ang gumising sa aking natutulog na diwa.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng pagtama ng nakakasilaw na liwanag na mabilis na nakapagpapikit sa akin.

Suot ko parin ang emerald dress. Sa aking leeg ay nakatali ang isang mabigat na bagay.

Ilang segundo pa ay unti-unti nanamang gumuhit sa aking tiyan ang kakaibang pagkulo nito na siyang awtomatikong nagpabangon sa akin.

Gulat kong naaninag ang presensya ni Damon na may matigas na ekspresyon ng mukha habang katabi si Pristine na ngayon ay nakangiti at may luha sa gilid ng mga mata.

Mabilis kong pinutol ang aking mga tingin at kaagad na tinakbo ang pinto na sa tingin ko'y banyo.

I immediately open and slam the door really hard as the feeling of vomiting filled my entire system.

Sa repleksiyon ng salamin ay kaagad na nalaglag ang aking panga.

Ang kumikinang na mga diamante sa paligid ng emerald stone ay ang dumepina sa pagiging elegante ng napaka garbong alahas sa aking leeg.

Kaagad na nanggilid ang aking mga luha sa paghaplos ng kakaibang init sa aking kaluluwa.

Maagap akong tumingala at mariing pumikit habang dinadama ang kakaibang pakiramdam na umaagos sa kaibuturan ng aking pagkatao.

This love I'm feeling is beyond every emotions and happiness I felt when my Mom was still with me. The only feeling that you will once encounter in the fullness of life wherein all you could only say is nothing. But express how priceless and valuable it is to feel.

The burning passion and adoration is carefully traveling down to my shivering spine. And I can't help but bit my lips as I try to calm my tummy down.

Makailang beses na nagbanta sa aking lalamunan ang pag-angat ng asido bago ko tuluyang napagpasyahan na lumabas ng banyo.

Nanghihina kong binuksan ng dahan-dahan ang pintuan at awtomatikong napa-atras nang makita si Damon na hawak ang dalawang pregnancy tests.

Sa likod nito ay ang walang hiya kong kaibigan na nakangiting aso habang iwinawagayway ang kulay puting sexy night dress na kadalasang ginagamit sa honeymoon.

Ang taksil kong puso ay naghihisteryang tumibok ng biglang humarang sa aking paningin ang malaking pangangatawan ni Damon habang inilalahad ang nakakatakot na bagay sa kamay nito.

"If you're not going to try this. Then, I will fucking make sure you'll get pregnant tonight...." matigas na pananalita nito na nagpatalon sa aking puso.

My heart is now racing so fast as the butterflies strangely flutters my entire stomach like there was a paradise-looking garden inside it.

Kabado akong lumabas ng banyo suot na ang nightdress na bahagyang nakapagpainit sa aking pakiramdam.

Pristine is now hilariously laughing as she carries my emerald gown out of the room. Hindi rin nito kinalimutang ipaalala sa akin ang table kung saan inilagay ni Damon ang mga pregnancy test.

Sa malamig at kulay asul na pader ako ay napasandal. Iniisip kung paano magbabago ang takbo ng aking buhay kapag lumabas ang nakakatakot na dalawang linya sa mga iyon.

Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi bago nilapitan ang mesa.

May kung anong idinudulot na kiliti sa aking tiyan ang pag-iisip na may makakakulitan na ako pagkatapos ng ilang buwan. Iyon ay kung magiging positibo ang resulta.

Hmmm...

Ano kaya ang mas okay; babae o lalaki?

If it's a boy, I would be glad to imagine that he will look as exactly as his father. Ang kaso lang ay magdodoble ingat ako para hindi ito matulad sa malandi niyang ama.

I rolled my eyes so hard.

Kapag naman babae--- Oh my georgina! Mapapa hashtag 'Like mother, Like daughter' ako nito!

Pahapyaw akong napangiti sa ideya bago narinig ang pag-kabog ng pinto sa aking likuran.

I immediately cover my defined nipple as I turn my head around.

Damon's eyes immediately drifted on my shape before he fiercely looks at the table where the pregnancy tests are located.

Halos mapatalon ako sa kaba nang bumalik ang mga mata nito sa akin na may kasama nang pagliliyab.

Walang pag-aalinlangan kong dinampot ang mga pregnancy test at mabilis na tinakbo ang banyo para ikulong ang sarili.

Mabilis kong ginawa ang mga instructions at pagkatapos ay naghintay ng halos isang minuto dala ang kakaibang saya at kaba na patuloy lang sa pag-agos sa aking sistema.

Namumutla kong tinitigan ang aking sarili sa salamin habang tinitignan ang damit na ipinasuot ng aking walang hiyang kaibigan.

I can't believe na ganito ito kasuportado sa amin ni Dam kahit na alam naman nito ang sitwasyon ng aming mga pamilya.

I gracefully sway my sexy night dress.

The way how it fits my shape is an unforgivable sin to see. I can't help but blush every time it defines my nipple. Bakit ba kasi may ganitong klaseng damit na naimbento.

Am I really going to face that guy while wearing this thin thing?

Matapos pansamantalang titigan ang sarili sa salamin ay awtomatikong nalaglag ang aking panga nang malingunan ang pregnancy test na inilgay sa gilid ng sink.

Nabasag ngunit unti-unti ring nabuo ang aking puso nang makita ang resulta sa ibabaw nito.

Kaagad ko itong kinuha at harap-harapang tinitigan para kumpirmahin kung totoo ba talaga ang nakikita.

Binalot ng lamig ang aking katawan habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.

Pahapyaw akong humugot ng malalim na hangin bago napasandal sa malamig na pader habang ang gilid ng mga mata ay lubhang nag-iinit dahil sa takot at kabang nararamdaman.

Mabilis na lumandas sa aking pisngi ang mga nagbabadyang luha kasabay ng awtomatikong pagtakip ng kamay sa bibig.

Samu't saring pakiramdam ang siyang naghari sa aking puso habang hindi parin makapaniwala sa nakikita.

Please don't get me wrong, little thing.

I immediately grab the last pregnancy test left and did the same thing.

Ilang segundo akong naghintay habang napapailing sa mga ideyang pumapasok sa aking utak. Hanggang sa unti-unti na akong sinipa ng mga problema.

Like how I'm going to tell my family about this little angel sleeping inside me. And how am I going to explain what happened and how we started.

Still, what hurts the most is the idea if there will be an acceptance after this.

But, who cares now?

There's no need for me to make a selfish decision. I need to think twice and thrice if it's the best for my baby.

Nang muling lumitaw ang dalawang linya ay walang pag-aalinlangan akong lumabas ng pintuan para hagilapin si Damon.

Ang buong akala ko ay matatagpuan ko itong naghihintay sa labas ng pintuan.

Ngunit nabigo ako sa bagay na iyon.

Awtomatiko akong lumabas ng kwarto nang masigurong wala nga ito.

With my bare and innocent foot. I glided like a tigress to search for him.

Pero walang ni-isang tao akong nahagilap kahit na sa mismong kitchen. Even Pristine is not here too.

Nakangiti ko paring hinalughog ang buong lugar sa pag-iisip na posibleng pinagtataguan lamang ako ng mga ito o kaya naman ay pinagti-tripan. Especially, Damon.

Ganoon naman kasi talaga siya noon pa man. Mahirap na nga hagilapin, mahilig pa sa laro.

Tumatagiktik na ang pawis sa aking noo matapos paulit-ulit na halughugin ang bawat sulok nitong condo.

Ang natitirang pag-asa sa aking puso ay pilit kong pinanghahawakan kahit na dama ko na ang sobrang pagod.

Ilang ulit ko itong hinanap muli ngunit hindi ko na talaga kaya at baka nakakasama na sa bata ang pagod na nararamdaman.

Mabilis kong kinuha ang minibag sa ibabaw ng aking emerald dress na nakalatag sa kabilang sofa.

Pagkabukas ko pa lamang nito ay bumungad sa aking harapan ang naka open na app ng aking social media account.

Warm and burning feeling filled my heart as I seriously look at the most recent photo uploaded 3s ago.

The way how his hand rests on her waist and the way how they look at each other's eyes totally broke my heart.

The caption says "Her..." puno ng samu't saring pumupusong emoticon ang sumunod sa caption na mas bumasag sa aking puso.

"Kaya ba niya ako iniwan ay para lang maisayaw ang babaeng... iyon?" parang pinipiga ang aking puso sa sariling tono ng pananalita.

She's that important, huh?

MORE IMPORTANT THAN KNOWING THE RESULT OF THE PREGNANCY TEST.

And it's positive.

What the hell.

Nanggilid ang mga nagbabagang luha sa aking mga mata.

I'm so broken that I can actually feel it. I mean, physically feel it. This is so much more than being sad now. This is affecting my whole body.

So I'm not that important to him at all. That's why he left me in the air like this. Akala mo kung sinong determinado habang ipinipilit na gawin ang test.

May nalalaman pang "I will fucking make sure you'll get pregnant..." yun pala balewala lang din.

At some point, you have to realize that some people can stay in your heart, but not in your life.

Dami mo palang alam na salita, Damon Ortega.