Chereads / Bullets of Past / Chapter 55 - Red Carpet

Chapter 55 - Red Carpet

Red Carpet

I have no choice but to tell them the complete details of everything and why it happened. Sinabi ko rin ang mga nakaraang mga pagtatangka sa aking buhay maging yung nangyari sa school noon. At kung paano ipikakilala ni Hugh ang kaniyang sarili.

Hindi ko rin nakalimutang sabihin ang issue kay Ana.

Natural na reaksyon lamang ang ipinakita ng aking mga kapatid sa parteng iyon. They told me na noon paman ay pinipilit nang makipagkumpitensya ng kumpanya nila Ana sa amin.

Hindi nga lang nila inaasahan na magiging ganito ito ka desperada at aabot sa puntong ubusan na ng buhay.

Pero ang pinaka hindi pinalagpas ng aking mga Kuya ay ang paglilihim ko sa aking mission. They were both furious about it.

"Why didn't you inform us with your mission? Kung hindi pa ata ito nangyari ay baka hanggang ngayon bulag padin kami at nananatiling nangangapa sa mga rason kung bakit puro ikaw ang napapahamak, aside from the fact that you are our weakness."

Kuya Asher's angry voice echoed in the entire library.

Pabalik-balik namang naglalakad si Kuya Luke habang umiiling.

Nakayuko ako habang tinititigan ang mga band aid sa aking dalawang paa. Mabuti na lamang at galos lang ang aking natamo mula sa pagtakbo ng walang saplot sa paa.

"Why did you hide this to us, Elle? Dahil ba nabulag ka sa galit mo sa nakaraan? Dahil ba mas pinuno ni Hugh ang utak at puso mo ng galit? I know may malaki din akong pagkukulang at kamalian dahil hindi ko sayo sinabi ang lahat. Pero Elle, It's all for your good. And then this? Naglilihim ka na?"

Nanatili akong nakayuko habang tinatanggap ang mga sermon ni Kuya Asher. I can't help but feel guilty.

Alam kong mali ang ginawa kong pagtago sa kanila at alam ko rin sa simula palang na hindi makabubuti ang aking magiging desisyon. But I just want to prove that I can also stand in my own feet and stand beside my grave too. Ayoko namang manatili nalang na nagtatago sa kanilang anino. Ayokong maghintay nalang sa isang silid habang sila ay abala sa paghanap ng paraan para makamit ang hustisya sa aming ina.

She's also my mother. And I can't just stay in a place where I'm being spoiled by things I never asked to have. I also want to make a move, and the move I decided to do is what I think the best and only way I can search for justice. So far, it's the biggest mistake I did in the eyes of my brother.

I feel so belittled whenever they secure me with their power.

But for me, I can't find a reason to regret everything I did. Somehow, it gives a heavenly relief in my heart. Because finally, in my entire life, may nagawa akong decision na kung saan ay may malaking aral na inihatid sa akin. Dito ko rin nakilala ang mga tao na naka paligid sa akin.

And I'm thankful for everything that happened in my life. I won't regret this.

"Dude, I think that's enough. The damage has been done. What's important is she's safe. What matters right now is we discovered those persons who's trying to drag our company down." Kuya Luke finally speaks.

Bahagya ako ritong nag-angat ng tingin at nakita ang pakikipagtitigan nito kay Kuya Asher.

"Honestly, noon palang napagha-halataan ko na si Hugh. Pero dahil matagal at matibay na ang koneksyon natin sa kumpanya niya ay hindi ko pinansin." pagngiwi ni Kuya Asher.

Isang katok ang aming narinig kasabay ng pag pasok ng isang lalaki. Sa aking pagkaka-alam ay isa ito sa pinaka mahusay na agent at siya rin ang nag l-lead sa assassination troupes.

"I like the bravery of your younger sister. Kudos to you, young lady." he playfully smiled at me.

Huminga ako ng malalim at tinanguan ito.

I guess I have to leave. Surely, they have so many stuffs that's needed to be discussed right now.

"I'm so sorry for the damage. I won't hide a thing next time." the only thing I said before I stand up and leave the room.

Umaga nang mapatakbo ako sa banyo sa biglaang pag asim ng sikmura. Hindi ko sukat akalain na ngayong araw pa mismo ng event ako magkakaganito.

Inilabas ko ang lahat ng sa tingin ko ay mailalabas sa aking tiyan.

Halos maluha ako sa harap ng lababo habang hinihintay pa ang muling pag-asim ng aking sikmura.

Saglit akong napa sandal sa tiles sa aking likuran habang nakatingla at ikinakalma ang sarili. Nang umayos ang pakiramdam ay kaagad akong naghilamos.

Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin.

I look pale and unhealthy.

Ang butil ng mga umaagos na tubig sa iba't ibang parte ng aking mukha ay agaw pansin.

I can't control everything in my life, but I can control what I put in my body. I guess, I really need to improve the quality and nutrition of the food I eat everyday.

Mabilis kong ipinikit ang aking isang mata ng matapos pasadahan ng brush. Sa aking gilid ay si Pristine na abala sa pag-scroll ng kanyang newsfeed. Tapos na itong ayusan kaya malaya na nitong nagagawa ang gusto.

Ilang oras mula ngayon ay tutungo na kami sa grand event kaya naman tiyak na mainit na sa social media ang detalye.

"My gosh, Elle! For sure, makikita ko ang Cristalle Brothers doon!!!" nagpipigil itong tumili sa aking tabi.

Kahit na nakapikit ay ngumiti ako.

There she goes again, drooling over those guys.

Well, personally, I also think that those three guys were really hot. At kung papipiliin naman sa itsura ay wala akong masasabi. Because those three have their own definition of handsomeness. I just don't know if they are still single.

Come on, with that dangerous look, paniguradong hindi sila magkakaproblema sa babae.

"Try to talk to them later, then. Para naman maglevel up ang pagpantasya mo sa pictures nila." halakhak ko

"Utut mo, Elle! Gusto mong sumuka ako ng gamo gamo. Picture pa nga lang nila nagwawala na yung gamo gamo sa tiyan ko e!" taklesang sagot nito na mas nagpahalakhak sa akin.

She's always like that whenever I tease her with those boys. Sometimes hysterically laughing, but always becoming like a kung fu master. Bigla ka nalang bubugbugin ng wala sa oras.

For sure, kung hindi ako nilalagyan ng make up baka nabugbog o inalog nanaman niyan ang aking braso.

After putting my make up on, I went straight to my gown and grab it. I can finally wear it.

"Oh my gosh! Look at you..." pag sigaw ni Pristine nang makitang suot ko na ang aking emerald colored gown.

Maingat akong naglakad patungo sa salaminan. At first, it was so hard to walk. Pakiramdam ko ay mapupunit ang tela kapag nagkamali ako sa distansya ng pag apak.

Ang berde nitong kulay ay mas nagpatingkad sa aking porselanang balat. Perpekto at napaka ganda ng paglapat nito sa aking balakang. Ngunit medyo masikip na ito kumpara noong huling ko itong isinuot.

Sandali akong nagpa-ikot ikot sa harap ng salamin bago nakarinig ng mumunting yapak mula sa biglaang pagbubukas ng pintuan nitong condo.

"Hello Ladies!" I automatically turn my head when I heard Kuya Asher's voice.

Ang nakakalusaw nitong ngiti ay kaagad na nakuha ang aking mga mata. Kuya Luke behind him is busy with his phone call. Magkatagpo ang mga kilay nito habang hinihilot ang sentido.

Narinig ko ang pagsinghap ni Pristine sa pangitain. Nilingon ko ito at nahuli ang pag iling nito habang umiikot sa harap ng salamin.

"You look so beautiful as always." Kuya Asher pats my head. He is now towering over me.

I immediately tip toes and kissed his right cheek. Niyakap ko ito ng mahigpit.

Finally, after almost 10 days of not talking to each other.

Bahagyang nanggilid ang luha sa aking mga mata nang maramdaman ang pagyakap nito pabalik. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon sa braso ng aking nakatatandang kapatid.

Mabilis kong pinaypayan ang aking sarili matapos ang matagal at mahigpit na yakapan namin.

My Georgina! Why am I being so emotional.

"No more secrets, okay?" nakangising tanong nito na mabilis kong tinanguan.

Matapos ang ilang minuto na pag-aayos ng mga gamit ay napagdesisyunan na naming tumungo sa venue kung saan gaganapin ang isa sa pinaka kontrobersyal at malaking event ngayong taon.

Pristine is going to be with me at our limo. She wanted us to be together the whole event. Kuya Asher is going to be my partner at the red carpet. I actually don't know if Kuya Luke and Pristine will be compatible with each other.

Knowing the two of them... no comment.

Parang pinagsasabong na dalawang manok ang dalawa kapag nagsasama kaya naman hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa dalawa sa red carpet.

I can't help but let a light and silly laugh slip out of my mouth.

"Gosh! Elle, baka magsapakan lang kami sa red carpet. Ano nalang iisipin ng Cristalle brothers pag nakita kami." bulong nito ng bahagya kaming makalayo kela Kuya.

Kaagad akong dumistansya at nagpipigil na tumawa. Alam kong kukumbinsihin nanaman ako nito na kami nalang ang magpartner.

Well, I'd love to but Kuya Asher already insists na siya ang aking partner.

"Don't worry. Sa entrance lang naman. After that, tayo na magsasama." halakhak ko bago kinuha ang aking pouch.

Sa malayo pa lang ay tanaw na ang pagkinang at pagpatay sindi ng mga camera sa mismong red carpet. Sa gilid ay ang mga nagkakagulong paparazzi.

Minutes later, huminto ang aming sinasakyan sa red carpet na aming lalakaran.

Kuya Asher and Kuya Luke were already waiting outside.

Marahang inilahad ni Kuya Asher ang kanyang kamay matapos buksan ang pinto. Panandalian akong nasilaw sa sunod sunod na mga flash ng camera. May ilan akong narinig na tumatawag sa aking pangalan.

I'm confidently smiling as I grace the red carpet. Nang huminto kami ay pinagkaguluhan kami ng mga paparazzi.

"What are the possible reasons for your company's sudden split in Hugh's company? Is it because of the rumor that he's in a relation ship with this girl named Ana, the daughter of EIAC, ang minsang naging karibal na ng inyong kumpanya?" tanong ng nerd na reporter.

"I guess, there's no need for me to tell the reasons why. Sa amin nalang yun. As long as I know that what I'm doing right now is for the better of all, I'm completely fine with that." seryosong sagot ni Kuya Asher sa mga ito

Nilingon ko si Pristine at Kuya Luke na daig pa ang artista sa pagpipigil sumabog habang naglalakad sa red carpet. In the eyes of everyone, they both looked naturally happy. But, deep inside. I know that my best friend is cursing to the moon so bad.

"How about you, elle? This is the first time your brothers brought you in this grand event. How do you feel about it?" boses ng isang babaeng reporter na muli kong nilingon.

"Well, this is a big event. Everyone's enjoying just like me. It's a great experience. I will have the opportunity to meet and talk... with other people." kabado kong sagot

Naiilang kong tinitigan ang mga naka tutok na cellphone, recorder at rode microphones sa aking bibig. Bahagya kong niyugyog ang braso ni Kuya Asher sa kaba.

"How abou-"

"What can you sa-"

"Please excuse us." pag putol ni Kuya Ash sa mga ito

Nahihiya kong nginitian ang mga ito bago nagpatianod sa braso ng aking Kuya.

Bago pa kami tuluyang nakapasok sa venue ay muli nanaman kaming binaha ng mga paparazzi.

Almost all of their questions were directed to Kuya Asher. Tinatanong din naman ako ng mga ito tungkol sa aking suot at kung sino ang designer nito.

Isang boses ng lalaki ang tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko agad ito at nakita ang isang mukhang baguhang reporter.

Nilapitan ako nito.

"We all know that your company's relationship with the Ortegas aren't good. Is there any chance na maayos po ang lahat ng it-"

Hindi pa ito tapos magsalita nang biglang dumating si Pristine at kaagad akong hinila patungo sa loob ng venue.

Nilingon ko ang baguhang reporter na nanatiling nakaawang ang labi habang pinapanuod akong makalayo.

Pahapyaw na kaba ang dumaan sa aking dibdib.

Sa lahat ng mga paparazzi na nagtanong sa akin ay tanging ito lamang ang bumanggit sa apelyido ni Damon.

"Gosh! Kaasar talaga yung Luke na yon! Sabihin ba naman na soon to be wife niya ako!" iritadong boses ni Pristine habang hinahawi ang mga nakaharang sa aming daraanan.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ng biglang sumigaw at tumili ang mga babaeng nakahalo sa paparazzi. Halos marindi kami sa aming kinatatayuan.

Ang mga paparazzi sa aming paligid ay tumakbo at nilagpasan kami.

Kunot at nagtataka kong pinigilan si Pris para lingunin ang aming likuran.

Nanlaki ang aking mga mata at unti-unting bumilis ang pintig ng aking puso ng matanaw ang nakahintong pamilyar na sasakyan sa red carpet.

Ilang segundo pa ay tuluyan nang natabunan ng mga paparazzi ang aming paningin. Ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagbaba ng isang makalaglag panga na lalaki mula sa driver's seat.

His maroon colored suit made him look four freaking times hotter. I can see from here how girls drool over his look. Wala narin ang pasa sa kanyang pisngi. So he recovered that fast, huh?

Hindi ko maiwasang hindi kilabutan nang mabuhay nanaman ang kung anong insekto sa aking tiyan. My georgina.

Damn. I think I'm drooling too.

"Ehem. Ehem." pagtikhim ni Pristine sa aking kanang tenga.

Walang alinlangan kong nilingon ang aking kaibigan at nakita ang mapanukso nitong ngiti.

I rolled my eyes at muling tumalikod upang makapaglakad papasok ng venue.

"Oh. Em. Gee. Look at that." Pristine is giggling like a rat.

Muli akong umirap at humakbang nang bigla ako nitong iharap. Abot langit ang aking naging kaba sa takot na baka ma out of balance.

"My georgina! Pris!" I hissed bago nilingon ang tinutukoy nito.

Literal na nalaglag ang aking panga. Ang mga insektong nararamdaman sa tiyan ay parang binuhusan ng asido sa nakita.

"Gosh. She is the bearer of one of the largest Real Estate companies here in our country." Pristine's amused tone annoys me a bit.

Her pure angelic white dress perfectly matches Damon's devilish maroon suit.

Parang dinudurog ang aking puso sa nakikita. Siya yung babae na nakita kong nakayakap sa baywang ni Damon sa The Palms.

Hindi kaya... fiance niya ito.

Hollowness is the only thing left inside my heart as I watch them grace the red carpet together. Hindi sila maka usad dahil sa dami ng paparazzi na nagpupumilit para ma-interview sila.

Matapos sumagot si Damon sa interview ay ang partner naman nito ang sumagot.

Sa mga oras na iyon ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nahuli ang akin.

We stared at each other for 5 seconds until he flashes an annoying yet confusing smirk.

I furrowed my eyebrows and gave him a mocking smile before turning my back and starts walking straight inside the hall.

My heart is being stabbed by a thousand bullet as I breathe deeply.

Fucking paasa.

Wife mo to.

The next time he call me that, I will make sure that his nose is going bleed with my furious fist.