Father
"Hey. Wait up, Elle." maliit na boses ni Pristine mula sa aking likuran.
Padabog kong ibinagsak ang aking mini bag sa lamesa at iritadong naupo sa upuan. I didn't even bother to greet those people who smiled at me. All I know is I'm so freaking full with that guy.
He's so fucking annoying! And I badly want to raise my middle finger at him!
"What's happening to you, Elle? Gosh. Bakit ba ang bilis mong maglakad?" naghahabol ng hininga si Pris.
Hinila nito ang upuan sa aking gilid at umupo ng nakaharap sa akin.
Tinusok ko ng aking matutulis na tingin ang baso sa ibabaw ng engrandeng lamesa sa aking harapan. Habang taas baba naman ang aking dibdib sa sobrang bigat ng paghinga.
"Damn him! May pa smirk smirk pang nalalaman! Anong akala niya sakin, nagseselos? Hell no!"
Muli akong umirap at galit na kinawayan ang waiter sa hindi kalayuan.
"So what kung nag smirk si Damon? Bakit galit ka? Sayo ba nag smirk?" Bakas parin ang pagkapagod sa kanyang boses.
Kaagad kong naaninag ang pagngiti ng ilang tauhan sa kabilang table.
Sandali akong ngumiti sa mga ito bago pinukulan ng matulis na tingin ang aking kaibigan.
"What do you prefer, Madam? Wine or water?" Magalang na tanong ng isang lalaki na may dalang cart ng mga alak.
Huminga ako ng malalim at pinilit na ikalma ang aking sarili.
"Water, please." trying to make my voice a little calmer.
Pristine is intently watching me while patiently waiting for my response.
Mabilis kong nilagok ang ibinigay na tubig at muling iniangat ang baso para salinan.
I'm so thirsty and my heart is pounding so bad. It was caused by my sudden madness.
Remembering what he said, the night when all the guns of his men where directly pointed at me. And also, the very first time he said it when we're at the parking lot of the mall.
It made me want to puke in the lavatory.
So that's how a playboy like him moves, huh?
"So, nabanggit mo ang salitang selos." Pristine's deadly vocal made me shiver.
Kaagad ko itong nilingon at pinakitaan ng kunot na noo kahit na bahagyang guma-gapang ang kaba sa aking dibdib.
She raises her eyebrows at me.
Tumikhim ako at sinubukang magsalita ngunit mabilis nitong itinaas ang kamay para pigilan ako.
"Tell me. Kailan pa?" nanliit ang mga mata ni Pristine
Ang bumabalot na galit kanina ay natabunan ng biglang pagbilis ng pintig ng aking puso.
Napaawang ang aking labi sa magkahalong gulat at misteryosong sensasyon sa aking sistema.
An annoying smile flashes on her lips.
Kinabahan ako doon at kaagad na nanlamig kasabay ng tila pagkulo ng asido sa aking tiyan.
"My. Gosh. So matagal na... hmm." her cat like annoying voice made me shiver.
Ang asido sa aking tiyan ay unti-unting tumataas. Ang pakiramdam na aking naramdaman kaninang umaga ay heto nanaman.
Iniwas ko ang aking tingin at mabilis na kinuha ang aking mini bag.
Walang pasubali akong tumayo at tumakbo patungo sa isang babaeng organizer na malapit sa fountain ng wine kung saan naroroon ang iba't ibang klase ng dessert.
"M-...Miss! Asan ang B... Banyo?" hindi ko naiwasang mapahinto sa bawat salita dahil sa pagbabarang nararamdaman sa aking lalamunan.
She greeted me with a pleasant smile.
"That way po. Diretso, then turn right." she pointed her hand near where Damon and it's partner were both standing while having a conversation with an old businessman.
Awtomatikong kumalma ang aking tiyan nang makita ang paglapat ng kamay ni Damon sa baywang ng babae sa kanyang tabi.
The girl blushes and gave him a sweet smile.
He smiled back at her.
I shut my eyes and feel the gritting of my teeth. My heart is already swollen by the back and forth stab of pain.
If I could only show him how awful he made me feel, he would never be able to look at me in the eye again.
And I wish I could go back to the day I met him. So that I can choose to walk away and avoid him .
Because honestly, it would've saved me so much hurt and pain.
"Oh my gosh! He's looking at you!" kinikilig na bulong ni Pristine sa aking tenga.
I immediately open my eyes, only for me to be able to talk to her. Pero awtomatikong napako ang aking mga mata sa mapiligro at makalundag pusong tingin ni Damon.
His right hand is now gone and finally resting behind him. His jaw is clicking and I can feel the tension between his teeth.
Mabilis na dumaan sa aking ilong ang mabahong amoy ng leche dahilan para mabilisang umangat ang asido sa aking lalamunan.
Wala sa oras akong napatakbo while holding my mouth.
Sa pagpasok sa banyo ay kaagad kong tinakbo ang lavatory at doon ay sumuka. Napahawak ako sa pader dahil sa pwersang nararamdaman sa aking tiyan.
Sa repleksyon ng salamin ay nakita ko ang pagpasok ni Pristine at ang paglock nito sa pinto.
Pristine immediately caressed my back as I puke.
Halos hindi ko makontrol ang aking sarili sa pagkalunod. Halos ilabas ko na ang aking internal organs sa sobrang pag hilab ng aking tiyan.
Makalipas ang ilang segundong pagduwal ay nagsimula na akong makaramdam ng bahagyang pagbawas ng tensyon sa aking katawan.
Hinihingal kong tinitigan ang aking namumulang mukha at basa ng pawis.
Ang aking mga mata ay nagluluha parin dahil sa paunti-unting pag amba ng asido.
"Gosh! What the hell is happening to you? Are you sick?" naghuhuramentadong tanong ni Pristine.
Sinimulan kong linisan ang aking sarili habang pilit na isinasabay ang aking paghinga sa tamang pag alon ng aking puso.
Patuloy ako sa paglunok kahit na wala naman akong nilulunok.
Hindi tulad kanina ay kalmada na ang aking tiyan.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang naging bayolente ang aking pakiramdam nang dumaan sa aking ilong ang mabahong amoy noong leche flan.
"B-Baka may nakain lang ako na nakasama sa tiyan ko." nanghihina kong utas.
Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nito habang bahagyang naka tagilid ang ulo na tila ba may pinagmamasdan sa salamin.
Hinarap ko ang salamin at nakita ang pagbagsak ng tingin nito sa aking katawan. Kasunod ng pag-iling.
"Why?" I gave her a grumpy look.
Muling ibinalik ni Pristine ang kanyang mga mata sa akin at mabilis na umiling.
Ilang munting katok ang aming narinig sa pintuan dahilan para mapalingon kami ng wala sa oras.
Pristine went to the door. Habang ako naman ay nag re-retouch ng make up.
Nang makabalik kami sa table ay naabutan ko ang pakikipagbatian nila Kuya Luke at Kuya Asher sa isang businessman na mukhang kaedad lang din nila.
"Oh there she is! Elle, come here." ani Kuya Asher nang matanaw ako
Pristine and I immediately went to them.
Nang makalapit ay kaagad kong naaninag ang isang magandang dalagita sa tabi noong businessman.
The way how her hair flicks in the air made me want to take a picture of it.
"Oh. So She's the golden treasure behind your family's success, huh." matigas na pag-iingles noong businessman.
Ang matulis at nakakahiwa nitong panga ay kaagad na naakit ang aking mga mata. Ang bahagyang pagkakagulo sa buhok nito ay mas nakadagdag sa kanyang kagwapuhan bukod sa malalim na mga mata at matangos na ilong.
Kuya Asher heartily laughs in front of us. Bahagya akong humalakhak at umiling.
Sandali akong nagpakilala sa mga ito. Ang lalaking kausap namin ay ang nagmamay-ari ng isa sa kilalang Telecom company sa industriya.
"How about you? Who's that beautiful lady behind you? Damn. Dapat hindi yan itinatago sa likod!" sabay sabay kaming nagtawanan sa biro ni Kuya Asher.
Natatawang nilingon nitong businessman ang nahihinyang dalagita sa likuran.
"Oh. she's Diana. She's my friend." Pagpapakilala nito.
The girl smiled a bit, bago muling nagtago sa likuran nito.
Lahat kami ay awtomatikong napalingon sa harap nang umakyat sa stage ang isang beteranong Emcee. Kaagad naring nagpaalam ang kausap nila Kuya Asher para umupo at makinig sa programa.
Hindi nagtagal ay tinawag na ang mismong founder nitong event. Ang atensyon ng lahat ay naka direkta sa matandang umaakyat ngayon ng stage.
"A pleasant evening to all of you!" the old man laughed heartily.
Bahagya akong nadala sa tawa at ngiti nito. Ang iba naman ay natatawang binati ito pabalik.
Dahan-dahan kong inilibot ang aking mga mata para hanapin ang table niya. Sa di kalayuan ay nakita ko agad ito.
Ang seryosong mga mata ni Damon ay naka direkta lamang sa nasa harap.
Nang ibaling ko ang aking mga mata sa katabi nito ay halos mapaluhod ako sa aking kinauupuan. Ang aking puso ay pahapyaw na tumalon.
Nagulat ako nang makita ang mga mata nito na direktang nakatitig sa akin.
Mabilis kong binawi ang aking tingin at nagpokus sa harapan.
"Thank you all for coming and joining us here today. We are pleased to be able to welcome those of you that have been with us for some time now as well as those of you who are new to our community..."
Bigla akong siniko ni Pristine.
"Look. Kakarating lang ng pinaka Boss ng Ortega group of companies." bulong nito sa aking tenga.
Walang pag-aalinlangan kong nilingon ang entrance at kaagad na nalaglagan ng panga sa nakita.
An old man with a walking stick on his right hand is walking like a king in the red carpet.
Nanlalaki ang aking mga mata na pinanuod ito.
Siya yung matanda na naka-usap ko sa Fernwood Gardens sa QC noong naiwan ako sa mismong pond.
"Today marks our 57th annual group meeting and we are very proud to be able to host it today here in Manila with all of you. Just before we get started, I would like to express my gratitude to all of you who so generously helped us make this event come together smoothly..."
That means.... Oh my georgina!
HE IS THE FATHER OF DAMON?! SHETTT
Hindi ko naiwasang saluhin ang aking noo habang inaalala ang lahat.
Naramdaman ko naman ang tensyon sa aming table nang malingunan sina Kuya Luke at Kuya Asher na nakatingin din sa dumating. Mariin na naka igting ang mga panga nito habang ang mga mata ay puno ng pormalidad at lamig.
Muli kong tinitigan ang matanda na ngayon ay patungo na sa table nila Damon.
Damon is already standing beside the table while waiting for the old man to come. Naka pamulsa lamang ito at walang bahid ng ekspresyon sa mukha.