Chereads / Bullets of Past / Chapter 54 - Actions

Chapter 54 - Actions

Actions

Walang pag-aalinlangan akong sumunod nang lumakad si Laurence.

Hindi ko alam kung nasaan ang aking flat shoes kaya naman naka paa lang akong naglakad.

Bawat kanto ay nagtatago kami upang silipin kung malinis ba ang hallway. Sa labas ay tiyak na nagkakainitan na dahil sa sunod sunod at walang tigil na pagpapalitan ng bala.

Ang mga taong sumugod ay narito upang kunin si Damon. And speaking of Damon, papunta kami ngayon sa lugar kung saan siya ikinulong.

Si Hugh at Ana na mastermind ng lahat ng ito ay kanina pa pala nakatakas bago sumugod ang mga armadong tauhan ni Damon.

Laurence keep on telling me that we have to leave bago pa kami mahuli sa oras pero pinilit kong unahin muna na puntahan si Damon. Kaya naman nang nasa harapan ko na ang pinto ay walang pag-aalinlangan ko itong binuksan.

Abot tahip na ang kagustuhan kong makita siya. Kaya nang bumukas ang pinto ay mabilis akong pumasok at napahinto nang makitang nakataob ang upuan.

Ang mga kadenang ginamit ay nasa lapag rin. Ang mga padlock ay may mga tama ng bala.

My Georgina! Don't tell me that Hugh and Ana bring Damon with them noong tumakas sila.

Unti-unting gumapang ang kaba sa aking dibdib. Inilibot ko ang aking mga mata at mas nagulantang nang masigurong wala nga ito.

Isang malakas at sunod sunod na ingay ang aking narinig.

Halos mapatili ako sa gulat nang marinig putok ng baril sa hallway na aming dinaanan.

Walang pag-aalinlangan akong hinila palabas ni Laurence at sabay na tumakbo patungo sa madilim na parte.

Doon ay nagsiksikan kami at nagtago.

Ilang segundo ang lumipas ay nakarinig ako ng ilang mabilis na yapak papalapit sa aming direksyon nang biglang may nagpaputok ng baril kasabay ng pagbagsak ng isang duguan lalaki sa aming harapan.

Laurence immediately covers my mouth. Takot kong tinitigan ang walang buhay na lalaki sa aming harapan.

Nang wala ng tao sa hallway ay muli kaming tumakbo hanggang sa unti-unti kong natanaw ang isang pinto.

Bago pa kami makalapit doon ay kaagad akong hinila ni Laurence kasabay ng paglapat ng tatlong bala sa pinanggalingan ng aking anino.

Laurence immediately shoot the two men. Binaril din niya agad ang door knob ng pinto at kaagad naman itong bumukas.

Dama ko ang malamig na mga damo sa aking paa nang baybayin namin ang kalawakan ng likod ng bahay. Mainit parin ang palitan ng bala at makikita mo mismo ang mga repleksiyon ng patay sinding liwanag mula sa mga baril.

Patungo kami ngayon sa mapunong parte. I don't know if this is the right place for us to hide because there can be a big possibility na may kalaban din dito.

But I have to trust Laurence in this part. There's no safe place in any part of this place kaya naman sa siwasyong ito, kailangan mong pag-isipan ng mabuti ang gagalawan mo. And I believe that Laurence is intelligent enough to solve this problem based on his experience in the past.

Hindi pa kami lubusang nakaka punta sa gubat ay hinabol na kami ng bala sa lupa.

Masakit na ang aking paa sa kakatakbo at ramdam ko na rin ang labis na panghihina ng aking katawan.

I just really hope na matapos na ang lahat ng ito. Because I think anytime I might faint due to too much tiredness.

Nang makapasok kami sa gubat ay mabilis kaming nagtago sa likod ng isang malaking puno. Parehong naghahabol ng hangin sa bilis ng mga pangyayari.

Laurence reloaded his gun bago sumilip para barilin ang mga sumusunod sa amin.

"Run, Elle! Save your life!" nagulat ako ng bigla niya itong isigaw kasunod ng pag ulan ng bala sa aming direksyon.

Mabilis ko itong inilingan at hinugot rin ang aking baril para barilin ang dalawa mula sa gilid.

"Elle, follow my damn order!" he shouts bago muling nakipagbarilan.

Doon na nagsimulang mag-init ang aking mga mata. Mariin akong umiling ang binaril ang tatlong biglang sumulpot sa kabilang gilid.

"NO! I WON'T! UNLESS YOU ARE WITH ME!"

Napapaos kong isinigaw habang pinipiga ang aking puso sa pinaghalong takot at galit. I can't let him sacrifice his life for me.

Kung lalaban siya ay lalaban rin ako. Sabay kaming aalis kapag naubos na ang mga ito.

"Shit, Elle!" sigaw ni Laurence bago ako hinarap at galit na hinawakan sa magkabilang braso at niyugyog.

Ang kanyang mga mata ay puno ng pinaghalong lamig, takot, at galit.

Mariin akong umiling at galit rin itong tinitigan pa balik.

Tumakas ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"I know you're a smart girl. So, please." He pleaded.

I saw tiredness in his eyes. It breaks my heart.

"No. We can do th--" matapang kong sagot ngunit hindi niya ako pinatapos.

"Shh... Baby girl, thank you for trusting me even after what I've done to yo--" He smiled at me.

"No. Don't say that. No--" I didn't manaage to finish what I'm saying when He pats my head and mockingly laugh.

Panandalian kaming nagtitigan nang biglang pumutok ang puno malapit sa aking gilid dahil sa lakas ng baril na gamit ng mga armadong lalaki.

Malutong na mura ang pinakawalan ni Laurence bago nilingon ang mga parating na kalaban.

"Just run... NOW!" parang kulog itong sumigaw kasabay ng muling pagbaril sa gilid.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ang dami ng pararating. Nanlamig ang aking katawan sa sobrang takot.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo habang ang mga luha sa aking mga mata ay panay ang pag-agos.

Nang makalayo ay nilingon ko si Laurence na panay parin sa pagbaril.

Kaagad akong napahinto nang makita ang pagbagsak nito. Balak ko sanang bumalik pero nang makita ko ang pagpaligid sa kanya ng mga armadong lalaki ay muli akong napaatras.

I can't go back. Masasayang ang pagsasakripisyo niya para makatakas ako.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago muling tumakbo.

Thank you, Laurence for this. I swear, I will return with my Kuyas to save you. Just hang on!

Hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig na ako ng isang putok ng baril.

Nanlalaki ang aking mga matang huminto at nilingon ang pinanggalingan nito kahit na wala na akong makita dahil sa distansya.

Nanginig ang aking kamay habang hawak ang baril. Hindi ko maiwasang hindi mapahikbi habang nakatakip ang isang kamay sa aking bibig. Pahapyaw akong tumakbo.

Please make sure that you are still alive. Babalikan pa kita Laurence! Make fucking sure that you're still alive!

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo. Bumagal ang aking pagtakbo hanggang sa naging lakad na lamang.

I feel like my heart is being stabbed by bullets while I'm running for my life.

Kaagad akong napahawak sa isang puno nang umalon ang paligid.

Dahan-dahan akong napahilig sa puno nang bahagyang magdilim ang aking paningin.

I bit my lip really hard. Hindi ako pwedeng manghina ngayon. Please, not now.

With all the strength that's left inside me, I turn around and tried to walk.

Little by little. My vision is getting worse.

Hindi ko maintindihan kung bakit madalas ko itong nararamdaman ngayon. Siguro ay dahil sa itinapal sa aking bibig kanina.

I just really hope na walang drugs iyon.

Isa pang hakbang ang aking ginawa nang pansamantalang magdilim ang aking paligid. Nangatog ang aking tuhod at napa upo na lamang ako.

Ang pagtunog ng mga tuyong dahon ay aking narinig sa paligid kasabay nang biglaang pag tunog ng mga naka kasang baril.

Hindi kaagad ko nakapag angat ng tingin dahil sa sobrang pagkahilo.

Saglit kong mariin na ipinikit ang aking mga mata.

Sa kabila ng bigat na nararamdaman ay pinili ko paring mag-angat ng tingin.

Namutla ako nang makita sa aking harapan ang mga nakatutok na high power gun. Kahit na umaalon ang aking panignin ay inilibot ko ang aking mga mata.

Napapaligiran ako ng mga armadong lalaki.

"So. You're the one who planned all of this."

The voice behind me made my entire body shiver. Somehow it gives relief to my pounding heart.

Hindi ko na ito nilingon pa. There's no need for me to see him. I just want him to be safe. And I'm glad with the idea that Hugh and Ana didn't bring him with them. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ideyang iyon.

Sa gilid ng aking mga mata ay ang pag lakad ng sapatos nito sa aking gilid. Muli nanamang may nabuhay sa aking tiyan.

Damn. Kahit na ganito na ang aking sitwasyon, wala paring pinipiling lugar ang mga ito.

Sa aking harapan, siya ay huminto.

Hindi ko na maramdaman ng maayos ang mga paru-paro sa aking tiyan dahil sa sobrang pagod.

"Elle." his authoritatively mad voice silenced everything that I'm hearing.

Kahit yata ang gamo-gamo ay napapasunod nito sa kanyang utos.

Hindi ako nag-angat ng tingin. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi dahil hindi ko na ata kakayanin pang mag sayang ng enerhiya.

"Get rid of your guns!" si Damon

Napapikit ako sa maawtoridad nitong sigaw.

Ilang segundo pa ay narinig ko na ang kaluskos ng nagbababaan na mga baril sa paligid.

Biglang dumaloy sa aking sistema ang kakaibang sensasyon na may pinaghalong takot at saya. Hindi ko alam na ganoon pala katibay ang aking puso para pumintig sa iba't ibang taas at baba ng alon ng mga pangyayari.

Mas kinabahan ako nang makita ang unti-unting pagluhod ng isang tuhod ni Damon sa aking harapan. Kasabay ng paglitaw ng kanyang katawan na ngayon ay may saplot nang itim na sando.

"Don't you dare point your guns to my... wife." Pabulong nitong sinabi ang huling salita na naging dahilan para mag-angat ako ng tingin.

Kung kanina ay abot langit na ang kiliti na aking nararamdaman sa mga paru-paro sa aking tiyan. Ngayon ay halos sumabog na ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay ang galit na ekspresyon ng kanyang mukha.

Mga matang may bahid ng galit at pagtitimpi. Ang kanyang panga na mariing umiigting. Mga labing kahit na may pasa ay makikitaan parin ng lambot.

His expression stabbed my heart. And I didn't even notice that my eyes were already teary.

The only thing I can see right now, is the straightforward hatred in his eyes.

"Stop saying those sweet things. Unless you mean it."

Mabilis kong pinutol ang aming pagtitinginan. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Pilit na sinusubukang ikalma ang sarili sa pag-apaw ng boltahe sa buong katawan.

"Thank God you are safe..." bulong ko

The back and forth stabbing of pain in my soul is just so hard to bear.

The memory of him gracefully staring at that woman is playing right before my eyes.

How can he even have a gut to call me 'his wife' when deep inside, he didn't mean it at all.

There's a big difference between words and actions.

The mirror of a man's heart is his actions.

"Oh...Why? Is it because that man is greater in bed?" he annoyingly laugh in front of me

I glared at him.

Nalaglag ang aking panga sa narinig at natagalan bago ko ito nabawi.

"What the fuck are you talking about?" malutong at mariin kong balik.

Kahit na madilim ay nakita ko ang mariin na paglapat ng galit sa kanyang pigura.

Ang umiigting nitong panga ay nagdudulot ng pahapyaw at nakakakiliting atake sa aking tiyan.

"Would you mind explaining to me why did this happen? What were you and that bastard planning, huh?" pambabalewala nito sa aking tanong.

"I have nothing to explain. You are not worth of my explanations." nagtatangis ang aking panga sa pagkairita.

"I already asked you if. you. are. hiding. something. to. me. And you really let things fall in this situation, huh? How confident." maririin ang bawat na pagkakabigkas nito sa mga salita.

Kunot noo akong nag-angat ng tingin. The image of him and his gun mans made me think of how many people lost their lives including Laurence.

"My Georgina! I am not the one who planned all of this. I didn't even expect that I'll see you here. Basta sinundo nalang ako sa condo! That's it. Muntik pa nila ako ipalapa sa mga tauhan nila!" iritado kong sagot

"Boss! Kailangan na nating umalis!" sigaw ng isang lalaking payat at tumatakbo dala ang isang mahabang baril.

Nanatili ang kanyang mga mata sa akin habang ako naman ay nilingon ang paparating.

"Bakit, Drei?" tanong naman noong isang naka shades sa gilid.

Hinihingal na tumalungko ang bagong dating na lalaki bago nilingon direktang nilingon ang lalaking nasa harapan.

"Boss, parating na ang mga Interior!" sigaw nito na nagpa-alarma sa lahat.

Nanlalaki ang aking mga mata na nilingon si Damon. Halos magtatakbo naman ang aking puso sa gulat nang makita ang diretso at lasing na paninitig nito sa akin.

Bigla siyang sumenyas ng kung ano sa ere, kasabay ng mabilis na pagtakbo ng mga armadong lalaki sa paligid patungo sa madilim na direksyon.

"We're not yet done. I'll make sure you will pay for this mess." his cold baritone voice send shiver down my spine.

Mabilis itong tumayo at naglakad patungo sa tinakbuhan ng mga armado nitong tauhan.

Ilang segundo ay dumating nga sila Kuya Luke at Kuya Asher. Sinalubong agad ako nito ng yakap.

Ang aking mga mata naman ay nanatiling nakatitig sa lugar kung saan naglaho si Damon.

Malakas ang pagkabog ng aking puso sa mga sinabi nito. At kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

He left me... with those words.