Right
"Here. Drink this." inilahad ni Kuya Asher ang isang bottled water sa aking harapan.
Sandali ko itong tinitigan bago kinuha. Ang mga basag na muwebles sa aking condo ay nagkalat. Senyales ng nangyaring kaguluhan kanina.
Ang nurse ay abala sa paggamot sa maliit na sugat na aking natamo noong ibinalibag ng assassin ang kutsilyo sa pinto. I didn't know na nagkasugat pala ako sa inakala kong hangin lang na dumaan sa itaas ng aking tenga. Siguro ay dahil narin sa adrenaline rush kaya hindi ko napansin ang bagay na iyon.
Ang mga agent mula sa aming kumpanya ay mariing nagsasagawa ng imbestigasyon.
Kuya Luke and Hugh were both busy analyzing the details. Ang buong building ay kinailangan pang halughugin ng mga agents na dala nila. Some were asking if they saw a wounded man. Pero as far as I know, wala paring natatalakay na importmasyon patungkol sa assassin kanina.
I just can't believe how clean and smooth that man works. Siguro'y kung hindi ako pinalad na makatakas kanina ay paniguradong isa na akong malamig na bangkay.
And this is probably my third life.
My geogina! I can't believe how risky my life is.
Biglang dumating ang isa sa unipormadong tauhan nitong building kasama ang mga agent ng aming kumpanya. Kuya Asher immediately went to their direction. Maging Si Kuya Luke ay mabilis ding sumunod.
Naiwan naman si Hugh na nakatayo at tila may malalim na iniisip.
Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan upang tanungin kung ano ang koneksyon ng mga ito. At para narin maglahad ng makabagong impormasyon sa nakuhang bala sa drawer.
Mabilis na bumagsak ang mabigat nitong mga mata sa akin. Hugh immediately stands straight and walk away.
Sa una ay bahagya pa akong naguluhan sa paglakad nito palabas ng kwarto. Pero nang makita ko ang pagtango nito sa mga agent at ang pagsenyas palabas ay kaagad kong nahinuha ang ibig nitong sabihin.
He wants us to talk. Maybe because he also has something to tell or maybe an advice.
Pagkalabas ko sa pintuan ay medyo nakalayo na ito sa bilis maglakad. Mabilis akong tumakbo para maabutan ito sa pagsakay ng elevator. Mabuti na lamang at sakto ang aking pagpasok sa malapit nang magsarang pintuan.
"Any information?" Hugh's manly voice filled the emptiness of the elevator
Hinihingal pa ako mula sa pagtakbo nang lingunin ito. Nahuli ko ang pagkunot ng noo nito at ang mabilis nitong paglaho.
The last day we talked ay iyan din ang bungad niya. Ang mangalap ng mga impormasyon tungkol kay Damon.
Now, I'm starting to think if what I'm doing is still right. I mean, what if mali ako ng pinagdududahan. What if labas naman si Damon. Oo, may gang nga iyong tao pero what if talagang ganoon na siya dati pa?
Because if there's really something wrong with Damon, sana ay nahalata ko na iyon mismo sa kanyang mansion. But, it seems like everything is fine. Nothing seems to be wrong inside his House.
Pero hindi parin talaga maiaalis ang pangamba na baka ang lahat ng aking nakikita ay for show lang.
There is something telling me na bukod sa pag-iingat ko sa aking sarili sa mga taong inaakala kong kalaban ay baka mayroon pa palang mas malalim na ugat na hindi ko pa nakikita. Ayaw ko mang isipin pero dahil sa mga nangyayari ay nagdududa narin ako sa lahat. Na baka ang mga nakangiting labi ng aking mga nakakausap ay siya na palang may masamang binabalak.
I just realized something.
Ang pagkakasunod-sunod ba ng assassination sa akin simula pa sa school, sa trip, at ngayon ay dito sa aking bagong condo ay coincidence lang? Paano nangyaring maging dito sa condo ko ay nasundan ako? Or siguro dahil simula't sapul palang ay ako na talaga ang target.
Or maybe there's an impostor behind all of these. Posibleng isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay nagbabalat kayo lamang. Well, sooner or late, we'll know.
But as far as I can see, there's nothing to worry. Siguro ay dahil sa sobrang greedy kong malaman ang katotohanan, pati na ang mga malapit sa akin ay napag iisipan ko na ng negatibo.
Still. I need to avoid trusting so much. For the better.
I sighed heavily before I started to tell Hugh what happen last night.
"Last night, isinama ako ng mga kaibigan ko sa isang party..."
How am I going to change what really happened last night? I can't just tell Hugh about what I feel and what Damon feels back to me, even if I'm not that confident to say and think that He really do have feelings.
Siguro ay sapat nang maliit na detalye lamang ang tama sa aking mga sasabihin at isa pa, may kakaiba akong nararamdaman noon pa man na patuloy kong binabalewala.
Hugh's intense gaze made me shiver.
Tumikhim ako at nagpatuloy.
"And I didn't know that it was Damon's Birthday party... Hmm...We had conversation pero hindi ganoon katagal kasi nandoon si Foxes..."
His heavy stare choked me a bit. Pakiramdam ko ay may inaabangan ito sa mga susunod ko pang sasabihin at hindi ko maiwasang hindi maalarma. Knowing a pro like him. Baka pati ang kilos at takbo ng isip ay nababasa rin nito.
"So... Nagkaroon ako ng chance... And I took that chance to go upstairs. When I'm in there, hindi ko inaasahan na paakyat na din pala si Foxes, so I have no choice but to get inside a particular room... I'm not actually sure who owns the room, But when I started to make a research... In the drawer I found this..."
Mabilis kong hinugot sa aking bulsa ang bala na nakuha at kaaga na ipinakita.
Hugh's reaction scares the shit out of me. Nanlilisik ang mga mata nito sa hindi ko maintindihang kadahilanan. Maagap nitong binawi ang bala sa aking kamay at ibinalibag sa sahig ng elevator bago paulit-ulit na tinapakan.
Sobra akong naguluhan sa ginawa nito sa ordinaryong bala. Patuloy din ito sa pagmumura na labis kong ikinagulat. I don't understand why Hugh suddenly becomes like this.
Ilang ulit pang mabibigat na tadyak bago nito pinulot ang bala na ngayon ay tila may nagbago sa panglabas na anyo.
Kaagad akong napatakip ng bibig sa nakitang pagkalagas ng outside layer ng bala. Unti-unting sumilip ang tila salamin sa sobrang kintab na dulo ng bala. Sa gitna nito ay nakasilip ang kaisa-isang logo na nagkokonekta sa lahat ng pangyayari sa aking buhay.
Ang logo na lagi kong nakikita sa likod ng sobre ng ibon na dumadalaw sa bintana ng dorm sa school. Ang logo na nakita sa katawan ng lalaking napatay noong gabing nag stargazing kami nila Pristine. Ito rin ang nakita kong logo sa cellphone ni Damon.
"This bullet is specially made just for someone who plays an important role in the mafia. Ang nalagas na unang layer ay ang built in poison ng bala. It melts inside the body once you get shot. Seriously? Ito lang ang bala niya?" Hugh hilariously laughed as he take a closer look.
Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon pero samut saring tanong ang nabuo sa aking utak.
Ano ang kaugnayan ni Damon sa logo? Ang ibon, ano ang posibleng kaugnayan nito kay Damon? At ano ang posibleng motibo ng lahat ng mga nagyayaring ito.
And what? The bullet has a built in poison. Which is located in the outer layer of the bullet. It melts inside the body to surely kill the target
Just...
What the fuck is the meaning of this?!
Isang tunog ang ipinahiwatig ng elevator bago tuluyang nagbukas ang pintuan sa pinaka mataas na palapag ng building.
"Look, Elle. Malapit nang matapos ang lahat. I just really hope that you'll stand still till the very end." He said as he walks out. His hands immediately darts on the tapping board to tap my floor number.
Tumayo lamang ito sa aking harapan bago unti-unting magsara ang pintuan.
Pero bago pa ito tuluyang sumara ay may sinabi pa ito na mas yumanig sa aking utak.
"His Father is the one who killed your Mom. And He might have been using you all this time." Hugh said as a smile flashes on his face.
Halos mawalan ako ng lakas nang magsara ang pintuan ng elevator. Pinilit kong buksan ulit ang pintuan ng elevator pero huli na ang lahat. Pababa na ang direksyon nito at kahit na makabalik din agad ako ay tiyak namang naka alis na ang chopper.
Tears immediately roll down to my cheeks as I let out a heavy sigh. Mabilis ko itong pinawi. I can't cry over such thing. Kung ang bagay na ito ay nagagawa kong iyakan, then how much more kapag dumating na ang araw na magkaka alaman na.
I just... just... really can't believe how tough my destiny is. If I could only hope that these things, everything, every single fucking thing isn't real. Siguro ay matagal na akong naging malaya sa isang problema na pilit kong tinatakbuhan.
Masikip.
Sobrang sikip.
Hindi ako makahinga sa sobrang hirap. My heart is throbbing so bad in pain. Who am I to feel this pain anyway?
Sa simula palang alam ko na ganito ang mangyayari. Alam ko na pero...
Ipinagpatuloy ko pa ang isang pakiramdam na alam kong hindi makabubuti. And now I'm already doomed by this small revelation.
Paano nga kung totoo ang lahat ng sinasabi ni Hugh? Paano nga kung totoo ang instincts ko? Should I still continue this war? Kahit na alam kong talo na ako? I know how to point and shoot a gun. But hell I can't imagine myself pulling the trigger to kill the man I love.
Yes, I fell in love with the wrong person and God knows that no matter how difficult the challenges are, I know that my heart itself can't be stopped from falling in love.
Nanghihina at walang lakas akong naglakad pabalik ng aking condo. Even the hallway of this building shouts extravagance.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob at nagulat nang bumungad sa aking harapan ang isang tensyon.
Kuya Luke is furiously mad as well as Kuya Asher. The agents were all stunned.
What's happening to them?
I immediately went inside. At nakita ang isang duguang tela na nakapaloob sa isang sealed plastic. Nakabagsak ito sa glass table na siyang tinititigan ng mga nanlilisik na mata ng aking mga nakatatandang kapatid.
"Akala ko ba isa si Laurence sa napatay sa ambush noon sa turbina? Then what the fuck is the meaning of this? That blood in the cloth is Laurence's blood!" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang kulog sa boses ni Kuya Asher.
I've seen him mad over the death of his girl, but I never thought na may mas maigagalit papala siya. And who the hell Laurence is?
"W-We don't know the complete detail--" pagdadahilan ng isang agent na kaagad na naputol dahil sa sarkastikong tawa ni Kuya Luke.
Kunot ang aking noong pinapanuod ang aking kapatid. Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila.
"So what the fuck is he doing in this building? And what the fuck is he planning to do? And why the fuck is he going to assassinate our sister? And that kid is also part of our best assassination troupes? Oh come on! You guys are making me fucking laugh!" matigas at may diin ang bawat pagbigkas ni Kuya Luke na kahit ako ay ramdam ang namumuong kulog sa kaloob looban ng mga salitang narinig.
Mabilis na gumapang sa aking dibdib ang kaba. So I was right? I WAS RIGHT. Hindi ako nagkamali sa mga hinala ko kanina! Sa technique pa lamang niya noong binabalak niya akong patayin ay alam ko nang parang may mali. May kakaiba. And based from what I've heard, that guy is part of the best assassination troupe! I was right!
Paanong... sinayang lang niya ang ganoong label at mas pinili na i-assassinate ako?
For what? Para saan? Bakit ako?
"And even the cctv footage of this building were cleared. Great! Just great! Planado ang lahat!" Kuya Asher claimed.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang kaba sa narinig.
If a man like Laurence with an excellent title trashed everything just to kill me, then how much more sa taong may pakana ng lahat ng ito?
"It's just so childish for a man like him to throw what he already has and completely betray us." iling ng isang maputi at matangkad na lalaking agent.
Siya siguro ang pinaka pinagkakatiwalaan nila Kuya na maglead ng isang grupo.
Things are getting more complicated. And I don't know what to do. My time is running out. And I'm being chased by someone I don't know.