Classy
"4"
"3"
"2"
"1"
"MERRY CHRISTMAS!!!" sigaw ng lahat matapos ang countdown para sa araw ng kapaskuhan.
Kuya Luke and Kuya Asher were both talking outside the veranda with their glass of wine. Mama and Max were now busy talking to Dad in the video call. Ang mga tauhan namin ay abala sa pagkain ng mga hinanda habang ako naman ay tamad na tinutusok ang graham ball.
Matipid kong ngini-ngitian ang kung sino mang titingin at babati sa akin. All I think about right now is kung sino ang kasama ng walang hiyang lalaki na iyon sa The Palms. And what the hell is with their hugging ang staring moments.
Fuck him! Big time!
Playboy. Paasa. Pa-fall. Feeling gwapo!
Damn that guy!
The next time that we'll meet I swear I'm going to ignore him! At kapag napatunayan ko talaga ang lahat ng ito ay sisiguraduhin kong magbabayad siya at pati narin ang pamilya niya.
I will make sure they'll pay!
Sisingilin ko sila sa buhay na ipinagkait nila sa Mama ko at sa kapatid ni Hugh!
Sooner or later malalaman ko rin ang lahat. At kapag nangyari iyon, my bullet will go straight to their body and head.
Faster than karma.
"Mama, I'm going to sleep na po" pagod akong tumayo at tumalikod.
I'm not in the proper mood to know their reactions. I just really want to rest. Napapansin ko rin ang pagiging mainitin ko ng ulo. Siguro ay dahil malapit na akong datnan.
I'm always mad like a witch whenever my period is coming.
"Okay, Hija. You look tired kanina pa." Mama's concerned tone made my head turn a bit.
I gave her a slight curl in my lips bago nagsimulang umalis sa hapag. Kuya Luke is looking at me like an insecure gay.
Matulis ko itong tinitigan.
He raise his right eyebrow and gave a mocking smile.
I rolled my eyes. I don't like his little games. Tired of it.
Mabilis na lumipas ang araw. Dumaan at natapos ang selebrasyon ng bagong taon ay abala parin ang lahat sa pag-aasikaso sa mga tila nag lahong importanteng files.
Kuya Asher is fuming mad about what happened. Nito lang din kasi ay nakumpirma nila ang pagtiwalag ng ilan pang mga expert assassins at ang pagtatanggal pa sa mga nakitaan ng mali sa ginagawa.
Kuya Luke is busy training and recruiting new members from the other companies.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyayari pero base sa nakikita ko ay may kakaiba sa mga nangyayari.
Hugh often visits our home.
Kadalasan ay kapag nasa kampo lang ako para magtraining doon ko pa lamang ito makikita.
Even my friends, hindi pa kami nakakapag get together this past few days. But one thing for sure, they are making a great noise in our group chat. Mostly, puro lalaki ang topic nila aside from the bitches they hate.
At simula rin noong araw na iyon ay bahagya nang naging mainit ang aking mga mata sa kilos at pananalita ni Ana. Sana ay nagkakamali lang ako sa aking iniisip. Pero ang hirap iwasan ng kakaibang instinct na bumubulong sa akin.
Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nilalamon ng galit.
I also talked about that matter with Pristine. And her opinion of her made me feel uncomfortable even more.
Noong isang araw kasi ay bumisita siya sa aming mansion pero hindi rin nagtagal dahil sa walang hiya kong playboy na kapatid.
Pristine told me na may lalaking nakakausap si Ana noon pa man bago nag krus ang landas namin.
She have no say about the guy kasi kahit siya mismo ay hindi pa ito personal na nakikilala. But she knows what the name of the guy. And I thought she's going to say Hugh's name, but I was wrong when she said that the guy's name was Jade.
Aminado akong nabawasan ang aking paghihinala. But I just really can't throw the fact that I heard Hugh's name directly from Ana's mouth.
I just hope that it wasn't Hugh at all. Baka mabaliw ako kakaisip kapag nangyari iyon.
Hindi nagtagal si Pristine sa sobrang pagkairita kay Kuya Luke na saktong nasa bahay lamang.
I don't know what's happening to them. Pero sa tuwing mahuhuli ni Pristine ang mga mata ni Kuya Luke ay awtomatiko niya itong iirapan.
But before she leaves, she promised me that she'll do her best para malaman ang mga pinupuntahan at pupuntahan pa lamang ni Ana.
Umihip ang makapanindig balahibong hangin. I'm lying in a lounger beside our pool. Trying to relax myself a bit while reminiscing the possibilities of interconnected happenings in my life.
I can't believe in the fact that I'm now living in my fifth life after everything that happened in the past.
First, the massacre.
Second, the shoot out at school.
Third, the plan of kidnapping me.
And last and definitely the most shivering part is the plan of assassinating me in my condo.
Hindi ko maiwasang matawa sa mga nangyaring iyon. What an ideal life of mine. Full of thrill. Maybe the triumphant of bravery of this century belongs to a queen of endless life like me.
The truth is about to come out. Sooner or later, everything will fall into place.
Abala ako sa pagmumuni-muni nang mag ring ang aking cellphone. I clicked my neck first before I reach for it.
I saw Pristine's name flashed on my phone's screen.
Huminga muna ako ng malalim. I don't know why I'm feeling fatigued and weak right now. Maybe because I'm pressuring myself too much this past few days.
"Hello, Pris." tamad kong ibinungad bago pumikit para namnamin ang paghalik ng simoy ng hangin sa aking balat.
"Woah! You sound like a lady who just finished her honeymoon! What's with that tired voice?" umalingawngaw ang tawa nito sa kabilang linya.
Kaagad akong napamulat sa narinig at napa irap ng wala sa oras. I can't believe this witch noticed my voice kahit na dalawang salita lamang ang sinabi ko.
"Nah. I'm just sleepy."
I twitch a bit and let my neck click again. Bahagya akong nakaramdam ng antok sa ginawa.
Pristine is still laughing on the other side. I don't know why she called me. Siguro ay para mangamusta o baka naman may balita na ito.
"Oh well... Baka naiistorbo na kita kaya didiretsahin ko na..." muling namayani ang pagtawa nito.
Hinintay ko lamang na sabihin nito ang sadya. Even though I'm relaxing right now, I still feel like my energy isn't raising at all, instead, it's going down and down.
"You better prepare your ass for tonight's show..." seryosong utas nito
I shifted to my sit at nag focus sa mga sasabihin pa nito.
"What show?" I curiously asked
Pris laugh mockingly again.
"This is our chance to know who that guy Ana is talking with..." mabilis na nanlaki ang aking mga mata at kaagad na napabangon sa kinahihigaan.
"Wha-What? Okay, I'll prepare. Saan ang venue ng meet up nila?"
"Sa Revel. Punta ako jan tonight." she grinned evilly.
The dress I'm wearing was as black as the sun during an eclipse, with my thin waistline and a flowing skirt that will surely fan around me whenever I twirl. The neckline didn't plunge, but rather showed off my breasts in an elegant manner, and with the diamond necklace, surely, I'm going to nail this night.
Maka ilang beses akong nagpaikot ikot sa salamin bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. It's already 10 pm in the evening and I think this night is going to be a great one.
Revel is a luxury high end club, the crowd and glamour is indeed class A. Been there once and definitely would love to come back tonight. It is a bit more reserved than Valkyrie and Pool Club, tho, but the crowds are equally wild and hype. It's a bit more sosyal and strict because of the dress code.
You can't enter the club if you're wearing shorts, unlike Valk and Pool Club, wherein it's okay to wear shorts just as long as you're wearing shoes.
"My gosh! What a classy woman!" pambungad ni Pristine nang makababa ako mula sa aking kwarto.
Kaagad akong nakipagbeso rito bago mabilis na inaya.
I'm afraid na baka magising si Kuya Luke or Kuya Asher. For sure tutol ang mga iyon. At isa pa, I'm not a little girl anymore! My gosh! I'm almost 21 years old. I'm mature enough to handle myself.
"Let's go, Pris. Bago pa magising ang kinaiinisan mong tao sa mundo." umirap lamang ito at sumunod.
Mabilis na pinaharurot ni Pris ang sasakyan nang maiset ko ang aking seat-belt. Halos mapamura ako nang umabot ang speed nito sa 90 at patuloy pang tumaas.
Wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa sa aking reaksyon. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nagpatakbo ng ganito kabilis lalo na sa gabi.
Mabilis na dumadaan sa gilid ng aking mga mata ang mga ilaw sa iba't ibang establisyemento. Ang mga sasakyan ay naiiwan lamang sa ere.
Mas lalong kumabog ang aking puso nang makita ang traffic light sa di kalayuan.
Mariin kong nilingon si Pristine na ngayon ay tumatawa parin.
Papalapit na kami nang makita ko ang pag dilaw ng traffic ligt na bahagyang nakapagpanic sa akin.
The crazy witch driver is still mockingly laughing. Halos mapasigaw ako nang makita na ang pulang ilaw. Hindi parin nababawasan ang bilis ng takbo nitong sasakyan.
"MY GEORGINA! PRIS, UMAYOS KA NGA!" I heartily shout then immediately ay nagpreno ito kaya naman halos lumipad ang aking kaluluwa.]
Ang dugo sa aking mukha ay tila naiwan sa kung saan. Hindi ko maiwasang hindi magulantang sa biglaan nitong pagpreno.
Kaagad na lumagapak sa kakatawa ang baliw na driver nang makita ang aking reaksyon.
"Gosh! Sana pala ay nai-video ko ang reaksyon mo!" muling umalingawngaw ang pagtawa nito.
Matamlay akong sumandal habang iniirapan ito. I can't believe na ganito ito ka-kaskaserang magmaneho.
My Gerogina! I thought I'm going to die!